Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
view moreGayundin ang pagkakabigla ni Llermo sa mga oras na iyon dahil may naalala siyang gunita ng kaniyang kahapon kung saan sangkot ang apilyidong mayroon si Celeste."Arevalo," sambit pa ni Llermo sa mababang boses. Sa puntong iyon ay naalala niya ang nagdaang kahapon nila ng kaniyang mga kaibigan.***(Many years ago)"Buntis ako." Iyon lamang ang sambit ni Criselda kay Llermo."Ha? Sinong ama?" Garalgal na sambit ni Llermo sa kaibigang si Criselda."Hindi ko alam...""Anong hindi mo alam?""H-hindi ko alam." Paulit-ulit na sambit ni Criselda kay Llermo."Ako ba ang ama n'yan?" Pagtatanong pa ni Llermo sa dalaga."Hindi ko tiyak, Llermo. Marami kayo...""Ha? Akala ko ba'y ako at si Luciano lang ang nakagalaw sa'yo?"Umiling lamang ang dalaga at noo'y nagsimula nang umiyak. Halatang tuliro ito."N-nagalaw ako ni Brando..." sambit pa ni Criselda na ang tinutukoy ay ang kaibigan nilang si Brando Delgado. Tatlo silang magkakaibigan, si Brando Delgado, si Luciano Arevalo at siya na isang Valle
Sa pagkakataong iyon ay unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at nasubsob sa kung saan. Nabitawan niya ang dalang bayong at napasalampak sa malamig na kalsada. Wala na siyang maramdaman kung hindi ang kawalan, kawalan ng pag-asa."Tulong..." iyon na lamang ang naisambit niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.Sa hindi kalayuan, may isang nakaparadang kotse at animo'y may hinihintay ito. Mabilis na kumilos ang matandang lalaki na nandoon at kinuha ang kapote, nagmamadali niyang sinaklolohan ang babaeng natumba sa harapan ng kaniyang sasakyan."Diyos ko!" Bulalas nito saka mabilis na binuhat si Celeste. He is not dumb to let this woman in that situation. Alam niyang siya lamang ang nandoon na pwedeng makatulong rito.Madali niyang isinilid sa kaniyang sasakyan ang babae at agad na pinaandar ang makina ng kotse. Habang nasa daan siya papunta sa hospital ay agad siyang tumawag sa kaniyang kapatid."Hello," sambit nito habang hawak ang telepono."Yes, nasaan ka na?" rinig niya sa k
Naiyak siya sa sandaling iyon. Niyakap niya ang sariling bagahe at naisipan ang isang desisyon. She must run away. Dapat siyang umalis sa lalong madaling panahon. She has nothing left, wala na ang pamilyang itinakwil siya, wala na rin siyang pag-asa para kay Miguel, wala na rin ang pangarap niyang maiahon ang sarili sa putikang kinasasadlakan niya. Nawalan na siya ng rason para lumaban. Siguro'y panahon na para lumayo sa Delgado, bagama't malaki ang otang na loob niya kay Don Brando, siguro'y mas mainam na rin na mawala siya roon para mas maging madali kay Miguel ang pagtanggap sa babaeng nararapat dito."Mahirap pero kailan," mahinang anas niya habang yumuko at pinahiran ang luha gamit ang manggas ng suot niyang damit. Marahan pa niyang sinapo ang sariling tiyan at muling tumayo. Sa sandaling iyon, she left with no choice but to let go.Hindi siya nabibilang sa lugar na iyon. Kailangan na niyang hanapin ang tunay niyang ama.Dala ang kaniyang bagahe ay napagpasyahan ni Celeste na uma
"Excuse me lang ano, wala ni isa sa mga kuko at hibla ng buhok mo ang gusto ko, Marcus." She pinned her eyes to his balls."Katawan lang ang malaki sa'yo." Pahabol pa niya rito kaya naiwang nakanganga ito sa sinabi niya.Sa pagkakasabi niya'y para siyang nabunutan ng tinik. Agad niyang binuksan ang pinto. Dala ang tray ay agad na kumaripas siya ng lakad papanaog sa ibaba. Doo'y hindi niya sinasadyang mabangga ang pigura ng isang lalaki."Celeste?" ani ni Miguel na nakasuot pa ng corporate attire ng kompanya nila."Miguel..." Balisang sambit ni Celeste, halatang may nangyaring hindi maganda ngunit bago pa man magkausap nang payak ang dalawa ay umalingaw-ngaw mula sa ibaba ng hagdan ang nakasunod na pigura ng ina nito. Nakasimangot ito at nakakunot ang noo."Magandang hapon po, señora." Ani ni Celeste."Walang maganda sa hapon, hija. Sige na bumaba ka na at pagsilbihan mo ang mga paparating na bisita." Sabi pa ni Doña Natividad."Bisita ho?" pagtatanong pa ni Celeste."Oo, darating ang
Parang basang sisiw si Celeste habang kinukuha ang mga sinampay sa likod-bahay ng mansion el Delgado. Isa siya sa maraming alipores ng mag-asawang sina Don Hildebrando at Ginang Natividad. Laki sa karalitaan si Celeste kaya naman wala siyang magawa nang ipagbili siya ng kaniyang mga maralitang magulang katumbas ng bayad sa pagkakautang nito sa nasabing pamilya.Edad kinse siya noon ng magsimula siyang mangatulong sa mag-asawang Delgado. Kilala sa kanilang bayan ang mag-asawa sapagkat sila lang naman ang may nagmamay-ari ng halos kapatagan at mga lupaing tinataniman ng tubo, niyogan at maisan doon.Bantulutot na winaksi ni Celeste ang mahabang kumot na nakasampay sa isang may kataasang sampayan doon, kaya naman halos matumba siya sa paghila nito."Bulaga!" iyon ang bumungad sa kaniya sa pagitan ng kumot na nasa kaniyang harapan."Ay! Ano ka ba señorito!" hintatakot na turan niya habang sapo ang sariling dibdib.Nakangiti lamang sa kaniya si Miguel na siyang panganay na anak ng mag-asaw
Parang basang sisiw si Celeste habang kinukuha ang mga sinampay sa likod-bahay ng mansion el Delgado. Isa siya sa maraming alipores ng mag-asawang sina Don Hildebrando at Ginang Natividad. Laki sa karalitaan si Celeste kaya naman wala siyang magawa nang ipagbili siya ng kaniyang mga maralitang magulang katumbas ng bayad sa pagkakautang nito sa nasabing pamilya.Edad kinse siya noon ng magsimula siyang mangatulong sa mag-asawang Delgado. Kilala sa kanilang bayan ang mag-asawa sapagkat sila lang naman ang may nagmamay-ari ng halos kapatagan at mga lupaing tinataniman ng tubo, niyogan at maisan doon.Bantulutot na winaksi ni Celeste ang mahabang kumot na nakasampay sa isang may kataasang sampayan doon, kaya naman halos matumba siya sa paghila nito."Bulaga!" iyon ang bumungad sa kaniya sa pagitan ng kumot na nasa kaniyang harapan."Ay! Ano ka ba señorito!" hintatakot na turan niya habang sapo ang sariling dibdib.Nakangiti lamang sa kaniya si Miguel na siyang panganay na anak ng mag-asaw...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments