“Hindi ko hahayaan na magtatagumpay siya sa pinaplano niya. Hindi siya legal wife at hindi ako makakapayag na makukuha niya lang ang kompanya at lahat ng ari-arian namin.” Pagmamatigas pa rin ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Raoul dahil wala na siyang magagawa para kumbinsihin si Czarina na huwag na nitong piliting lumaban. Tiningnan ni Czarina si Raoul na nakatayo pa rin malapit sa pintuan. “Tauhan ka ni Tita Natalia, ikaw ang palaging nagkukulong sa akin sa lugar na ‘to, ikaw ang palaging nagbabantay sa akin para hindi ako makatakas. Bakit kita susundin? Bakit ko pakikinggan ang mga sinasabi mo?” may diin niyang saad. Hindi naman na nagsalita pa si Raoul at muli niyang hinila ang pintuan para lumabas.
Mapait na lang ngumiti si Czarina, tiningnan niya ang mga pagkain na iniwan para sa kaniya. Nilapitan niya iyun at nagsimula siyang kumain kahit na wala siyang gana. Kailangan ng
Tahimik lang na nakaupo si Tyrone sa sofa habang nasa harap niya ang kaniyang ama at ina. Hinihilot ni Melanie ang sintido niya, ang ina ni Tyrone. Hindi niya makapaniwalang tiningnan ang anak niya.“Nahihibang ka na ba talaga? Anong ginawa mo sa bahay ng mga Jimenez? Gumawa ka lang ng gulo? Hindi ba malinaw ang sinabi ko sayo? Alam kong dalawang babae ang anak ni Mateo pero isa lang sa kanila ang pakakasalan mo at walang iba yun kundi si Natalie! Paano mo ba nakilala ang isa pang anak ni Mateo? Bakit ba gulo na lang ang palaging dinadala mo sa pamilyang ‘to, Tyrone?! Kapag nalaman na naman ito ng lolo mo siguradong lalong magagalit yun sayo.” Sumasakit ang ulong wika ni Melanie sa anak niya. Hindi niya na alam ang gagawin niya rito.Blangko lang naman ang mukha ni Tyrone. Salubong din ang kilay ng kaniyang ama, gusto na nitong suntukin ang anak niya pero pinipigi
Nang maramdaman ni Czarina na may malamig na hangin na yumakap sa kaniya ay napatingin siya sa paligid niya, nagbabakasakaling makita ang kaniyang ina kahit saglit lang.“Mom, is that you?” hindi niya mapigilang hindi maiyak dahil ngayon niya na lang ulit naramdaman ang kaniyang ina. Hindi man naniniwala sa mga ganitong bagay ang ibang tao wala siyang pakialam, gusto niyang paniwalaan na nakakasama pa rin niya ang kaniyang ina kahit na wala na ito. Tipid na ngumiti si Czarina, saka niya niyakap ang sarili niya.“Gagawin ko ang huling ibinilin mo sa akin. Hindi ako makakapayag na makukuha lang ni Tita Natalia ang mga ari-arian natin. Susubukan ko ring maghanap ng ebidensya para patunayan na siya ang may gawa ng nangyaring aksidente sa atin noon. I will do my best and please, help me.” Mahina niyang saad.Nang magring ang c
“Ginagawa mo talaga ang lahat ‘no para maakit si Tyrone at ikaw ang piliin niyang pakasalan. Hindi ka ba nahihiya? Pinapapunta mo siya rito kapag ikaw lang ang tao sa bahay? Anong ginawa niya rito?!” galit na namang saad sa kaniya ni Natalie. Hindi naman siya tinitingnan ni Czarina.“Gusto mo bang gayahin ko ang technique mo? Ang makipagkita sa hotel, ganun ba Natalie?”“Nagagalit ka pa rin ba? Hindi ba at ikaw naman ang pakakasalan ni Austin? Ikaw pa rin ang pinili niya kaya bakit inaakit mo pa rin si Tyrone?! Bakit mo ba ‘to ginagawa? Gusto mong maghiganti? Czarina, this is too much!” hilaw namang natawa si Czarina saka niya tiningnan si Natalie na tila ba stress na stress na sa buhay. Sa itsura niya para bang siya ang nasasaktan ng sobra, para bang siya ang niloko at inagawan.“Galit na ga
“Gusto ko lang naman na tanungin kung ano ng balita sa inyo ni Czarina. Nakumbinsi mo na ba siyang ituloy ang kasal niyo?” hilaw na natawa si Austin saka siya napapailing. Hindi niya na rin alam kung ano bang gulo ang pinasok niya. Bakit ba siya nagkagusto sa magkapatid?“Hindi ko alam kung makukumbinsi ko pa siya, hindi ko na alam kung anong dapat ko pang sabihin sa kaniya para lang makumbinsi siyang ituloy ang kasal namin pero mukhang desidido na siya sa desisyon niya. Kung ayaw niya akong pakasalan, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa akin? Naging masaya ka naman sa affair natin diba? Natalie, hindi maliit na pera ang inilabas ng pamilya ko para sa kasal namin ni Czarina. Bakit hindi mo na lang siya hayaan na magpakasal kay Tyrone at tayong dalawa na lang ang ikasal?”“Nahihibang ka na ba?” hindi makapaniwalang saad ni Natalie. “P
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Czarina habang nakatingin siya sa kawalan. Pagkatapos ng nangyari sa dinner hindi pa niya nakakausap si Tyrone. Naiintindihan niya naman kung aatras na si Tyrone sa usapan nila dahil valid naman ang reason nito. Sino bang tatanggap sa kaniya gayong may kambal na siyang anak. Iniisip niya rin ang mga anak niya, dalawang taon niya ng hindi nakikita at nakakasama ang mga ito ng dahil sa stepmom niya.Hawak ni Natalia ang mga anak ni Czarina para mahawakan ni Natalia sa leeg si Czarina pero kailangan niyang lumaban, ayaw niyang kontrolin na lang ni Natalia ang buhay niya habang buhay.Muling nagbuga ng hangin si Czarina bago siya naupo sa duyan. Blangko niya namang tiningnan si Natalie na hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ito kanina. Gusto niyang magpahangin sa hardin pero dumating ang masamang hangin.“Natatakot ka na bang hindi ka na pakakasalan ni Tyrone? Kung nakinig ka na lang sana kay Mommy, kung inayos mo na lang sa
“Hindi ko kilala!” sagot kaagad ni Czarina na ikinakunot ng noo ni Tyrone. “Hindi ko kilala ang ama ng mga anak ko dahil nabuo lang naman sila dahil sa isang ka-one night stand ko noon. Lasing na lasing ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ko maalala kung paano ko nakilala yung lalaki, kung paano kami napunta sa isang kwarto at mangyari ang hindi dapat mangyari sa amin. Pero gusto ko lang linawin sayo na hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, nagpakalasing ako nun dahil hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng Mommy ko at ang pag-uwi ni Daddy sa kabit at anak niya sa bahay namin.” Sapilitang pagkwekwento ni Czarina. Ayaw niya na sanang maalala ang nangyari sa nakaraan pero kailangan niyang linisin ang pangalan niya.“Ilang taon na ang mga anak mo?” blangko pa ring tanong ni Tyrone.“4 years old, nangyari 5 years ago ang pakikipagtalik ko sa lalaking hindi ko kilala at ngayon dalawang taon ko na silang hindi nakikita. Kung iniisip mo ring ibinigay ko kay Austin ang saril
Mariing nakatitig si Mateo sa asawa niya at hinihintay ang isasagot nito. Ngumiti naman si Natalia saka niya nilapitan si Mateo at iniangkla ang kamay nito sa braso ni Mateo. Kinuha niya na rin ang suitcase ni Mateo saka ito pinaupo sa sofa.“Magpahinga ka muna hon, masama sayo ang pagod at nagagalit.” Pag-iiba ni Natalia nang usapan.“Answer me, Natalia. Anong ginagawa mo sa mga anak ni Czarina?” seryoso pa ring tanong ni Mateo.“Kung ayaw niyang sagutin, ako ang sasagot.” Sabat ni Czarina, masama naman siyang tiningnan ni Natalia pero hindi nagpatinag si Czarina at hindi nagpakita ng takot. “She’s hurting my twins and starves them kapag hindi ko sinusunod ang mga gusto niya. Ang naging successful na project ni Natalie sa kompanya ay ako ang gumawa ng plano nun, everything, dahil kapag hindi ko ginawa ang mga gusto nila, mga anak ko ang magdudusa. Kapag may nangyari sa mga anak ko, ikaw ang sisisihin ko Daddy. Pamilya mo pa rin sila, mga apo mo pa rin sila, at kapag nagutom ang mga a
“Ikinukulong ka na naman ba ng stepmom mo?” tanong ulit ni Hailey. Umiling lang naman si Czarina saka siya tipid na ngumiti. Kinuha ni Czarina ang isang unan saka niya iyun niyakap at itinaas ang mga paa niya. “Pagkatapos mong i-cancel ang kasal niyo ni Austin, hindi ka na nagparamdam sa akin. Ngayon ka na lang ulit bumisita rito, ano ba talagang nangyari sayo? Nalilink ka rin kay Tyrone Fuentes, pwede mo bang ipaliwanag kung anong nangyayari?”“Austin cheated on me and Natalie is the another woman while Tyrone, he is Natalie’s future husband but I asked him to marry me instead.” Diretsong sagot ni Czarina, napaawang na lang ang labi ni Hailey sa gulat. Umayos pa siya ng upo bago siya muling nagsalita.“Are you serious? Ipinahiya mo ang pamilya ni Austin dahil kinansel mo ang kasal niyo na dapat ay tapos na ngayon tapos inalok mo ng kasal si Tyrone Fuentes? You’re unbelievable. Sa ginawa mo, ikukulong ka na naman ng stepmom mo sa atic, nababaliw ka na ba?” nag-aalalang wika ni Hailey
Hello po, pasensya na po kung hindi ako makakapag-update ng ilang araw o linggo. Naadmit po kasi ako sa hospital at wala pong kasiguraduhan kung kailan makakalabas. Kailangan ko rin po magpahinga dahil hindi po ako makakapagsulat after po ng operation ko. Kapag naging okay na po ako mag-update po ako agad. Pasensya na po talaga dahil hindi ko naman po inaasahan na maooperahan ako. Salamat po sa pang-unawa
“Wala akong pakialam sa dumi ng pag-iisip mo, Natalie. Bagay na bagay kayong dalawa, masyadong makitid ang utak. Marumi maglaro para lang makuha ang gusto.” Aniya at masamang tiningnan si Natalie. Inalis na rin ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya saka niya tinalikuran ang mga ito.Napapahilamos na lang sa mukha si Owen.“Mahilig ka ba talagang makisawsaw sa usapan ng iba? Palagi ka na lang sumisingit sa usapan namin ni Czarina kahit na hindi ka naman dapat kasali. Pumasok ka sa usapan kapag tinawag o kinausap ka.” May diin na saad ni Owen. Inirapan naman siya ni Natalie.“Sino pa bang magiging kakampi mo? Ipinagtatanggol lang naman kita sa kaniya. Wala siyang karapatan na magalit sayo. I’m your fiancee, sa akin ka pa nagagalit?”“Hindi ko naman hinilin
Tulalang nakatingin si Tyrone kay Czarina. Sabay silang kumakain ng umagahan pero pareho silang tahimik. Hindi alam kung paano kakausapin ang isa’t isa lalo na at nalaman nilang ang isa’t isa pala ang nakasama nila sa isang hotel pagkatapos nila sa bar. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ni Czarina na may kinalaman ang mga anak niya sa mga Fuentes. Ni minsan ay hindi niya hinangad na mahanap ang ama ng mga anak niya. Hindi pumasok sa isip niya na hanapin ito pero hindi niya akalain na ang lalaking pinakasalan niya ay ang posibleng ama ng mga ito.Ramdam ni Czarina ang bawat titig ni Tyrone sa kaniya pero hindi niya ito magawang tingnan. Hindi niya alam kung ano bang sasabihin niya, may dapat ba silang pag-usapan? Maniniwala ba ang pamilya ni Tyrone na siya ang posibleng ama ng mga anak niya? Paano kung ipagtabuyan sila ng mga Fuentes?Mariing naipikit ni Czarina ang mga
“Saan naman sana ako kukuha ng video na yan? Hindi ko nga alam na magkakilala na pala dati pa si Tyrone at ng Czarina yan.” May diin ding saad ni Natalia. Natutuwa na sila noong una dahil sa pag-aakalang may sex scandal si Tyrone pero hindi nila akalain na si Czarina pala ang kasama nito.Inalis na rin ni Owen ang USB saka niya iyun sinira at itinapon sa basurahan. Hindi naman umalis ang mga bisita pagkatapos ng nangyari. Maayos na rin ang kalagayan ni Chairman.Hila-hila pa rin ni Tyrone si Czarina hanggang sa makalabas sila ng mansion. Tulala lang si Czarina dahil para bang nahihirapan siyang iproseso sa isip niya ang lahat. Posible bang nahanap niya na ang ama ng kambal niya? Is it really, Tyrone Fuentes? Napailing siya, para bang nahihirapan siyang paniwalaan na si Tyrone ang ama ng mga anak niya.“Are you okay?” tanong ni Tyrone kay Czarina. Blangko namang tiningnan ni Czarina si Tyrone.“Who did that?” mahina niyang tanong. Nang-iinit ang mga pisngi ni Czarina dahil sa kahihiyan
Tutok na tutok ang atensyon ni Czarina sa video. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil para bang pamilyar siya at kilala niya ang babaeng nasa video.“Stop it!” sigaw ni Tyrone. Tahimik lang naman ang lahat ng bisita nila. Nakatingin na rin si Natalie sa video at napangisi. Natutuwa siyang makita ang sex video ni Tyrone. Hinanap ng mga mata niya si Czarina at kitang kita niya ang gulat sa mga mata ng kapatid niya.“Mukhang umaayon sa akin ang panahon. Hindi man lang ako nagpagod para masira ang relasyon niyong dalawa. Kung sino man ang naglabas ng video na yan, salamat sa kaniya.” Mahinang saad ni Natalie.Pinanuod pa ni Czarina ang video at habang tumatagal ay napapalunok na lang siya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang babaeng nasa video kahit na hindi pa niya malinaw na nakikita ang mukha niya.
Busy ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kapwa nila business owners. Tahimik lang naman si Czarina habang nakamasid sa paligid niya. Hindi niya makita ang kaniyang ama, baka nalate lang ang mga ito.Samantala naman ay kunot noong nilingon ni Owen angh lumingkis sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang siya ng makita niya si Natalie na matamis na nakangiti sa kaniya.“Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa. Are you okay?” tanong Natalie. Nilingon naman ni Owen si Czarina na kasama ngayon si Tyrone.“Ano bang pakialam mo? Wala ka bang ibang pwedeng makausap para lubayan mo ako?” masungit niyang sagot. Napanguso naman si Natalie dahil sa pagiging masungit ni Owen, daig pa ang babaeng may dalaw.“Sino pa ba ang gusto mong makasama at makausap ko? Gusto mo bang makipag-usap ako sa mga binata na nandiyan lang sa paligid?”“Bakit hindi mo gawin para naman matahimik kahit ngayong gabi lang ang buhay ko?” inis na inalis ni Natalie ang pagkakalingkis niya kay Owen. M
Salubong ang mga kilay ni Tyrone na nakatingin kay Czarina. Tulala pa rin ito pero mas maayos na kesa kanina. Inis na sinuklay ni Tyrone ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Naiinis pa rin siya sa tuwing naalala niya ang posisyon ni Owen at ni Czarina kanina. Pwede namang i-comfort ni Owen si Czarina pero bakit kailangan nakayakap.Inis na hinampas ni Tyrone ang manubela niya. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan kahit na nakarating na sila sa bahay nila.“I’m sorry,” iyun lang ang lumabas sa bibig ni Czarina. Alam niya naman kung anong ikinagagalit ni Tyrone. Hindi niya naman ginusto na makulong sa loob ng elevator kasama si Owen. Kung wala siyang kasama kanina, hindi niya alam kung maaabutan pa ba nila siyangh humihinga lalo na at walang hangin sa loob na mas lalong magpapahirap sa kaniya.Alam niyang galit si Tyrone pero gusto pa rin niyang pasalamatan si Owen sa pagpapakalma sa kaniya kanina.Napabuntong hininga na lang si Tyrone, wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na.
“You’re doing good, nandito lang ako hindi kita iiwan, okay?” patuloy na pagpapakalma ni Owen. “Calm down, huminga ka lang ng dahan-dahan. Wala tayong hangin dito at kapag patuloy na malalim ang bawat paghinga mo baka tuluyan kang mawalan ng malay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito so save your energy.” Tumango-tango naman si Czarina at pinilit na pakalmahin ang sarili.Niyakap ni Owen si Czarina. Gusto niya sanang subukan pang buksan ang elevator at tumawag baka sakaling may makarinig sa kanya sa labas pero hindi niya naman magawang iwan si Czarina. Wala ring signal ang cellphone niya dahil kulong na kulong sa loob ng elevator kaya wala silang magagawa kundi ang maghintay kung kailan bubukas ang elevator.Samantala naman, kanina pa tawag nang tawag si Natalie kay Owen pero hindi ito sumasagot. Balak sanang magpasama ni Natalie kay Owen para mamili nang maisusuot niya ngayong gabi para sa birthday party ni Chairman Fuentes. Gusto niya sana na couple ang isusuot nila.“Na
Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.“Pakibalot na lang, salamat.” Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila