Nagsusuklay na siya sa harap ng salamin nang pumasok ang kaniyang Mama dala ang kape na hiningi niya. Maaliwalas ang mukha nito na siyang hinahanap-hanap niya tuwing umaga. Ngumiti ito pagkatapos malapag ang kape sa mesa.
Maaga siyang gumising, mas nauna pa nga siya sa alarm clock niya. Siya pa ang gumising sa alarm clock niya na nakalimutan niya pa lang bilhan ng bagong battery. Pero nang maalala niyang regalo pala iyon ni Kenneth ay dinala niya iyon at nilagay sa basurahan.Tapos na siyang mag-decide. Itatapon na niya lahat ng mga bagay na may kinalaman kay Kenneth. Hindi man madali pero sa bawat pagtapon niya ay nabubunutan siya ng tinik. Nakaramdam siya ng ginhawa at maganda na ang kaniyang bawat paghinga.Daig pa niya ang isang manonood na nabunutan ng tinik pagkatapos mapanood ang buong teleserye. Pero at least, alam na ang buong nangyari.“Mukhang ang ganda ng gising natin ah?” Lumapit sa kaniya ang Mama niya at bumulong, “Anong mayro’n? Tapos na ba ang menstruation mo?” Humalakhak ito at agad na lumayo sa kaniya. Parang alam na nitong may gagawin siya.Ang Mama niya talaga. Sumabay na rin siya sa halakhak nito at binigyan ng matalim na tingin.Sabagay, ganito naman talaga ang pakiramdam niya kapag tapos na ang menstruation niya. Ewan din ba at daig pa niya ang iniwan ulit kapag may dalaw siya. Parang pasan niya ang buong mundo at ibinigay sa kaniya lahat ang mga problema ng tao. Mas gugustuhin pa niyang mag-solve ng Math problem, huwag lang siyang dalawin ng menstruation.“Marinig ka ng mga kapitbahay natin, baka sabihin pa na bugnutin ako tuwing may regla.” Pero patuloy pa rin sa pagtawa ang Mama niya at iniwan siya sa kusina. “Mama!”Napailing na lang siya at hinigop ang kape niya. Sasabihin pa naman niya sana na first day niya ngayon sa trabaho pero iba ang takbo ng utak ng Mama niya.Ano kayang mangyayari mamaya? Sana mabait ang mga bata, bulong niya at muling humigop ng kape.“Mama,” tawag niya sa kaniyang Mama na patuloy pa rin sa pagtawa. “Kulang po yata ng asukal itong kape eh. May galit po ba kayo sa’kin?”Pero sana, mabait din ang lalaking ‘yon. Ayokong may kasamang daig pa ang mood ko kapag may dalaw, tukoy niya sa lalaking makakasama niya sa trabaho.***“Good morning, children!”Agad na nagsitayuan ang mga bata at ang iba ay nagpalakpakan pa sabay sabing, “Nandito si Kapitan!”Iba talaga ang impluwensiya kapag ikaw ang leader. Daig pa ang isang artista kapag dumaan ang isang pinuno. Pero hindi niya rin lubos maisip kung paano nagagawa ng isang leader ang ngingiti kahit alam naman nilang ang kaharap nilang tao ay hindi sa kanila ibinigay ang boto.Siguro kapag ikaw ang nanalo, hindi mo na iisipin kung bumoto ba ito sa iyo o hindi. Total, ikaw na ang panalo eh. Bakit kailangan pa na isipin mo iyon? Kasi kahit bumoto man sa iyo o hindi, serbisyo mong paglingkuran ang mga nasasakupan mo.Napailing siya nang lihim. Ayaw niyang isipin ang politiko ng ganito kaaga. Wala rin naman siyang balak na tumakbong Kapitan kaya mas mabuti na tumahimik na lang. Wala siyang plano na tahakin ang magulong mundo ng politika.Muli na namang may sumigaw na nandito raw kamo ang Kapitan. Ang cute lang, ganito rin sila noon kapag pumapasok ang guro nila. Minsan nga ay pantakot pa ng class president nila ang teacher nilang palaging magkasalubong ang mga kilay. Kapag narinig ang isang sigaw na ‘Nandito si Ma’am’ ay bumabalik sa dating anyo ang classroom nila na dinaanan ng malakas na bagyo.Nakaka-miss din naman talaga mag-aral.“Good morning, Captain!” sabay-sabay na pagbati ng mga bata. Hindi mabayaran kahit ilang libo ang matamis na ngiti ng mga batang kaharap niya. Hindi niya kayang i-imagine na ganito ka-cute ang tuturuan niya.Baka hindi matinong aralin ang maituro niya.Parang mas gusto niya tuloy magpa-movie marathon ng Barbie. Panigurado, magugustuhan iyon ng mga bata. Maliban na lang sa mga lalaki.Napailing siya, mukhang natamaan na rin siya ng kalokohan.“Good morning, visitor,” bati rin sa kaniya ng mga bata.Akala pala ng mga bata na bisita siya. Ngumiti na lang siya at hinarap ang Kapitan.Noong nasa on-the-job training siya, pinipilit niya talagang maging mabait. Kahit nahihirapan siya at gusto na niyang magalit ay dinadaan na lang niya sa ngiti.Mas mabuti na maganda pa rin ang impression sa kaniya ng mga bata. Nasa kamay ng mga bata ang kapalaran niya no’n. Kaya kahit mahirap ay dinadaan niya sa ngiti. Ayaw niyang mabagsak dahil lang sa nagpadala siya sa bugso ng damdamin.Ang hirap pala talaga kung high school student ang tinuturuan, maliban na lang talaga kung natural na mabait ang mga estudyante. Pero hindi lahat mabait at hindi rin sa lahat ng panahon ay kaya niyang maging mabait.Nagpapasalamat pa rin siya at naging mabait ang mga bata noong grand demonstration na niya. Akala niya talaga kamatayan na niya ang araw na iyon at mapapalitan na ang birthday niya. Pero, salamat sa Dios at tinupad ng mga bata ang panalangin niya. Naging mabait ang mga ito at naging matalino. Mapayapa at matiwasay ang kaniyang grand demonstration.Pinakilala siya ni Kapitan kaya natigil ang imagination niya. Matamis siyang ngumiti sa mga bata at kumaway nang banggitin na ang pangalan niya.“Good morning, Teacher Ella,” sabay-sabay na muling pagbati sa kaniya ng mga bata.Iba pa rin talaga ang kasiyahan na nakukuha niya kapag nagtuturo siya. Tuwing nasa ganito siya ay nasasabi niya sa sarili na para sa kaniya talaga ang pagtuturo. Nasasabi niya sa sarili na nakatadhana talaga para sa kaniya na maging guro.Iba ang hatid sa kaniyang saya kapag suot niya ang uniform ng teacher. Mula pa noon ay gusto niya talagang magturo. Gusto niyang ibahagi ang kaniyang kaalaman. Gusto niyang maging bahagi ng buhay ng bawat mag-aaral. Kahit mahirap ay kakayanin niya.Pero hindi lahat ay kayang i-appreciate ang paghihirap ng bawat guro. Na para bang wala lang sa kanila ang bawat luha at pawis na tumutulo. Na para bang walang ibang ginawa ang guro para maituwid ang baliko nitong mga landas.Kahit ano pang sabihin ng iba, para sa kaniya ang pagiging guro ay hindi lang isang profession kun’di isang ilaw na magliliwanag sa buhay ng bawat mag-aaral.At ngayon, siya ang magliliwanag sa bawat estudyante na bibigyan niya ng kaalaman.“Good morning, class. You can call me Teacher Ell na lang, okay?”Muli siyang ngumiti. Sa wakas ay bumalik na siya sa daan na dapat niyang tahakin.Sana ito na ang simula, mahina niyang bulong sa sarili.***“Teacher,” tawag sa kaniya ng bata habang dala ang papel nito at lumapit sa kaniyang mesa.Ilang minuto na rin ang lumipas mula nang nagsimula siyang magbigay ng aktibidad sa mga bata. Masigla naman itong tumugon sa mga binigay niya.Walang nagreklamo, agad namang kumuha ng drafting tools ang mga bata at nagsimulang sumunod sa iniutos niya. Ang iba nga ay tuwang-tuwa nang malamang drawing ang una nilang activity.“Oh, bakit?” malambing niyang tanong at iniurong ang upuan niya nang makalapit na ang batang babae.Bigla itong umupo sa kandungan niya at ipinakita ang dala nitong papel. May nasimulan na itong iguhit. Dalawang stick man at may kulay na rin ang iba. Huminga ito nang malalim at hinarap siya.“Teacher Ell,” muli nitong banggit. “Gusto ko po sanang isali si Papa sa draw ko. Puwede po ba?” Bahagya nitong kinagat ang ibabang labi at yumuko na para bang nahihiya sa kaniya.Nagtaka siya kung bakit ganoon ang tanong ng bata. Bakit naman ito nanghihingi ng permiso sa kaniya?“Bakit mo naman naitanong? May problema ba kung isasali mo siya sa drawing mo?”Hindi pa rin ito tumingin sa kaniya, sa halip ay hinigpitan nito ang hawak sa papel.Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ng bata. Hinaplos na lang niya ang buhok nito at tiningnan ang suot nitong school ID.“Chanel. Ang ganda naman ng name mo.” Patuloy pa rin siya sa paghaplos ng buhok nito, pagkatapos ay niyakap niya ang bata. “Kung saan ka comfortable, iyon ang iguhit mo, baby.”“Thank you, teacher.”Mabilis na umalis sa kandungan niya ang bata at muling tumabi sa kaibigan nito. Pinagmasdan niya itong mapait na ngumiti at ipinagpatuloy ang pagguhit.Hindi man niya maintindihan kung bakit ganoon ang inakto ng bata pero ang naibulong niya sa isip ay kailangan pala ng ibayong pag-iingat ang bawat bata na tuturuan niya. Kailangan na sa mga salitang sasabihin niya ay matulungan niya ang mga bata. Sa lugar na ito, siya ang ina. At nakasalalay sa kaniya ang magiging epekto ng lahat.Hindi lang sila mga bata, may puso at pinagdadaanan din sila na kailangan bigyan ng pansin, aniya sa isip at tumayo upang tingnan ang mga ginuhit ng mga estudyante niya.“Angela, hindi nga orange ang color ng apple. Bakit ba ang kulit mo?”Nilingon niya ang yaya ng isang bata na hindi pinakinggan ng binabantayan nito. Lumiko siya at nilapitan ang dalawa. Mukhang may yaya na hindi binibigyan ng pansin ngayon.Tahimik siyang tumingin sa ginuguhit ng bata. Apple nga iyon pero ang hawak nitong pankulay ay orange. Palihim siyang ngumiti, ibang artist pala itong alaga niya.“Angela?” tawag niya sa bata at agad naman siya nitong hinarap.“Teacher!” Hinawakan nito ang papel at pinatingin sa kaniya. “See my drawing?”Tumango siya at hinawakan ang kamay nitong may hawak ng color. “Alam mo ba kung ano ang totoong color ng apple?”Tumango ito at sinabayan ng pagngiti. “Yes po, teacher. It's red.”“Then why are holding this color?”“It’s my Mommy's favorite,” mahina nitong bulong. “Can I use this instead of red?”“You can draw orange instead of apple, dear. But why did you–”“Apple is my Mommy's favorite fruit.”“As you wish, good luck.”Ang yaya naman ang hinarap niya. Tinapik niya ang balikat nito at bumulong, “Pagbigyan mo na ang alaga mo, ang importante alam niya na red ang apple.”“May green apple rin po, Teacher,” pahabol ni Angela na ikinangiti niya.“Kumusta naman ang trabaho mo?”Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking `yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.“Ayos naman, `Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa. Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit na
“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang ka
Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang
Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell
Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n
Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n
Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.” “Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”“Na wala kang dibdib.”Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita
6 years later“That’s mine! Give it back to me!”Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya. Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n
“You may now kiss the bride.”Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni R
1 year later“Ito naman si Kapitan,” nakangiting wika ni Ella Jane habang hawak ang invitation card na inaabot niya sa Baranggay Captain nila. “Siyempre hindi ka po namin makakalimutan.”Lumapit sa kaniya si Rafael at inakbayan siya. Nakangiti ito nang sulyapan niya at kinindatan pa ang Kapitan nila.“Ano, Kap? Bilib ka na ba?” Nagpaguwapo pa ito sa harap ng Kapitan at sinuklay ang buhok na para bang may pinabibiliban.Palihim niya itong kinurot sa tagiliran pero hindi man lang siya nito pinansin.“Sabi sa’yo, Kap eh. Bakit ayaw mo kasing maniwala na kaya kong bingwitin ‘tong pinakamagandang guro sa baranggay natin.” Lumayo ito sa kaniya at pinaharap siya rito. “Kita mo na? Pakakasalan pa ‘ko.”“Hay nako, Kap—” aangal pa sana siya pero parang walang narinig ang dalawa.“At alam mo ba, Kap? In love na in love si Ella Jane sa’kin. Hindi ‘to pumapayag kapag hindi nakikita ang kaguwapohan ko.”Napailing na lang siya at lumayo sa dalawang lalaki na parang mga ewan.Mabilis na lumipas ang i
“Can’t you forgive me?”Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado. Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.“Bakit? Are you still mad?”Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. San
BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya. Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin. Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito
TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa
MAHIGIT ang pagkakapit ni Ella Jane sa baywang ni Rafael habang sakay sila sa motor nito. Isang linggo na ang lumipas mula nang maging sila ni Rafael.Pauwi na sila sa bahay ng lalaki dahil ngayong araw na ito ang balak nila na ipapakilala raw siya nito sa mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa trabaho. Isipin palang na mga guro din ang makikilala niya mamaya ay kinakabahan na siya.Noong isang araw ay tinanong niya si Rafael tungkol sa sinabi ng Nanay nito na wala raw itong mga barkada. Nagtataka lang siya dahil bakit hindi kilala ng Nanay nito ang mga sinasabi ni Rafael na kaibigan raw kuno nito.Taga ibang baranggay daw kasi ang mga kaibigan ng nobyo kaya hindi pa nadadalaw sa bahay nito at hindi pa nito napakilala sa sarili nitong Nanay. Hindi na lang siya muling nagtanong pa.Sabagay, hindi nga rin kilala ng Mama niya ang best friend niya noon. Mabuti na lang pala at hindi niya pinakilala, baka mas lalo lang ma-stress ang Mama niya.Noong pinakilala niya si Rafael sa Mama niy
MABILIS na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Ella Jane. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rafael tungkol sa Papa niya ay gumaan ang kaniyang loob at mas naging malapit siya sa lalaki. Aminin man niya o hindi, palaging dumadaan sa isip niya ang maamong mukha ng binata.Hindi niya inakalang may sense pala kausap ang Rafael na ‘yon, na may mga punto rin naman pala siyang makukuha. Akala niya kasi puro panlalait lang ang kaniyang maririnig dito. Wala kasi itong ibang ginawa noon kun’di ang ipamukha sa kaniya na hindi siya nito kilala at iparinig ang lahat ng panlalait nito sa kaniya.Pero mula nang araw na iyon, nagbago ang kaniyang paningin sa lalaki at sinubukan niyang ibigay ang kapatawaran sa kaniyang Papa na matagal na panahon niyang ipinagkait rito. Ilang araw lang ang lumipas ay dumalaw siya sa puntod ng kaniyang Papa.Masakit para sa kaniya ang biglaang pagkawala nito. Hindi man lang ibinigay ng panahon na muli niya itong makita na may buhay at lakas pa. Hindi niya inaasahan na s
TANGING yakap ng binata ang nagbigay init kay Ella Jane. Hindi na naman siya makapaniwala na nagawa na naman niya ito. Parang panaginip lang ang lahat pati ang pagpayag niya. Pero wala siyang maramdaman na lungkot o kahit kaunting pagsisisi sa dibdib niya.Hinalikan siya ni Rafael sa noo at pinasiksik siya sa katawan nito. Mabuti na lang talaga na wala ang Mama niya.Oh God, ang sama mo, Ella Jane! Pangaral niya sa sarili.Nakayakap siya sa binata habang sinusuklay nito ang buhok niya. Kanina pa siya nagising pero si Rafael parang hindi man lang nakatulog. Tinawanan pa siya nito dahil ang lakas niya raw kuno humilik. ‘Di naman niya narinig na humilik siya.Hinampas niya ito sa dibdib at bumangon siya. Tiningnan niya ito nang masama at muli na namang hinampas. Tumawa lang si Rafael sa kaniya at ginawang shield ang unan.“Hindi nga kasi sabi ako humilik!” sigaw na naman niya pero panay tawa lang ang lalaki. “Bakit ba ipinipilit mo na humilik ako?”“Bakit ba pinipilit mo rin na hindi ka