Lumapad ang ngiti sa labi na tumayo si Vance at sinalubong ang kanyang kaibigan na kararating lang nang mahigit na yakap. "Tine! You came." usal niya. Ngumiti ang kaibigan ni Vance na si Dra. Kristine Pagaran. Galing ito sa ibang bansa. Mabuti nalang at pumayag ito nang anyayahan niya na makipagkita sa kanya ngayon upang tapusin ang lahat ng ilusyon na namuo sa isipan ni Marga. "Of course, dear. Ikaw pa ba. Malakas ka sa akin eh!" nakangiti nitong sagot sa kanya saka inalalayan niyang maupo sa katabi niyang upuan. Mayamaya, binalingan niya si Marga. "By the way, Marga. Isa siyang gynecologist. Gusto kong siya ang sumuri saiyo at mag-alaga sa'yo hanggang sa manganak ka. Si Dra. Kristine Pagaran." pakilala niya sa kaibigan kay Marga. Hindi nawala ang mga tingin ni Vance kay Marga. Nais niyang makita ang reaction nito. Kung paano ito manlumo sa ginawa niya. Mukhang tama nga ang kutob niya. Namutla ito at hindi kaagad nakasagot sa sinabi niya. "H-Hello! I'm, Marga Sevilla." m
"Hello?" bungad niya. Walang sumagot mula sa kabilang linya. "Hello?!" Halos nakaapat na niya itong binigkas ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Gigil na naikuyom niya ang kanyang kamao. Sino na naman kaya ang may lakas nang loob na magtrip sa kanya. "Kung hindi ka pa rin sasagot ipapa-trace ko ang number mo na'to!" sigaw niya. Ngunit sa kasamaang palad ay wala pa rin siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. "WHO THE H*LL ARE YOU?" pagdidiin niya sa bawat salitang kanyang binigkas. Papatayin na sana niya ang tawag nito nang may biglang nagsalita mula sa kabilang linya. "Kailangan kitang maka-usap. Kailangan nating magkita, Mr. Enriquez." mababang tono na saad nito. Nagulat siya. "Sabihin mo muna sa akin kung sino ka!" sigaw niya. "Alam kong pinapahanap mo ako." Sagot nito sa kanya. Bigla siyang natahimik. "Okay. Sabihin mo sa akin kung saan at kailan." sabi niya. "Text ko nalang saiyo. Bye!" Dahan-dahan siyang napaupo sa kanyang swivel c
Nanatiling nakabukas ang malaking gate nang makapasok ang sasakyan sa loob. Mayamaya, lumabas ang isang babae. Nakasuot ito ng puting slacks at light blue na blouse. Nang bahagya itong humarap sa gawi nila habang kinakausap ang isang bodyguard nito namukhaan na nila ito. "Alma Trinidad?..." sabay na sambit nina Vance at Tim. Nagkatinginan sila. "Siya ang may-ari ng mansion na'to?" biglang usal ni Tim. "Hindi naman ata kapani-paniwala na kaya niyang magpatayo ng ganito kalaking bahay noon. Kasi sa pagkakaalam ko hindi naman ganoon kayaman ang pamilya ni Alma. Eh, matagal na itong nakatayo bata pa ata tayo nang panahon na iyon boss." Hindi makapaniwala na saad ni Tim sa kanya. Ilang minuto lang ay may sumunod na puting Mercedes-Benz. Nakilala agad ni Vance ang plate number ng sasakyan. "Boss, mukhang tama ata ang hinala n'yo." bulong ni Tim. Kahit hindi pa ito nagsalita ay naikuyom na ni Vance ang kanyang kamao. Kahit malakas ang aircon sa loob ng kanyang sasakyan pakiramdam ni
Muling namayani ang katahimikan sa loob ng kubo sa farm ni Vance. Ayaw atang tanggapin ng isipan niya na narinig niya mismo sa bibig ni Rita ang pagka-involve ng kanyang ama sa istorya ng magkakaibigan. Lumalabas na biktima ang ina ni Anastasia sa laro nilang magkakaibigan. Ngayon niya napatunayan na totoo ang narinig ni Tim sa iba na may ibang anak si George Trinidad at iyon ay ang ina ng kanyang anak na si Anastasia. "So involved pala talaga ang ama ko sa istoryang ito?" tanong niya kay Rita. Kaya pala pakiramdam niya maraming inlihim ang kanyang ama sa kanilang ina. Dahil sa loob ng ilang taon na magkasama ang kanyang mga magulang ramdam niyang maraming kulang sa pagsasama ng mga ito. Uminom muna ng tubig si Rita bago nagpatuloy sa pagkwento. "Hijo alam ng karamihan ang relasyon ni Alma at ng iyong ama noon. Wala sanang kasalanan ang iyong ama sa nangyari dahil nagmahal lang naman siya. Ngunit nagpadala siya sa mga panlilinlang nina Alma at Merideth. Noong nagkaroon ng press
Kampante lang habang nagmamasid sa paligid sina Vance at Tim sa loob ng El Paraiso Club. Mula nang natapos ang pag-uusap nila ni Aling Rita kanina ay sinubukan ulit niyang tawagan si Anastasia. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nito iyon sinasagot. Mayamaya hindi na niya ito makontak. Kaya narito siya ngayon sa club na mina-manage nito baka sakaling makita niya ito rito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Basta ng mga oras na ito blangko ang kanyang isipan. Maging ang kasama niyang si Tim ay walang imik na nagsasalin ng alak sa baso. Tumayo si Tim at diretsong umalis. Bumalik din ito kaagad ngunit malungkot ang mukha. "Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito, boss. Matagal na raw umalis si Ms. Sevilla rito." balita ni Tim sa kanya na ikinatayo niyang bigla. Halos nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Halos araw-araw silang nag-uusap ni Anastasia sa cellphone ngunit wala itong nabanggit sa kanya tungkol dito. Kaya ba hindi niya ito makontak? "Sino ang nakausap mo?" tanong niya ri
"Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin ang alok ni Alex saiyo na kasal. Umaasa ka parin talaga na bumalik sa dati ang relasyon n'yo ni Vance Enriquez? Gurl, gising. Itinago n'ya nga ang lahat saiyo tungkol sa kaso ng mama mo, tapos ngayon siya pa rin ang pipiliin mo? Alam n'ya ang totoo ngunit nagbulag-bulagan lang s'ya! Sabi n'ya pa noon lilinisin n'ya ang pangalan ng mama mo?! E, bakit hanggang ngayon wala? Tapos ngayon malalaman mo na magkasiping na pala sila ni Marga? Ano ka martir? May taong handa na mahalin ka ng buo, bakit hindi mo subukang tanggapin sa buhay mo?" mahabang sermon sa kanya ni Carol. Binisita s'ya nito sa bahay na pinundar niya ng ilang taon para sa kanila ng kanyang ina at anak maging si Joyce dito sa San Martin. Malayo sa lahat. Malayo sa kanyang magulong nakaraan. Tahimik at presko ang hangin dahil nasa dulo ito ng probinsya. Malayo sa buhay na kinalakihan n'ya sa Maraviles. Dito nakapagtanim siya ng mga pinapangarap n'ya noong mga gulay. Bumuntong-hininga mun
Nagulat si Anastasia sa tunog ng kanyang cellphone. Napakunot ang kanyang noo. Wala naman siyang in-expect na tawag mula sa iba dahil walang nakakaalam sa kanyang bagong numero kundi ang mga nalalapit niyang kaibigan na sina Joyce at Carol. Napatingin siya sa dalawa. Pinamigay ba nila ang kanyang bagong number? "May nakakaalam pa ba sa number ko aside sa inyong dalawa?" Nagtatakang tanong niya. Nagkatinginan naman sina Joyce at Carol. Ngunit saglit na natigilan si Carol kapagkuwan. "T-Teka sandali lang, gurl. Sorry, naalala ko na naibigay ko pala kay Alex noong nakaraang araw, dahil ang kulit ayaw akong tigilan." parang basang-sisiw na nakatayo si Carol sa kanyang harapan habang humihingi ng paumanhin. Umiiling na sinagot niya ang tawag. "Hello?" "Magkita tayo sa ayaw at sa gusto mo!" Sagot nang nasa kabilang linya. Napaangat ang kanyang kilay sa narinig. Diretso nitong inutusan siya? Kilala niya ang boses na iyon. Ang boses na hinding-hindi niya makakalimutan kailanman.
Malakas ang dagundong ng kanyang dibdib habang nagtatalo ang kanyang isipan kung babalik o magpapatuloy sa paglakad. Pakiramdam ni Anastasia ng mga oras na iyon nasa gitna s'ya ng hunted house dahil walang tigil ang pagtayo ng kanyang mga balahibo sa katawan. Bigla siyang huminto nang mag-desisyon ang kanyang isipan na bumalik nalang. Mabilis ang kanyang mga galaw na bumalik siya sa kanyang dinaanan. Hindi pa siya nakakalayo ng may tinig siyang narinig na nagpahinto sa kanya sa paghakbang. "Saan ka pupunta?" isang malakas na boses ang umalingawngaw mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang napapikit. Tama nga ang kanyang hinala na isa iyong patibong. Dahan-dahan siyang pumihit paharap upang lakas-loob na harapin ang mga taong may gawa niyon. Ngunit ang inaasahan niyang tao na kanyang nakaharap ay iba. "Ikaw???" gulat niyang sambit. Humalakhak ito nang tawa na parang demonyo. "Yes, my dear daughter. Namis mo ba ako?" nakangiting sagot ni Merideth sa kanya. May katabi iton