Inilapag ni Atlas sa harapan ni Gabriel ang isang folder na siyang kinuha naman niya at ng buksan nito… Napangisi siya.Yun nga. Alam ni Gabriel na matutukoy na ng sekretarya kung sino nga ang babaing tinutukoy niya. Ang larawan ng dalaga ang bumungad sa kanyang paningin at ang laman ng folder ay impormasyon tungkol dito.Serena Madison, ang pangalan nito.Twenty-seven…At ang breadwinner nga ng pamilya nito.Dalawang taon na lang sana makakapagtapos na ito sa kursong management pero hindi nakapagtapos dahil nga sa nangyari sa ama nito. Mayroong vocational sa programming ngunit sa nakikita ni Gabriel sa mga part-time nito hindi naman nito nagagamit ang vocation.Naalala ni Gabriel ang sinabi nito noong kasama niya ito.“May sayad ka sa utak mo, no?! Hoy! Umayos ka. Ang daming nakaasa sa akin!” “How many?” “Si itay na paralyzed, si Gabriela na kapag wala ako, baka pati bahay namin isangla niya dahil sa bisyo niyang pagsusugal. Si Ate Rozzie na baka tuluyan mapatay ni Kuya Ryan. Si Ku
‘Her?’ Pagkatapos na marinig ang salitang minsan lang bangitin ni Gabriel napatitig si Seneca kay Oxford. Ngumisi lamang ito sa kanya kaya matapos maibaba ni Gabriel ang telephono di nag atubiling nagtanong si Seneca dito.“Her? To her convenience? Sino ang tinutukoy mo? At para saan? Babae? Mali ba ako Gabriel?”“Tsk. Mind your own business. Kung wala na kayong sasabihin pa, maari na ata ninyo akong iwan. Marami pa akong gagawin.”“Gagawin. Ang akala mo ba kapag hindi mo yan ginawa, babagsak kaagad ang kompanya mo?” Tugon ni Seneca sa sinabi nito. Ngunit humarap ulit si Gabriel sa mga dokumentong nasa mesa niya at mas pinili na lang na hindi pansinin ang presensya ng dalawa niyang ama-amahan.“Seneca, mabuti pang iwan na nga muna natin siya. Hayaan na magpaka-workaholic. Isa pa hindi tayo magtataka kung bakit siya ganyan. Eh, galing yan sa genes ni William. Workaholic.”“Sana nga. Yung tipong hindi natin alam na mayroon na palang nagugustuhan na babae pero nanahimik lang.”Yun, nari
Si Oxford at Seneca ay binalot ng takot ng makita nila ang pagbagsak ni Gabriel. Katulad ito noong aksidente bago nga na-coma ang kanyang ama. Habang sinusugod si Gabriel sa hospital binigyan muna ito ni Seneca ng paunang lunas. Hindi ito nagkakamalay. At kailangan ng apparatus para malaman kung ano nga ang nangyayari sa kanya.Pagdating sa hospital, tinurukan siya ng gamot para mailigtas ito sa panganib. Naging abala sa kanya ang mga doktor at kinabuksan na nga siya nagising.Nang magising siya ang headmistress ang nagisnan niya. Alam niyang nasa loob siya ng hospital. Kaya muli niyang isinara ang kanyang mga mata.“Anong nangyari?” Tanong niya kay Agatha.“Master Gabriel, sinabi ng iyong ama-amahan na nawalan ka ng malay. Labis kaming nag-alala para sayo. Tatawagin ko muna ang mga doktor mo para sila na lang ang magpaliwanag ng kalagayan mo.”‘Kalagayan.’ Naimulat ni Gabriel ang kanyang mga mata. At sinubukan niyang gumalaw ng maramdaman niya ang sakit kaya naman napalingon si Agat
Dahil hindi makatulog si Serena tumayo siya sa pagkakahiga at hinilot ang kanyang ulo. Maalinsangan ang gabi at pinagpapawisan siya ng husto. Sanay siya sa temperaturang ganoon. Kung ano ang temperatura sa labas siyang temperatura sa loob ng kanilang bahay. Makakatulog sana siya kaya lang labis siyang nag-aalala sa mga kapatid niyang hindi pa umuuwi. Sa sitwasyon na yun alam niyang hindi siya makakatulog. Kaya naman bumangon siya nilapitan si Eunice.Nilagyan niya ng bimpo sa likuran dahil pinagpapawisan ito ng husto ngunit himbing na himbing ang tulog. Inaalala niya na hindi bumalik ang sakit nitong Asthma. Kapag nagkakasakit kasi ito, si Serena ang mas nahihirapan na makita ito kesa sa sarili nitong ina.Pagkatapos lumabas siya sa kwarto at nakita niya ang tambak na labahan ng kanyang mga kapatid. Simula nga ng hindi na siya pinapapasok sa kanyang mga trabaho hindi na inabala pa ng mga kapatid niya na maglaba ng kanilang damit, kundi inaasa yun sa kanya. Dahil iinit naman ang kanyan
Ang pera na para sana sa theraphy ng kanyang ama ay kinuha niya para bilhin ang reseta ng kanyang kapatid. Ngunit hangang doon lang umabot ang kanyang pera. Saan niya kukunin ang tatlong libong dolyar para sa operasyon ni Ryan?Hindi niya alam.Hangang sa napadpad siya sa harapan ng lumang kapilya. Mabuti na lamang may ilaw na sa paligid at tuwing gabi pinapa-ilawan na ito. Maari doon sumilong ang mga taong walang bahay ngunit dahil nga sa nangyari… medyo kinakatakutan parin ang lugar. Sa ngayon walang paki-alam si Serena…Lutang na lutang ang kanyang isipan.Hangang sa tumulo ang kanyang luha.Nasa harapan ulit ng lumang kapilya at umiiyak.Nahihirapan siya ng husto sa ibinibigay na pagsubok sa kanya ng Maykapal. Ang luhang hindi niya maaring ipakita sa mga taong nakasandal sa kanya…Tinatanong niya ang sarili kung bakit nagkakaganito ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Halos araw-araw naman siyang nanalangin. Naniniwala na magkaroon ng pagbabago sa mga ito at mamulat sa katotohanan n
“Ate naman nasasaktan ako! Wag mo naman itong gawin sa akin! Pinapahiya mo ako! Bitawan mo ako!”Ngunit kahit anong gawin ni Alison hindi nga siya binibitawan ni Serena. Hangang sa itinumba niya ang sarili para nga hindi siya tuluyan mahila ng kanyang kapatid.“Tama na Ate!” At napamura pa nga si Alison.Natigilan naman si Serena.Gulong-gulo din ang isip niya pero... Nagulat siya sa ginawa nga niya sa kanyang kapatid. Tipong biglang naibuhos niya ang frustration niya sa kanyang kapatid.Umiiyak na si Alison…At hindi din matigil ang pagluha ni Serena.Nangigil siya sa galit…“Ano ba?! Sa tingin mo nakakatulong ka sa akin?! Sinasaktan mo na ako Ate!”“Ate?” Ulit ni Serena sa itinawag nito sa kanya. “Oo, ako nga ang ate mo. At alam mo ba, napakamalas ko dahil may kapatid akong katulad mo! Ayokong manumbat pero heto ba talaga ang isusukli mo sa akin?! Ha Alison?!”“…”Patuloy na humagulgol ng iyak si Allison. Dahil ito ang unang pagkakataon na nasaktan nga siya ng kanyang kapatid. “Alis
“Si Eunice, hayaan mo na munang matulog sa silid ninyo. Matutulog muna ako at walang gigising sa akin ha. Nakakapagod ang gabing ito.” Dala ang sandal na hinubad ni Rozzie tutungo na sana ito sa silid ng…Kailanga ni Serena sabihin dito ang nangyari.“Ate… si Eunice may lagnat at sa tingin ko tungkol ito sa Asthma niya.” Panimula ni Serena dito. Hinarap siya nito.“Naku naman Sera, alam mo ang gagawin mo kapag nagkasakit yang pamangkin mo. Nakita mo naman ata na kumukuha ako ng dahon ng lagundi at pinapakuluan ko yun saka ko pinapainom sa kanya. Tsk. Anong gusto mo ako pa ang kumuha ng Lagundi?”At sa pinagkukunan nga ng halamang-gamot na yun balitang may mga nakatirang ahas doon.“Natatakot ka dahil sa sinasabi nila na may ahas doon? Eh, kung may mangyaring masama sa pamangkin mo?!” Nanlilisik nitong sinabi. “Ano ba naman Sera!”Napapikit at naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay.“Hindi lang yun Ate…” Pagpapatuloy ni Sera… At kahit ano man nga ang sabihin nito kailangan niya
“Sera.” Bangit nito ng kanyang pangalan sa kabilang linya.At ayaw man manghula ni Serena ngunit parang kilala na niya ito sa boses pa lang na medyo nga may tinis. Kung nalaman nito kung nasaan ang bahay nila hindi impossible na malaman din nito ang numero niya.“Mi-Mister Liam?”“Nakilala mo ako.” Natutuwa nitong sabi. “Saan ka pupunta?”“Ah,” Di niya alam kung sasabihin niya dito pero ng lumingon siya sa di kalayuan may kotseng nakaparada at bumukas nga ang pinto. Lumabas roon ang binata na akala niya hindi na nga niya makikita, o sadyang inaakala lang niya.Si Liam.Ngumiti ito sa kanya at kumaway.Dahil gulat si Serena…“Bakit parang nakakita ka ng multo?”Hindi makapagsalita ang dalaga.“Dyan ka lang muna, pupuntahan kita.”Saka nito ibinaba ang tawag dahil may kinuha sa likuran ng sasakyan. At ng kunin nito isang bouquet at paperbag.Nakangiti itong naglakad palapit sa kanya.“Kamusta ka na, Sera?”“Okey lang naman ako, Mi-Mister Liam.”“Bakit parang nangangayat ka? Sana kumakai
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy