Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 1: GABRIEL AQUINAS

Share

Chapter 1: GABRIEL AQUINAS

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2024-05-03 17:05:35

Approval for Euthanasia.

Nakita kaagad ng Chief Lawyer ang dokumento sa ibabaw ng kanyang mesa. Kinuha niya ito ngunit wala lakas ng loob para buksan iyon. Tipong mabigat ito sa kanyang kamay, kahit nga ilang papel lamang ang nilalaman nito.

Alam niya na para iyon sa kanyang kaibigan.

Si William.  

Marami nang papel at dokumento na dumaan sa kanya, ngunit ngayon nakakalungkot isipin na may mga papel na ang nilalaman ay katulad niyon.

Papel na maaring mawalan ng hininga ang isang tao.

Approval for Euthanasia…

Napahawak siya sa kanyang batok.

Muli na naman nagpakita ang ducomentong iyon sa kanya.

Ang kaibigan niya na halos siyam na taon nang comatose, at kinukumbinsi siya ng Chief Aquinas Physician na tanging makina at gamot ang dahilan para manatiling humihinga ang buto’t katawan ni William.

William Aquinas.

Ang kilalang Presidente ng Aquinas Group na halos sampung taon nang hinihintay na magkaroon ng malay. Hindi lamang ang mga kaibigan nito at kompanya ang naghihintay sa kanyang pagbabalik, kundi ang nag-iisang anak nito na hindi mawalan walang ng pag-asa at kahit kailan hindi tinatangap ang dokumentong iyon…

Umaasa na balang araw magigising pa ang kanyang ama. Sa haba ng panahon na lumipas, patuloy parin itong umaasa na darating ang balang araw na iyon.

“Kamusta ang batang yun?” Ang tanong ni Oxford kay Seneca upang mapabuntong hininga ang doktor.

“Si Gabriel?” bangit niya sa pangalan ng nag-iisang anak ni William. Na siya ring nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng pamilyang Aquinas.

“Wala paring pinagbago. Ganoon parin. Umaasa parin siya na magigising ang kanyang ama. Ngunit hindi. Alam kong isang himala na lang ang hinihintay ng batang iyon para magising ang kanyang ama. Halos magsasampung-taon nang nakaratay ang katawan ni William. Walang pinapakitang pagbabago, bukod sa… Nagmumukha na siyang bangkay. Kailangan na natin kumilos, Oxford. Kailangan natin hikayatin si Gabriel. Kailangan na niyang harapin ang katotohanan na ito, na matagal nang wala ang kanyang ama.”

Hindi umimik ang abogado sa sinabi ng doktor. Pareho nilang alam kung gaano kahirap ito para kay Gabriel.

“Kailangan niya itong harapin. Alam kong mahirap ito sa kanya, ngunit kailangan niya unawain. Sampung taon… Halos magsasampung taon nang hindi nagigising si William. Kailangan nating respetuhin ang katawan niya.”

Muli, napabuntong-hininga si Oxford bilang tugon niya dito. Ipinikit ang mga mata at napahilot ng sintido. Sa kanyang isipan nakikita niya ang kaibigan na si William, katulad noon na nadaratnan nga niyang nagbabasa ito ng dyaryo sa hardin.

William, kung ikaw ang nasa katayuan ko ngayon, ano nga ba ang gagawin mo? At masisi mo ba ang iyong anak sa ginagawa niya ngayon?

Naitanong na lamang ni Oxford habang nakatitig sa bakas ng alaala noong nasa maayos pa ngang kalagayan si William.

Sa tuwina nga parang hindi masasabi ni Oxford na matatawag nga bang pamilya ang ibinigay na pamilya ni William sa kanyang nag-iisang anak na si Gabriel. Halos matapos mamatay ng asawa nito inilaan ang oras niya sa pagpapatakbo ng kompanya.

Kaibigan nilang dalawa si William simula pa noong nagkaroon sila ng kaisipan. Tapat na naglilingkod ang pamilya ni Oxford at Seneca sa pamilyang Aquinas, dahilan upang nakilala nila si William. Matalik na kaibigan ang turing nila sa isa’t-isa. Ngunit sila yung klase nang magkakaibigan na isa lang ang direksyon ng isipan, ang maging maunlad at mapa-unlad pa ang binigay na buhay ng pamilya nila sa kanila. Mayroon silang pagkaka-iba sa hilig siguro dahil sa mga pinagmulan nila.

Si Oxford, nangaling sa pamilyang nagsisilbi ng tapat sa bayan. Karamihan sa myembro ng kanyang pamilya ay mga abogado. Kaya naman kinuha niya ang kurso na siyang hindi niya pagsisihan ayon na rin sa kanyang hilig. Para saan ang kaisipan niya na palaging nagdadalawang-isip sa mga sinasabi ng ibang tao? Palaging naghahanap ng butas, at kung aayon ba ito sa batas. Kurso na nais niya ngang ipaglaban ang sinong mang nilalamangan at hindi nilalabanan ng patas.

Habang nasa College of Law naman si Seneca naman na nangaling sa pamilya ng Scientist at doktor, natural na papasok siya sa College of Medicine. At si William, hindi kalayuan sa department ni Oxford, pumasok siya sa College of Business.

Kilala ang pamilyang Aquinas hindi dahil sa yaman ng pamilyang ito kundi dahil sa napakatanyag na kontrobersyal tungkol sa Aquinas Massacre. Walang natira sa pamilyang, kundi si William at ang kanyang lolo.

Ngayon naman kung mangyayari itong hinahangad ni Seneca na Euthanasia para kay William, ibig lang sabihin nito, maiiwan mag-isa si Gabriel sa mundong ito, bilang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng pamilyang Aquinas.

Yun kung papayag nga si Gabriel.

Sa kanilang tatlo, si William lamang ang nagkaroon ng asawa, kahit nga siya ang pinaka-abala sa kanilang lahat. Halos hinahabol parati ang kanyang oras. Simula nang yumao ang kanyang lolo, siya na itong nagpapatakbo ng malaking kompanya. Ngunit ang hindi aakalain ng mga kaibigan niya, balang araw ikakasal siya. Usap-usapan noon na isang arrange marriage lang ito, ngunit pinatunayan ni William na mali ang balita. Ang pagpapakasal niya kay Bianca ay dahil mahal niya ito at wala nang iba pang dahilan.

Nang makilala ng kaibigan ni William si Bianca sa isang pagtitipon, doon nila napagtanto na napakaswerte ni William sa kanya. Hindi lang sa maganda, kundi pati ang kalooban nito na tila ba isang nabubuhay na anghel.  Mabait, maunawain at maalalahanin kay William. Yun ang kailangan ni William, sa isang tulad niya na napaka-workaholic.  

Di nagtagal, nabalitaan nila na nagdadalang-tao ang asawa ni William. Masaya sila para sa kanilang kaibigan. Dahil sa wakas may panibagong dagdag na naman sa myembro ng pamilyang Aquinas.

Ngunit ang masayang balita ay hindi maiiwasan na magkaroon ng kakambal na hindi naman ginusto nino man.

Natuwa ang mga kaibigan ni William na nanganak ng malusog na batang lalaki si Bianca. Nagmamadali silang bumisita noon, ngunit hindi pa sila nakakarating sa silid, nabalitaan na nilang pumanaw na ang asawa ng kaibigan nila, ilang minuto matapos nito ma-isilang si Gabriel.

Sa napuputol na hininga ni Bianca, ang tanging nagawa niya para sa kanyang anak ay ang pangalanan ito.

“Gabriel… Ang anghel nating dalawa, William.”

Sawian si William. Naiwan sa kanyang ang responsibilidad bilang isang ama at ina sa kanilang anak. Isa pa, hindi rin nangaling sa isang pangkaraniwang pamilya si Bianca. Personal nitong pinapalakad ang kompanya ng kanilang pamilya na hindi nahuhuli sa pag-unlad, ang Wilford Corporation. Kaya nang pumanaw ito, lalong bumigat ang pasanin ni William. Dalawang kompanya ang kailangan niyan patakbuhin ng sabay. Hindi niya naisipan na i-merge ito sapagkat naniniwala siya na ang kay Bianca ay mananatili sa pangalan nito.

Dahil rito nawalan ng oras si William sa kanyang anak na si Gabriel. Kapag nagkakasakit ito, si Seneca ang nangangalaga dito. Kapag mayroong mahalagang mangyayari sa buhay ni Gabriel, ang kaibigan na doktor at abogado ni William ang parating umaalalay dito. Hindi naman iba kay Seneca at Oxford ang bagay na ito, dahil para sa kanila, itinuturing nilang anak nila si Gabriel. At kahit ano man ang mangyari, nangako ang magkaibigan na susuportahan nila ang mag-ama.

Hangang sa kalagitnaan ng pagpupulong, may pangyayari na hindi inaasahan ng karamihan. Inatake si William, nawalan ito ng malay at si Seneca ang kaagad na tumingin dito. Dinala sa hospital at doon nagkamalay.

Matigas ang ulo dahil nais na nito umuwi, ngunit pinagbawalan siya ni Seneca. Kailangan niyang manatili sa hospital upang gumaling ito. Sa awa ng diyos nakinig si William at nangakong mananatili hangang isang linggo. Nangako ang kanyang kaibigan na sila na muna ang bahala sa kanyang iniwan na responsibilidad sa kompanya.

Ngunit tatlong araw pa lamang ang nakakalipas, ang pangako ni William kay Seneca ay hindi nangyari sapagkat magaling na raw siya. Nagpasalamat si William sa kanyang kaibigan sa mga ginawa nito para sa kanya.

Bumalik nga si William sa kompanya, at hindi pa natatapos ang araw, muling siyang itinakbo sa hospital dahil bigla itong nahimatay sa kalagitnaan ng board meeting.

Lumala ang kondisyon ni William, at si Seneca ang nakapagsabi kay Oxford na hindi ito magigising ng ilang araw. Pero ang ilang araw na yun ay naging buwan at taon, matapos nga ideklarang brain dead ang sitwasyon ni William ng mga specialista.

@DeathWish

[HER RETURN 2024]

Related chapters

  • Taming the Sunshine   Chapter 2: Untouchable

    Dahil sa nangyari kay William hindi lang ito naging silbing unos sa kanyang kompanya kundi sa nag-iisa niyang anak na si Gabriel. Napakabata pa nito para maiwan ang malaking responsibilidad sa kompanya. “Halos nitong linggo ko lang nakita ulit si William, hayaan mo ako na muli ko siyang puntahan at makita man lang muna, ngayon.” Na siyang maingat naman na isinilid ni Oxford sa kanyang suitcase ang dokumento. Lumabas ito kasama si Seneca at pumunta nga sa hospital kung nasaan si William. Habang papunta sila sa hospital sa isang gusali naroroon ang napakalaking screen at pinapakita nito ang ekonomiya ng bansa. Nangunguna ang Aquinas Group na may malaking kontribusyon sa bansa. Muli napabuntong-hininga si Oxford. Naalala pa noon niya noon ang unang pagkakataon na naglantad sa publiko ang pangalan ni Gabriel. Ang batang dapat na tinatamasa ang kalayaan ay biglang inabuso ng responsibilidad nito sa kanyang pamilya. Gabriel Aquinas. Labing pitong taong gulang ng maratay sa hospital a

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 3: His Tears

    Pinagmamasdan ni Oxford si Gabriel habang nagsasalita ito sa enteblado upang ipakilala ang panibagong produkto ng kompanya.Hindi man lang ito ngumingiti.Ngunit maraming mga mata ang nahuhumaling sa kagaya ni Gabriel. Mula sa tindig at pananamit, halata namang maraming babae ang maghahabol sa kanya. Ang bibig na maraming mapapa-Oo dahil sa matalino at galing sa pananalita.Nang dumating si Seneca, tinapik siya nito sa balikat.“Nauunawaan ko na kung bakit ipinangalan ni Bianca sa nag-iisa nilang anak ang martyr na archangel. Gabriel.”Pilyong ngumiti si Seneca at naupo sa tabi ng kaibigan.“Dahil sa physical na anyo?” Hula ng doktor.“Hindi lang dahil sa physical na anyo pati ata ang magiging papel niya sa mundong ito. Kailangan ba talaga niyang maging seryoso? Nakita mo na ba siyang ngumiti? Si Gabriel ba nabangit sa biblia na ngumiti?”Kinuha na lamang ng doktor ang inumin niya sa mesa at ngumiti ito sa kanyang kaibigan saka napailing. “Mabuti pa itong ama niya, nakita nating ngumi

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 4: Women Through His Life

    “Headmistress, kinumpirma na ng secretarya ni Master William na naka-alis na ang private jet papuntang Russia.” Narinig ni Gabriel na ibinalita ng isang katulong kay Agatha.“Matagal na namang makakabalik si Master William, siguraduhin ninyo ang securidad ng paligid.”Naibaba ni Gabriel ang kanyang librong binabasa at tahimik na napabuntong-hininga. Napatitig sa labas ng bintana at ang malagintong sinag ng araw ang sumalubong sa kanyang paningin. Noong bata siya hindi niya maunawaan kung bakit laging umaalis ang kanyang ama lalo na labas pasok ito ng bansa. Sa tuwina napakalayo ng mga lugar ang pinupuntahan nito. Halos nga hinahabol nito ang oras. At hindi maintindihan kung para saan itong ginagawa ng kanyang ama.Hangang sa natuklasan niya ang sistema kung paano umiikot ang pera sa mundong ito. Palaging naiiwan si Gabriel sa Aquinas Manor, napakalaking bahay ngunit halos lahat ng sulok ay mayroong mga nakabantay o hindi kaya mga kamera. Para ito sa kanyang securidad, na tila ba isa

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 5: Those Moments

    Nang makaramdam si Gabriel na may humihila ng kanyang pain, agad naman nakita ng kanyang ama na mayroon na siyang mahuhuli.Ngumiti ito para sa kanya, at kaagad na hinila ni Gabriel ang kanyang pamingwit.Isang isda na may kalakihan upang ngumiti si Gabriel at masaya siyang tinulungan ng kanyang ama.Kumikislot ang isda at madulas ito sa kamay kaya dali-daling dinala ng isa sa tauhan na kasama nila ang pagsisidlan.“Naunahan mo pa akong makahuli, Gabriel.” Ani ng kanyang ama. “Natutuwa ako para sayo.”Sa oras na yun, parang kung anong tagumpay ang nakamit ni Gabriel dahil lang sa sinabi ng kanyang ama. Iyon ang una niyang pagkakataon na marinig na tila ba ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Ang araw na iyon ay hindi niya nakakalimutan.Muling hinagis ni Gabriel ang pain sa ilog. At ang kanyang ama nagpatuloy sa ikinukwento nito sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig ngunit kung may ano sa kanya na nais niyang makahuli ulit ng isda bago pa man makahuli ang kanyang ama.“Katulad ng pang

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 6: His Last Family

    At ngayon nasa harapan na ni Gabriel ang kanyang ama. Kung dati rati ang likuran nito ang palagi niyang nakikitang tumatalikod sa kanya, nitong mga nakalipas na taon naman siya ang palaging umiiwas sa kanyang ama.Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?Hindi.Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan. Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.Kaya

    Last Updated : 2024-05-03
  • Taming the Sunshine   Chapter 7: The Meeting Place

    Alam na ni Gabriel ang sasalubong sa kanya kung sa main exit siya dadaan. Kaya mula sa VIP area ng hospital dumaan siya sa VIP hallway papunta sa basement. Ngunit kahit sa basement may mga taga-media na nakaabang pero dahil sa presensya ng mga tauhan ni Gabriel hindi ito makalapit sa kanya.Kailan man hindi sini-sekreto ng gobyerno at mga ka-kompetensya ang mga nangyayari sa pamilya ng Aquinas. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay nila lalo na siya bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Kung may pagkakataon na may mahuthot sila ay gagawin nila yun. Palaging mayroong kinakaharap na kaso at hindi na yun bago kay Gabriel. Dahil wala naman napapatunayan sa mga kasong yun.Karamihan ng kalaban ng pamilyang Aquinas ang nais nila ang makapaghanap ng butas sa pamilyang Aquinas, ngunit nabibigo sila parati.At simula nang lumabas ang mukha ni Gabriel sa publiko siya na ang paboritong pinupuntirya ngayon.Matapos ma-comatose ang kanyang ama, saan man siya magpunta di siya nakak

    Last Updated : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 8: Turning Fate

    Yung gabing iyon…Naalala ng dalaga…Ang isang gabi na kamutikan na siyang sumuko sa buhay. Sa maari naman tumakas diba? At bahala na yung maiiwan niya?Ngunit hindi… Hindi siya hinayaan ng Maylikha na gumawa ng hindi maganda sa sarili niya sa pamagitan nga ni Sister Agnes.At sa katayuan nga ni Serena, sino naman ang di aayaw sa buhay kung ang buhay ay palaging hinahamon ng problema?Napangiti ang dalaga ng maalala niya iyon.Napadpad siya mismo sa kinalalagyan ng sasakyan ngayon.Mismo sa sidewalk na yun.Naupo siya roon na parang isang baliw na wala na ngang pag-asang natitira sa kanya noon.Pero hangang ngayon marami parin siyang problema, ngunit sa awa ng diyos nabibilang pa naman sa kanyang mga kamay.‘Tiwala lang, at wag susuko. Lahat mayroong hanganan, at kapag tumigil ka, natural na hindi matatapos ang problema.’Dati rati maganda pa ang buhay nila kung hindi lang talaga sila hinamon ng buhay.Paralizado ang masipag niyang ama.Dalawa silang magkapatid sa unang asawa ng kanya

    Last Updated : 2024-05-06
  • Taming the Sunshine   Chapter 9: First Condolences

    Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.Wala nang nagawa si Gabr

    Last Updated : 2024-05-06

Latest chapter

  • Taming the Sunshine   Chapter 190 Talked With

    Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um

  • Taming the Sunshine   Chapter 189 Lexie? Her Tutor

    Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da

  • Taming the Sunshine   Chapter 188 Sabotaging Her?

    Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang

  • Taming the Sunshine   Chapter 187 Mrs. Gabriel Aquinas

    Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala

  • Taming the Sunshine   Chapter 186 His Dare 

    Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k

  • Taming the Sunshine   Chapter 185 His Words 

    Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at

  • Taming the Sunshine   Chapter 184 Realization

    Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine

  • Taming the Sunshine   Chapter 183 Consequences was Served

    Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige

  • Taming the Sunshine   Chapter 182 His Relatives

    Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy

DMCA.com Protection Status