Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 9: First Condolences

Share

Chapter 9: First Condolences

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2024-05-06 15:49:16

Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…

Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…

At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.

Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.

Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.

Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.

Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.

Wala nang nagawa si Gabr
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 10: Secretly Protected

    “Paabot nga sa akin ng bag ko.” Utos ni Serena dahil iniwan nga niya iyon sa tabi ni Gabriel.Tinitigan ng binata ang bag saka tinitigan ulit ang dalaga.Inuutusan ba siya nito?“Kuya ang sabi ko ibigay mo sa akin ang bag ko.” Saka binaling ulit ng babae ang paningin sa inaayos niyang tatlong tangkay na bulaklak.Walang nagawa si Gabriel kundi sumunod sa sinabi nito. Kinuha ang bag nito at lumapit sa kanya para ilapag sa mesa ang bag.“Thank you.”Hindi na nagawang bumalik ni Gabriel sa inuupuan niya kanina, kundi pinagmasdan niya ang paligid. Luma na nga ang simbahan kahit ang straktura nito. Ngunit biglang tumama ang paningin niya sa isang lalaki na parang pinagmamasdan talaga ang babae kanina pa.Ang ginawa ni Gabriel hinuli niya ang titig nito at ng magtama ang paningin ng lalaki sa kanya, agad din na umalis ito.Sino nga ba ang hindi matatakot sa napakatalim na titig ni Gabriel?“Pagkatapos nito saan ka na pupunta?” Biglang naitanong ni Gabriel sa dalaga. May hindi kasi siya maga

    Huling Na-update : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 11: Someone Got His Attention

    Di niya alam kung bakit nakahinga siya para sa dalaga ng malaman niya sa kanyang mga tauhan na nahuli na iyong manyak at wala na siyang dapat na ipag-alala sa kaligtasan nito.Napa-iling na lamang siya sa kanyang sarili.Bakit niya iyon kailangan gawin sa babaing hindi niya alam kung muli pa ba mag-ku-kross ang landas nila? Ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi man lamang niya iniwasan ang presesya ng dalaga.Umangat ang kanyang paningin sa altar. Maraming tanong ang umiikot sa kanyang isipan ngunit hindi niya iyon mabuo, lalo na sa nangyari ngayon sa kanya.Hangang sa dumako ang paningin niya sa tatlong tangkay ng puting bulaklak ng rosas. Ang bulaklak na ibibigay sa kanya sana ng dalaga.Ang bulaklak na alam niya makakakita siya noon pagbalik niya ng Aquinas manor.Tumayo siya at lumapit sa vase. Naguguluhan man kung bakit, ngunit kinuha niya ang isang tangkay. Sa buong buhay ni Gabriel kung tatangapin niya ang bulaklak, iyon ang una niyang pagkakataon na makakatangap siya

    Huling Na-update : 2024-05-07
  • Taming the Sunshine   Chapter 12: Mother's Favor

    “Si Gabriel nakabalik na ba riyan?” Nang sagutin ni Miss Agatha ang tawag ni Seneca.“Wala parin siya. Alam kong ginagawa niyo ang lahat ni Oxford para mahanap siya, ngunit sa sitwasyon na ito nauunawaan ko na kailangan niyang mapag-isa, pero hindi sana sa lugar na maaring may masamang mangyari sa kanya.”“Wag kang masyadong mag-alala Agatha, mamaya lang babalik din siya. Kailangan niya ng sariwang hangin.” Saka nalaman ni Agatha na nagawa ni Gabriel pirmahan ang health care ng kanyang ama.“Kung wala pa siya riyan sa loob ng isang oras, ipapahanap ko na siya sa mga tauhan.”Napabuntong hininga na lamang ito at tahimik na ipinagdasal ang dating namamahala ng Aquinas Manor.Maya-maya lang tumatakbong nilapitan siya ng isang utusan at sinabing parating na si Gabriel. Kaagad na pumunta sa kanilang mga pwesto ang mga utusan upang salubungin nga ang binata.Ngunit hindi makakaila ni Agatha na bakas parin sa mukha ng binata ang kalungkutan nito simula nang may mangyaring masama kay William.

    Huling Na-update : 2024-05-07
  • Taming the Sunshine   Chapter 13: Doubts

    Kahit tulog si Gabriel ang kanyang isipan ay puno parin ng gawain para sa kompanya, kaya hindi niya malaman ang pagkaibahan ng realidad sa panaginip, hangang sa tumunog ang phone niya dahilan upang magising siya. Saglit hinayaan lang niyang tumunog ang phone niya at nakatingala lamang sa kisame, hangang sa napabangon na siya.Inabot ang kanyang phone at ang tumatawag ang kanyang sekretarya.“Atlas…”“Master Gabriel, maunawaan niyo sana kung bakit kailangan ko tumawag ng maaga.” At dumako ang paningin ni Gabriel sa orasan at hindi siya makapaniwala na mabilis na lumipas ang oras. Umaga na naman.“At para saan ang tawag na ito?”“Nalaman ng mga stockholders at board of trustees ang tungkol sa pagpanaw ng Chairman. Kaya maaga nilang kinuha ang attention ko. Nagpatawag sila ng pagpupulong at kayo ang pinakamahalagang tao na kailangan sa pagpupulong.”“Tsk.” Singhal ni Gabriel at napahilot sa kanyang sumasakit na sintido. “Masyadong maaga para magpatawag sila ng pagpupulong tungkol sa akin

    Huling Na-update : 2024-05-07
  • Taming the Sunshine   Chapter 14: The Aftermath

    Chapter Fourteen: “Heto ako, bakit hindi ninyo diretsuhin at linawin sa akin kung ano ba talaga ang layunin ng mga salitang inilalabas ng bibig ninyo? Chairman Kyo nagustuhan ko ang walang takot ninyo na pagduro sa akin. Nga pala, bakit si Chairman Kyo lamang ang nagsalita? Bakit hindi niyo siya gayahin?” Hamon ni Gabriel sa kanila. Kaya lalong itinikom ng mga naroroon ang kanilang bibig.“Walang kabuluhan ang bibig ninyo kung hindi naman sa akin makakadirekta ang sinasabi nito. Puro kayo salita. At yun ang nakita ko sa inyo sa loob ng sampung taon. Reklamo. Kaliwa kanan na pagrereklamo. Ako si Gabriel Aquinas, anak ni William Aquinas, ay hindi naghahabol sa mga katulad ninyo. Simple lang naman ang dapat ninyong gawin hindi ba? Ang kunin ang share ninyo kung talagang nagdadalawang isip kayo sa pamamahala ko. Saka kahit kailan hindi ko kinailangan ang mga kagaya ninyo. Walang tiwala sa akin. What is the worst, nagbubulagbulagan kayo. Hindi ko na kailangan sabihin ang nagawa ko, nakaka

    Huling Na-update : 2024-05-08
  • Taming the Sunshine   Chapter 15: Claims

    Maagang nagising si Serena dahil maaga siyang kailangan ng part time niya sa araw na iyon. Bago niya asikasuhin ang kanyang sarili, binisita muna niya sa higaan nito ang kanyang amang paralitiko. Hindi nga siya nagkamali naghihintay ito sa kung sino man unang magising sa kanila upang alalayan siya pumunta ng banyo.“Kanina pa po ba kayo naghihintay? Parang wala po kayong tulog, ah.” Na dahan-dahan nga niyang inalalayan ito. Ngumiti ito sa kanya.At pagkatapos nito gumamit ng banyo, ibinalik kaagad ni Serena sa higaan nito ang kanyang ama. Alam niyang kailangan pa nito matulog, saka niya binalikan ang banyo para linisin ito.Pagkatapos ay tinignan niya ang lumang ref nila at napabuntong-hininga dahil walang kalaman-laman, bukod sa mga plastic na hindi nakakarating sa basurahan kahit wala na nga itong mga laman. Kinuha na lamang niya ang mga ito at itinapon na sa basurahan.Saka niya binuksan ang isang cabinet at naroon ang sisidlan ng itlog. Napangiti si Serena dahil kahit paano makaka

    Huling Na-update : 2024-05-08
  • Taming the Sunshine   Chapter 16: Upside Down

    Chapter Sixteen: “Hoy! Ki aga-aga nag-aaway kayo, yan na ba ang usong almusal ngayon?!” Pagbukas ng pinto ni Ryan. “Palibhasa nakakahiya kayo. O nakita niyo ba yung charger ko? Wala na naman sa lalagyan. Kayo ha, kapag kumukuha kayo ng gamit pakibalik. Ate Rozzie, ikaw ang huling kumuha noon.”“Anong ako? Hindi ko alam kung nasaan ang charger mo.”“Aba naman magsisinungaling ka pa! Gusto mo ako pa ang pumunta doon sa silid mo para kunin ang charger ko?”“Bakit hindi mo gawin?!” Sigawan ng dalawa.“Hmph!” Na siyang susubukan sanang suntukin ni Ryan si Rozzie. “Wala kang pinagkalayo sa maingay mong ina!”“Hoy! Sabihin mo yan kung andito si Mama!”“Totoo naman eh!” Talikod ni Ryan at pinuntahan nga ang silid ni Rozzie. “Andito oh?! Marunong kumuha pero hindi marunong ibalik. Magnanakaw ang tawag doon, Rozzie. P*ta naman eh.”Ulit napapikit si Serena. Sanay na siya sa mga ito, ngunit hindi siya nasasanay para sa kanilang ama na maayos naman sa kanila ibigay ang pangangailangan nila noong

    Huling Na-update : 2024-05-08
  • Taming the Sunshine   Chapter 17: Rumors

    Chapter Seventeen: Sa may malapit na grocery store at buong magdamag bukas pumasok si Serena. Bigla din lumakas ang ulan kaya naman hindi na siya nag-abala pang pumunta sa palengke. At ang ibig sabihin lang ni Ryan na gamitin yung credit card niya ay bumili nga sa tindahan na iyon dahil ito ang pinakamalapit na bilihan ng pagkain.Napabuntong hininga si Serena. Halos two percent din kasi ang dinaragdag nilang patong sa presyo kesa sa local na tindahan. At ang Kuya Ryan niya, matagal na niyang pinapanalangin na makakuha na ito ng maayos na trabaho. Kailangan na niya ng tulong. Halos magpakakuba na siya sa trabaho para lang sa gamot ng kanilang ama, pagkain at pangangailangan nila sa araw-araw. Tapos kung minsan nahuhothutan pa siya ng pera ni Gabriela at dahilan sa pag-aalaga nito sa kanilang ama.Dahil nga biglaan ang pagbuhos ng ulan may ilang empleyado ang tumigil sa may grocery at nagpatila ng ulan. At hindi naman niya sinasadyang marinig ang mga pinag-uusapan nito.“Maaga pa na

    Huling Na-update : 2024-05-08

Pinakabagong kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 195 That bad...

    Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit

  • Taming the Sunshine   Chapter 194 Death Hope

    Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas

  • Taming the Sunshine   Chapter 193 Don’t Provoke Him

    Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k

  • Taming the Sunshine   Chapter 192 Why Him?

    Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma

  • Taming the Sunshine   Chapter 191 Too Mean

    Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy

  • Taming the Sunshine   Chapter 190 Talked With

    Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um

  • Taming the Sunshine   Chapter 189 Lexie? Her Tutor

    Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da

  • Taming the Sunshine   Chapter 188 Sabotaging Her?

    Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang

  • Taming the Sunshine   Chapter 187 Mrs. Gabriel Aquinas

    Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status