Share

Kabanata 2.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2024-12-17 14:16:03

“Next time, isama mo ang mga magulang mo dito for dinner at mapag-usapan na rin namin ang mga planong gagawin namin oras na nagmerge na ang mga kompanya natin. Malapit na kayong ikasal ni Czarina.” Singit ni Natalia. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Czarina.

“Walang kasal na magaganap. Hindi ako pumapayag na matuloy ang kasal.” Lakas loob na wika ni Czarina kaya nagtataka siyang tiningnan ng lahat. Natawa naman si Natalia sa naging desisyon ng stepdaughter niya.

 “Ikaw pa ang aatras sa kasal? Alam mo ba kung anong mawawala sayo kapag umatras ka sa kasal?” wika ni Natalia pero walang pakialam si Czarina, hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi naman siya ang mahal. Salubong na rin ang mga kilay ni Austin na nakatingin kay Czarina.

“Nagtatampo ka ba dahil hindi kita nasamahan sa pagsusukat mo ng wedding gown? I’m sorry about that, babe, sinabi ko naman sayo kung anong ginawa ko, right?” malambing na wika ni Austin pero hilaw lang na tumawa si Czarina.

“Huwag mong ginagawang biro ito, Czarina, dahil hindi nakakatuwa. Malaki ang mawawala sayo kapag umatras ka sa kasal niyo ni Austin. Alam mo naman kung gaano na kalaki ang naitulong ng pamilya nila sa business natin.” Nagagalit na saad ni Natalia.

“Business natin o business mo?”

“Czarina!” galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ama. Napabuntong hininga na lang si Czarina gaya ng inaasahan niya, sino ba ang kakampi niya sa mga taong kasama niya ngayon? Tumayo na si Czarina, wala na siyang pakialam kung magalit man sa kaniya ang kaniyang ama pero desidido na siyang i-cancel ang kasal nila ni Austin.

“Go back to your seat, Czarina. Ano bang problema mo para umatras ka sa kasal niyo ni Austin? Ngayong buwan na kayo ikakasal at nakahanda na ang lahat. Hindi na biro ang nagastos ng pamilya ni Austin sa kasal niyo, nakakahiya naman sa kanila kung aatras ka pa.” dagdag pa ng kaniyang ama.

Tiningnan ni Czarina si Austin na naguguluhan din sa biglaan niyang desisyon.

“Gusto mo bang ako pa ang magsabi sa kanila o ikaw na?” wika ni Czarina. Napalunok si Austin sa kaba kahit na hindi niya alam kung anong sinasabi ni Czarina.

“What are you talking about? Ilang taon mong hinintay ang araw na maikasal kayo tapos gusto mong umatras? Anong drama na naman ba ito, Czarina?” sabat na rin ni Natalie na ikinatawa ni Czarina.

“Alam ko na alam niyo kung anong sinasabi ko, hindi ba dapat at kayong dalawa ang magpaliwanag kung anong nangyayari?” may diing sagot ni Czarina kay Natalie. Nilingon ni Natalie si Austin pero pareho silang tahimik kahit na alam na nila kung anong posibleng sinasabi ni Czarina.

Aalis na sana si Czarina nang tawagin ni Natalia ang dalawang lalaking tauhan niya. Napailing naman si Czarina, alam niyang ikukulong na naman siya at ayaw niya nang mangyari na naman yun.

“No, don’t do this to me. Dad, wala akong ginagawang hindi maganda para hayaan niyo na naman si Tita Natalia sa gusto niyang gawin!” sigaw ni Czarina sa kaniyang ama na umiwas lang ng tingin sa kaniya.

“Ikulong niyo siya sa kwarto niya at huwag niyo siyang hahayaan na makakalabas. Kunin mo rin ang cellphone niya at huwag niyong ibibigay sa kaniya!” galit na utos ni Natalia. Nagpumiglas naman si Czarina sa dalawang lalaki pero wala siyang magawa dahil masyado silang malakas. Tiningnan ni Czarina si Austin para sana tulungan siya pero iniwas din ni Austin ang paningin niya.

“Hangga’t hindi mo binabawi ang sinabi mo kay Austin, hindi ka makakalabas ng kwarto mo. Naiintindihan mo?” anas pa ni Natalia. Walang nagawa si Czarina nang dalhin na siya ng dalawang lalaki sa loob ng kwarto niya. Napaupo na lang si Czarina sa kama niya. Si Austin ang dahilan kung bakit hindi na siya ikinukulong ng kaniyang stepmom pero si Austin din pala ang magiging dahilan para ikulong ulit siya.

Mapait na ngumiti si Czarina, masyado pa rin siyang mahina dahil hindi niya man lang magawang ipagtanggol ang sarili niya.

Nagpatuloy naman ang dinner nila sa kusina.

“Pasensya ka na Austin sa mga sinabi ni Czarina. Hayaan mo at kami na ang kakausap sa kaniya. Alam mo naman na may iniindang sakit si Czarina at minsan ay nawawala siya sa sarili.” Ani ni Natalia na ikinatango lang ni Austin.

Nang matapos ang dinner nila ay nagtungo si Natalie at Austin sa pool area.

“Sa tingin ko may alam na si Czarina tungkol sa ating dalawa.” Wika ni Natalie dahil imposibleng i-cancel ni Czarina ang kasal kung wala siyang sapat na dahilan.

“Huwag kang mag-alala, aayusin ko ang tungkol dito.” Sagot ni Austin.

“Kailangan na nating ihinto kung anong namamagitan sa ating dalawa, Austin. Ikakasal na rin ako sa susunod na taon kay Tyrone Fuentes at hindi pwedeng macancel pa yun ng dahil sayo.” Napaigting ang panga ni Austin sa sinabi ni Natalie.

“Ganun na lang ba kadali sayo na pumayag na magpakasal kay Tyrone Fuentes kahit na hindi mo pa naman siya nakikilala personally?” inis namang nilingon ni Natalie si Austin.

“Ikakasal na kayo ni Czarina ngayong buwan. Alam mo naman na hindi pwedeng magalit sa akin si Mom at Dad dahil kapag nangyari yun baka ako naman ang itakwil ni Daddy. Kung ano man ang namagitan sa ating dalawa tapusin na natin yun. Ayaw kong masira ang magandang relasyon ng pamilya namin sa mga Fuentes at ganun din sa pamilya niyo. Mahal mo lang ang katawan ko Austin, ikakasal naman na kayo ni Czarina kaya makukuha mo na rin sa kaniya ang nakukuha mo sa akin. Hangga’t wala pang ebidensya si Czarina laban sa atin itigil na natin ang lihim nating pagkikita. Ayusin mo ang relasyon niyo ni Czarina, hindi pwedeng ma-cancel pa ang kasal niyo.” Anas ni Natalie. Napabuntong hininga na lang si Austin.

“Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya bukas.” Tanging sagot ni Austin. Nakahinga naman ng maluwag si Natalie dahil hindi pwedeng malaman ng pamilya niya ang tungkol sa lihim na relasyon nila ni Austin. Si Tyrone ang mapapangasawa niya at ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na yun.

Related chapters

  • My Contract Marriage    Kabanata 3.1

    Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Czarina ay hindi napalingon siya dun. Mabilis niya rin namang iniwas ang paningin niya ng makita niya si Austin. Kinuha ni Austin ang isang upuan saka siya naupo sa harap ni Czarina. Tahimik lang naman si Czarina dahil wala na siyang gustong sabihin kay Austin. Ayaw niyang umiyak sa harap ng lalaking nilokoko lang naman siya, ayaw niyang maging mahina sa paningin ni Austin.“Kinuha ko na kay Tita Natalia ang cell phone mo.” Ani nito saka niya dinukot sa bulsa niya ang isang cellphone at ibinigay kay Czarina.“Sa tingin mo ba pasasalamatan kita sa ginawa mo?” masungit na sagot ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Austin dahil paano niya ba ipapaliwanag ang lahat kay Czarina? Sigurado siyang alam na ni Czarina ang tungkol sa lihim na relasyon nila ni Natalie.“Gusto kong mag-usap tayo somewhere, hihintayin kita sa sala and don’t worry nakausap ko na si Tita Natalia na lalabas tayong dalawa and she agreed.” Wika ni Austin saka siya tumayo at l

    Last Updated : 2024-12-17
  • My Contract Marriage    Kabanata 3.2

    “Kapag nalaman ng stepmom ko na nakatakas ako, sigurado akong ikukulong niya na naman ako sa atic ng bahay. Ayaw ko nang bumalik sa lugar na yun, ayaw ko ng makulong ulit.” Nakikiusap niyang wika, lumambot naman ang expression ng mukha ni Tyrone. Tinitigan niya si Czarina dahil tila ba hindi siya makapaniwalang may karahasan itong nararanasan. Ayaw niyang maniwala pero sa nakikita niyang mukha ni Czarina at takot na takot, sino siya para hindi paniwalaan ang kwento nito?Muli niyang pinaandar ang sasakyan at dumiretso sila sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Tyrone.“Dito ka na muna magstay hanggang gusto mo.” Anas ni Tyrone nang makapasok sila sa loob ng kwarto.“Pero wala akong pambayad sayo. Lahat ng mga card at cash ko naiwan ko sa bahay.”“Don’t worry about that, ako na ang bahala sa lahat.” Sagot naman ni Tyrone, nakahinga ng maluwag si Czarina. Napahawak na lang siya sa tiyan niya ng marinig nila itong nagrereklamo. Lumayo naman na muna si Tyrone saka siya tumawag sa front d

    Last Updated : 2024-12-17
  • My Contract Marriage    Kabanata 4.1

    Nang magising si Czarina ay inilibot niya ang paningin niya, naalala niya namang sa hotel siya natulog. Bababa na sana siya ng kama para maghilamos sa cr nang makita niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi niya akalain na hindi pala ito umalis kagabi.Halos tumalon ang puso ni Czarina sa gulat nang magring ang cellphone niya. Mabilis niya iyung kinuha sa side table at papatayin sana ang tawag nang aksidente niya itong nasagot. Napalunok siya dahil Daddy niya ang tumatawag sa kaniya.“Where are you?” seryosong tanong nito. Hindi sana kakausapin ni Czarina ang kaniyang ama pero wala na siyang choice dahil nasagot niya ang tawag. Dahan-dahan na bumaba ng kama si Czarina saka siya nagtungo sa balcony. “Czarina, answer me, where the hell are you?!” galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ama.“Bakit gusto niyo pa rin akong hanapin, Dad? Alam niyo kung anong ginagawa sa akin ni Tita Natalia pero wala kayong ginagawa para sa akin. Hinahayaan niyo akong ikulong niya sa madilim na

    Last Updated : 2025-01-03
  • My Contract Marriage    Kabanata 4.2

    “Enough with your lies, Czarina!” galit na sigaw na rin sa kaniya ng stepmom niya. “Honey, what’s wrong?” nag-aalalang saad ni Natalia nang biglang mahilo ang kaniyang asawa. Inalalayan niya itong maupo sa sofa para hindi ito bumagsak sa sahig kung sakali mang mawalan siya ng balanse.“Look what you did, hindi ka pa ba nagsasawa sa panggugulo sa pamilya natin? Palagi mo na lang binibigyan ng sakit ng ulo ang Daddy mo. Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ng ‘yong ama, Czarina? Itigil mo na ang pagsisinungaling mo at paninira sa kapatid mo. Hihingi tayo ng sorry sa pamilya ni Austin dahil malaking gulo at kahihiyan ang ginawa mo. Handa na ang lahat para sa kasal ninyo at wala kang magagawa kundi ang ituloy ang kasal.” Umiling si Czarina dahil kahit anong mangyari, hinding hindi na siya magpapakasal kay Austin.“No,” matigas na sagot ni Czarina na lalong ikinakulo ng dugo ni Natalia habang umiiyak pa rin si Natalie. Hindi pa nakakausap ni Natalie ng personal si Tyrone pero si Czarina, nakasa

    Last Updated : 2025-01-04
  • My Contract Marriage    Kabanata 5.1

    Halos dalawang oras na lang ay darating na ang bisita ng pamilya nila. Nag-iisip pa rin si Czarina kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung pakikinggan niya na lang ba ang kaniyang ama at ang stepmom niya. Itutuloy niya ba talaga ang kasal kahit na alam niyang masasaktan lang siya dahil hindi naman siya ang mahal ng lalaking mapapangasawa niya?“Saan ka pupunta? Hindi ka pinapayagan na makalabas.” Wika ng lalaking palaging nagbabantay sa labas ng kwarto ni Czarina.“Hindi pa ba nasasabi sayo na may dinner kami ngayon kasama ng pamilya ng fiance ko? Gusto mo bang ikulong ako rito hanggang matapos ang dinner?” blangkong saad ni Czarina, nang dumating naman si Natalia ay tinanguan niya ang lalaking nagbabantay kay Czarina. Nilampasan na ni Czarina ang lalaki saka siya bumaba ng hagdan. Dumiretso si Czarina sa pool area. Maliwanag pa ang paligid at may oras

    Last Updated : 2025-01-05
  • My Contract Marriage    Kabanata 5.2

    Tipid namang ngumiti si Czarina nang hindi nagsalita si Tyrone. Mukhang ito na nga ang huli nilang pagkikita at pag-uusap.“Kung ganun, wala akong magagawa kung ayaw mo. We have a family dinner tonight kasama ng mga magulang ni Austin. Kung wala akong matatakbuhan, wala akong magagawa kundi ang ituloy ang kasal. Gusto ko naman talagang pakasalan si Austin dahil siya ang dahilan kung bakit nakawala ako sa atic at sa sarili kong kwarto noong mga panahon na ikinukulong ako ng stepmom ko. Ang akala ko ay magiging kakampi ko na siya sa lahat ng bagay, inisip ko na siya ang magiging dahilan para makawala ako sa bahay namin pero hawak din pala siya ni Tita Natalia sa leeg. Hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko, kontrolado nila ang buhay ko at wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila dahil ayaw ko namang sa basurahan ako pupulutin.” Pagkwekwento pa niya pero nanatiling tahimik si Tyrone.

    Last Updated : 2025-01-06
  • My Contract Marriage    Kabanata 6.1

    Tahimik silang lahat sa hapag kainan. Dumating na ang mga bisita nila at walang nagsasalita sa kanila kaya napatikhim na si Mateo. Hindi niya alam kung sino ang una niyang kakausapin dahil kaharap nila ang mga magulang ni Austin habang mag-isa lang naman ni Tyrone na dumating. Matamis na nakangiti si Natalie habang nakatingin kay Tyrone pero hindi naman nakatingin sa kaniya si Tyrone.“Nandito na rin naman na tayong lahat, pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng mga bata. Next week na ito, Czarina, Austin, okay na ba ang lahat para sa kasal niyo? Wala na ba kayong kailangang ayusin?” pangbabasag ni Mateo sa katahimikan nilang lahat. Napataas naman ang kilay ng ina ni Austin dahil nalaman nila ang pakikipagkita ni Czarina kay Tyrone sa isang hotel.“Don’t worry about it, Tito. Okay na po ang lahat, araw na lang ng kasal namin ni Czarina ang hinihintay.&rd

    Last Updated : 2025-01-07
  • My Contract Marriage    Kabanata 6.2

    “Sit down, Czarina. Masyado mo ng ipinapahiya ang pamilya natin.” Kalmadong saad sa kaniya ng kaniyang ama pero mararamdaman mong kinokontrol lang niya ang galit niya. Napangisi naman si Tyrone, ngayon naiintindihan niya na kung bakit gustong tumakas at makawala ni Czarina sa pamilya nila dahil hindi pantay ang trato sa kaniya.Nanghihinang naupo si Czarina sa upuan niya dahil wala man lang naniniwala sa kaniya kahit na nagpakita na siya ng ebidensya. Mapait na lang siyang ngumiti saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.“Pasensya na sa gulo, Tyrone, iho. Hindi sana mag-iba ang pagtingin mo sa anak ko.” Hinging paumanhin ni Natalia kay Tyrone na kanina pa tahimik.“Well, I came here to ask your daughter to marry me.” Anas naman ni Tyrone na ikinatuwa ni Mateo at Natalia dahil kahit narinig ni Tyron

