Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 3: His Tears

Share

Chapter 3: His Tears

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2024-05-03 17:08:43

Pinagmamasdan ni Oxford si Gabriel habang nagsasalita ito sa enteblado upang ipakilala ang panibagong produkto ng kompanya.

Hindi man lang ito ngumingiti.

Ngunit maraming mga mata ang nahuhumaling sa kagaya ni Gabriel. Mula sa tindig at pananamit, halata namang maraming babae ang maghahabol sa kanya. Ang bibig na maraming mapapa-Oo dahil sa matalino at galing sa pananalita.

Nang dumating si Seneca, tinapik siya nito sa balikat.

“Nauunawaan ko na kung bakit ipinangalan ni Bianca sa nag-iisa nilang anak ang martyr na archangel. Gabriel.”

Pilyong ngumiti si Seneca at naupo sa tabi ng kaibigan.

“Dahil sa physical na anyo?” Hula ng doktor.

“Hindi lang dahil sa physical na anyo pati ata ang magiging papel niya sa mundong ito. Kailangan ba talaga niyang maging seryoso? Nakita mo na ba siyang ngumiti? Si Gabriel ba nabangit sa biblia na ngumiti?”

Kinuha na lamang ng doktor ang inumin niya sa mesa at ngumiti ito sa kanyang kaibigan saka napailing. “Mabuti pa itong ama niya, nakita nating ngumiti. Nagawa pa nga natin patawanin.”  

“Wala man lang siyang kaibigan.” Buntong hininga ni Oxford. “Kasalanan ba natin itong dalawa?”

“Bakit naman natin magiging kasalanan ito? Ito ang nakatadhana sa kanya. Natural lang naman ito, dahil siya ang nag-iisang Aquinas sa mundong ito. Napahigpit ng securidad pagdating sa kanya lalo na noong bata pa siya. Masyadong maagang lumantad ang impormasyon sa kanya, na hindi natin siya nabigyan ng prihibeliyo makapag-aral man lamang sa labas. O maitago man lang ang pagkatao niya para nga magawang makipaghalubilo. Pero natural na marunong din na ngumiti yan at tumawa, kaya lang hindi tayo o ang mga customer niya ang makakagawa noon.”

“Sino?”

Napakabitbalikat ang doktor.   

“Hindi katulad ni William.” Dagdag ni Oxford.

“Ngunit hangang kailan ba magmamatigas ang batang yan tungkol sa kanyang ama? Siguro mauuna pa akong ilibing kay William, bago pa man niya mapirmahan ang dokumentong iyon.”

“O sa ginagawa ngayon ni Gabriel baka siya pa ang mauna sa kanyang ama. Tignan mo siya, walang katapusang proyekto ang inaatupag.”

At napabuntong-hininga na lamang si Seneca.

Pagkatapos magsalita ni Gabriel, binigyan siya ng masigabong palakpakan ng mga cliente na naroroon. Tipong tagumpay nga ang panibagong proyekto. Tipong nasilo niya ang lahat. Inaasahan na maraming investor ang magpapa-unahan para lamang sa proyektong iyon.

At nang dumako ang paningin ni Gabriel sa kanyang ama-amahan, ngumiti ito sa kanya, ngunit tango lamang ang inabot niya dito. Ang mukha ni Gabriel palaging blangko ang expression. Sa tuwina naiisip ni Oxford kung nahihirapan bang magpakita ng tunay na nararamdaman ang binata.

 “Anong gagawin natin sa kanya? Wala paring pagbabago dito. Hindi ko talaga aakalain na magiging problema ito.”

“Bigyan pa natin ng panahon, Seneca.” Yun na lamang ang ibinigay na sagot ng abogado sa doktor.

At mayamaya lamang may lumapit na haponess na cliente kay Gabriel. May katandaan na ito at kasama rin nito ang ilang kaibigan.

“Wala na kaming balita tungkol sa iyong ama. Lihim mo na ba siyang hinatid sa kanyang huling hantungan, iho?” May pangisi pang sinabi ng hapon.

Hinarap naman ito ni Gabriel. “Siguro nakikita ninyo sa lahat ng dukomento na hindi parin ako ang Chairman ng kompanya. Kung sakali man magising ang aking ama, ikaw ang una kong bibigyan ng imbitasyon para batiin siya. Sa tingin ko kasi matagal ka nang nangulila sa kanya.”

Nang marinig ito ni Seneca napapikit ito, habang si Oxford napangiti sa itinugon ni Gabriel sa haponess.

“Sana may maganda kayong gabi sa araw na ito.” At tinalikuran ito ni Gabriel.

“Ang batang iyon, ibang klase talaga. Magaling dumepensa. Walang sino man ang maaring tumulak sa kanya. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya. Napakatigas ng ulo. Sabagay yung Archanghel na tinutukoy mo, matapang yun hindi ba?” tanong ni Seneca kay Oxford.

Napatango ito.

“Oxford, parang hindi mo alam ang mangyayari kapag palagi siyang ganito. Napakarami nang negosyante ang nais na gumawa ng masama sa kanya.” Pagpapaalala ni Seneca sa mga death threat na halos araw-araw may dumarating.

“Mga negosyante na walang magawa kundi humanap ng mas madaling paraan para makuha ang attention niya. Mahigpit ang securidad niya. Daig pa ang securidad ng Presidente ng United State.”

“Sa lagay na yan kailangan ba natin maging kampante? Halos nga wala nang nakakalapit na iba kay Gabriel kundi tayo-tayo lang? Saka nasa tama na siyang gulang para maghanap ng mapapangasawa. Isa din yan sa inaalala ko kung patuloy siyang magkakaganito. Walang tutulak sa kanya para sa arrange marriage, lalo na kung hindi na magigising si William. Lahat ng pagpapasya ay nasa binatang iyon.”

“Kailangan na ba natin ipag-alala ang tungkol rin dyan Seneca?”

“Sa lagay ngayon ni Gabriel parang kailangan.”

“Tignan na lang natin.”

At kinabukasan, habang papunta ng kompanya si Gabriel, nakatangap siya ng tawag mula sa hospital. Sugatan ang mga tauhan na nagbabantay sa kanyang ama. Mayroong umatake roon at kaagad naman nakatakas ang mga ito bago pa man magsidatingan ang mga pulis at tauhan ng mga Aquinas.

Imbes na dumiretso sa kompanya si Gabriel pumunta ito sa hospital kahit sa likod ng panganib na nagbabadya sa kanya.  

Pero ang nadatnan niya… sumusuko na ang puso ng kanyang ama. Hindi dahil sa pag-atake kanina kundi hindi na kinakaya pa ng puso nito ang gamot at ang katawan nito na masyado na ngang bumabagsak. Hindi alam ni Gabriel ang kanyang gagawin kundi maghintay sa maaring maging resulta.

At nakahinga siya na muling nakuha ng puso nitong tumibok.

Aalis na sana siya na hindi niya ito titignan, ng hinarang siya ng kanyang dalawang ama-amahan.

“Bakit hindi mo na muna pagmasdan ang iyong ama?” Si Seneca. Tumango lamang sa kanya si Oxford.

“Halos sampung taon nang walang senyales na ipinapakitang magigising pa si William, Gabriel. Doktor ako, ngunit kaibigan din ako ng iyong ama na halos araw-araw nahihirapan ako na makita ang sitwasyon niya. Brutal. Ka-brutalan ang ginagawa mong ito sa iyong ama. Masyado mo siyang pinapahirapan.”

“Narinig kong maayos na ang lagay niya.”

“Anong maayos? Matagal nang hindi maayos ang lagay niya. Bakit hindi mo tignan?” Nagngingitngit ang ngipin ng doktor kaya nauna na itong naglakad papunta sa silid ni William.

Naiwan sa harapan ni Gabriel si Oxford.

Tinapik niya ang balikat ng binata. Binata na bakas sa mukha niya ang digmaang sinagupa nito sa mundo ng negosyo.

“Hindi naman masama iho, kung makikinig ka sa amin. Matalik na kaibigan namin ang iyong ama at alam namin ang nararamdaman mo. Mahirap nga ito gawin, ngunit hindi maaring palagi mo na lang ito tatalikuran. Ito ang responsibilidad na binigay ng personal sayo ni William. Ikaw ang magpapasya para sa kanya.”

Napapikit si Gabriel.

“Balita ko pumupunta ka lang dito na hindi mo man lang tinitignan ng personal ang iyong ama. Andito ka rin naman bakit hindi mo siya tignan kahit saglit.” Saka naglakad na si Oxford, walang nagawa si Gabriel kundi sumunod dito.

Totoo ngang natatakot siya na makita ang kanyang ama…

Ang sitwasyon nito…

Ang tunay na kalagayan ng katawan nito…

Ito ang mga dahilan baka mawala ang determination niya sa kanyang mga ginagawa. Ang lahat ng ginagawa niya ay para yun sa kanyang ama. Hahayaan ba niyang masira ang determinasyon niyang iyon?  

At nang nasa harapan na siya ng pinto… Inipon niya ang kanyang lakas para buksan iyon. Kaagad na sumalubong sa paningin niya ang titig ng mga taong naroroon. Pwera kay Oxford at Seneca, ang mga naroroon ay nagsiyukuan bilang respeto sa kanya.

Ang silid naman niyakap siya ng kakaibang lamig.

Mabibigat ang kanyang paa, hangang nasa harapan na niya ang kanyang ama. Gaya ng sinabi ng mga doktor, buto’t balat na nga ito at halos malayo na ito noong huli niya ito nakita.

“Nakikilala mo pa ba ang iyong ama?”

“Seneca.” Saway ni Oxford sa kanyang kaibigan. Sa hindi mapigilan ng doktor ang pangangalaiti nito kay Gabriel.

“Alam mo Gabriel, oras na para hayaan mo nang makapagpahinga ng tahimik ang iyong ama. Halos sampung taon mo na rin pinapatakbo ang kompanya. Kahit nga wala ka pa sa tamang gulang, hindi mo binigo ang iyong sarili na patunayan sa aming lahat ang kakayanan mong magpatakbo ng kompanya na iniwan sayo ng disoras ni William. Kahit noon pa lang, malaki na ang tiwala namin sa'yo. Lalo na ang iyong ama na hindi mo pababayaan ito. Ano pa ba ang kinakatakot mo?” Marahan na sinabi ni Seneca ngunit sinusubukan lang nito kalmahin ang kanyang sarili.

“At bilang nag- iisang tagapamana ng boung ari-arian ng pamilyang Aquinas at kompanya ng iyong ina, ang tanging aalalahanin mo lang ay ang mga habilin nila sayo. Ngunit ang prioridad mo dito sa totoo lang ang iyong kalusugan. Hindi sila matutuwa sa nakikita nila ngayon sayo. May buhay ka na kailangan mong panindigan.”  

Tahimik na nakikinig si Gabriel habang pinagmamasdan niya ang kanyang ama. Sa nakikita niya rito, halos hindi siya makahinga ngunit hindi niya iyon maaring ipakita lalo na maraming mga mata ang nakamasid sa kanya.

“Nais ng magulang mo ang maging masaya ka. At kung ang sitwasyon ni William ang dahilan kung bakit may kung anong nakatali sayo, sa tingin ko kailangan mo na magpasya. Hayaan ang iyong ama kung saan man ito tutungo. Ito ang tandaan mo. Tanging makina na lamang ang sumusuporta sa katawan ni Willim. Matagal ko nang sinabi sayo na halos wala nang isang porsyento na magigising pa ang iyong ama. Parang ang hinihintay mo na lang nito ay isang himala.”

Napapikit si Gabriel sa kanyang narinig kay Seneca. Habang si Oxford kinuha ang attention ng kanyang kaibigan at umiling ito.

Sapat na ang mga sinabi niya at hindi maganda kung sosobra pa ito.

Ngunit hindi nagpapigil si Seneca. “Sa hitsura ni William parang matagal na niya tayong iniwan.”

Naiyukom ni Gabriel ang kanyang kamay.

“Kailangan mo na magdesisyon.”

Malamig ang boung silid at lahat ng paningin ay nakatuon kay Gabriel, hinihintay na ibuka man lang nito ang kanyang bibig.

“Gabriel…”

“Iwan niyo muna ako.” Malamig na sinabi ng binata.

Tinapik ng abogado ang kanyang kaibigan sa balikat nito, walang sinabi, nauna itong lumabas na napasenyas ang doktor sa kasamahan na magsilabasan rin. At bago makalabas si Seneca sa huling lingon niya kay Gabriel nakita niyang may kung anong pumatak sa sahig.

At yun ang luhang kanina pang pinipigilan ni Gabriel na hindi tumulo.

Ang luha ng isang anak para sa kanyang ama.

