Share

Kabanata 5.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-01-06 00:01:29

Tipid namang ngumiti si Czarina nang hindi nagsalita si Tyrone. Mukhang ito na nga ang huli nilang pagkikita at pag-uusap.

“Kung ganun, wala akong magagawa kung ayaw mo. We have a family dinner tonight kasama ng mga magulang ni Austin. Kung wala akong matatakbuhan, wala akong magagawa kundi ang ituloy ang kasal. Gusto ko naman talagang pakasalan si Austin dahil siya ang dahilan kung bakit nakawala ako sa atic at sa sarili kong kwarto noong mga panahon na ikinukulong ako ng stepmom ko. Ang akala ko ay magiging kakampi ko na siya sa lahat ng bagay, inisip ko na siya ang magiging dahilan para makawala ako sa bahay namin pero hawak din pala siya ni Tita Natalia sa leeg. Hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko, kontrolado nila ang buhay ko at wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila dahil ayaw ko namang sa basurahan ako pupulutin.” Pagkwekwento pa niya pero nanatiling tahimik si Tyrone.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Cenaida Formentera
maganda po
goodnovel comment avatar
Linda
Pls pls next episode...
goodnovel comment avatar
Remedios Villanueva Balboa
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Contract Marriage    Kabanata 6.1

    Tahimik silang lahat sa hapag kainan. Dumating na ang mga bisita nila at walang nagsasalita sa kanila kaya napatikhim na si Mateo. Hindi niya alam kung sino ang una niyang kakausapin dahil kaharap nila ang mga magulang ni Austin habang mag-isa lang naman ni Tyrone na dumating. Matamis na nakangiti si Natalie habang nakatingin kay Tyrone pero hindi naman nakatingin sa kaniya si Tyrone.“Nandito na rin naman na tayong lahat, pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng mga bata. Next week na ito, Czarina, Austin, okay na ba ang lahat para sa kasal niyo? Wala na ba kayong kailangang ayusin?” pangbabasag ni Mateo sa katahimikan nilang lahat. Napataas naman ang kilay ng ina ni Austin dahil nalaman nila ang pakikipagkita ni Czarina kay Tyrone sa isang hotel.“Don’t worry about it, Tito. Okay na po ang lahat, araw na lang ng kasal namin ni Czarina ang hinihintay.&rd

    Last Updated : 2025-01-07
  • My Contract Marriage    Kabanata 6.2

    “Sit down, Czarina. Masyado mo ng ipinapahiya ang pamilya natin.” Kalmadong saad sa kaniya ng kaniyang ama pero mararamdaman mong kinokontrol lang niya ang galit niya. Napangisi naman si Tyrone, ngayon naiintindihan niya na kung bakit gustong tumakas at makawala ni Czarina sa pamilya nila dahil hindi pantay ang trato sa kaniya.Nanghihinang naupo si Czarina sa upuan niya dahil wala man lang naniniwala sa kaniya kahit na nagpakita na siya ng ebidensya. Mapait na lang siyang ngumiti saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.“Pasensya na sa gulo, Tyrone, iho. Hindi sana mag-iba ang pagtingin mo sa anak ko.” Hinging paumanhin ni Natalia kay Tyrone na kanina pa tahimik.“Well, I came here to ask your daughter to marry me.” Anas naman ni Tyrone na ikinatuwa ni Mateo at Natalia dahil kahit narinig ni Tyron

    Last Updated : 2025-01-08
  • My Contract Marriage    Kabanata 7.1

    Nakaalis na si Tyrone, tahimik silang lahat na nasa sala. Hindi rin alam ni Czarina kung ano bang ipapaliwanag niya sa kaniyang ama. Ito naman talaga ang plano niya, ang sirain ang kasal ng kaniyang kapatid pero bakit nabablangko ang isip niya? Para bang wala siyang maisip na sasabihin.“This is bullshit!” pangbabasag na ni Natalia sa katahimikan nila. Nakauwi na lahat ng bisita nila at pakiramdam nila ay sasabog ang mga ulo nila dahil sa mga nangyari. Nanlilisik ang mga mata ni Natalia na tiningnan si Czarina. “This is all your fault! You slut bitch! Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo? Seriously, Czarina? Sinisira mo ang magagandang plano namin ng Daddy mo para sa pamilyang ‘to. Ikakasal ka na kay Austin at mayaman din ang pamilya niya, sa susunod na taon naman si Natalie at Tyrone pero bakit mo inakit ang mapapangasawa ng kapatid mo?! Czarina Jimenez, answer me! Ipaliwanag mo s

    Last Updated : 2025-01-08
  • My Contract Marriage    Kabanata 7.2

    “Hindi ko hahayaan na magtatagumpay siya sa pinaplano niya. Hindi siya legal wife at hindi ako makakapayag na makukuha niya lang ang kompanya at lahat ng ari-arian namin.” Pagmamatigas pa rin ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Raoul dahil wala na siyang magagawa para kumbinsihin si Czarina na huwag na nitong piliting lumaban. Tiningnan ni Czarina si Raoul na nakatayo pa rin malapit sa pintuan. “Tauhan ka ni Tita Natalia, ikaw ang palaging nagkukulong sa akin sa lugar na ‘to, ikaw ang palaging nagbabantay sa akin para hindi ako makatakas. Bakit kita susundin? Bakit ko pakikinggan ang mga sinasabi mo?” may diin niyang saad. Hindi naman na nagsalita pa si Raoul at muli niyang hinila ang pintuan para lumabas.Mapait na lang ngumiti si Czarina, tiningnan niya ang mga pagkain na iniwan para sa kaniya. Nilapitan niya iyun at nagsimula siyang kumain kahit na wala siyang gana. Kailangan ng

    Last Updated : 2025-01-09
  • My Contract Marriage    Kabanata 8.1

    Tahimik lang na nakaupo si Tyrone sa sofa habang nasa harap niya ang kaniyang ama at ina. Hinihilot ni Melanie ang sintido niya, ang ina ni Tyrone. Hindi niya makapaniwalang tiningnan ang anak niya.“Nahihibang ka na ba talaga? Anong ginawa mo sa bahay ng mga Jimenez? Gumawa ka lang ng gulo? Hindi ba malinaw ang sinabi ko sayo? Alam kong dalawang babae ang anak ni Mateo pero isa lang sa kanila ang pakakasalan mo at walang iba yun kundi si Natalie! Paano mo ba nakilala ang isa pang anak ni Mateo? Bakit ba gulo na lang ang palaging dinadala mo sa pamilyang ‘to, Tyrone?! Kapag nalaman na naman ito ng lolo mo siguradong lalong magagalit yun sayo.” Sumasakit ang ulong wika ni Melanie sa anak niya. Hindi niya na alam ang gagawin niya rito.Blangko lang naman ang mukha ni Tyrone. Salubong din ang kilay ng kaniyang ama, gusto na nitong suntukin ang anak niya pero pinipigi

    Last Updated : 2025-01-09
  • My Contract Marriage    Kabanata 8.2

    Nang maramdaman ni Czarina na may malamig na hangin na yumakap sa kaniya ay napatingin siya sa paligid niya, nagbabakasakaling makita ang kaniyang ina kahit saglit lang.“Mom, is that you?” hindi niya mapigilang hindi maiyak dahil ngayon niya na lang ulit naramdaman ang kaniyang ina. Hindi man naniniwala sa mga ganitong bagay ang ibang tao wala siyang pakialam, gusto niyang paniwalaan na nakakasama pa rin niya ang kaniyang ina kahit na wala na ito. Tipid na ngumiti si Czarina, saka niya niyakap ang sarili niya.“Gagawin ko ang huling ibinilin mo sa akin. Hindi ako makakapayag na makukuha lang ni Tita Natalia ang mga ari-arian natin. Susubukan ko ring maghanap ng ebidensya para patunayan na siya ang may gawa ng nangyaring aksidente sa atin noon. I will do my best and please, help me.” Mahina niyang saad.Nang magring ang c

    Last Updated : 2025-01-10
  • My Contract Marriage    Kabanata 9.1

    “Ginagawa mo talaga ang lahat ‘no para maakit si Tyrone at ikaw ang piliin niyang pakasalan. Hindi ka ba nahihiya? Pinapapunta mo siya rito kapag ikaw lang ang tao sa bahay? Anong ginawa niya rito?!” galit na namang saad sa kaniya ni Natalie. Hindi naman siya tinitingnan ni Czarina.“Gusto mo bang gayahin ko ang technique mo? Ang makipagkita sa hotel, ganun ba Natalie?”“Nagagalit ka pa rin ba? Hindi ba at ikaw naman ang pakakasalan ni Austin? Ikaw pa rin ang pinili niya kaya bakit inaakit mo pa rin si Tyrone?! Bakit mo ba ‘to ginagawa? Gusto mong maghiganti? Czarina, this is too much!” hilaw namang natawa si Czarina saka niya tiningnan si Natalie na tila ba stress na stress na sa buhay. Sa itsura niya para bang siya ang nasasaktan ng sobra, para bang siya ang niloko at inagawan.“Galit na ga

    Last Updated : 2025-01-10
  • My Contract Marriage    Kabanata 9.2

    “Gusto ko lang naman na tanungin kung ano ng balita sa inyo ni Czarina. Nakumbinsi mo na ba siyang ituloy ang kasal niyo?” hilaw na natawa si Austin saka siya napapailing. Hindi niya na rin alam kung ano bang gulo ang pinasok niya. Bakit ba siya nagkagusto sa magkapatid?“Hindi ko alam kung makukumbinsi ko pa siya, hindi ko na alam kung anong dapat ko pang sabihin sa kaniya para lang makumbinsi siyang ituloy ang kasal namin pero mukhang desidido na siya sa desisyon niya. Kung ayaw niya akong pakasalan, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa akin? Naging masaya ka naman sa affair natin diba? Natalie, hindi maliit na pera ang inilabas ng pamilya ko para sa kasal namin ni Czarina. Bakit hindi mo na lang siya hayaan na magpakasal kay Tyrone at tayong dalawa na lang ang ikasal?”“Nahihibang ka na ba?” hindi makapaniwalang saad ni Natalie. “P

    Last Updated : 2025-01-11

Latest chapter

  • My Contract Marriage    Kabanata 73.2

    “Plan to buy this company,” tipid niyang sagot. Nagkatinginan na lang si Aries at Matthew. Napapailing na lang si Matthew. Hindi talaga nila magawang basahin ang kaibigan nilang si Tyrone.“Ibang klase ka talaga. Kaya pala parang wala kang pakialam plano mo palang bilhin ang kompanyang ‘to. Paano mo yun magagawa kung mas malaki ang kompanya ng lolo mo kesa sa kompanya natin?” kuryosong tanong ni Aries.“Pwede ko namang isa-isahin na bilhin ang shares ng mga board of directors. Czarina is one of the major shareholders too. Minsan kong nakita ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may hawak ng shareholders ng namatay niyang ina. I can buy that too.” Anas pa niya.“Is that the reason kung bakit mas pinili mong mahalin siya para makuha mo ang gusto mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Matthew. “Do you really love her or you just love her because you need her?” dagdag pa ni Matthew. Sinamaan ni Tyrone ng tingin si Matthew.“I love my wife, you jerk. Of course, at first, I just need her be

  • My Contract Marriage    Kabanata 73.1

    Malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba i-eexpose ang kasinungalingan ni Natalie. She needs a clear proof para mapatunayan na totoo ang sasabihin niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itutuon niya na sana ang atensyon niya sa laptop niya nang may pumasok sa office niya.“Hi, how are you pretty lady?” nakangiting wika ni Hailey. Napangiti naman si Czarina nang makita niya na naman ang kaibigan niya.“Ginagawa mong kapitbahay ang iba’t ibang bansa ah? Kumusta ka?” anas niya saka niya nilapitan si Hailey at nakipagbeso.“Ito busy pa rin sa dami ng ginagawa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi man lang ako binigyan ng kapatid ng mga magulang ko. Akala ba nila nakakatuwa ang only child lang? Nakakaboring at nakakapagod. Wala man lang akong kasama para i-manage ang kompanya.” pagrereklamo niya saka sila naupo sa sofa. Bahagya na lang na natatawa si Czarina.“Depende rin siguro ang pagkakaroon ng kapatid. Binigyan

  • My Contract Marriage    Kabanata 72.2

    Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang

  • My Contract Marriage    Kabanata 72.1

    Pag-uwi ni Czarina ay sinalubong siya kaagad ng kambal niya. Masayang niyakap ni Czarina ang mga anak niya.“Nagmeryenda na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa mga ito.“Opo, nagmeryenda na po kami kanina.” Masaya namang sagot ni Isabella. Unti-unti ng nawawala ang takot at trauma ni Isabella, nasasanay na rin ito sa maraming tao dahil sa palagi silang ipinapasyal ni Melanie sa public place.“Let’s go to the pool—” hindi natuloy ni Czarina ang sasabihin niya ng makita niya si Natalie na palabas ng pool area kausap ang dalawang babae at isang bakla. Rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito at talagang inaasikaso na ni Natalie ang para sa kasal nila ni Owen. Hindi niya na lang inaya ang mga anak niya sa pool.Pumasok na silang tatlo sa kwarto. Magbibihis na sana si Czarina ng may makita siya sa sahig. Pinulot niya ito at tiningnan, napakunot na lang ang noo niya ng makita niya kung para saan ang nakakalat sa kwarto nila.“Riley, Isabella, sino sa inyong dalawa ang naglagay nito

  • My Contract Marriage    Kabanata 71.2

    Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. Parang kailan lang ay hindi siya pinaniniwalaan ng kaniyang ama sa lahat ng mga sinasabi niya pero bakit ngayon pasekreto niya itong pinaiimbestigahan?Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mateo dahil bakas na bakas sa mukha ni Czarina ang pagtataka.“Mas naramdaman kong naging okay ang pakiramdam nang itigil ko ang pag-inom sa mga gamot na ibinibigay sa akin ni Natalia. Give me more time, anak. Alam kong may ginagawa ka na rin para mapatunayan ang lahat ng mga hinala mo. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Czarina. Hinayaan kitang saktan ni Natalia, hinayaan kong makuha ni Natalia ang mga anak mo. Kung mapatunayan man natin na may kinalaman nga si Natalia sa pagkamatay ng Mommy mo, hindi ko alam kung paano kita haharapin at ang Mommy mo. Hiyang hiya ako sayo, Czarina. Naniwala ako na baka hallucinations mo lang lahat ng mga sinasabi mo noon. Nahihiya ako dahil mas pinaniwalaan ko pa si Natalia kesa sayo na sarili kong anak. I’m really sorry,

  • My Contract Marriage    Kabanata 71.1

    Pagpasok ni Czarina sa kompanya nila ay dumiretso siya sa office ng kaniyang ama. Hawak-hawak niya ang mga dokumento na nakita niya sa storage room sa bahay nila. Gusto niya ng kunin kung ano ang nararapat sa kaniya. Walang puwang sa kompanya ang mag-ina lalo na si Natalia. Kung binigyan man ng kaniyang ama ang kapatid niyang si Natalie hindi pa rin yun sapat para angkinin nila ang buong kompanya.Hindi na kumatok si Czarina, dire-diretso siyang pumasok sa loob ng opisina ng kaniyang ama. Naabutan pa niyang nandun si Natalia.“What are you doing here?” Kunot noong tanong ni Natalia. Blangko lang naman siyang tiningnan ni Czarina.“Can we talk Dad?” anas niya ng hindi sinasagot ang tanong ni Natalia. Hilaw namang natawa sa inis si Natalia dahil tila ba nabastos siya sa ginawa ni Czarina.“Iwan mo muna kami, Natalia.” Ani ni Mateo.“No! Kung ano man ang pag-uusapan niyong dalawa I need to hear it. Mag-usap lang kayong dalawa don’t mind me here.” Sagot ni Natalia. Napapailing na lang s

  • My Contract Marriage    Kabanata 70.2

    “Sandali, ano ba!” galit na sagot ni Natalie saka niya binuksan ang pintuan. Nawala naman ang inis niya ng si Owen ang makita niya. Galit na pumasok si Owen sa kwarto ni Natalie.“Anong ginawa mo sa bata? Bakit mo pinaiyak? Hindi ka na bata Natalie para patulan mo ang batang yun!” may diing sigaw ni Owen.“Wala naman akong ginawa sa kaniya. Nagulat lang siya sa sigaw ko dahil nagulat lang din ako na makita ko siyang sumisilip sa kwarto ko. I didn’t mean to scare her,” pagtatanggol niya sa sarili niya pero hindi nabawasan ang inis at galit ni Owen.“You can talk to her nicely. Pwede mo ring isarado nang hindi malakas ang pintuan pero sa ginawa mo paanong hindi matatakot yung bata? Sa tingin mo ba kapag si Chairman ang nakakita ng ginawa mo sisikatan ka pa ng araw dito bukas? Hindi na, Natalie, pero

  • My Contract Marriage    Kabanata 70.1

    Malapit na si Natalie sa office niya nang bigla siyang hilain ng kaniyang ina. Mabilis ang bawat hakbang niya dahil sa bilis nang lakad ng kaniyang ina hanggang sa makapasok sila sa loob ng office niya. Inilock pa ni Natalia ang pintuan kaya nagtatakang nakatingin si Natalia sa kaniya.“What’s wrong, Mom? May naghahabol ba sayo para hilain mo ako papasok dito?” anas niya. Bakas naman ang inis sa mukha ni Natalia.“Nasa iisang bahay naman kayo ni Czarina, bantayan mo ang bawat galaw at kilos niya. Marami na siyang plano para pabagsakin tayong dalawa at hindi siya pwedeng magtagumpay. Oras na nagawa niya ang lahat ng gusto niya, tayong dalawa ang pupulutin sa basurahan!” lalong nagsalubong ang mga kilay ni Natalia. Ramdam niya ang takot at kaba sa tinig ng kaniyang ina.“What happened?” tanong niya.

  • My Contract Marriage    Kabanata 69.2

    “Hi Mommy, you’re here. Where’s Dad po?” masiglang tanong ni Isabella. Bahagyang yumuko si Czarina para mayakap niya ang dalawa niyang anak.“Nasa kompanya pa baby. Kumusta ang araw niyong dalawa?” Binuhat niya na ang mga ito at pinaupo sa kama.“Okay naman po. Sabi ni Mommyla may business trip daw po ulit siya sa susunod na araw sa Japan. Can we go with her again Mommy?” pagpapaalam na naman ng anak niyang babae. Napapangiti na lang si Czarina dahil gustong gusto na talaga ng kambal niya ang lola nila.Ngumuso siya, kunwaring nagtatampo dahil tila ba mas gusto na ng kambal niya ang lola ng mga ito.“Hindi na ba si Mommy ang paborito niyo? Mas nawiwili na kayong kasama ang lola niyo ah.” Aniya habang nakanguso pa rin.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status