THIRST OF FREEDOMSa huling tanong na lumabas sa bibig ng binata hindi naunawaan ni Serena kung literal ba niyang kailangan unawain ang tanong nito o mayroon pa itong nais na iparating. Kaya mas pinili na lamang niya manahimik dahil alam niya kapag tinanong niya pabalik ang binata hindi naman siya nito sasagutin ng diretso.Kinain na lamang niya ang pinakahuling stick ng French fries at napatameme na lamang dahil hindi nga niya nakuha ang sympatya ng binata. Akala pa naman niya gagaan ang pakiramdam niya yun bakit parang mas lalo siya nitong inilapit sa bangin?Saka nangako pa siya na sa loob ng isang buwan aaminin na niya kay Liam ang tunay niyang nararamdaman… Na wala talaga siyang nararamdaman na special dito. Saka natatakot nga siya na baka isang araw hindi nito respetuhin ang nais niya manatiling birhen hangang sa ikasal siya. At hindi naman niya nakikita na si Liam talaga itong mapapangasawa niya…May possibilidad pa ngang itong stranghero ang mapangasawa niya kaysa nga sa isang
Surrogate, Her Solution. Pagdating ni Gabriel sa sasakyan kaagad niyang binuksan ang compartment at tinignan ang shopping bag na sigurado nga siya pangmamay-ari ng kapatid ng kanyang sekretarya. Nakahinga siya na mayroong damit itong binili. Kinuha niya ang pinaka-simpleng blouse na sa tingin niya yun ang mas makakabuting pamalit ng dalaga.Nang bumalik si Gabriel sa kinalalagyan ni Serena kaagad niyang inabot dito ang paperbag. Gaya ng dati hindi niya ito tinapunan ng paningin. Nagdadalawang-isip man si Serena na abutin iyon, kinuha na lang niya at ng makita kung ano ang laman ng paperbag, kaagad tumaas ang kilay niya.“Isuot mo na yan.” Aktong aalis na si Gabriel ng…“At bakit mayroon ka nito?”“Boy scout.” Pagsisinungaling ni Gabriel para hindi na nga humaba ang usapan nila at makapagpalit na ito ng damit.“Sigurado ka? Saka maliit nga ito kumpara sa katawan mo. Hindi kaya… Sa babae mo ito?”Napangisi si Gabriel. “Hindi ka talaga naniniwala na wala akong babae?”“…Hmmm. Medyo. Sa
Bumalik ng kompanya si Gabriel at kaagad siya sinalubong ng kanyang mga tauhan. Ibinigay ang susi sa isang tauhan nito na alam kung kanino yun isasauli kahit nga pupunta naman siya sa may-ari.Kay Atlas.At nang makarating siya sa kanyang opisina kaagad na bumungad sa kanya ang nais niyang maka-usap pero mas naunang magsalita si Atlas.“Sir Gabriel dahil wala po kayo kanina ipinakansela ng board members yung pagpupulong at bukas ito gaganapin ulit.”Napatango na lamang si Gabriel ngunit hindi naalis ang titig sa mukha ng kanyang sekretarya. At ng mapansin ito ni Atlas kaagad nito inalis sa kanyang paningin ang tablet saka yumuko sa kanyang presensya.“Project Rose sabihin mo sa akin sino ang nagkukunwaring siya ang tumutulong sa pamilya ni Serena? At siya rin ang kasintahan ngayon ng babaing yun.”“Sir…” Hindi alam ni Atlas kung saan magsisimula. Hindi pala talaga nito narinig ang sinabi niya noong isang araw. Ngunit bago pa man makapagsalita si Atlas bumukas ang pinto at si Oxford ma
Sinagot ni Gabriel ang tawag sa harapan ni Freya. May mga sinasabi sa kanya si Atlas ngunit gawa-gawa lang naman ito ng kanyang Secretarya.“That’s our priority before the day end. Pupunta ako dyan kaagad.” Saka ibinaba niya ang tawag. Kinuha niya ang kanyang wine glass at tinikman lang iyon. Tipong hindi niya nagustuhan kaya tumayo na siya na para bang wala siyang kasama sa mesa.Tatalikod na sana siya ng…“Mister Gabriel Aquinas… Pa-paano ako?” Ang tanong ni Freya na para bang itinapon na niya ang kanyang dignidad. Dahil ang babaing mayroong dignidad hindi iyon gagawin at hahayaan lang siyang umalis. Saka it is just a blind date wala pa namang responsibilidad sa kanya si Gabriel. Hindi naman niya ito pinilit makipagkita sa kanya, kusang kumagat ito sa kagustuhan ni Seneca o sadyang nagpresenta ito. Kung alin man doon si Freya ang kay Gabriel wala pa naman siyang responsibilidad dito.Upang magmukhang maginoo kahit paano si Gabriel natigilan siya. Senenyasan ang waiter na magsalin ul
Isang buwan…Halos isang buwan na ang lumipas pagkatapos balaan ni Seneca si Gabriel tungkol sa kanyang kalusugan lalo na ang kakayanan niya bilang isang lalaki. At ng mapansin niya ang takbo ng oras, pakiramdam niya parang dinaya o sinasadya siya ng panahon.Napatitig nga siya sa orasan na malapit sa kanyang hinihigaan. Sa digital clock naroon ang petsa kung ano na nga bang araw ngayon.Kung hindi niya namalayan ang oras na lumipas, lalo namang lumago ang kompanya at mabilis nga ang pag-angat nito sa world market. Bawat sangay ng Aquinas Group at Wilford Corporation ay parang minahal ng maigi at inalagaan niya para nga dumating sa punto na hindi na niya alalahanin kung may nais man mag-withdraw na cliente sa kompanya. Ang mga pinatayo niyang branches sa iba’t-ibang bansa a halos maging triple ang distansya sa nakaraang taon. Sa dami din ng mga naipatayo niyang gusali at real state dumami rin ang nasasakal niyang mga negosyante.Sa paraan na yun ata binuhos niya ang hindi maunawaan na
Labis na nagulat si Agatha na sa unang pagkakataon ginamit nga ni Gabriel ang kanyang kamao bilang tugon sa ama-amahan nito. Di niya akalain na magagawa iyon ng binata. Ngayon pa lang niya nakita si Gabriel na nagkaganoon. Siguro dahil nga sa tension na nararamdaman nito ukol sa problemang kailangan nito harapin sa lalong madaling panahon.“Seneca.” Kaagad niyang nilapitan ang doktor ng maka-akyat na si Gabriel sa silid nito. “Dumurugo ang iyong ilong.”Kaya naman napasenyas siya sa katulong na kunin nga ang lalagyan ng gamot.Buntong-hininga ang sinagot ng doktor at ang paningin nga niya sa hagdan kung saan patungo iyon sa silid ng binata.“Ang binatang yun. Sumosobra na siya.”“Kaya mo bang tumayo at maupo doon sa sofa?”Kusang bumangon si Seneca at inalis niya ang kanyang salamin. Kinuha sa bulsa ang panyo upang linisan ito. Naupo naman sa sofa gaya ng sinabi ni Agatha at dumating ang katulong dala ang lalagyan ng gamot at yelo para nga sa maaring natamong pasa na natangap ni Senec
“Master Gabriel.” Si Agatha ng makita nga ang binata. Kaagad napansin ng Mayordoma ang mga mata nito na parang may malalim na iniisip. Papunta na sana siya sa silid nito ng malaman niya sa mga utusan na pumunta ng silid nito sina Seneca at Oxford.Ngunit kahit nga tinawag niya ito na sapat lang marinig ng binata hindi man lang siya binalingan nito kundi dumiretso itong lumabas. Sumunod naman ang ilang mga tauhan sa binata na dumiretso kung nasaan ang mga nakahelerang sasakyan. Lumapit sa isang key less car na nakarehistro nga siya roon. Bumukas ito para sa kanya saka sumakay siya.Hindi na lang nakapagsalita si Agatha ng patakbuhin nga ito ni Gabriel…Kahit na ang mga tauhan biglang hindi alam ang gagawin hangang sa dumating si Seneca na mahinahon na sinundan naman ni Oxford.“Ano pa ang tinutunganga niyo dyan?! Sundan niyo siya!”“Ngunit sinabi ni Master Gabriel na…”“Sa tingin niyo nasa tamang pag-iisip ang binatang yun? Hindi kayo kikilos?” Si Seneca. “Sa oras na may masamang mangy
Nanatiling tahimik sa sulok si Gabriel at kahit ano pa nga ang marinig niya wala siyang pakialam. Sadya naman talagang basura lahat ang naroroon sa lugar na iyon… At kabilang na ata siya roon… Na binabasura nga rin ang oras niya.Paulit-ulit siyang napapamura sa tuwing naalala nga niya ang iniwan niyang sitwasyon sa Manor. Ang mga matang mapaghusga… At higit sa lahat mga matang walang tiwala sa kanya…Lahat ng iyon nais niyang makalimutan yun.Ang kanya lang sa oras na iyon walang dapat na gumulo sa kanya.Ngunit bakit ang mga tao kung minsan hindi napagsasabihan? Sadya bang walang hiya ito? O walang dignidad?“Alone.” Isang babaeng haliparot na naupo sa katabi niyang stool. Ulit hindi niya ito nilingon o kahit man lang pinansin ang sinabi nito. Ang kanya walang dapat na umistorbo sa kanya sa hindi naman siya nakiki-alam sa kung sino man.At diretso ngang ininom ulit ni Gabriel ang laman ng baso niya.Nang biglang naramdaman niya na may humihipo sa kanya. Parang humaba ata ang kamay n
Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an
Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka
Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n
Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma
Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena
Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti
Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa
Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n
Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit