Biglang naging triple ang kaba ni Serena ng marining niya ang sinabi ng binata. May naamoy na siya na maaring mangyari ngayon. Sana nagkakamali siya na baka sa mismong araw na iyon kailangan na ng malinaw na sagot ni Liam kung hahayaan niyang manligaw ito sa kanya.Manligaw? O nais na nitong maging kasintahan niya?Ulit, napatanong na lamang si Serena dahil nga sa mga gumugulong isipan sa kanya. “Talaga bang seryoso ka na nito Liam?” Mahina niyang naitanong. Hinihiling kahit paano na hindi nito narinig ang sinabi niya.Ngunit hindi. Naka-alerto ang binata. Alam niya ang isang tulad ni Liam ay matalino kaya nga nangunguna ito sa mga binata na pinag-aagawan ng mga babae. Fully package kung tawagin.“Seryoso ako Miss Serena Madison.” Pabirong tugon ng binata dahil nahalata na nito na kinakabahan na si Sera. “Bakit kinukutuban ka na ba?”Sino nga ba ang hindi kukutuban?May mga petals sa sahig…Sila lang ang naroroon…May sumasaliw na magandang musical instrument sa buong paligid.At sa
Oras…Kapag hinihintay parang napakatagal dumating…Kapag naman nais panghawakan, mabilis mawala.Iyon ang bagot na nararamdaman ni Gabriel.Isang buwan… Isang buwan siya mananatili sa silid na iyon. Kakayanin ba niya? Hindi.Inaasahan niya na pagkatapos ng isang buwan tapos na ang pagkabagot niya na siyang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng inis. Ngunit nakakamali siya ayun na rin sa narinig niya sa magaling niyang ama-amahan na kailangan niyang maglaan ng oras sa recovery niya. Ramdam na ramdam ni Gabriel at hindi niya maitatangi na hindi pa nga ganap na magaling ang kanyang nararamdaman.“Tss.” Singhal niya na hindi namamalayan kung para saan at para kanino iyon.At dahil sa inis na kanyang nararamdaman, iyon din ang naisusukli niya sa pag-aalala ng kanyang mga ama-amahan sa kanya.Pakiramdam kasi ni Gabriel sinasayang lang niya ang kanyang panahon sa higaan. Kahit nga patuloy parin niyang tinatangap ang ilang dokumento sa silid hindi iyon sapat para nga maramdaman niya ang ka
“Lahat ng resulta sa mga isinagawang test kay Master Gabriel ay narito na Sir.” Abot kay Seneca ng isang tauhan sa laboratoryo. Tinangap naman niya at dumiretso sa mesa upang pag-aralan din ito ng mga kasamahan din niyang doktor na pina-priority nga ang kalusugan ng nag-iisang Aquinas.Pinunasan niya ang kanyang salamin dahil sa namuong hamog. Napansin niya na hindi nagsasalita ang mga kasamahan niya kahit nga nauna na itong basahin ang resulta. Alam ni Seneca na hindi maganda ang nilalaman ng papel na iyon.Kaya ng mabasa niya ang isang salita…Halos hindi makapaniwala ang doktor. Ang resulta ng sonogram at hormone test ni Gabriel ay may balakid na hindi maganda para sa angkan na pinagmulan nito. Ito ay isang malaking banta sa buong angkan ng Aquinas. Malaking problema na iniiwasan nila ng husto.Sa dami ng problema bakit iyon pa ang dapat na humamon sa binata.“Azoospermia?!” Halos mawalan siya ng hininga sa binangit na sakit. Napakaraming tamud ni Gabriel ang nasasayang sa mga oras
Pagkatapos nga ng dalawang linggo inaasahan ni Gabriel na makakaalis na siya sa silid na iyon. Nakakalakad na din naman siya at kung minsan-minsan na lang niya nararamdaman ang pananakit.“Master Gabrie, andito lang pala kayo.” Si Agatha na nakahinga ng makita siya sa may patio at abala nga sa hawak nitong tablet. Hindi man lang umangat ang paningin ni Gabriel kaya naman, “Saan niyo nais ipaghanda ang inyong agahan?”Oo maaga nga siyang nawala sa kanyang silid, halos nga hindi pa sumisikat ang araw. “Sa kompanya na lamang ako mag-aalmusal.”Ang isinagot ni Gabriel na bumakas ang gulat sa mukha ni Agatha.“Ibig po bang sabihin nito babalik na kayo ng kompanya?”Marahan na tumango si Gabriel. “Ngunit Master Gabriel hindi maganda ang ideya na babalik na kayo ng kompanya. Kailangan niyo sundin ang sinabi ng doktor lalo na ni Doctor Seneca.”Ngisi ang isinukli ni Gabriel sa pag-aalala ni Agatha sa kanya. “Tsaa na lamang ang inyong ipaghanda sa akin ngayon.”Napabuntong-hininga na lamang a
Isang lugar lang ang nais puntahan ni Gabriel…Yun ay ang lumang kapilya.Akala pa naman niya wala siyang oras na tumakas sa kanyang gawain sa kompanya yun pala ay isang pagkakamali. Marunong din pala siya sumira ng kanyang schedule at si Atlas ang halos nahihirapan kapag ginagawa nga niya ito.Buntong hininga na lamang ang pinakawalan niya sa ere para nga sa kanyang sekretarya. Hindi naman niya nais na gawin ito ngunit kung ito lang ang paraan para maiwasan niya na hindi makasagot ng masasakit sa kanyang ama-amahan, bakit nga ba hindi niya gawin na tumalikod nga muna.Pero ang gumugulo sa isipan ni Gabriel kung ang sekretarya ba niya ang mas kawawa ngayon o siya dahil nga sa kalagayan ng kalusugan niya ngayon.Maari siyang mabaog…At kung nauunawaan nga niya ng maayos, dalawang buwan na lang mababaog na siya.Muli napamura si Gabriel sa paulit-ulit na sinabi ni Seneca.Ang magkaroon ng pamilya at maraming anak, ang habilin ng kanyang ama. Hindi ba talaga niya maisasakatuparan? Dahil
Nanahimik na lamang si Gabriel kung talaga namang nais ni Serena ipaglaban ang tungkol sa kasintahan nito na aksidente lang nga daw niya sinagot.Sa totoo lang naghihinala na si Gabriel na parang may mali.Nakarating sila sa lugar na sa wakas gising yung kasama niya at patuloy paring ipinaglalaban nito ang bagay na sa tingin niya tama. Marami itong sinasabi ngunit isa lang ang nais linawin ni Gabriel sa kanyang sarili, kung sino nga ba ang kasintahan nito.Sa tabi ng kalsada niya itinigil ang sasakyan.“Andito na tayo?” Tanong ni Serena at inaalis ang seatbelt.Hindi sinagot ni Gabriel ang tanong nito na obvious naman ang sagot. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan na lamang ng pinto si Serena.“Andito na nga tayo.” Sagot ni Serena sa tanong niya na tila ba nakuha pang mainis kay Gabriel.Napangisi na lamang ang binata.“Teka lang, nasaan ba tayo?”Mauuna na sanang maglakad si Gabriel nang hindi nga sumunod sa kanya kaagad si Serena.“Alam mo bang trespassing tayo dito? Saka pamiliar s
“Ginutom ako sa pandaraya mo, Justine. Nauna na nga akong tumakbo, paano mo pa ako nahabol. Haist. Siguradong sasakit ang katawan ko nito. Matagal na din hindi ako nakatakbo.” Natutuwang sabi ni Serena at kumuha nga ng burger sa may paperbag.Hingal din si Gabriel.Kung si Serena medyo ilang araw nang hindi nakatakbo, paano pa kaya ang isang katulad niya. Huli niyang naalala noong may kalaro pa siyang mga bata.Tinapik ni Serena ang katabi ng inuupuan niya na parang niyaya si Gabriel na doon maupo. Sumunod si Gabriel at naupo sa tabi nito. Inabot sa kanya ang isang supot ng French Fries.“Hindi ba yan ang paborito mo?”“Oo, pero tikman mo baka magpasalamat ka sa akin kapag nasatisfy ka niyan. Saka kung di ko yan isha-share sayo, sayang lang at mawawala ang pagiging crispy niyan.”Kinuha na lamang ni Gabriel.Nagtataka siya ng husto sa kanyang sarili kung bakit napakagaan ng pakiramdam niya sa dalaga. Muli, lihim siyang napabuntong-hininga.“Ang ganda parin dito, no?” Habang nginunguya
Tinulungan ang pamilya nito? “Tsk.”Hindi nga siya nagkakamali. Mali ang hinala ng dalaga kung saan nangagaling ang tulong na dumarating sa kanyang pamilya.Mabait?Matulungin?Siguro sinungaling.Muli napamura siya sa kanyang isipan.“Sana naunawaan mo na ako.”“Ang galing. Napakagaling naman. Taos puso ka niyang tinulungan.” At kinain ni Gabriel ang natirang nag-iisang fries sa supot.“Yun nga eh. Kaya hindi ako maaring humindi sa kanya.”At dahil wala nang laman ang Fries ni Gabriel kumuha na lamang siya sa hawak ni Serena.“Mabisa pala talaga ito.”“Sinasabi ko na sayo. Mabisa talaga yan pangpatangal stress.”“Sa nastress ako bigla.” Amin ni Gabriel nang kumuha ulit siya sa kinakain ng dalaga. Biglang kumulo ang dugo niya kung sino man ang lalaking ginagamit ang tulong na ipinaabot niya sa pamilya ng dalaga.“Stress? O bat ka na-stress?”“Wala. Gusto ko lang kumain nito. Masarap din pala.”“Heto. Sa'yo na. May isa pa ditong pack.”Hindi ito kinuha ni Gabriel kundi kumuha na laman
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy