Memory Of Love

Memory Of Love

last updateLast Updated : 2021-11-23
By:  TearsxmeOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
48Chapters
3.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Pangarap ni Angge ang titingalain ng ibang tao kaya ipinagkalat niya na boyfriend niya ang isang low-profile businessman na si Rhodly James Smith at nang malaman ni Rhodly ang tungkol sa bagay na 'yon ay galit ang kanyang nararamdaman para sa dalaga kaya pinuntahan niya ito sa tinatrabahuan nito upang pagalitan at suklaman pero papaano na lamang kung sa unang beses na magisnan niya ang kagandahang taglay ng dalaga at ang matamis nitong ngiti ay bibihagin nito ang pihikan niyang puso? Maisasagawa pa kaya niya ang kanyang binabalak? Papaano naman haharapin ni Angge ang kaparusahan sa kanyang nagawa? May matamis kayang pag-iibigan ang mabubuo sa kanilang pagitan?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

"Hello, Ma'am!" bati ni Angge sa isang babaeng customer na kapapasok lang sa kanilang department store nakapwesto sa loob ng isang mall.

"May I help you, Ma'am?" tanong niya rito pero hindi siya nito sinagot bagkos ay nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob. 

"Tsk! Ang sungit," pabulong niyang sabi sa sarili.

Pinalaki niya ang kanyang ngiti nang may bago na namang costumer na pumasok.

"Hello, Sir," bati niya rito.

Nakahinga siya nang maluwag nang ngumiti sa kanya ang customer.

"What can I help you, sir?" tanong niya rito.

Napaismid na lang din siya uli nang hindi ito sumagot.

"Angge, mananhalian na tayo," sabi sa kanya ni Reah, isa sa mga katrabaho niya. Bestfriend niya. Ka-tandem niya sa kalukuhan.

Agad na siyang umalis sa kanyang pwesto saka siya pinalitan ng katatapos lang mananghalian. Hindi kasi sila sabay-sabay lahat kung mananghalian dahil na rin sa klaseng trabaho na mayroon sila.

Madalas nga, mag-isa lang siyang kumakain kapag busy'ng-busy ang store nila lalo na kapag holiday season. Buti ngayon, kasabay niya si Reah, hindi masyadong busy dahil hindi naman ganu'n kadaming customers na pumapasok.

"Sa wakas, may kasama na akong kumain," bulalas ni Reah nang nakaupo na sila sa isang kainan.

"Buti na lang din, hindi masyadong busy ngayon," saad naman ni Angge.

"Oo nga, eh. Sana, ganito na lang lagi."

"Baliw ka ba?"

"Bakit naman?"

"Kapag ganito lagi ang customer ng store natin, wala nang kikitain ang negosyo ng boss natin at kapag nangyari 'yon, end na nating lahat."

Napaisip sandali ang kanyang kaibigan dahil sa kanyang sinabi.

"May point ka rin," sang-ayon naman nito pagkaraan.

"Kasalukuyang nagkakagulo ngayon dito sa Mall of Asia dahil sa isang sikat na korean actor na si Kim Myung Soo. Ayon sa actor, nais lang daw sana niyang mamasyal habang pilit na itinatago ang kanyang identity pero isang avid fan niya ang kaagad nakakilala sa kanya na siyang dahilan para pagkakaguluhan siya ng iba pa niyang mga fans," pahayag ng isang news anchor na nasa isang television na nakasabit sa kainan kung saan nananghalian sina Angge at Reah.

Napatingin na rin ang lahat sa t.v at kitang-kita ang pagkakagulo ng mga tao sa nasabing mall dahil kay Kim Myung Soo.

"Balang-araw, titingalain din ako gaya ng idol ko. Sisikat din ako."

Agad napatingin si Angge kay Reah nang bigla itong nabunulan dahil sa kanyang sinabi.

"Okay ka lang? Heto tubig."

Agad namang tinanggap ng kanyang kaibigan ang isang basong tubig na inabot niya rito.

"Anong sabi mo?" tanong ni Reah nang naging okay na ito.

"Alin? 'Yong sisikat ako?"

"Nagday-dreaming ka ba?"

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Papaano ka sisikat, eh isang sales lady ka lang," straight to the point nitong sabi.

"Bakit? Kapag sales lady ba, walang karapatang sumikat?"

"Hindi ko naman sinabing walang karapatang sumikat ang isang sales lady pero, Angge ang ganyang opportunidad once in a blue moon lang 'yan dumarating sa mga katulad natin. Madalas, para lang 'yan sa mga mayayaman at may malaking pangalan sa industriya."

Natahimik si Angge sa sinabi ni Reah dahil sa totoo lang, may point din ito pero sisiguraduhin niyang sisikat siya at papansinin din siya ng mga tao.

Balang-araw, titingalain din siya ng lahat at ipinapangako niya sa sariling tutuparin niya iyon. 

"Lola, kumusta po ang araw niyo?" tanong ni Angge sa kanyang lola na si Apolinaria sabay mano nang makarating na siya sa kanilang bahay galing sa kanyang trabaho.

"Okay lang, apo. Ikaw, kumusta ka? Napagod ka ba?" nag-aalala rin nitong tanong sa kanya.

"Okay lang po ako," nakangiti pa niyang sabi kahit na ang totoo, pagod din siya.

"Magbihis ka na at ipaghahain kita," sabi ng matanda. Agad naman siyang pumasok sa kanyang kwarto at agad na nagbihis.

Napaupo siya sa gilid ng kanyang higaan saka bahagya niyang hinimas-himas ang kanyang binti dahil nangangalay ito sa buong maghapong nakatayo.

Hindi madali ang buhay ng isang sales lady. Maghapon kang nakatayo habang maagap ang mga mata sa mga pumapasok na customer. Ang masakit pa kung minsan ay 'yong makakatagpo ka ng customer na masungit at maarte. Pero bilang sales lady, kailangan din nila ng mahabang pasensiya to deal with their customers well.

Mahirap din kasi kapag nagkamali sila kahit konti lang o kapag nagkataon na may topak ang customer nila dahil paniguradong sila ang babanatan ng kanilang manager lalo na kapag ang manager naman ay hindi marunong tumanggap ng side ng kanilang empleyado. 

"Masakit ba?"

Napatingin si Angge sa pinto ng kanyang kwarto at nakita niya roon ang kanyang Lola na nakatingin sa kanya. Agad niyang tinigilan ang pagpipisil-pisil niya sa kanyang binti saka nagkunwaring okay lang siya.

"Hindi po, Lola," pagsisinungaling niya.

Pero dahil matanda na ang kanyang Lola ay hindi na niya ito maluluko ng ganu'n-ganu'n lang dahil ayon nga sa kasabihin ng mga matatanda, "papunta ka pa lang, pauwi na ako".

Pumasok si Lola Apolinaria na may dala-dalang ointment saka ito umupo sa kanyang harapan.

"Lola, anong ginagawa niyo?" gulat niyang tanong.

Napatingin na lamang siya sa kanyang binti nang hawakan ito ng matanda.

"Lola, hindi niyo na po 'to kailangang gawin," sabi niya sabay kuha sa kanyang binti na hawak-hawak nito pero agad naman itong hinawakan uli ng matanda.

"Mamasahiin lang natin kahit saglit para naman mabawasan ang pangangalay niya," sabi nito saka nito sinimulan ang pagmamasahe.

Lihim siyang napangiti sa ginawa ng kanyang Lola. Kahit kailan talaga, hindi pa rin talaga nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. 

Si Angge, isang simpleng babae na may mataas na pangarap pero ang pangarap na iyon ay hindi niya alam kung makakamit pa ba niya dahil sa hirap ng kanyang buhay.

Mula dise-sais at natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa hanggang sa edad na 25. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho  para lang may maibuhay siya sa kanyang Lola na may dinaramdam na rin sa sariling katawan.

Si Lola Apolinaria na lamang ang pamilyang naiwan sa kanya at ito na rin ang nagtaguyod sa kanya nagmula nang maagang nawala ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. 

Maaga ring nawala ang kanyang Lolo dahil sa karamdaman nito kaya silang dalawa na lamang ang naiwan.

Kahit hirap sa buhay ay ginawa pa rin lahat ni Lola Apolinaria ang buhayin siya sa legal na paraan.

Lumaki siya sa piling nito. Hindi naman ito nagkulang ng pag-aruga sa kanya pero iba pa rin talaga ang pag-aaruga ng isang magulang. 

Pero kahit na nakakaramdam siya ng ganu'ng bagay, thankful pa rin siya sa kanyang Lola at gusto niyang suklian ang kabutihan nito.

"How was the annual progress of the company?" tanong ni Corazon sa kanyang anak na si Rhodly James Smith.

"We had a meeting last day and according to their reports, our company has its increased. So, you don't have to worry," pahayag ng binata.

"Good to hear that, son but we will still looking forward to the continuation of the progress of our company while it's still in your hands," saad naman ni Marcos.

Napatango lang ang binata sa tinuran ng ama.

"Please, be assured, Dad," nakangiting saad ni Rhodly sa ama.

Si Rhodly James ay ang panganay na anak ng mag-asawang Smith at mas kilala sa tawag na Rhodly. Ang kaisa-isa niyang kapatid na babae ay si Kathleen at nasa abroad ito nag-aaral.

Dahil siya ang panganay at sa edad na 32, very productive na siya pagdating sa pamamahala sa kanilang negosyo kaya kampante ang kanyang ama na ihabilin sa kanya ang kompanya.

Siya ang CEO ng T Group at bilib din sa kakayahan niyang mamahala ang kanilang mga shareholders at ang kanilang mga investors.

He is already engaged with Daphne, their business partner's daughter na kahit ayaw man niya ay wala na siyang nagawa para tutulan ang kanilang kasal.

Nasa abroad din si Daphne at kasama ni Kathleen. Matagal na ring may gusto sa kanya ang dalaga kaya hindi na ito tumutol pa sa halip ay naging masaya pa ito sa napagkasunduan ng kani-kanilang pamilya. 

Napagsunduan din nila after graduation ni Daphne nila ihe-held ang engagement party para sa mga ito at more than a year na lamang ang hinihintay nila para sa pinakahihintay na sandali.

Kilala ang pangalan ng pamilyang Smith sa industriya na kanilang ginagalawan but the real identity of Rhodly is still unknown to the public.

Mas pinili niyang itago ang totoong siya dahil sa maraming dahilan.

Maaaring magkakagulo ang buhay niya kapag makilala siya ng publiko. He wants to live with a peace of mind. Ayaw niya na sa bawat galaw niya ay may camerang nakaabang, may camerang nag-aantay.

Ayaw niyang konting pagkakamali lang niya ay issue kaagad at kahit saan man siya mapunta, hahabulin siya ng media.

Everytime na may public gathering na mangyayari kung saan imbitado siya ay hindi siya uma-attend. Kung a-attend man siya ay hindi siya madalas nakikisalamuha sa maraming tao. He will have his own privacy. 

Kung may appointment man siya, doon sila sa lugar na walang masyadong tao o sa isang VIP room para walang makakakita sa kanila.

Kung sakali mang may picture niya na nali-leak ay agad-agad nila itong inaaksyonan at dahil sa dami ng pera nila, hindi mahirap para sa kanila ang patahimikin ang may alam tungkol sa kanya.

Kilala siya ng publiko sa kanyang pangalan pero sa mukha niya, walang kaide-ideya ang mga ito. Kaya malaking palaisipan na rin sa mga ito kung sino nga ba si Rhodly James Smith at kung ano nga ba ang mukha at pangangatawan ang mayroon siya.

Dahil sa kanyang ginawang pagtatago sa tunay niyang pagkatao, malaya siyang makakapaglakad sa gitna ng maraming tao dahil sino ba naman ang mag-aakala na siya na pala si Rhodly, ang kaisa-isang anak na lalaki ng mag-asawang Smith na isang bilyonaryo sa bansa?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-28 00:17:46
1
48 Chapters
CHAPTER 1
"Hello, Ma'am!" bati ni Angge sa isang babaeng customer na kapapasok lang sa kanilang department store nakapwesto sa loob ng isang mall."May I help you, Ma'am?" tanong niya rito pero hindi siya nito sinagot bagkos ay nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob. "Tsk! Ang sungit," pabulong niyang sabi sa sarili.Pinalaki niya ang kanyang ngiti nang may bago na namang costumer na pumasok."Hello, Sir," bati niya rito.Nakahinga siya nang maluwag nang ngumiti sa kanya ang customer."What can I help you, sir?" tanong niya rito.Napaismid na lang din siya uli nang hindi ito sumagot."Angge, mananhalian na tayo," sabi sa kanya ni Reah, isa sa mga katrabaho niya. Bestfriend niya. Ka-tandem niya sa kalukuhan.Agad na siyang umalis sa kanyang pwesto saka siya pinalitan ng katatapos lang mananghalian. Hindi kasi sila sabay-sabay lahat kung mananghalian dahil na rin sa klaseng trabaho na mayroon sila.Madalas nga, mag-isa lang
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
CHAPTER 2
Maagang nagising si Angge kinabukasan para makapaghanda ng kanilang agahan. Ganito ang daily routine niya, ayaw din kasi niya na ang Lola Apolinaria pa niya ang magluluto ng agahan nila dahil alam naman niya ang kalagayan mg kalusugan nito kahit pa sabihin nitong okay lang siya.Pero pagpasok niya sa kusina ay nandu'n na pala ang kanyang Lola, kasalukuyang nagkakape habang naghihiwa ng mga gulay na lulutuin nito at nagsasaing."Lola, ang aga niyo naman," sabi niya rito saka lang siya nito napansin."Alam mo naman 'yong tulog ng mga matatanda," sagot  naman nito saka ito kumuha ng isang tasa para pagtimplahan siya ng kape na siya namang agad niyang inagaw."Kayo ang dapat na pinagsisilbihan hindi 'yong ikaw ang naninilbihan," sabi niya habang tinitimplahan niya ng kape ang kanyang sarili."Masaya ako sa ginagawa ko kaya bakit mo naman ako kinukontra," tanong din ng matanda.
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
CHAPTER 3
"Good morning," bati ni Angge sa kanyang mga kasamahan pagkarating niya sa trabaho."Good morning din," bati sa kanya ni Reah pati na rin ng iba pa.Nagkanya-kanya na sila sa pag-aayos ng mga items. Ganito talaga sila everyday. Bago magbubukas ang mall ng mga 10:00 ay nasa loob sila at  at naglilinis para sa pagpasok ng mga mamimili ay kaaya-aya tingnan ang loob ng kanilang store.Habang si Rhodly naman sa kabilang banda ay maaga rin ang gising dahil may breakfast appointmet siya sa isang client niya.Binuksan niya ang kanyang cabinet at kumuha siya ng isang white formal dress shirt saka niya ito isinuot pagkatapos ay nagsuot din siya ng isang black necktie at tinernuhan niya ito ng  isang dark blue suit.Isang dark blue rin na trouser ang kanyang isinuot na bagay naman sa suot niyang suit.At ang sapin sa kanyang paa ay isang monk strap shoes.Nang maiayos na niya ang kanyang sarili ay humarap muna siya sa salamin saka inay
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
CHAPTER 4
Galit na galit na sumugod si Rhodly sa mall kung saan nagtatrabaho si Angge at dahil walang nakakakilala sa kanya, malaya siyang nakapasok na para bang isang ordinaryong mamimili lamang.Hinanap niya ang store na pinagtatrabahuan ng dalaga at nang makita na niya ito ay agad niya itong nilapitan habang pasimleng nakasunod naman sa kanya ang kanyang mga bodyguards na pinipilit din ng mga ito na hindi mahahalata.Pagdating ni Rhodly sa bungad ng pintuan ng store na 'yon ay may nakita siyang babaeng nakatalikod at nakasuot ito ng uniporme ng mga saleslady na nandu'n.Balingkinitan ang katawan at may kahabaan ang tuwid nitong buhok."Miss?" tawag niya rito at agad naman itong napalingon sa kanya pero nang magtama ang kanilang mga mata, hindi aakalain ni Rhodly na mapapatulala siya sa taglay nitong kagandahan lalo na nang ngumiti ito nang makita siya.Natigilan siya at biglang nagkagulo ang pagp
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
CHAPTER 5
Napakunot ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa kanyang tinuran at hindi talaga siya nito naiintindihan."Daphne already know you but why do you need to hide your identity with that name?" nagtatakang nitong tanong."It's not about Daphne," maagap niyang saad na siyang lalong nagpakunot sa noo ng kanyang kaibigan."If it is not about her, then who is that... my woman?"Hindi umimik si Rhodly kahit alam niyang naghihintay si Gilbert sa kanyang magiging sagot."Well, if you don't have a plan to tell me about that "my woman" then I don't ask anymore," saad nito at alam niyang nagtatampo ito."The woman on the news who claimed that I am her boyfriend."Napaawang ang mga labing napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan. Nakita rin kasi nito ang balitang 'yon kaya hindi na nakapagtataka kung sino ba talaga ang babaeng 'yon pero ang nakapagtataka ay 'yong bakit kai
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
CHAPTER 6
Nanghihina ang mga tuhod na napaupo sa gilid ng store ang dalaga matapos ang pag-uusap nila ng kanyang manager."Bakit may problema ba?" naaalala niyang tanong ng kanyang manager nang nagulat siya sa gusto nitong mangyari."S-seryoso po ba kayo?""Yes! I really want to meet him kasi alam mo kung papaano siya hahabulin ng taong-bayan. Kapag nagkataon na malaman ng lahat na kilala natin ang isang Rhodly James Smith, I'm pretty sure, hihilain din niya paitaas 'tong kompanya ko," paliwanag nito.May point ang boss niya. Sa pagiging sikat ni Rhodly, malamang marami rin ang nagnanais na sana magkaroon ng collaboration sa binata dahil malaki ang possibilidad na aangat ang negosyo nila kapag nagkataon at 'yon ang gustong subukan ng kanyang manager."Pero sikat na po 'tong kompanya niyo, madam. Bakit-----"I know pero kapag alam ng mga tao na may connection ang kompany
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
CHAPTER 7
Ilang araw ang nakalipas ay nagpatuloy pa rin ang daloy ng buhay ng dalaga pero ang mga taong hindi makapaniwala sa isyung ikinalat niya ay patuloy pa rin siyang tinutugis.Mabuti na lang at nandiyan ang kanyang mga katrabaho lalo na si Rhodly na tinutulungan siyang makatakas mula sa mga ito.Nagtatrabaho ang binata sa isang warehouse na pagmamay-ari rin ng boss nina Angge at nakatuka ito sa isang bodega kung saan kailangan nitong magbuhat at mag-repack ng mga products.Malaki ang pasasalamat niya sa binata dahil kahit papaano hindi siya nito pinababayaan. Lagi siya nitong pinoptitektahan na siya namang unti-unti ng paglambot ng kanyang puso para rito nang hindi niya namalayan."So, how was your case about that woman?" tanong ni Gilbert kay Rhodly isang araw nang sinadya nitong puntahan siya sa kanyang opisina.Madalas na siyang wala sa kanyang opisina at halos hindi na niya naa-attend-an
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
CHAPTER 8
"Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" kunot-noong tanong ni Rhodly."W-wala. Wala," sagot niya saka niya inabot dito ang kabibili lang niyang gloves. "Ano 'to?""Gloves 'yan para sa kamay mo. Para hindi na 'yan magkasugat-sugat."Kinilig ang binata sa tinuran ni Angge. Hindi niya akalain na ganito pala ito ka-maaalalahanin para sa ibang tao."Salamat dito."Agad isinuot ng binata ang gloves na kabibigay lang sa kanya ni Angge saka na sila nagsimulang magtrabaho. Habang abala si Rhodly sa paglalagay ng packing tape sa mga naka-cartoon na mga items ay abala naman si Angge sa paglilista sa mga products na ide-deliver. Nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim nang nagsiuwian na sila at nang palabas na si Rhodly sa warehouse ay agad siyang sinalubong ng isa sa kanyang mga bodyguards para aalalayan siya. Alam kasi ng mga ito na pagod na pagod na ang kanilang boss sa maghapong pagbubuhat nito."
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
CHAPTER 9
"This will be the schedule for meeting your boyfriend."Nabigla si Angge sa kanyang narinig galing kay Ms. Santorini isang umaga nang kausapin siya nito.Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ang date kung kailan gaganapin ang pagkikita ng mga ito kay Rhodly James Smith. Sa anniversay mismo ng kompanya at this coming weekend na ito.Lalo tuloy siyang kinabahan, lalo tuloy siyang naguguluhan!Ano nga ba ang dapat niyang gawin?!"Hindi naman problema 'yan. Boyfriend mo naman siya, di ba? Bakit parang nababahala ka pa diyan?" pag-uusisa ni Reah sa kanya nang sabihin niya rito ang balak ng kanilang manager."Kaya lang kasi..." Ano nga ba ang dapat niyang sasabihin?"Kasi?" tanong ng kanyang kaibigan.Napatingin siya sa kaibigan, dapat na nga ba niyang sabihin ang totoo kay Reah? Hindi ba parang nakakahiya naman nu'n?"
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
CHAPTER 10
"They noticed na hindi ka na masyadong active as a CEO of the company and they were so worried that the company will be in vain kapag nagpatuloy kayo sa ganitong performance. So, they decided to have a voting session wether they will let you stay or fire you and choose a new CEO of this company."Napasalampak si Rhodly sa sofa habang nagsasalita ang kanyang secretary na para na rin niyang kaibigan. "Every meeting, you are absent. Everytime they need your presence, you are not there that is why they wanted to change you. Ayaw din isipin ng iba na baka nagiging pabaya ka na and it will affect the company's improvement. Some investors agreed to the idea of changing a new CEO dahil takot sila na ang perang itinaya nila sa kompanya will be at risk."Isa ito sa mga bagay na maaaring maaani niya kapag naging pabaya na siya. Hindi naman talaga siya naging pabaya, nagiging ganito lang naman siya dahil kay Angge."Ang mas nakakatakot kung makakarating ito sa
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status