@DeathWish

[HER RETURN 2024]

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Taming the Sunshine   Chapter 4: Women Through His Life

    “Headmistress, kinumpirma na ng secretarya ni Master William na naka-alis na ang private jet papuntang Russia.” Narinig ni Gabriel na ibinalita ng isang katulong kay Agatha.“Matagal na namang makakabalik si Master William, siguraduhin ninyo ang securidad ng paligid.”Naibaba ni Gabriel ang kanyang librong binabasa at tahimik na napabuntong-hininga. Napatitig sa labas ng bintana at ang malagintong sinag ng araw ang sumalubong sa kanyang paningin. Noong bata siya hindi niya maunawaan kung bakit laging umaalis ang kanyang ama lalo na labas pasok ito ng bansa. Sa tuwina napakalayo ng mga lugar ang pinupuntahan nito. Halos nga hinahabol nito ang oras. At hindi maintindihan kung para saan itong ginagawa ng kanyang ama.Hangang sa natuklasan niya ang sistema kung paano umiikot ang pera sa mundong ito. Palaging naiiwan si Gabriel sa Aquinas Manor, napakalaking bahay ngunit halos lahat ng sulok ay mayroong mga nakabantay o hindi kaya mga kamera. Para ito sa kanyang securidad, na tila ba isa

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 5: Those Moments

    Nang makaramdam si Gabriel na may humihila ng kanyang pain, agad naman nakita ng kanyang ama na mayroon na siyang mahuhuli.Ngumiti ito para sa kanya, at kaagad na hinila ni Gabriel ang kanyang pamingwit.Isang isda na may kalakihan upang ngumiti si Gabriel at masaya siyang tinulungan ng kanyang ama.Kumikislot ang isda at madulas ito sa kamay kaya dali-daling dinala ng isa sa tauhan na kasama nila ang pagsisidlan.“Naunahan mo pa akong makahuli, Gabriel.” Ani ng kanyang ama. “Natutuwa ako para sayo.”Sa oras na yun, parang kung anong tagumpay ang nakamit ni Gabriel dahil lang sa sinabi ng kanyang ama. Iyon ang una niyang pagkakataon na marinig na tila ba ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Ang araw na iyon ay hindi niya nakakalimutan.Muling hinagis ni Gabriel ang pain sa ilog. At ang kanyang ama nagpatuloy sa ikinukwento nito sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig ngunit kung may ano sa kanya na nais niyang makahuli ulit ng isda bago pa man makahuli ang kanyang ama.“Katulad ng pang

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 6: His Last Family

    At ngayon nasa harapan na ni Gabriel ang kanyang ama. Kung dati rati ang likuran nito ang palagi niyang nakikitang tumatalikod sa kanya, nitong mga nakalipas na taon naman siya ang palaging umiiwas sa kanyang ama.Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?Hindi.Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan. Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.Kaya

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 7: The Meeting Place

    Alam na ni Gabriel ang sasalubong sa kanya kung sa main exit siya dadaan. Kaya mula sa VIP area ng hospital dumaan siya sa VIP hallway papunta sa basement. Ngunit kahit sa basement may mga taga-media na nakaabang pero dahil sa presensya ng mga tauhan ni Gabriel hindi ito makalapit sa kanya.Kailan man hindi sini-sekreto ng gobyerno at mga ka-kompetensya ang mga nangyayari sa pamilya ng Aquinas. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay nila lalo na siya bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Kung may pagkakataon na may mahuthot sila ay gagawin nila yun. Palaging mayroong kinakaharap na kaso at hindi na yun bago kay Gabriel. Dahil wala naman napapatunayan sa mga kasong yun.Karamihan ng kalaban ng pamilyang Aquinas ang nais nila ang makapaghanap ng butas sa pamilyang Aquinas, ngunit nabibigo sila parati.At simula nang lumabas ang mukha ni Gabriel sa publiko siya na ang paboritong pinupuntirya ngayon.Matapos ma-comatose ang kanyang ama, saan man siya magpunta di siya nakak

    Last Updated : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 8: Turning Fate

    Yung gabing iyon…Naalala ng dalaga…Ang isang gabi na kamutikan na siyang sumuko sa buhay. Sa maari naman tumakas diba? At bahala na yung maiiwan niya?Ngunit hindi… Hindi siya hinayaan ng Maylikha na gumawa ng hindi maganda sa sarili niya sa pamagitan nga ni Sister Agnes.At sa katayuan nga ni Serena, sino naman ang di aayaw sa buhay kung ang buhay ay palaging hinahamon ng problema?Napangiti ang dalaga ng maalala niya iyon.Napadpad siya mismo sa kinalalagyan ng sasakyan ngayon.Mismo sa sidewalk na yun.Naupo siya roon na parang isang baliw na wala na ngang pag-asang natitira sa kanya noon.Pero hangang ngayon marami parin siyang problema, ngunit sa awa ng diyos nabibilang pa naman sa kanyang mga kamay.‘Tiwala lang, at wag susuko. Lahat mayroong hanganan, at kapag tumigil ka, natural na hindi matatapos ang problema.’Dati rati maganda pa ang buhay nila kung hindi lang talaga sila hinamon ng buhay.Paralizado ang masipag niyang ama.Dalawa silang magkapatid sa unang asawa ng kanya

    Last Updated : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 9: First Condolences

    Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.Wala nang nagawa si Gabr

    Last Updated : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 10: Secretly Protected

    “Paabot nga sa akin ng bag ko.” Utos ni Serena dahil iniwan nga niya iyon sa tabi ni Gabriel.Tinitigan ng binata ang bag saka tinitigan ulit ang dalaga.Inuutusan ba siya nito?“Kuya ang sabi ko ibigay mo sa akin ang bag ko.” Saka binaling ulit ng babae ang paningin sa inaayos niyang tatlong tangkay na bulaklak.Walang nagawa si Gabriel kundi sumunod sa sinabi nito. Kinuha ang bag nito at lumapit sa kanya para ilapag sa mesa ang bag.“Thank you.”Hindi na nagawang bumalik ni Gabriel sa inuupuan niya kanina, kundi pinagmasdan niya ang paligid. Luma na nga ang simbahan kahit ang straktura nito. Ngunit biglang tumama ang paningin niya sa isang lalaki na parang pinagmamasdan talaga ang babae kanina pa.Ang ginawa ni Gabriel hinuli niya ang titig nito at ng magtama ang paningin ng lalaki sa kanya, agad din na umalis ito.Sino nga ba ang hindi matatakot sa napakatalim na titig ni Gabriel?“Pagkatapos nito saan ka na pupunta?” Biglang naitanong ni Gabriel sa dalaga. May hindi kasi siya maga

    Last Updated : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 11: Someone Got His Attention

    Di niya alam kung bakit nakahinga siya para sa dalaga ng malaman niya sa kanyang mga tauhan na nahuli na iyong manyak at wala na siyang dapat na ipag-alala sa kaligtasan nito.Napa-iling na lamang siya sa kanyang sarili.Bakit niya iyon kailangan gawin sa babaing hindi niya alam kung muli pa ba mag-ku-kross ang landas nila? Ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi man lamang niya iniwasan ang presesya ng dalaga.Umangat ang kanyang paningin sa altar. Maraming tanong ang umiikot sa kanyang isipan ngunit hindi niya iyon mabuo, lalo na sa nangyari ngayon sa kanya.Hangang sa dumako ang paningin niya sa tatlong tangkay ng puting bulaklak ng rosas. Ang bulaklak na ibibigay sa kanya sana ng dalaga.Ang bulaklak na alam niya makakakita siya noon pagbalik niya ng Aquinas manor.Tumayo siya at lumapit sa vase. Naguguluhan man kung bakit, ngunit kinuha niya ang isang tangkay. Sa buong buhay ni Gabriel kung tatangapin niya ang bulaklak, iyon ang una niyang pagkakataon na makakatangap siya

    Last Updated : 2024-05-07

Latest chapter

  • Taming the Sunshine   Chapter 218 Egg Cells?

    Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an

  • Taming the Sunshine   Chapter 217 The Changes

    Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka

  • Taming the Sunshine   Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings

    Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n

  • Taming the Sunshine   Chapter 215 Hearing His Name

    Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma

  • Taming the Sunshine   Chapter 214 His Web

    Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena

  • Taming the Sunshine   Chapter 213 It Should Not Happened

    Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti

  • Taming the Sunshine   Chapter 212 Her Future Name

    Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa

  • Taming the Sunshine   Chapter 211 His Concern

    Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n

  • Taming the Sunshine   Chapter 210 Her Husband?

    Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status