Chapter Sixteen: “Hoy! Ki aga-aga nag-aaway kayo, yan na ba ang usong almusal ngayon?!” Pagbukas ng pinto ni Ryan. “Palibhasa nakakahiya kayo. O nakita niyo ba yung charger ko? Wala na naman sa lalagyan. Kayo ha, kapag kumukuha kayo ng gamit pakibalik. Ate Rozzie, ikaw ang huling kumuha noon.”“Anong ako? Hindi ko alam kung nasaan ang charger mo.”“Aba naman magsisinungaling ka pa! Gusto mo ako pa ang pumunta doon sa silid mo para kunin ang charger ko?”“Bakit hindi mo gawin?!” Sigawan ng dalawa.“Hmph!” Na siyang susubukan sanang suntukin ni Ryan si Rozzie. “Wala kang pinagkalayo sa maingay mong ina!”“Hoy! Sabihin mo yan kung andito si Mama!”“Totoo naman eh!” Talikod ni Ryan at pinuntahan nga ang silid ni Rozzie. “Andito oh?! Marunong kumuha pero hindi marunong ibalik. Magnanakaw ang tawag doon, Rozzie. P*ta naman eh.”Ulit napapikit si Serena. Sanay na siya sa mga ito, ngunit hindi siya nasasanay para sa kanilang ama na maayos naman sa kanila ibigay ang pangangailangan nila noong
Chapter Seventeen: Sa may malapit na grocery store at buong magdamag bukas pumasok si Serena. Bigla din lumakas ang ulan kaya naman hindi na siya nag-abala pang pumunta sa palengke. At ang ibig sabihin lang ni Ryan na gamitin yung credit card niya ay bumili nga sa tindahan na iyon dahil ito ang pinakamalapit na bilihan ng pagkain.Napabuntong hininga si Serena. Halos two percent din kasi ang dinaragdag nilang patong sa presyo kesa sa local na tindahan. At ang Kuya Ryan niya, matagal na niyang pinapanalangin na makakuha na ito ng maayos na trabaho. Kailangan na niya ng tulong. Halos magpakakuba na siya sa trabaho para lang sa gamot ng kanilang ama, pagkain at pangangailangan nila sa araw-araw. Tapos kung minsan nahuhothutan pa siya ng pera ni Gabriela at dahilan sa pag-aalaga nito sa kanilang ama.Dahil nga biglaan ang pagbuhos ng ulan may ilang empleyado ang tumigil sa may grocery at nagpatila ng ulan. At hindi naman niya sinasadyang marinig ang mga pinag-uusapan nito.“Maaga pa na
Hindi makapaniwala si Oxford sa ginagawa ni Gabriel. Umalis ang binata na hindi man lang sinusundan ng mga tauhan nito at mag-isa na ipinagmaneho ang sasakyan. “Walang tatalo talaga sa katigasan ng ulo ng batang yun.” Usal ni Oxford habang ang sekretarya ni Gabriel nakayuko lamang sa kanyang harapan. “Wala ba talaga kayong gagawin?!”Hindi kumilos ang mga tauhan ni Gabriel lalo na walang imik din si Atlas.“Hindi talaga kayo kikilos. Pwes mga tauhan ko ang gagawa.”“Sir, mayroong sinabi si Master Gabriel.”“Kung kayo masyadong masunurin sa kanya at hahayaan siyang mapahamak, ibahin mo ako Atlas.”“Ngunit Sir…”“Wala akong pakialam!” Kuha nito ng phone niya at tinawagan ang sarili niyang tauhan para sundan nga si Gabriel. Pagkatapos niya iyon gawin muli niyang hinarap si Atlas.“Kailan mo pa pinapahiram sa kanya ang mga sasakyan mo? At kailan pa siya natutong magmaneho ng sasakyan?”“Simula ng naging sekretarya niya ako Sir Oxford hinihiram na niya ang mga sasakyan ko.” Kaya natural n
“Wag naman sana na mayroong burol dito.” Ani ni Serena.At dahil sa sinabi ng dalaga nawala ang ngiting hindi ipinakita ni Gabriel sa dito.“Siguro.” Ang marahan na sagot ng binata.“Hoy, nagbibiro lang ako. Hindi naman sana totoo. Dahil kung meron man, asaan? O baka kailangan na natin umalis dito at dumating na sila mamaya lang.”“Wag kang mag-alala, wala dito.”Nakahinga si Serena. “Sinasabi ko na nga ba tinatakot mo ako eh.”Napatitig si Gabriel sa mukha nito. May ngiti ito sa labi at mayroon din itong hawak na ilang tangkay ng bulaklak ulit.“Tinatakot?” Ulit ni Gabriel sa sinabi niya.“Atin lang ito. Lahat naman ata ng mga tao sa mundong ito may kinakatakutan simula pa noong bata pa sila. Ako? Takot ako sa multo.” Amin nito sa kanya. “Saka… Ano… yung bangkay. Yung katawan na wala nang buhay? Simula pa noong bata ako talagang takot na takot na ako noon pa.”“…” Hindi na lang tumugon pa si Gabriel.“Lalo na yung kabaong. Ayoko noon. Ayoko noon makakita.”Lumampas si Serena sa kanya
Sa paghihintay ni Gabriel na malaman niya ang pangalan ng dalaga, bigo siya dahil lumalayo na nga ang usapan nila. Pabago-bago… Hangang sa di nga kayang tanungin ng binata ang pangalan ni Serena.Ang pinag-uusapan pa nilang dalawa ay tungkol kay Gabriel na siya naman iyon.Lihim na lamang na napabuntong-hininga ang binata. “Ang laman ng balita ngayon ay yung tungkol sa pinakamayaman na lalaki sa bansa natin. Patay na ito. Yung ama ni Gabriel. Alam mo kahit patay na yung tatay niya maswerte parin siya.”Dahil sa sinabi ng dalaga, kaagad na napatitig sa kanya si Gabriel. Mga mata niya nagtatanong kung bakit nasabi ng dalaga na napakaswerte niya.“At bakit mo nasabing maswerte siya?”Kung alam lang nito ang pait na pinagdadaanan niya ngayon. Ngunit isa siyang lalaki at kailangan niyang itago ang kanyang nararamdaman para lang sa kanyang sarili.“Akalain mo. Iniwan lang naman sa kanya ang lahat-lahat na ari-arian ng Aquinas. Napakalaki ng kompanya nila dito sa bansa at hindi lang dito p
Pinatakbo ni Gabriel ang sasakyan.“Dahil sumama ako sayo, pwede mo na ata sa akin sabihin kung saan tayo pupunta. Para aware naman ako.”Ngunit hindi ito pinansin ni Gabriel. Tahimik siyang nagmamaneho at sa buong buhay niya, kapag sumasakay siya sa sasakyan walang gumagawa ng ingay o kunin man lang ang attention niya. Pero ngayon… Ano ba itong nagyayari sa kanya? Para siyang nanaginip. Gumagawa siya ng bagay na hindi naman niya ginagawa noon.Babae. May kasama siya ngayong babae. Ang masama pa pilit siyang kinakausap nito.“Hoy,” lumingon sa kanya ang dalaga.“Tsk. Sa naalala ko sinabi ko na sayo ang pangalan ko. Kaya wag mo akong hino-hoy.”“Ah, okey. Justine, saan mo ako dadalhin? Hindi mo naman ako kini-kidnap ano? Hindi ka naman ata kabilang sa mga human trafficking?”“Ang wild masyado ng imagination mo.” Kaya naman mas lalong pinabilis ni Gabriel ang takbo ng sasakyan lalo na malapit na sila sa lugar kung saan hindi gaano maraming sasakyan ang dumadaan.“Di mo kasi ako sinasago
Sa pagmamaneho ni Gabriel napansin niyang nanahimik na ng tuluyan ang dalaga. Nilingon niya ito at napabuntong-hininga na lamang siya ng makita niyang nakatulog na ito. Kaya naman pala napakatahimik na sa loob ng sasakyan.Pero biglang narealize niya na mas maganda na dumaldal ito kesa nga sa bumabalot na katahimikan ngayon. Tahimik na siyang iyon ang kanyang naging mundo noon pa man.Ngunit sa nakikita niya sa dalaga kailangan nga nitong magpahinga. Nang biglang may tumunog.Hindi yun nangaling sa kanyang phone o hindi kaya sa loob ng sasakyan kundi ang tunog nangagaling sa direksyon ng dalaga. Ayaw sana itong paki-alaman ni Gabriel ngunit naririndi siya ng husto at baka nga magising pa ang dalaga. Kaya itinabi niya muna ang sasakyan bago hinanap ang bagay na tumutunog.Kinuha ni Gabriel ang bag nito na niyayakap na parang unan. Hindi nga niya akalain na hindi ito magigising dahil kung siya iyon at kunting kaluskos lang ang marinig niya, magigising na siya. Siguro nakasanayan lang
“What?” Si Gabriel na walang alintana na sinalubong ang titig ng dalaga.“A-ano…” Ang hindi mabigkas-bigkas na salita ni Serena.Naalimpungatan siya. Dahil nga naramdaman niya na may kung anong pumatak na malamig sa kanyang pisngi. Kaya ng magising siya…Nagulat siya kung bakit malapit sa kanya ang binata na hindi maikakaila ang kanyang expression. At bago pa man nga makapagsalita ang dalaga ulit…“Don't think dirty things. Tsk! Sinarhan ko lang yung bintana. Humarang-harang kasi yung braso kaya hindi gumana yung system.” Paliwanag ni Gabriel.Ngunit nakatitig parin sa kanya si Serena.Nabigla siya…Dahil kahit kailan hindi pa si Serena nagising na ang magigisnan niya ay isang lalaki.Lalaki na mala-anghel nga ang kagwapuhan nito… At hindi iyon maitatangi ng dalaga.At nahimasmasan naman siya kaagad dahil bumalik ang mga alaala niya. Oo nga pala sumama pala siya sa lalaking ito.Muling ipinikit ang kanyang mga mata para nga palipasin ang ilang minuto.Nang mapamulat siya dahil…Bakit
Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an
Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka
Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n
Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma
Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena
Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti
Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa
Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n
Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit