Two days and two nights na ang nakalipas ay tulog pa rin si Anastasia sa loob ng private room sa hospital na pag-aari ng pamilya ni Vance. Hindi alam niya kung bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin ito. Samantalang kakasabi lang ng Doctor na wala namang damage ang internal parts ng ulo nito. Kahit sobra siyang busy ay hindi niya pinapabayaan si Anastasia sa hospital kahit alam niyang naroon naman ang ina nito at anak nila na si Ashton na ayaw umalis sa tabi ng ina. "Dad! Gising na si Mama!" nagulat siya sa sigaw ng kanyang anak pagpasok palang niya sa loob ng kwarto. Nakita niya ang maputla at malungkot nitong mukha na nakahiga sa hospital bed. Agad siyang lumapit dito. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit dito ay narinig na niya ang mga sermon ng ina ni Anastasia rito. "Ang tigas-tigas ng ulo mong bata ka! Nagpakalayo-layo na nga tayo para makaiwas sa gulo pero ikaw pa itong sumasakay sa gulo. Alam mo namang hindi mapagkatiwalaan ang mga salita ni Merideth sinabayan mo pa. T
Isang maaliwalas na umaga na puno ng pag-asa. Pag-asang sana maging maayos na ang lahat. Ngunit ang tanong sa kanyang isipan kung kailan at paano niya mapalambot ang puso ng taong punong-puno nang hinanakit at poot. Alam ni Anastasia na may pagbabago ang bawat nilalang lalo na kung nanaisin nitong magbago at talikuran ang maruming kahapon. Ngunit nakasalalay ito sa ating sarili kung nais nating baguhin ang mga mali nating nagawa nang sa gayon ay mamuhay tayo ng mapayapa at may peace of mind. Habang nakaupo sa upuang nasa bakuran ng malaking Villa. Napahinga nang malalim si Anastasia habang pinapanood ang naggagandang bulaklak at paru-paro na naglalambingan sa bakuran. Ang sarap panoorin ng mga ito na para bang walang problema. Hindi siya makapaniwala na humantong sa ganito ang lahat. Ang taong nagpalaki sa kanya ay nasa kulungan at patuloy na nagmamatigas. Samantalang ang babaeng tinuturing niyang kapatid ay kinamumuhian siya dahil sa pagkakulong ng ina nito. Minsan naitanong ni Ana
Pasado alas-nuwebe nang gabi. Balisa si Anastasia sa kanyang higaan dahil hindi pa nakauwi si Vance. Nag-umpisa na siyang kabahan. Paano kung ito na ang simula ng sinasabi ni Merideth. Bulong ng isang bahagi ng kanyang isipan. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo dahil malaki ang tiwala niya rito. Bumangon siya mula sa kama at pumasok sa banyo upang umihi. Paglabas niya mula sa banyo ay saglit siyang nag-inat-inat upang antukin. Naglakad-lakad siyang muli sa loob ng kwarto hanggang sa nakita niya ang kahon na nakapatong sa cabinet. Dahil sa curiosity noong nakaraang araw nais niya sana itong silipin kung ano ang laman. Binuhat niya ito at dinala sa malaking kama upang doon buksan. Mayamaya tumambad sa kanya ang mga lumang litrato. Inisa-isa niya iyon. Mga larawan ng ina ni Vance at mga kaibigan ng kanyang ina. Sa bandang ilalim nakita niya ang isang maliit na korona. Parang pamilyar sa kanya iyon. Sinipat-sipat niya ang bawat gilid hanggang sa nakita niya ang FEM. Kahit batang-bata pa siy
Nakatitig sa kawalan si Vance habang nasa loob ng kanyang opisina. Paggising niya kanina sobrang sakit ng kanyang ulo. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido habang nakapikit ang kanyang mga mata. Kanina pagbaba niya, kanyang naabutan si Anastasia na tumutulong sa paghahanda ng agahan. Ngumiti ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Ngunit may napansin siyang kalungkutan sa mga mata nito. Dagdag pa ang namumugtong mga mata. Napatingin siya kay Tim. Parang may mali. Dahil kahit ito ay sobrang tahimik. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Biglang rumehistro sa kanyang isipan ang kanyang pagwawala sa tuwing may hahawak sa kanya kapag nalasing siya. Ibig sabihin kagabi.... "Fvck!" Napatingin si Tim sa kanya nang bigla siyang magmura. "Tim! What happened last night?" tanong niya rito. Bumuntong-hininga si Tim. "Hindi mo naalala? Ibang-iba ka sa Vance na nakilala ko kagabi. Para kang kabayo na nakawala sa pagkakatali. Alalahanin mo kung anong ginawa mo kagabi at kung
Blangko ang isipan na pinaharurot ni Vance ang kanyang itim na BMW sa kahabaan ng highway. Hindi niya alam kung saan ang kanyang direksiyon. Mayamaya natagpuan niya ang kanyang sarili na papasok sa Infinite Club. Nais niyang lunurin ang kanyang sarili sa alak kahit ngayon araw man lang. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Pasado alas-siyete nang gabi. Magbubukas palang ang club kaya wala pa masyadong costumer. Naglakad siya sa mahabang pasilyo na kulay lila. Sa dulo ang kinaroroonan ng private room na lagi niyang inuukopa noong naririto pa si Anastasia. Pasalampak siyang naupo sa malapad na couch doon saka nagsalin ng whiskey sa baso at mabilis na tinungga. Hindi siya tumigil sa pagsalin hangga't hindi niya naramdaman ang epekto ng alak sa kanyang katawan. Nasa ganoong sitwasyon siya nang bumukas ang pintuan ng kwarto. "Good evening, Sir." mabining bati ng sexy na babaeng pumasok. Hindi niya ito pinansin kahit familiar sa kanya ang boses nito. Patuloy siya sa pagsalin ng ala
Nailing si Vance sa kakulitan ni Tim. Alam niya na pinapasaya lamang siya nito kaya sobrang na-appreciate niya ang ginawa nito. Masarap magkaroon ng kaibigan na kilala ka mula ulo hanggang talampakan. Yung tipong alam nito ang gagawin sa tuwing may unos na dumating sa iyong buhay at hindi ka basta-basta iwanan.Pinukaw nang tunog ng cellphone ang kanyang atensyon. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang numero na rumehistro sa kanyang screen. Numero iyon ng isa sa katulong niya sa bahay. May problema na naman ba kaya siya? Bulong ng kanyang isipan. Kinakabahang sinagot niya iyon. "Is there a problem?" diretsong bungad niya sa tumawag. "Ah-ee... Wala naman po sir. May ipapasabi lang po sana si, Madam." Kinakabahang sagot nito. "Say it." "Sabi niya po kasi na, pagkatapos daw po ng trabaho ninyo. Pumunta raw po kayo doon sa lugar na it-text niya po sa inyo." paliwanag nito na ikinangiti niya. "Okay," Nang matapos ang tawag ay lihim siyang napangiti. Mukhang siya pa ata
Parang saglit na gumuho ang mundo ni Anastasia. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawang tao sa kanyang harapan. May dapat ba siyang malaman? Napatingin siya kay Vance nangungusap ang mga mata nito. Mayamaya hindi siya nakatiis. Bigla siyang tumayo at pumalakpak. "Ang saya-saya naman. May unexpected guest pala tayo, Mr. Enriquez? Baka naman pwedeng paki-explain kasi wala naman akong inimbita na iba." napangisi siya. Kailangang ipakita niya na hindi siya talunan lalo na sa harap ni Marga. "May dapat ba akong malaman, Marga?" nakaarko ang isang kilay niyang tanong. Hinarap siya ni Marga. Kahit naka-heels man ito, maliit pa rin itong tingnan kompara sa kanya. "Bakit Anastasia, hindi ba nai-kuwento ni Michael saiyo ang nangyari sa amin kagabi dito? Ayaw niya pa nga sanang umuwi eh! Gusto niya pa akong makasama. Kaso dumating ang asungot niyang assistant. Kaya ayun nabitin kaming dalawa." walang katakot-takot nitong sagot sa harapan pa mismo ni Vance. Halos nanliit naman an
"Are you gone mad?" galit na sigaw ni Vance kay Marga. Kasalukuyang magkaharap sila sa kanyang opisina. "Sinabi ko saiyo na humingi ka nang tawad sa kanya. Pero ano ang ginawa mo? Mas lalo mo akong pinahamak, Marga! Hindi iyon ang napagkasunduan natin!" nanggigil sa galit na halos dudurugin niya ito ng pino. Nakabusangot naman na hinarap siya ni, Marga. "Paano kasi ang sarap niyang paglaruan. Prank lang naman sana iyong sa akin. Pero hindi ko inaasahan na magre-react siya ng ganoon. At saka kasalanan mo rin naman iyon dahil bakit mo siya sinabihan ng gano'n! Sinong babae ang hindi sasama ang loob kapag makarinig nang ganoon? Tapos ngayon isisi mo ang lahat sa akin?" parang batang nagmamaktol na sagot ni, Marga. "Prank? Alam mo bang dahil sa mga kalokohang ginawa mo mas lalo pang lumala ang problema?" muli niyang sabi rito. "Bakit? Nagustuhan mo rin naman ang halik ko ah! Tingnan mo inilihim mo nga sa kanya!" muli nitong hirit sa kanya na ikinainit ng kanyang ulo lalo.