Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Taming the Sunshine: Chapter 1 - Chapter 10

190 Chapters

Prologue

Musika nang kuliglig ang maririnig sa napakagandang gabi.Napakakalmado ng paligid.Nagniningning ang mga butuin sa kalangitan.At ang paghigop ng tsaa ang siyang magsisilbing patunay na kahit sa paghihintay ay maari kumalma kahit nga nasa kalagitnaan ng tension. Kung ito bang hinihintay nila ay magtatagumpay sila sa kanilang pinaplano o mapupunta lang ang lahat sa wala.Ngunit napakapositibo ng paligid.Lalo na ang pananaw ng isang tanyag na abogadong si August Oxford. Kasama nito sa pagtsa-tsaa ang batikan sa larangan ng mangagamot, si Seneca Tan.Naghihintay lang naman silang dalawa sa tawag ng kanilang mga kanya-kanyang tauhan habang nasa balkonahe ng Aquinas Manor.Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan, kaya naman walang sino man ang may nais magsalita. Kapag nagkakasalubungan ang kanilang paningin napapangisi na lamang sila sa isat’isa. Siyang musika nga ng kuliglig ang tanging umaaliw sa kanilang mga tenga.Nang ipinatong ni August ang kanyang tasa ay siya naman biglang tu
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 1: GABRIEL AQUINAS

Approval for Euthanasia. Nakita kaagad ng Chief Lawyer ang dokumento sa ibabaw ng kanyang mesa. Kinuha niya ito ngunit wala lakas ng loob para buksan iyon. Tipong mabigat ito sa kanyang kamay, kahit nga ilang papel lamang ang nilalaman nito. Alam niya na para iyon sa kanyang kaibigan. Si William. Marami nang papel at dokumento na dumaan sa kanya, ngunit ngayon nakakalungkot isipin na may mga papel na ang nilalaman ay katulad niyon. Papel na maaring mawalan ng hininga ang isang tao. Approval for Euthanasia… Napahawak siya sa kanyang batok. Muli na naman nagpakita ang ducomentong iyon sa kanya. Ang kaibigan niya na halos siyam na taon nang comatose, at kinukumbinsi siya ng Chief Aquinas Physician na tanging makina at gamot ang dahilan para manatiling humihinga ang buto’t katawan ni William. William Aquinas. Ang kilalang Presidente ng Aquinas Group na halos sampung taon nang hinihintay na magkaroon ng malay. Hindi lamang ang mga kaibigan nito at kompanya ang naghihintay sa k
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 2: Untouchable

Dahil sa nangyari kay William hindi lang ito naging silbing unos sa kanyang kompanya kundi sa nag-iisa niyang anak na si Gabriel. Napakabata pa nito para maiwan ang malaking responsibilidad sa kompanya. “Halos nitong linggo ko lang nakita ulit si William, hayaan mo ako na muli ko siyang puntahan at makita man lang muna, ngayon.” Na siyang maingat naman na isinilid ni Oxford sa kanyang suitcase ang dokumento. Lumabas ito kasama si Seneca at pumunta nga sa hospital kung nasaan si William. Habang papunta sila sa hospital sa isang gusali naroroon ang napakalaking screen at pinapakita nito ang ekonomiya ng bansa. Nangunguna ang Aquinas Group na may malaking kontribusyon sa bansa. Muli napabuntong-hininga si Oxford. Naalala pa noon niya noon ang unang pagkakataon na naglantad sa publiko ang pangalan ni Gabriel. Ang batang dapat na tinatamasa ang kalayaan ay biglang inabuso ng responsibilidad nito sa kanyang pamilya. Gabriel Aquinas. Labing pitong taong gulang ng maratay sa hospital a
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 3: His Tears

Pinagmamasdan ni Oxford si Gabriel habang nagsasalita ito sa enteblado upang ipakilala ang panibagong produkto ng kompanya.Hindi man lang ito ngumingiti.Ngunit maraming mga mata ang nahuhumaling sa kagaya ni Gabriel. Mula sa tindig at pananamit, halata namang maraming babae ang maghahabol sa kanya. Ang bibig na maraming mapapa-Oo dahil sa matalino at galing sa pananalita.Nang dumating si Seneca, tinapik siya nito sa balikat.“Nauunawaan ko na kung bakit ipinangalan ni Bianca sa nag-iisa nilang anak ang martyr na archangel. Gabriel.”Pilyong ngumiti si Seneca at naupo sa tabi ng kaibigan.“Dahil sa physical na anyo?” Hula ng doktor.“Hindi lang dahil sa physical na anyo pati ata ang magiging papel niya sa mundong ito. Kailangan ba talaga niyang maging seryoso? Nakita mo na ba siyang ngumiti? Si Gabriel ba nabangit sa biblia na ngumiti?”Kinuha na lamang ng doktor ang inumin niya sa mesa at ngumiti ito sa kanyang kaibigan saka napailing. “Mabuti pa itong ama niya, nakita nating ngumi
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 4: Women Through His Life

“Headmistress, kinumpirma na ng secretarya ni Master William na naka-alis na ang private jet papuntang Russia.” Narinig ni Gabriel na ibinalita ng isang katulong kay Agatha.“Matagal na namang makakabalik si Master William, siguraduhin ninyo ang securidad ng paligid.”Naibaba ni Gabriel ang kanyang librong binabasa at tahimik na napabuntong-hininga. Napatitig sa labas ng bintana at ang malagintong sinag ng araw ang sumalubong sa kanyang paningin. Noong bata siya hindi niya maunawaan kung bakit laging umaalis ang kanyang ama lalo na labas pasok ito ng bansa. Sa tuwina napakalayo ng mga lugar ang pinupuntahan nito. Halos nga hinahabol nito ang oras. At hindi maintindihan kung para saan itong ginagawa ng kanyang ama.Hangang sa natuklasan niya ang sistema kung paano umiikot ang pera sa mundong ito. Palaging naiiwan si Gabriel sa Aquinas Manor, napakalaking bahay ngunit halos lahat ng sulok ay mayroong mga nakabantay o hindi kaya mga kamera. Para ito sa kanyang securidad, na tila ba isa
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 5: Those Moments

Nang makaramdam si Gabriel na may humihila ng kanyang pain, agad naman nakita ng kanyang ama na mayroon na siyang mahuhuli.Ngumiti ito para sa kanya, at kaagad na hinila ni Gabriel ang kanyang pamingwit.Isang isda na may kalakihan upang ngumiti si Gabriel at masaya siyang tinulungan ng kanyang ama.Kumikislot ang isda at madulas ito sa kamay kaya dali-daling dinala ng isa sa tauhan na kasama nila ang pagsisidlan.“Naunahan mo pa akong makahuli, Gabriel.” Ani ng kanyang ama. “Natutuwa ako para sayo.”Sa oras na yun, parang kung anong tagumpay ang nakamit ni Gabriel dahil lang sa sinabi ng kanyang ama. Iyon ang una niyang pagkakataon na marinig na tila ba ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Ang araw na iyon ay hindi niya nakakalimutan.Muling hinagis ni Gabriel ang pain sa ilog. At ang kanyang ama nagpatuloy sa ikinukwento nito sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig ngunit kung may ano sa kanya na nais niyang makahuli ulit ng isda bago pa man makahuli ang kanyang ama.“Katulad ng pang
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 6: His Last Family

At ngayon nasa harapan na ni Gabriel ang kanyang ama. Kung dati rati ang likuran nito ang palagi niyang nakikitang tumatalikod sa kanya, nitong mga nakalipas na taon naman siya ang palaging umiiwas sa kanyang ama.Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?Hindi.Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan. Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.Kaya
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

Chapter 7: The Meeting Place

Alam na ni Gabriel ang sasalubong sa kanya kung sa main exit siya dadaan. Kaya mula sa VIP area ng hospital dumaan siya sa VIP hallway papunta sa basement. Ngunit kahit sa basement may mga taga-media na nakaabang pero dahil sa presensya ng mga tauhan ni Gabriel hindi ito makalapit sa kanya.Kailan man hindi sini-sekreto ng gobyerno at mga ka-kompetensya ang mga nangyayari sa pamilya ng Aquinas. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay nila lalo na siya bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Kung may pagkakataon na may mahuthot sila ay gagawin nila yun. Palaging mayroong kinakaharap na kaso at hindi na yun bago kay Gabriel. Dahil wala naman napapatunayan sa mga kasong yun.Karamihan ng kalaban ng pamilyang Aquinas ang nais nila ang makapaghanap ng butas sa pamilyang Aquinas, ngunit nabibigo sila parati.At simula nang lumabas ang mukha ni Gabriel sa publiko siya na ang paboritong pinupuntirya ngayon.Matapos ma-comatose ang kanyang ama, saan man siya magpunta di siya nakak
last updateLast Updated : 2024-05-06
Read more

Chapter 8: Turning Fate

Yung gabing iyon…Naalala ng dalaga…Ang isang gabi na kamutikan na siyang sumuko sa buhay. Sa maari naman tumakas diba? At bahala na yung maiiwan niya?Ngunit hindi… Hindi siya hinayaan ng Maylikha na gumawa ng hindi maganda sa sarili niya sa pamagitan nga ni Sister Agnes.At sa katayuan nga ni Serena, sino naman ang di aayaw sa buhay kung ang buhay ay palaging hinahamon ng problema?Napangiti ang dalaga ng maalala niya iyon.Napadpad siya mismo sa kinalalagyan ng sasakyan ngayon.Mismo sa sidewalk na yun.Naupo siya roon na parang isang baliw na wala na ngang pag-asang natitira sa kanya noon.Pero hangang ngayon marami parin siyang problema, ngunit sa awa ng diyos nabibilang pa naman sa kanyang mga kamay.‘Tiwala lang, at wag susuko. Lahat mayroong hanganan, at kapag tumigil ka, natural na hindi matatapos ang problema.’Dati rati maganda pa ang buhay nila kung hindi lang talaga sila hinamon ng buhay.Paralizado ang masipag niyang ama.Dalawa silang magkapatid sa unang asawa ng kanya
last updateLast Updated : 2024-05-06
Read more

Chapter 9: First Condolences

Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.Wala nang nagawa si Gabr
last updateLast Updated : 2024-05-06
Read more
PREV
123456
...
19
DMCA.com Protection Status