"Ano na namang problema mo Levi ba't ka nakanguso diyan?"
"Si Sir Mike kasi ang aga-aga mainit na naman ang ulo, minsan naisip ko may regla iyang boss natin, e," nakasimangot na sagot ko kay Tessa. "Na naman? Ano na naman kayang problema ni sir?" May pagtatakang tanong ni Tessa sa akin at naupo ito sa sariling silya saka hinarap ang sariling computer. "Aba, malay ko ba sa boss nating iyan, magmula nang dumating iyong mestisang bangus kanina nagkaganyan nalang bigla." Palatak ko. "Baka nag-break sila, o 'di kaya'y may miss-understanding 'yong dalawa, o 'di naman kaya'y girlfriend ni boss Mike 'yon?" Napapaisip na saad naman ni Tessa sa kanya. "Ewan ko sa kanila, okay sana kung sila lang dalawa ang mag-away, iyong pati ba naman empleyado niya'y pag-iinitan, aba naman hindi naman yata tama iyon no, hustisya nasaan na?" talak ko, at eksakto namang bumukas ang pinto ng opisina ni Mike, kung minamalas nga naman ako. "What did you just say?" Iritadong tanong ni Mike sa akin, nakakunot ang noo nitong nakatitig sa aking mukha. "P—po?" Medyo gulat na tanong ko, pansin kong seryosong nakatingin sa akin ang nakakatakot na mukha ni Mr. Mike Montenegro. Napalunok ako at ngumiti ng hilaw dito. "Yes, sir? May kailangan po kayo?" Nakangiting kong sagot dito kahit na sabihing alam ko na kung anong susunod na mangyayari. "I said, what did you say? Hindi ako tanga Ms. Velez para hindi malaman kung sino iyang tinutukoy mo." Kunot-noo paring sabi ni Mike sa akin. Napasulyap ako sa kaibigan kong si Tessa na kunwari kaharap ang sariling computer ngunit ang totoo'y nakiusyuso lang sa iringan naming dalawa ni Mike. "Fine, aaminin ko na, paano ba naman po kasi sa tuwing may babaeng pumupunta diyan sa mismong looban po ng opisina niyo, at lumalabas diyan sa pintuan niyo lagi niyo nalang po akong dinidiskitahan na bulyawan, kung tutuusin hindi niyo naman ako sekretarya, aba naman sir hindi naman po taman 'yon 'di ba?" Hindi ko na napigilan ang sariling emosyon at talagang inilabas ko na. "You haven't done anything for this company except mess up every job you've been given. I don't know why Dad put you here, you're useless." May diing turan ni Mike sa akin sa huling sinabi nito. Kumurot iyon sa aking puso. Pinigilan ko ang sariling huwag maapektuhan sa salitang binitiwan ni Mike. "Dãmn you woman!" Gælit na asik ni Mike sa akin at mabilis ako nitong tinalikuran. Saka lang tumulo ang nagbabantang luha na kanina ko pa pinipigilan, ayaw kong umiyak sa harapan ni Mike at baka pagtawanan lang ako nito. Magmula ng mamatay ang aking ina at naulila sa pamilya Montenegro maswerteng kinupkop ako ng mag-asawang Montenegro. Pinag-aral ako ng mag-asawang Montenegro at minahal at tinuring na parang anak, at para sa mag-asawa hindi na ako iba sa mga ito. Likas na mabait ang mag-asawang Montenegro na siyang hindi naman namana ni Mike. "Levi, tahan na, hayaan mo nalang 'yon, ikaw naman hindi ka na nasanay sa boss nating 'yon. Alam mo namang araw-araw may regla iyon, gwapo sana pero ubod naman ng sungit," palatak ni Tessa habang himas-himas ang aking likod, inalalayan ako nitong makaupo sa upuan sabay abot ng tissue. "Thank you," turan ko rito. "Walang anuman, sige na work na tayo, baka pagbalik no'n tayo na namang dalawa ang bulyawan no'n, 'yon pa naman ang laging habit no'n ang laging mambubulyaw, nakaka-stress din itong si Sir Mike, kung hindi lang talaga siya gwapo matagal na akong nag-resign dito, pasalamat siya't ubod siya ng gwapo," biro ni Tessa para patawanin ako. "Lukaret." MATAMANG pinagmamasdan ko ang sariling reflection sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok, nang may marinig akong katok mula sa aking pinto. Tumayo ako at tinungo ang pinto. "Ate Levi, pwede ba kitang maistorbo, magpapatulong sana ako para sa susuotin ko sa prom namin bukas," ani Micah na kapatid ni Mike. "Sure, no problem," sagot ko at hinila ako ni Micah papunta sa kwarto nito. At nang makarating sa kwarto ni Micah ay agad na tinulungan ko ito, hindi naman mahirap mamili, dahil kahit anong damit naman ang isuot nito ay bagay rito, palibhasa'y maganda si Micah. "Nasaan na ba iyong binili ni Dad na sandals ko?" nakakunot-noong tanong ni Micah at nagpalinga-linga sa looban ng sariling kwarto nito. "Saan mo ba inilagay?" "Dito lang 'yon ate, e." "Baka nasa ilalim ng kama mo." Napahampas sa noo si Micah at napangiwi. "I forgot ate, naiwan ko pala sa kwarto ni Kuya Mike, if you don't mind ate, pwede po bang pakikuha no'n, please ate, kailangan ko pa kasing i-text ang mga friends ko." "May magagawa pa ba ako?" Naisagot ko na lamang. Kahit na sabihing labag man sa loob ko ang pakiusap ni Micah pero kailangan ko parin itong pagbigyan, palibahasa'y hindi ko matiis ang paglalambing nito, kung ganito lang sana ang ugali ni Mike malamang magkakasundo siguro kami. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng matinding kaba, umaasa ako na sanay wala si Mike sa kwarto nito, na sana nasa multi-gym ito kung saan doon ito nag-exercise. Nakita ko ang isang katulong at nagtanong dito. "Aling Sita, si Mike po nakita niyo?" "Hindi, hija, ang alam ko nasa garden yata kasama si Zero." "Ah gano'n po ba, sige po salamat nalang," sagot ko at dumiretso sa kwarto ni Mike, napansin kong nakaawang ang pintuan kaya nagdadalawang-isip ako kung papasok ba sa loob o hindi. Panigurado kasi akong magtataka si Mike kung bakit ako pumaroon. Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob, walang sumasagot kundi ang tahol ni Zero ang aking naririnig. Meaning, kung nandito si Zero nasa loob si Mike. Kung minamalas nga naman talaga ako. Ewan ko ba pero but-abot ang kaba na aking nadarama, paniguradong bulyaw na naman ang aabutin ko kay Mike. Napapikit ako sabay ngiwi at dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto. Nabungaran ko si Zero sa may carpet. Tumayo ang aso at lumapit sa akin. "Zero, ikaw lang ba ang mag-isa dito?" tanong ko kay Zero habang hinahaplos-haplos ito at iginala ko ang paningin sa looban para hanapin ang box ng sandalyas ni Micah. Tumayo ako at lumapit sa kama ni Mike patungo sa may bedside table. Wala pa rin ang hinahanap ko, napasimangot tuloy ako, napakamot ako ng sariling ulo ulo sabay nguso. "What the hell are you doing here in my room!" Galit na turan ni Mike sa akin at dahil sa pagkabigla ko ay hindi ko napigilan ang mapasigaw ng malakas. "Pwede ba 'wag kang O.A kailangan ba talagang sumigaw ka ng malakas?" Huminto ako sa pagsigaw at napatitig sa mga mata ni Mike. Tila hindi naman ako magkandatuto na nasa harapan ko ngayon, naka-short lang na jersey si Mike at sa kaliwang balikat ay may puting towel, halatang kagagaling ito sa sarili nitong multi-gym. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa six pack abs nito. "Laway mo tumulo!" Pasaring na tugon ni Mike sa akin na lubha kong ikinagulat at agad ring nakabawi sa kahihiyang natamo. "Excuse me, sanay na akong makakita ng ganyan, at pwede bang huwag kang manggulat, nandito lang naman ako para hanapin ang sandals na ipinahanap ni Micah sa'kin!" Kunwari galit-galitan kong tugon kay Mike sabay irap dito. "Nasa baba ng kama ko." "Thank you!" Saad ko at tinungo ang ilalim ng kama. Mula roon nakita ko nga ang box at mabilis na kinuha ng hindi sinasadyang mauntog ang ulo ko sa kama. "Aray naman!" Daing ko. Narinig ko pa ang pasaring na tawa ni Mike at maya-maya'y narinig ko na rin ang pagsara ng pintuan ng banyo nito, sa tingin ko ay naliligo na ang hudyo. Napasapo ako sa sariling ulo at dahan-dahang tumayo habang hawak ang box na sinasabi ni Micah. May narinig akong papalapit sa pintuan ng kwarto ni Mike at bumungad sa akin si Micah. "Nakita mo na ate?" tanong ni Micah at ngumiti ito sa akin sabay kuha sa box at mabilis na lumisan. "Thanks for this ate Levi." Naiiling na lamang ako. Mabuti na lamang at araw ng Sabado at walang pasok ibig sabihin makapagpahinga ako ng maayos, kung 'yan ay kung hindi ako pag-tripan ni Mike. Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga at iniisip kung paano ako hihingi ng permiso sa mag-asawang Montenegro na gusto ko ng bumukod mag-isa, kaya lang ay paniguradong hindi sasang-ayon ang mga ito sa desisyon ko. Naisipan kong magpahangin sa may hardin, gusto ko kasi munang lumasap ng sariwang hangin. Umupo ako sa upuan at napangalumbaba sa mesa. Paano ko nga ba uumpisahan? Napahilot ako sa sariling sentido at muli'y nagpakawala ng marahas na hininga."Ano nga palang gusto mong sabihin sa'min hija?" malambing na tanong ni Mrs. Montenegro, kasalukuyang nasa hapag-kainan kaming lahat. Tumikhim muna ako at ngumiti. Kailangan kong magkaroon ngayon ng matatag at malakas dapat ang loob. "Tita, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo, ninyo ni Tito Marco regarding po sa desisyon kong bumukod na, I know na hindi kayo papayag but please Tita pumayag na po kayo, kaya ko na naman po ang sarili." Dire-diretsong tugon ko. Napahinto ang mag-asawa sa pagnguya at napatingin sa aking direksiyon. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat. "Levi, ginulat mo naman yata kami sa desisyon mong iyan. Bakit, hija, inaaway ka na naman ba ni Mike, binubulyawan ka na naman ba niya? Napakawalang modo talaga iyang anak mo Thalia!" Kunot-noong turan ni Mr. Montenegro kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao nito. "Tito, hindi po at nagkakamali po kayo," mariing tanggi ko sa tinuran ng ama ni Mike. "Tito, nahihiya na po ako sa inyo ni Tita Thalia, sobra-sobra n
"Ano Levi, okay lang ba sa'yo ang apartment na 'to?" Masiglang tanong sa akin ni Tessa. Iginala ko ang tingin sa looban ng apartment. It has two-level studio apartment plays with a cool background pallet, allowing more unique-coloured furnishing to shine. There is wide avocado-hued sofa makes its mark on the main living area, while minimalist grey patterning and simple wooden textures give the room breathing space.Pumunta ako sa may kusina, a stencilled kitchen table make a less dramatic impact, while the thin design introduces elegance.Pumunta naman akong sa may hagdanan, the widen wooden staircase makes a statement while affording a clean, non-intrusive backdrop for other elements.Malawak at maganda at napaka-neat ng naturang apartment. Wala akong maipintas, maganda ang banyo, may maliit na bathtub at malinis. Napangiti ako, sa wakas makakabukod na rin ako sa mga Montenegro."Perfect, and it's impressive!" Bulalas ko.Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Si Micah ang tumaw
Nagising ako sa mahinang katok mula sa pinto, nag-inat muna ako bago tuluyang tumayo at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa nagbabalik sa diwa ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Mike. Inaamin kong masarap sa pakiramdam, pero masasabi ko ring imposible dahil sa hinagap hindi ang tipo ni Mike ang type niya sa isang lalaki. "Pack your things, pupunta tayong lahat sa Hacienda Montenegro nakakabuti kung doon na muna natin dadalhin si Mama para sa kalusugan niya," tugon ni Mike sa akin.Nag-angat ako ng tingin sa kausap. Kunot-noong nakatitig lang ako sa mga mata ni Mike. Nang hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa mapupula nitong mga labi, wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi."Titingnan mo na lang ba ako o ako pa ang magpapaligo sa'yo sa loob ng banyo mo?" seryosong saad ni Mike sa akin, bakas sa boses nito ang pang-aasar sa akin. "Ang kapal ng mukha mo, subukan mo at nang makatikim ka sa'kin ng suntok," galit kong sagot sabay
"Aling Melba nasaan po sina Tita?" tanong ko sa kasambahay na ngayon ay abala sa pagluluto. Since wala naman akong magawa naisipan ko na lamang na tulungan ito. "Nasa kwarto hija nagpapahinga, ang laki mo na hija, at ang ganda-ganda mo, mana ka sa mama mo," nakangiting turan ni Aling Melba sa akin, naalala ko na naman tuloy si Mama. "Aling Melba na man nambola pa wala po akong pera, pero salamat na rin," nakangiting sagot ko sabay hiwa ng sibuyas. "Totoo ang sinasabi ko at hindi ako nambobola, ikaw talagang bata ka, balita ko ikakasal ka raw kay Mike, totoo ba 'yon?" Hindi ko akalaing may pagka-chismosa rin pala itong si Aling Melba. Nailing na lamang ako sa narinig mula rito sabay ngisi. Napansin kong tila nagulat ito sabay takip sa bibig nito. "Jusko! Totoo nga pala talaga ang sabi-sabi. Paano nangyari, e, bata pa lang kayo hindi na kayo magkasundo no'ng batang iyon?" "Naku, ayoko nang pag-usapan pa iyon Aling Melba. Ang mahalaga nadala namin dito si Tita Thalia sa Hac
Paika-ika akong naglakad pababa ng grand staircase, naabutan ko sa salas sina Mike at Trisha na sobrang sweet, napangiwi na lamang ako sa mga ito. Dumiretso na lamang ako sa kusina para magtimpla ng gatas."Magandang umaga, hija, akala ko ba ikakasal kayo ni Mike, ba't may babae yang kalampungan?" tanong ni Aling Melba sa akin halatang naki-chismis na naman. "Oo nga po, kaya lang contract marriage for two years. Kung mahilig kayong magbasa ng mga apps like dreame and wattpad makukuha niyo ang ibig kung sabihin." "Contract marriage? May gano'n ba, hija?" takang tanong ni Aling Melba sa akin sabay kamot ng ulo nito na tila nag-iisip. Hindi ko napigilang mapangiti sa hitsura ni Aling Melba lalo na at hindi maipinta ang mukha nito."Oo, sa mga korean drama Aling Melba uso 'yan. Kaya next time sumama ka kay Micah para ma-gets mo ang punto ko, ang hirap sa inyo palagi na lang kayo sa trabaho. Take your time na man na manood ng mga nakakakilig na mga love stories," nakangiting tugon ko ka
Madilim na ang paligid nang huminto ang malakas na ulan. Naisipan ni Mike na bukas na lang sila babalik ng mansion dahil sigurado siyang maputik ang daan. Ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan. Napasulyap siya sa natutulog na si Levi. At pagdakay sumilip siya sa may bintana ng kubo, nang may mamataan siyang liwanag na sa tingin niya'y mga liwanag na nanggagaling sa flashlight. Lumabas siya ng kubo. Hindi nga siya nagkamali, kilala niya ang mga paparating, mga tauhan ito ng kanilang hacienda, malamang nautusan ito ng kanyang ina na sunduin sila, na lubos niyang ipinagpasalamat.Gustuhin man niyang gisingin si Levi pero hindi niya magawa. Nang makalapit ang mga tauhan sa kinaroroonan nila'y may napansin siyang may dalang towel ang mga ito, iniabot ito sa kanya at kinuha naman ng binata. "Ipinadala po kami dito ni Senyora Thalia, senyorito.""Salamat naman at nakita niyo kami, sandali lang at may pupuntahan lang ako sa loob." Maingat niyang binuhat si Levi para hind
Ramdam ko ang matipunong dibdib ni Mike sa tuwing lumalapat ang aking likod sa dibdib nito, para bang may kakaibang koneksyon na bumubuhay sa aking natutulog na diwa na siyang pilit kong binalewala. Hindi ko maiwasang kumapit pa ng mas mabuti sa tali ng kabayo. "Matagal pa ba tayo?" tanong ko kay Mike. "Bakit nagmamadali ka ba?" sarkastikong sagot ni Mike sa akin. "Ang bagal mo kasing magpatakbo ng kabayo kaya ang bagal natin, sa tingin mo kaya darating tayo sa patutunguhan natin?" "Could you please shut up! Dàmn you woman!" Inis na tugon ni Mike sabay palo kay Tigrel at hanggang sa mas naging mabilis ang takbo ng kabayo, halos nagkukumahog ako at mas kumapit ng mahigpit sa mga braso ni Mike dahil sa matinding takot kasabay naman ay ang biglang pagkulog ng malakas. Dahil sa labis na takot at gulat ay hindi ko naiwasan na mapasigaw. Nanginginig ako sa sobrang takot, at sumiksik sa dibdib ni Mike. Nang mag-angat ako ng tingin ay napansin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi
"You look gorgeous, Ate Levi, at hindi ko akalaing may itinatago ka palang ka-sexyhan," papuri sa kanya ni Micah. Napangiti si Levi habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon. Nakasuot siya ng semi-formal dress na hapit sa kanyang katawan. Mas lalong humulma ang kanyang balakang, ang kanyang alindog na sino mang lalaki'y mapapatingin sa kagandahan niyang taglay. "Thanks Micah, it's my first time wearing this kind of dress," saad niya at inayos ang neckline ng bestida. It's kind of V-line, at hanggang tuhod lang ang laylayan nito. Mabuti na lang at hindi slit type kung hindi ay papalitan niya ito ng ibang bestida. Kulay peach ito na binagayan niya ng peach purse at peach flat sandals. Kwintas lang ang isinuot niya for accessories, ang kwintas na bigay sa kanya ng kanyang ina. Samantalang si Micah naman ay nakasuot ng formal dress na off shoulder na kulay white at may ribbon sa may bewang na kulay yellow. She look pretty and sexy. Sabay na bumaba ang dalawa sa may hagdanan. Kapwa
"Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit."Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito."Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito.Mula kay Levi ay
Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap
Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s
Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali
Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad
Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd
Subsob ngayon si Levi sa harapan ng kanyang computer. Napahilot siya sa sariling sentido. Nang pukawin siya sa tunog ng intercom. Boses iyon ni Mike. Humihingi na naman ito ng Brewed Coffee. Lihim siyang napangiti. Pero hindi niya pa rin maiiwasan ang sarili na kabahan sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin, kaya minsan ibinaling niya ang tingin sa ibang direksiyon. Dahil sa tuwing tititigan niya ang mga mata nito'y parang nahipnotismo siya. Agad siyang nagtimpla ng kape at nagmamadaling inihatid sa opisina nito. Inilapag niya ito sa mesa ng binata, nagtanong muna siya kung mayron pa ba itong ipag-uutos nang tumango ito. "Masakit ang ulo ko, marunong ka bang magmasahe?" pormal na tanong ni Mike sa kanya. "Yes sir," maagap niyang sagot. Mabilis ang kilos niya na lumapit dito. Nanginginig na napahawak siya sa magkabilang dulo ng noo ng binata. Halos hindi na humihinga si Levi dahil sa kabang nadarama. Narinig pa niyang umungol ang binata. Nasarapan siguro sa masahe niya. Napakagat
Mula sa kotse ay umibis si Levi. Pinindot niya ang doorbell ng gate at hinintay na pagbuksan siya ng kaibigan. Mga ilang minuto rin siyang naghintay bago lumabas si Tessa. Kumunot ang noo ni Tessa, wala naman siyang inaasahang bisita. Napansin niya ang isang magandang babae na nakasilip sa kanyang apartment. Napanguso si Tessa. Hindi naman niya kilala ito. Naisip din niya, baka siguro naghahanap ito ng apartment na matutuluyan. "Hello, ano'ng atin Ms.?" masiglang tanong ni Tessa habang binubuksan ang gate para makapasok ang magandang panauhin. "Ahm, gusto ko sanang magtanong kung may bakante pa kayong apartment," sagot ni Levi. Medyo nagulat si Tessa sa boses na iyon ng babae, her voice sounds familiar, pero agad din niyang iwinaksi iyon sa kanyang isipan at hinarap ang kanyang panauhin. "Oh, halika pasok ka sa loob," paanyaya ni Tessa sa bagong dating. Halatang mayaman ang babae, naisip niya, baka gusto lang bumukod kaya naghanap ng apartment. Magiliw niyang pinapasok ang bisit
Papunta na sanang airport si Paula para Estados Unidos, nang madaanan niya ang isang kotse, nagimbal siya dahil halos wasak ang kotse nang nabangga ng malaking truck. Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kanyang kotse, may narinig siyang boses ng babae na humihingi nang tulong. Pinaandar niya agad ang kaniyang kotse malapit sa nagkabanggaan, nang matanaw niya ang isang babae na nag-agaw-buhay ay nagmamadali siyang bumaba ng kotse at tinulungan ang sakay niyon. Dahan-dahan lang ang kaniyang paghila sa babae, buhay pa ito. Napuno nang dugo ang mukha nito, nanginginig siyang isinakay ang babae at dinala niya ito sa kanyang sariling clinic. Isang doktor si Paula Sy, at isa rin siyang surgeon doktor. Inayos niya ang babae sa pagkakaupo, nang paandarin niya ang kotse palayo sa lugar na iyon, saka naman ito sumabog. Nagulat pa siya nang makita sa rearview mirror, halos naging buto ang sasakyan nang babae. Kung hindi niya agad ito nakuha malamang naging abo na din siguro ito. Pagkarating