    Last Updated : 2025-01-08

Latest chapter

  • My Contract Marriage    Author’s note

    Hello po, pasensya na po kung hindi ako makakapag-update ng ilang araw o linggo. Naadmit po kasi ako sa hospital at wala pong kasiguraduhan kung kailan makakalabas. Kailangan ko rin po magpahinga dahil hindi po ako makakapagsulat after po ng operation ko. Kapag naging okay na po ako mag-update po ako agad. Pasensya na po talaga dahil hindi ko naman po inaasahan na maooperahan ako. Salamat po sa pang-unawa

  • My Contract Marriage    Kabanata 47.2

    “Wala akong pakialam sa dumi ng pag-iisip mo, Natalie. Bagay na bagay kayong dalawa, masyadong makitid ang utak. Marumi maglaro para lang makuha ang gusto.” Aniya at masamang tiningnan si Natalie. Inalis na rin ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya saka niya tinalikuran ang mga ito.Napapahilamos na lang sa mukha si Owen.“Mahilig ka ba talagang makisawsaw sa usapan ng iba? Palagi ka na lang sumisingit sa usapan namin ni Czarina kahit na hindi ka naman dapat kasali. Pumasok ka sa usapan kapag tinawag o kinausap ka.” May diin na saad ni Owen. Inirapan naman siya ni Natalie.“Sino pa bang magiging kakampi mo? Ipinagtatanggol lang naman kita sa kaniya. Wala siyang karapatan na magalit sayo. I’m your fiancee, sa akin ka pa nagagalit?”“Hindi ko naman hinilin

  • My Contract Marriage    Kabanata 47.1

    Tulalang nakatingin si Tyrone kay Czarina. Sabay silang kumakain ng umagahan pero pareho silang tahimik. Hindi alam kung paano kakausapin ang isa’t isa lalo na at nalaman nilang ang isa’t isa pala ang nakasama nila sa isang hotel pagkatapos nila sa bar. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ni Czarina na may kinalaman ang mga anak niya sa mga Fuentes. Ni minsan ay hindi niya hinangad na mahanap ang ama ng mga anak niya. Hindi pumasok sa isip niya na hanapin ito pero hindi niya akalain na ang lalaking pinakasalan niya ay ang posibleng ama ng mga ito.Ramdam ni Czarina ang bawat titig ni Tyrone sa kaniya pero hindi niya ito magawang tingnan. Hindi niya alam kung ano bang sasabihin niya, may dapat ba silang pag-usapan? Maniniwala ba ang pamilya ni Tyrone na siya ang posibleng ama ng mga anak niya? Paano kung ipagtabuyan sila ng mga Fuentes?Mariing naipikit ni Czarina ang mga

  • My Contract Marriage    Kabanata 46.2

    “Saan naman sana ako kukuha ng video na yan? Hindi ko nga alam na magkakilala na pala dati pa si Tyrone at ng Czarina yan.” May diin ding saad ni Natalia. Natutuwa na sila noong una dahil sa pag-aakalang may sex scandal si Tyrone pero hindi nila akalain na si Czarina pala ang kasama nito.Inalis na rin ni Owen ang USB saka niya iyun sinira at itinapon sa basurahan. Hindi naman umalis ang mga bisita pagkatapos ng nangyari. Maayos na rin ang kalagayan ni Chairman.Hila-hila pa rin ni Tyrone si Czarina hanggang sa makalabas sila ng mansion. Tulala lang si Czarina dahil para bang nahihirapan siyang iproseso sa isip niya ang lahat. Posible bang nahanap niya na ang ama ng kambal niya? Is it really, Tyrone Fuentes? Napailing siya, para bang nahihirapan siyang paniwalaan na si Tyrone ang ama ng mga anak niya.“Are you okay?” tanong ni Tyrone kay Czarina. Blangko namang tiningnan ni Czarina si Tyrone.“Who did that?” mahina niyang tanong. Nang-iinit ang mga pisngi ni Czarina dahil sa kahihiyan

  • My Contract Marriage    Kabanata 46.1

    Tutok na tutok ang atensyon ni Czarina sa video. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil para bang pamilyar siya at kilala niya ang babaeng nasa video.“Stop it!” sigaw ni Tyrone. Tahimik lang naman ang lahat ng bisita nila. Nakatingin na rin si Natalie sa video at napangisi. Natutuwa siyang makita ang sex video ni Tyrone. Hinanap ng mga mata niya si Czarina at kitang kita niya ang gulat sa mga mata ng kapatid niya.“Mukhang umaayon sa akin ang panahon. Hindi man lang ako nagpagod para masira ang relasyon niyong dalawa. Kung sino man ang naglabas ng video na yan, salamat sa kaniya.” Mahinang saad ni Natalie.Pinanuod pa ni Czarina ang video at habang tumatagal ay napapalunok na lang siya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang babaeng nasa video kahit na hindi pa niya malinaw na nakikita ang mukha niya.

  • My Contract Marriage    Kabanata 45.2

    Busy ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kapwa nila business owners. Tahimik lang naman si Czarina habang nakamasid sa paligid niya. Hindi niya makita ang kaniyang ama, baka nalate lang ang mga ito.Samantala naman ay kunot noong nilingon ni Owen angh lumingkis sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang siya ng makita niya si Natalie na matamis na nakangiti sa kaniya.“Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa. Are you okay?” tanong Natalie. Nilingon naman ni Owen si Czarina na kasama ngayon si Tyrone.“Ano bang pakialam mo? Wala ka bang ibang pwedeng makausap para lubayan mo ako?” masungit niyang sagot. Napanguso naman si Natalie dahil sa pagiging masungit ni Owen, daig pa ang babaeng may dalaw.“Sino pa ba ang gusto mong makasama at makausap ko? Gusto mo bang makipag-usap ako sa mga binata na nandiyan lang sa paligid?”“Bakit hindi mo gawin para naman matahimik kahit ngayong gabi lang ang buhay ko?” inis na inalis ni Natalie ang pagkakalingkis niya kay Owen. M

  • My Contract Marriage    Kabanata 45.1

    Salubong ang mga kilay ni Tyrone na nakatingin kay Czarina. Tulala pa rin ito pero mas maayos na kesa kanina. Inis na sinuklay ni Tyrone ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Naiinis pa rin siya sa tuwing naalala niya ang posisyon ni Owen at ni Czarina kanina. Pwede namang i-comfort ni Owen si Czarina pero bakit kailangan nakayakap.Inis na hinampas ni Tyrone ang manubela niya. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan kahit na nakarating na sila sa bahay nila.“I’m sorry,” iyun lang ang lumabas sa bibig ni Czarina. Alam niya naman kung anong ikinagagalit ni Tyrone. Hindi niya naman ginusto na makulong sa loob ng elevator kasama si Owen. Kung wala siyang kasama kanina, hindi niya alam kung maaabutan pa ba nila siyangh humihinga lalo na at walang hangin sa loob na mas lalong magpapahirap sa kaniya.Alam niyang galit si Tyrone pero gusto pa rin niyang pasalamatan si Owen sa pagpapakalma sa kaniya kanina.Napabuntong hininga na lang si Tyrone, wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na.

  • My Contract Marriage    Kabanata 44.2

    “You’re doing good, nandito lang ako hindi kita iiwan, okay?” patuloy na pagpapakalma ni Owen. “Calm down, huminga ka lang ng dahan-dahan. Wala tayong hangin dito at kapag patuloy na malalim ang bawat paghinga mo baka tuluyan kang mawalan ng malay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito so save your energy.” Tumango-tango naman si Czarina at pinilit na pakalmahin ang sarili.Niyakap ni Owen si Czarina. Gusto niya sanang subukan pang buksan ang elevator at tumawag baka sakaling may makarinig sa kanya sa labas pero hindi niya naman magawang iwan si Czarina. Wala ring signal ang cellphone niya dahil kulong na kulong sa loob ng elevator kaya wala silang magagawa kundi ang maghintay kung kailan bubukas ang elevator.Samantala naman, kanina pa tawag nang tawag si Natalie kay Owen pero hindi ito sumasagot. Balak sanang magpasama ni Natalie kay Owen para mamili nang maisusuot niya ngayong gabi para sa birthday party ni Chairman Fuentes. Gusto niya sana na couple ang isusuot nila.“Na

  • My Contract Marriage    Kabanata 44.1

    Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.“Pakibalot na lang, salamat.” Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status