Labis na nagulat si Agatha na sa unang pagkakataon ginamit nga ni Gabriel ang kanyang kamao bilang tugon sa ama-amahan nito. Di niya akalain na magagawa iyon ng binata. Ngayon pa lang niya nakita si Gabriel na nagkaganoon. Siguro dahil nga sa tension na nararamdaman nito ukol sa problemang kailangan nito harapin sa lalong madaling panahon.“Seneca.” Kaagad niyang nilapitan ang doktor ng maka-akyat na si Gabriel sa silid nito. “Dumurugo ang iyong ilong.”Kaya naman napasenyas siya sa katulong na kunin nga ang lalagyan ng gamot.Buntong-hininga ang sinagot ng doktor at ang paningin nga niya sa hagdan kung saan patungo iyon sa silid ng binata.“Ang binatang yun. Sumosobra na siya.”“Kaya mo bang tumayo at maupo doon sa sofa?”Kusang bumangon si Seneca at inalis niya ang kanyang salamin. Kinuha sa bulsa ang panyo upang linisan ito. Naupo naman sa sofa gaya ng sinabi ni Agatha at dumating ang katulong dala ang lalagyan ng gamot at yelo para nga sa maaring natamong pasa na natangap ni Senec
“Master Gabriel.” Si Agatha ng makita nga ang binata. Kaagad napansin ng Mayordoma ang mga mata nito na parang may malalim na iniisip. Papunta na sana siya sa silid nito ng malaman niya sa mga utusan na pumunta ng silid nito sina Seneca at Oxford.Ngunit kahit nga tinawag niya ito na sapat lang marinig ng binata hindi man lang siya binalingan nito kundi dumiretso itong lumabas. Sumunod naman ang ilang mga tauhan sa binata na dumiretso kung nasaan ang mga nakahelerang sasakyan. Lumapit sa isang key less car na nakarehistro nga siya roon. Bumukas ito para sa kanya saka sumakay siya.Hindi na lang nakapagsalita si Agatha ng patakbuhin nga ito ni Gabriel…Kahit na ang mga tauhan biglang hindi alam ang gagawin hangang sa dumating si Seneca na mahinahon na sinundan naman ni Oxford.“Ano pa ang tinutunganga niyo dyan?! Sundan niyo siya!”“Ngunit sinabi ni Master Gabriel na…”“Sa tingin niyo nasa tamang pag-iisip ang binatang yun? Hindi kayo kikilos?” Si Seneca. “Sa oras na may masamang mangy
Nanatiling tahimik sa sulok si Gabriel at kahit ano pa nga ang marinig niya wala siyang pakialam. Sadya naman talagang basura lahat ang naroroon sa lugar na iyon… At kabilang na ata siya roon… Na binabasura nga rin ang oras niya.Paulit-ulit siyang napapamura sa tuwing naalala nga niya ang iniwan niyang sitwasyon sa Manor. Ang mga matang mapaghusga… At higit sa lahat mga matang walang tiwala sa kanya…Lahat ng iyon nais niyang makalimutan yun.Ang kanya lang sa oras na iyon walang dapat na gumulo sa kanya.Ngunit bakit ang mga tao kung minsan hindi napagsasabihan? Sadya bang walang hiya ito? O walang dignidad?“Alone.” Isang babaeng haliparot na naupo sa katabi niyang stool. Ulit hindi niya ito nilingon o kahit man lang pinansin ang sinabi nito. Ang kanya walang dapat na umistorbo sa kanya sa hindi naman siya nakiki-alam sa kung sino man.At diretso ngang ininom ulit ni Gabriel ang laman ng baso niya.Nang biglang naramdaman niya na may humihipo sa kanya. Parang humaba ata ang kamay n
Maghahating-gabi na ang huling ibinalita ng mga tauhan ni Gabriel sa kanyang ama-amahan na nagawang ligawin sila nito at hindi nila masundan kung nasaan na nga ito.“Ibang klase talaga…” Ang naibuntong-hininga na lamang ni Seneca. “Hindi ko alam kung ginagawa pa ba ng maayos ng mga tauhan ni Gabriel ang trabaho nila.”“At hindi niyo ba talaga hahanapin si Gabriel?” Sabat ni Agatha na kitang-kita sa mukha nito ang labis na pag-alala. “Pwes ako na ang lalabas para hanapin siya.”“Marami na ang naghahanap sa kanya Agatha. Walang magbabago kung lumabas ka at lumabas kami para hanapin siya. Hindi siya magpapahanap.”“Paano kung may mangyaring masama sa kanya?”“Kung may mangyari man na masama sa kanya kaagad natin malalaman.” Ani ni Oxford.“Ano ito? Kikilos kayo kapag may masamang nangyari kay Gabriel?”“Hindi naman sa ganoon. Hindi naman kasi malala ang iniisip namin na maaring mangyari sa kanya.”Kaya naman tumalikod na si Agatha at gumawa ng paraan para nga mahanap si Gabriel. Tinawaga
Nang mahimasmasan si Serena… Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang paningin… May mga naririnig siyang nag-uusap at parang maraming mga paa ang pabalikbalik sa silid. Nang maging malinaw ang paningin niya… Napalingon siya sa bawat sulok ng silid…Isang ward…At parang nasa hospital siya.Saka niya naalala yung nangyari kagabi. Kung paano nga niya tinakasan si Liam… At sigurado sa ginawa niyang iyon… Napahiya na naman niya ang binata.Napaupo-bangon siya. Ang tanong… Bakit nasa hospital siya? At ang huling naalala nga niya… Nanghina siya ng husto hangang sa nanlabo ang kanyang paningin.Biglang may umurong ng kurtina at ngiti ng isang nurse ang bumati sa kanya. “Mabuti Miss Madison nagising na kayo.”“A-anong ginagawa ko dito?”“May taong sumugod sayo dito at sinabing nakita kayong walang malay sa daan.”“Si-sino?”“Walang sinabi. Ngunit sinugurado naman namin na wala nga siyang kinalaman sa nangyari sa inyo. Siguro naman wala ho kayong nararamdaman na iba kesa nga sa masakit niyong t
Kung sakali ngang si Gabriel iyong stranghero na nagdala kay Serena sa hospital, ilang linggo na din ang nakalipas simula nga noong huli silang nagkita.Tumangi man si Serena na ihatid personal ng kausap niyang nurse, iyon nagpumilit ito sa kanya. Kasama daw kasi iyon sa binayaran ng taong tumulong sa kanya na ayaw naman sa kanya sabihin kung sino ito. Nagpahatid na lamang si Serena malapit sa bahay nila dahil ayaw naman niyang mag-alala sa kanya ang pamilya niya. Pumayag naman ang mga ito.Nang maibaba siya at nawala nga sa paningin niya ang sasakyan napalingon siya sa direksyon kung nasaan nga ang bahay nila. Kinakabahan siya na umuwi muna kasi baka nga sumulpot na lang bigla ulit si Liam. Kaya minabuti ni Serena na dumiretso muna ng lumang kapilya.Dahil medyo nga hindi pa siya nakakabawi kagabi sumakit ang binti niya na kaagad naman ikina-upo ni Serena. Napahilot ng binti… Saka napa-angat ang paningin niya sa Altar… Pansin niya na napakaraming bulaklak roon.Napabuntong-hininga na
Lutang ang isipan ni Serena pakiramdam niyang ang bilis tumakbo ng oras. Kung may magagawa sana siya na pigilan ito kanina pa niyang pinigilan upang makahinga siya ng maayos…Pero hindi.“Sera, hindi ka pa naliligo?” Si Rozzie, habang nilinisan nga niya ang banyo sa loob ng kanyang silid.“Bakit?”“Ano ka ba Sera? Anong oras na? Kailangan mo nang mag-ayos. Maligo ka na. Tapos bakit ikaw naglilinis niyan, eh may dumarating naman na katulong dito para maglinis. Tsk.”Di na nito hinintay ang sagot niya ng umalis na nga ito sa kanyang harapan.Maliligo? At mag-aayos? Ano na bang oras?Lumabas siya sa banyo at ng tignan niya ang orasan… Para sa kanya maaga pa ito. Saka niya nakita ang paperbag na ipinatong ni Rozzie sa kama niya. Nilapitan niya at iyon ang ibinigay ni Liam para isuot niya mamayang gabi.Napa-iling na lamang si Serena.Pinuntahan niya si Rozzie para nga komprontahin kung iyon ang ibinigay ni Liam.“Ate Rozzie.”Lumingon ito sa kanya na may kasamang pagtaas ng kilay.“Ito ba
Bumalik sa loob ng Manor si Gabriel. Nagkulong sa silid na walang kinakausap hangang sa napag-isipan nga niyang pumunta ng kompanya. Tulong ng mga tauhan na kinuha ni Atlas para nga maitago ang pasa sa mukha ni Gabriel komportable at parang walang nangyari dito noong gabi.May sasabihin sana kaagad si Atlas sa kanya pero pinili na lamang nito itikom ang kanyang bibig dahil nakikita naman niya na wala si Gabriel sa mood nito para mag-isip pa ng kung ano-anong bagay.Natagpuan nga ni Gabriel ang kanyang sarili na muling abala bago nga lumubog ang araw.“Sir Gabriel, heto yung mga dokumento na pinapakuha ninyo.” Inilapag ni Atlas sa harapan nito ngunit hindi muna ito nilingon ni Gabriel dahil sa harapan niya naroroon ang blueprint ng simbahan na ipapatayo niya kapalit ng lumang kapilya.Napatango siya.“Kung hindi ako nagkakamali ngayon ang excavation ceremony ng simbahan na ito. Saint Anne Church…”“Tama po Sir. Nagsimula kaninang umaga at hangang ngayon patuloy parin sila. Bakit Sir na
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy