Pinatakbo ni Gabriel ang sasakyan.“Dahil sumama ako sayo, pwede mo na ata sa akin sabihin kung saan tayo pupunta. Para aware naman ako.”Ngunit hindi ito pinansin ni Gabriel. Tahimik siyang nagmamaneho at sa buong buhay niya, kapag sumasakay siya sa sasakyan walang gumagawa ng ingay o kunin man lang ang attention niya. Pero ngayon… Ano ba itong nagyayari sa kanya? Para siyang nanaginip. Gumagawa siya ng bagay na hindi naman niya ginagawa noon.Babae. May kasama siya ngayong babae. Ang masama pa pilit siyang kinakausap nito.“Hoy,” lumingon sa kanya ang dalaga.“Tsk. Sa naalala ko sinabi ko na sayo ang pangalan ko. Kaya wag mo akong hino-hoy.”“Ah, okey. Justine, saan mo ako dadalhin? Hindi mo naman ako kini-kidnap ano? Hindi ka naman ata kabilang sa mga human trafficking?”“Ang wild masyado ng imagination mo.” Kaya naman mas lalong pinabilis ni Gabriel ang takbo ng sasakyan lalo na malapit na sila sa lugar kung saan hindi gaano maraming sasakyan ang dumadaan.“Di mo kasi ako sinasago
Sa pagmamaneho ni Gabriel napansin niyang nanahimik na ng tuluyan ang dalaga. Nilingon niya ito at napabuntong-hininga na lamang siya ng makita niyang nakatulog na ito. Kaya naman pala napakatahimik na sa loob ng sasakyan.Pero biglang narealize niya na mas maganda na dumaldal ito kesa nga sa bumabalot na katahimikan ngayon. Tahimik na siyang iyon ang kanyang naging mundo noon pa man.Ngunit sa nakikita niya sa dalaga kailangan nga nitong magpahinga. Nang biglang may tumunog.Hindi yun nangaling sa kanyang phone o hindi kaya sa loob ng sasakyan kundi ang tunog nangagaling sa direksyon ng dalaga. Ayaw sana itong paki-alaman ni Gabriel ngunit naririndi siya ng husto at baka nga magising pa ang dalaga. Kaya itinabi niya muna ang sasakyan bago hinanap ang bagay na tumutunog.Kinuha ni Gabriel ang bag nito na niyayakap na parang unan. Hindi nga niya akalain na hindi ito magigising dahil kung siya iyon at kunting kaluskos lang ang marinig niya, magigising na siya. Siguro nakasanayan lang
“What?” Si Gabriel na walang alintana na sinalubong ang titig ng dalaga.“A-ano…” Ang hindi mabigkas-bigkas na salita ni Serena.Naalimpungatan siya. Dahil nga naramdaman niya na may kung anong pumatak na malamig sa kanyang pisngi. Kaya ng magising siya…Nagulat siya kung bakit malapit sa kanya ang binata na hindi maikakaila ang kanyang expression. At bago pa man nga makapagsalita ang dalaga ulit…“Don't think dirty things. Tsk! Sinarhan ko lang yung bintana. Humarang-harang kasi yung braso kaya hindi gumana yung system.” Paliwanag ni Gabriel.Ngunit nakatitig parin sa kanya si Serena.Nabigla siya…Dahil kahit kailan hindi pa si Serena nagising na ang magigisnan niya ay isang lalaki.Lalaki na mala-anghel nga ang kagwapuhan nito… At hindi iyon maitatangi ng dalaga.At nahimasmasan naman siya kaagad dahil bumalik ang mga alaala niya. Oo nga pala sumama pala siya sa lalaking ito.Muling ipinikit ang kanyang mga mata para nga palipasin ang ilang minuto.Nang mapamulat siya dahil…Bakit
Ang puso ni Serena sobrang nagagalak at hindi niya maintindihan kung bakit. Siguro dahil nakatulog siya ng maayos. O ang ipinakita ngang pagpapahalaga ng stranghero sa kanya.At parang baliw siya na nakangiti ngayon. Yung pakiramdam na mayroon sa kanyang nag-alala at nag-aalaga.Napabuntong-hininga si Serena.Ngayon lang niya ito naramdaman lalo na nangaling sa isang stranghero. Yung coat na ngayon tabon niya sa kanyang ulo… Natutuwa siya na dala niya ito. Remembrance kung sakali nga hindi na sila magkikita pa. At hiling niya na hindi iyon ang huling pagkakataon na makasama niya ito.Ang tanong kung sakali bang magkita ulit sila, isasa-uli ba niya yung coat?Natural.Halata naman na mamahalin ang coat na iyon.Nanghihinayang man pero yun ang tamang gawin.Nanghinayang saan?Sa coat o sa binatang nakilala niya?Napabuntong hininga si Serena.Ngunit alam ni Serena na hindi siya babagay sa binata dahil malayong-malayo ang sitwasyon nila sa isa’t-isa. Halata naman na nangaling din si Jus
Nang mawala na sa paningin ni Gabriel si Serena bumalik na siya sa sasakyan. Basang-basa ngunit hindi man lang nito ininda. Kundi ang inaalala niya baka magkasakit ang dalaga. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan ngunit bago pa man niya mainobrahin tumunog ang phone niya.Si Oxford.Sinagot niya ito.“Pabalik na ako.”“Alam ko.”At ng umangat ang paningin ni Gabriel sa liwanag na kumuha ng attention niya napabuntong-hininga siya. Dahil ang mga sasakyan ng tauhan nito ay nasa harapan niya. Nagsilabasan ang mga tauhan na may dalang malalaking payong.“Kailan pa kayo nandito?”“Kanina lang. At parang may dahilan kung bakit hindi ka kaagad nakauwi.”“Tsk.” Singhal ni Gabriel.“Bumaba ka na riyan sa sasakyan. Marami ang mga taga-media na nag-aabang sayo sa daan pabalik sa Manor. Kailangan mo ng securidad.”Kaya wala nang nagawa si Gabriel kundi lumabas ng sasakyan na ikinasalubong sa kanya ng mga tauhan. Isang limosine ang naghihintay sa kanya at sumakay na siya doon.Sa loob ng sasa
“Achoo!” Iyon ang dahilan kung bakit napabangon si Serena. Sinisipon siya. At sa tingin niya ng dahil ito sa pagpapa-ulan niya kagabi.“Achoo!” Bumangon na siya at lumapit sa sisidlan ng gamot para nga maagapan na lumala ang sipon niya. Kapag lumalala kasi ang sipon niya hindi siya makahinga ng maayos at baka bumalik pa yung sakit niya noong bata pa siya. Pero kahit yung mga basic na gamot na kailangan in case man merong magkasakit sa kanila wala nang laman.Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Pero ng makita siya ni Gabriela may dapat pala siya munang unang atupagin kesa sa sipon niya, ang makaalis ng maaga sa bahay nila bago pa man siya intrigahin tungkol kay Liam.“Siguradong pupuntahan ka ni Liam ngayon, Sera. Kaya payagan mo na siyang ligawan ka. Manliligaw nga muna eh. Sus. Batang ito. Isipin mo na lang ang tungkol sa amin na pamilya mo. Kailangan natin siya. Wag ka masyadong pakipot.”Narinig ni Serena ang sinabi nito ngunit hindi na lang niya pinansin katulad ng sipon niy
Nang magsidatingan na ang customer nila sa canteen naging abala na si Serena. Yun ang gusto niya, ang maging abala at walang iniisip kundi pagsilbihan ang customer nila. Paraan ni Serena para makalimutan ang realidad na mayroon siya.Hangang sa hating-gabi na nga at ubos na ang nilutong pagkain para sa gabing iyon.Naglilinis siya ng mesa at inaayos ang mga upuan ng lumapit sa kanya si Diane.“Nakita mo ba kanina?”“Yung?”“May kausap si Auntie Jane na tatlong lalaki. Yung isa binata habang yung dalawa para mga abogado. Ibebenta na ba niya ang tindahan niya?”Napalingon si Serena sa kanya. Hindi yun maganda kung yun nga ang dahilan ng pag-uusap ng mga ito. Mawawalan na naman siya ng trabaho.“Joke lang. Wag ka naman seryoso, Serena. Eh, sa nagtataka lang ako kung para saan nga yun. Wala pa naman sinabi si Auntie Jane.”“Hindi ko siya nakita na may kinausap.”“Ah, wala ka dito kanina. Inutusan ka pala niya mamalengke. Yung mga lalaki nakita ko yung ID nila parang tauhan ng Aquinas Grou
Inilapag ni Atlas sa harapan ni Gabriel ang isang folder na siyang kinuha naman niya at ng buksan nito… Napangisi siya.Yun nga. Alam ni Gabriel na matutukoy na ng sekretarya kung sino nga ang babaing tinutukoy niya. Ang larawan ng dalaga ang bumungad sa kanyang paningin at ang laman ng folder ay impormasyon tungkol dito.Serena Madison, ang pangalan nito.Twenty-seven…At ang breadwinner nga ng pamilya nito.Dalawang taon na lang sana makakapagtapos na ito sa kursong management pero hindi nakapagtapos dahil nga sa nangyari sa ama nito. Mayroong vocational sa programming ngunit sa nakikita ni Gabriel sa mga part-time nito hindi naman nito nagagamit ang vocation.Naalala ni Gabriel ang sinabi nito noong kasama niya ito.“May sayad ka sa utak mo, no?! Hoy! Umayos ka. Ang daming nakaasa sa akin!” “How many?” “Si itay na paralyzed, si Gabriela na kapag wala ako, baka pati bahay namin isangla niya dahil sa bisyo niyang pagsusugal. Si Ate Rozzie na baka tuluyan mapatay ni Kuya Ryan. Si Ku
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala