"Good morning," bati ni Angge sa kanyang mga kasamahan pagkarating niya sa trabaho.
"Good morning din," bati sa kanya ni Reah pati na rin ng iba pa.
Nagkanya-kanya na sila sa pag-aayos ng mga items. Ganito talaga sila everyday. Bago magbubukas ang mall ng mga 10:00 ay nasa loob sila at at naglilinis para sa pagpasok ng mga mamimili ay kaaya-aya tingnan ang loob ng kanilang store.
Habang si Rhodly naman sa kabilang banda ay maaga rin ang gising dahil may breakfast appointmet siya sa isang client niya.
Binuksan niya ang kanyang cabinet at kumuha siya ng isang white formal dress shirt saka niya ito isinuot pagkatapos ay nagsuot din siya ng isang black necktie at tinernuhan niya ito ng isang dark blue suit.
Isang dark blue rin na trouser ang kanyang isinuot na bagay naman sa suot niyang suit.
At ang sapin sa kanyang paa ay isang monk strap shoes.
Nang maiayos na niya ang kanyang sarili ay humarap muna siya sa salamin saka inayos niya ang kanyang buhok. Lalo siyang pumogi sa kanyang hairstyle na classic pompadour haircut.
Pagkalabas niya sa kanyang condo unit ay nandu'n na naghihintay sa kanya ang kanyang driver dala ang limousine niyang sasakyan.
Agad siyang binati nito saka ipinagbukas siya ng pinto at nang maayos na siyang nakapasok ay agad namang pumasok ang driver saka nito agad na pinatakbo ang sasakyan at nakasunod naman sa kanila ang dalawang tinted SUV kung saan nakasakay ang kanyang mga bodyguards.
Nasa US ngayon ang kanyang mga magulang kasama ang kanyang kapatid kaya mag-isa siya ngayon sa pagtataguyod ng kanilang negosyo. Malaki kasi ang tiwala sa kanya ng mga ito kaya iniiwan na lamang siya kung kailan nila gusto.
"Good morning, Mr. Chuo. I'm sorry if I'm late," agad na bati niya sa kanyang chinese na kliyente sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa harapan nito.
Agad naman itong tumayo at magiliw na tinanggap ang kanyang kamay.
"Good morning, too, Mr. Smith. It's okay. I just arrived too," nakangiti nitong saad.
"Please, have a seat," sabi nito sabay turo sa upuan na nasa gilid lang niya.
"Thank you," nakangiti rin niyang sabi at maya-maya lang ay nagsimula na rin silang mag-usap tungkol sa business habang kumakain.
Dahil isinilang talagang isang negosyante si Rhodly, hindi mahirap sa kanya para kumbinsihin ang chinese para mag-invest sa kanilang kompanya at napapayag niya ito sa bandang huli.
Habang abala ang lahat sa loob ng store na pinagtatrabahuan ni Angge ay abala naman ang utak niya sa kaiisip kung anong gimik ang pwede niyang gawin para naman mapansin siya ng ibang tao.
Napangiti siya nang biglang nagkaroon ng light bulb sa isip niya. Alam niyang papatok ang gagawin niya. Alam niyang mapupunta sa kanya ang pansin ng lahat kapag gagawin niya kung ano man ang iniisip niya ngayon.
Kinuha niya ang isang public address speaker na may kaliitan mula sa sulok saka niya ito inilapit sa kanyang bibig.
"Makinig kayong lahat..."
Napatingin ang lahat sa kanya pati na rin ang kanyang mga kasamahan dahil sa lakas ng tunog na kanyang nilikha.
Pati ang mga taong nasa labas ng kanilang store ay napatingin na rin sa kanya.
"...kilala niyo ba si Rhodly James Smith?" tanong niya sa mga ito.
Napatingin siya sa mga taong nandu'n at nakita niyang tumangu-tango ang iba samantala ang iba naman ay nanatili lang nakatingin sa kanya.
"Nais kong malaman niyong... si Rhodly ay boyfriend ko."
Napaawang at nagulat ang mga nakarinig sa kanyang mga sinabi. Halos lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
Agad na nagsilapitan ang ibang mga taong nakarinig na nakatayo lamang mula sa di-kalayuan sa kanyang kinatatayuan para lang makarinig nang maayos.
"Seryoso ba siya?" Narinig pa niyang tanong ng isang babae.
"Totoo kaya ang sinabi niya?" tanong din ng iba.
"Paano naging sila, eh wala ngang nakakakilala sa negosiyanteng 'yon," bulong naman ng isa pa.
"Gusto niyong makilala at makita si Rhodly?" muli niyang tanong sa mga ito.
Kanya-kanya namang nagsipagtanguan ang mga ito.
"Eh, ano pang hinihintay niyo? Pasok na kayo sa store namin para mamili," nakangiti niyang sabi.
May mga excited na pumasok para mamili, may iba namang umalis at nagsabing pang kasinungalingan ang kanyang mga sinabi.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Reah sa kanya nang agad itong lumapit.
"Bakit?"
"Anong bakit? Hindi mo ba alam na malaking bagay ang mga sinabi mo?" nag-aalala nitong sabi.
Hindi ordinaryong tao ang lalaking inangkin niyang boyfriend niya kaya sigurado ang kanyang kaibigan na magiging big deal ito sa iba at malamang baka mamaya o bukas, laman na siya ng mga balita.
Pero dapat nga bang ikatakot ni Angge ang bagay na 'yon? Hindi ba dapat magiging masaya pa nga siya dahil siguradong sisikat na siya gaya ng pinapangarap niya?
Kinabukasan ay maagang nagising si Angge at gaya ng nakagawian niya ay naghanda siya ng kanilang agahan ng kanyang Lola Apolinaria habang ang matanda naman ay nasa labas ng bahay, nagwawalis.
Napatingin si Angge sa labas ng kanilang bahay nang makita niya ang iilang kapit-bahay nilang nakatingin sa kanila mula sa labas kaya lumabas siya para matingnan kung anong meron sa bahay nila.
"Di ba, siya 'yon?" Narinig niyang tanong ng isa nilang kapit-bahay.
"Oo nga, siya talaga 'yon," sagot naman ng isa pa.
"Totoo kaya 'yon?"
"Ay! Ewan ko! Sino naman kayang mayaman ang magkakainteres diyan?"
"Tama! Napaka-impossible naman kasi ang mga sinabi niya."
Napakunot ang kanyang noo sa kanyang mga narinig at talagang wala siyang kaide-ideya kung tungkol saan ang mga pinagsasabi ng mga ito at para bang siya ang tinutukoy ng mga ito dahil sa kanya nakatuon ang mga mata ng mga kapit-bahay niya na walang ibang alam kundi ang makialam sa buhay ng iba.
"Lola, anong nangyari? Bakit nandito ang mga tsismosang 'yon?" tanong niya sa matanda nang nakaalis na ang kanilang mga kapit-bahay.
"Hay, hayaan mo na ang mga 'yon, apo. Talagang walang magawa sa buhay. Naghahanap na naman siguro ng mapag-usapan," pahayag ng matanda.
Siguro nga ganu'n 'yon. Kapag tsismosa talaga, hahanap at hahanap talaga ng pwedeng mapag-usapan kahit pa nga hindi totoo.
Binalewala na lang din ni Angge ang mga iyon gaya ng sinabi sa kanya ni Lola Apolinaria pero pagdating niya ng mall, maaga pa lang ay may mga tao nang nagkakagulo sa labas ng mall na siyang labis naman niyang ikinataka.
Lalapit na sana siya nang may biglang humila sa kanya sa kamay palayo sa mga iyon.
"Reah?" takang sambi niya sa pangalan ng kanyang kaibigan.
"Heto," sabi ni Reah saka inabot sa kanya ang isang shaul na itim at ito na ang kusang naglagay nu'n sa kanyang ulo at isinali pa sa takip ang kanyang bibig at ilong.
Nagtataka siya at agad naman niyang tinanggal ang shaul na inilagay sa kanya ni Reah.
"Anong ginagawa mo? Para saan ang mga ito?" tanong niya habang magkadikit ang kanyang mga kilay dahil wala talaga siyang naiintindihan sa nangyayari.
"Kailangan mong itago ang mukha mo kung gusto mong makapasok sa trabaho."
Lalong kumunot ang kanyang noo sa tinuran ng kaibigan.
"Bakit? Anong nangyari?" naguguluhan pa rin niyang tanong dito.
"Sa loob na tayo mag-usap. Halika na," aya nito sa kanya matapos nitong itakip sa kanya ang shaul at binigyan pa siya nito ng isang sunglass.
Dahil nakatakip ang kanyang mukha, maayos silang nakapasok sa loob ng mall at nang makapasok na sila ay agad niyang tinanggal ang takip ng kanyang mukha.
"Sabihin mo nga sa akin, ano ba talagang nangyayari?" muli niyang tanong.
Agad na kinuha ni Reah ang kanyang phone at ibinigay niya iyon kay Angge para matingnan kung ano nga ba ang totoong nangyayari.
Nang makita ng dalaga ang isang balita na kalat na kalat ngayon sa lahat ng social media sites ay ganu'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata at hindi na rin niya napigilan ang sariling mapaawang sa nalaman.
Kalat na kalat ang video niya tungkol sa pag-angkin niya na boyfriend niya ang isang Rhodly James Smith.
Halos ganu'n ang lahat ng social media sites. Ganu'n na siya kasikat ng mga oras na 'yon. Hindi niya aakalain na ganu'n lang pala kadali ang sumikat kaya imbes na mabahala siya, lihim pa siyang natuwa ngayon. At last! Natupad na rin niya ang pinapangarap niyang sumikat! Naramdaman na rin niya ang pakiramdam ng isang sikat!
Samantala, habang nasa kalagitnaan ng meeting si Rhodly, biglang pumasok ang kanyang secretary na si Ronald saka may ibinulong ito sa kanya at nang malinaw niyang narinig ang impormasyong ibinigay nito sa kanya ay napatayo siya bigla kaya napatingin sa kanya ang lahat ng kasali sa nasabing meeting.
"Please, excuse me for a minute," aniya saka siya dumeritso sa loob ng kanyang opisina at agad niyang binuksan ang kanyang laptop at ang unang bumungadsa kanya ay ang balitang hindi niya aakalaing mangyayari sa kanya.
"Kalat na kalat ngayon sa social media ang video ng isang babae kung saan, ipinagsigawan niyang boyfriend niya si Rhodly James Smith, isang bilyonaryo businessman na hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ng personal ng taong madla. Marami ang kinilig para sa kanila, marami naman ang hindi naniwala dahil malayo raw ang estado nila sa buhay."
Naikuyom ni Rhodly ang kanyang kamao sa kanyang narinig.
"She's a saleslady, Mr. Smith and we still trying our best to get more information on why she's disseminating the news that you are her boyfriend."
"Tell me her exact location," sabi niya habang nakakuyom pa rin ang kanyang palad sa galit.
Agad namang ibinigay ng Ronald ang address ni Angge kung saan ito nagtatrabaho at nang nakuha na iyon ni Rhodly, wala na siyang inaksayang oras pa kahit pinipigilan pa siya ni Ronald.
Kailangan niyang maturuan ng leksyon ang babaeng 'yon. Saan ba kasi ito kumukuha ng lakas ng loob para ipagkakalat na boyfriend siya nito?
Galit na galit na sumugod si Rhodly sa mall kung saan nagtatrabaho si Angge at dahil walang nakakakilala sa kanya, malaya siyang nakapasok na para bang isang ordinaryong mamimili lamang.Hinanap niya ang store na pinagtatrabahuan ng dalaga at nang makita na niya ito ay agad niya itong nilapitan habang pasimleng nakasunod naman sa kanya ang kanyang mga bodyguards na pinipilit din ng mga ito na hindi mahahalata.Pagdating ni Rhodly sa bungad ng pintuan ng store na 'yon ay may nakita siyang babaeng nakatalikod at nakasuot ito ng uniporme ng mga saleslady na nandu'n.Balingkinitan ang katawan at may kahabaan ang tuwid nitong buhok."Miss?" tawag niya rito at agad naman itong napalingon sa kanya pero nang magtama ang kanilang mga mata, hindi aakalain ni Rhodly na mapapatulala siya sa taglay nitong kagandahan lalo na nang ngumiti ito nang makita siya.Natigilan siya at biglang nagkagulo ang pagp
Napakunot ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa kanyang tinuran at hindi talaga siya nito naiintindihan."Daphne already know you but why do you need to hide your identity with that name?" nagtatakang nitong tanong."It's not about Daphne," maagap niyang saad na siyang lalong nagpakunot sa noo ng kanyang kaibigan."If it is not about her, then who is that... my woman?"Hindi umimik si Rhodly kahit alam niyang naghihintay si Gilbert sa kanyang magiging sagot."Well, if you don't have a plan to tell me about that "my woman" then I don't ask anymore," saad nito at alam niyang nagtatampo ito."The woman on the news who claimed that I am her boyfriend."Napaawang ang mga labing napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan. Nakita rin kasi nito ang balitang 'yon kaya hindi na nakapagtataka kung sino ba talaga ang babaeng 'yon pero ang nakapagtataka ay 'yong bakit kai
Nanghihina ang mga tuhod na napaupo sa gilid ng store ang dalaga matapos ang pag-uusap nila ng kanyang manager."Bakit may problema ba?" naaalala niyang tanong ng kanyang manager nang nagulat siya sa gusto nitong mangyari."S-seryoso po ba kayo?""Yes! I really want to meet him kasi alam mo kung papaano siya hahabulin ng taong-bayan. Kapag nagkataon na malaman ng lahat na kilala natin ang isang Rhodly James Smith, I'm pretty sure, hihilain din niya paitaas 'tong kompanya ko," paliwanag nito.May point ang boss niya. Sa pagiging sikat ni Rhodly, malamang marami rin ang nagnanais na sana magkaroon ng collaboration sa binata dahil malaki ang possibilidad na aangat ang negosyo nila kapag nagkataon at 'yon ang gustong subukan ng kanyang manager."Pero sikat na po 'tong kompanya niyo, madam. Bakit-----"I know pero kapag alam ng mga tao na may connection ang kompany
Ilang araw ang nakalipas ay nagpatuloy pa rin ang daloy ng buhay ng dalaga pero ang mga taong hindi makapaniwala sa isyung ikinalat niya ay patuloy pa rin siyang tinutugis.Mabuti na lang at nandiyan ang kanyang mga katrabaho lalo na si Rhodly na tinutulungan siyang makatakas mula sa mga ito.Nagtatrabaho ang binata sa isang warehouse na pagmamay-ari rin ng boss nina Angge at nakatuka ito sa isang bodega kung saan kailangan nitong magbuhat at mag-repack ng mga products.Malaki ang pasasalamat niya sa binata dahil kahit papaano hindi siya nito pinababayaan. Lagi siya nitong pinoptitektahan na siya namang unti-unti ng paglambot ng kanyang puso para rito nang hindi niya namalayan."So, how was your case about that woman?" tanong ni Gilbert kay Rhodly isang araw nang sinadya nitong puntahan siya sa kanyang opisina.Madalas na siyang wala sa kanyang opisina at halos hindi na niya naa-attend-an
"Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" kunot-noong tanong ni Rhodly."W-wala. Wala," sagot niya saka niya inabot dito ang kabibili lang niyang gloves."Ano 'to?""Gloves 'yan para sa kamay mo. Para hindi na 'yan magkasugat-sugat."Kinilig ang binata sa tinuran ni Angge. Hindi niya akalain na ganito pala ito ka-maaalalahanin para sa ibang tao."Salamat dito."Agad isinuot ng binata ang gloves na kabibigay lang sa kanya ni Angge saka na sila nagsimulang magtrabaho.Habang abala si Rhodly sa paglalagay ng packing tape sa mga naka-cartoon na mga items ay abala naman si Angge sa paglilista sa mga products na ide-deliver.Nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim nang nagsiuwian na sila at nang palabas na si Rhodly sa warehouse ay agad siyang sinalubong ng isa sa kanyang mga bodyguards para aalalayan siya.Alam kasi ng mga ito na pagod na pagod na ang kanilang boss sa maghapong pagbubuhat nito."
"This will be the schedule for meeting your boyfriend."Nabigla si Angge sa kanyang narinig galing kay Ms. Santorini isang umaga nang kausapin siya nito.Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ang date kung kailan gaganapin ang pagkikita ng mga ito kay Rhodly James Smith. Sa anniversay mismo ng kompanya at this coming weekend na ito.Lalo tuloy siyang kinabahan, lalo tuloy siyang naguguluhan!Ano nga ba ang dapat niyang gawin?!"Hindi naman problema 'yan. Boyfriend mo naman siya, di ba? Bakit parang nababahala ka pa diyan?" pag-uusisa ni Reah sa kanya nang sabihin niya rito ang balak ng kanilang manager."Kaya lang kasi..." Ano nga ba ang dapat niyang sasabihin?"Kasi?" tanong ng kanyang kaibigan.Napatingin siya sa kaibigan, dapat na nga ba niyang sabihin ang totoo kay Reah? Hindi ba parang nakakahiya naman nu'n?"
"They noticed na hindi ka na masyadong active as a CEO of the company and they were so worried that the company will be in vain kapag nagpatuloy kayo sa ganitong performance. So, they decided to have a voting session wether they will let you stay or fire you and choose a new CEO of this company."Napasalampak si Rhodly sa sofa habang nagsasalita ang kanyang secretary na para na rin niyang kaibigan."Every meeting, you are absent. Everytime they need your presence, you are not there that is why they wanted to change you. Ayaw din isipin ng iba na baka nagiging pabaya ka na and it will affect the company's improvement. Some investors agreed to the idea of changing a new CEO dahil takot sila na ang perang itinaya nila sa kompanya will be at risk."Isa ito sa mga bagay na maaaring maaani niya kapag naging pabaya na siya. Hindi naman talaga siya naging pabaya, nagiging ganito lang naman siya dahil kay Angge."Ang mas nakakatakot kung makakarating ito sa
Napatingin sila sa napakakintab na Oxford shoes na suot nito since ito naman talaga ang unang lumabas at kasunod nu'n ay ang paglabas ng taong kanilang inaasahan. Si Rhodly James Smith!He's wearing a dark sport jacket na pinailaliman niya ng isang white dress shirt. Ang suot naman nitong dressy slacks ay halos kakulay ng sport jacket na suot niya. Naka-short blowout with tapered sides ang kanyang hairstyle kaya napakalinis niyang tingnan sa hairstyle na 'yon.Nang maayos siyang nakalabas sa kanyang limousine ay inayos niya ang kanyang suot na sport jacket and then he brushed his hair na siyang lalong nagpatigagal sa mga nandu'n kahit pati na si Angge at mas lalong nagkikislapan ang camera'ng hawak ng mga reporters.Kasunod ng sasakyan ni Rhodly ay ang sasakyang sinasakyan ng kanyang mga bodyguards.Hindi inakala ni Angge na ang taong halos araw-araw niyang nakakasama ay may angking kagandahan pala kapag nabihisan."S-si RJ ay si Rhodly
"Ganito pala talaga ang love story nina Angge at Rhodly?" tanong ng isang babae sa mga kasama nito habang nakatingin ito sa hawak na phone. "Ang sweet talaga," sabi naman ng isa. "Hindi ko talaga inakala na ganito pala ang love story nila," segunda rin ng isa pa. Matapos ang engagement party nina Daphne at Gilbert ay nagpalabas naman ng article ang ilang publishing company tungkol sa love story nina Angge at Rhodly, ayon na rin sa kagustuhang mangyari ng binata. They let the whole world know about their love story. From the start that Angge claimed him as her boyfriend para lang mapansin ng madla kahit hindi naman pala totoo at kahit hindi pa siya nito nakikita. Alam na rin ng lahat ang ginawa niyang pagpanggap bilang isang empleyado sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga just to see her everyday whenever he wants, just to be with her every single day of his life hanggang sa naaksidente siya na siyang dahilan upang makalimutan niy
"Yes! I will marry you!" luhaan niyang sabi.Kaylaki-laki ng ngiti ni Rhodly nang marinig niya ang sagot ng dalaga at wala na siyang inaksaya pang sandali. Agad na niyang isinuot sa daliri ni Angge ang hawak niyang singsing saka mabilis na umupo siya sa tabi nito."I love you," nakangiting sabi ni Rhodly habang hawak nito ang kanyang kamay."I love you, too," maagap ding sagot ng dalaga at walang anu-ano'y inangkin ni Rhodly ang mga labi ng babaeng pangarap niyang makasama habang-buhay!Napamaang si Daphne nang may nakita siyang kapo-post lang ni Rhodly sa social media account nito kung saan makikita ang magkasalikop na dalawang kamay at ang isa ay may suot na singsing sa daliri tapos ang nakalagay ay ang siyang muling nag
"Bakit ka nakangiti?" kunot-noong tanong ni Angge sa katabi niyang si Rhodly habang abala ito sa pagmamaneho."Natutuwa lang akong isipin na ang Mommy ko saka ang girlfriend ko, eh okay na," sagot naman nito habang pasimple lang siya nitong nililingon.Napangiti na lang din siya dahil kahit siya mismo ay hindi rin makapaniwala."What did you do to her?" Napaisip ang dalaga kung ano nga ba ang ginawa niya kaya ganu'n na lamang ang naging pagtrato sa kanya ng ginang."Wala naman! Nag-usap lang kami tungkol sa pamilya namin. 'Yon lang.""Did she tell you that she was an orphan?" hindi makapaniwalang tanong ng binata at marahan naman siyang tumango bilang sagot.
"Daph, don't focus yourself on me dahil hindi mo alam may isang taong mahal na mahal ka."Napatingin ang dalaga kay Rhodly saka niya naalala ang huling sinabi sa kanya ni Gilbert."Why don't you try to look around you. Daphne, hindi mo lang alam that there's someone who has been in love with you secretly, kaya lang hindi mo napansin 'yon dahil bulag ka na sa pag-ibig mo sa isang tao na hindi ka naman kayang mahalin kagaya ng hinahangad mo!""I do love you not as my sister but as a woman.""Minahal kita ever since from the first time I met you.""Sa tingin mo, pakakasalan kita just because of what had happened between us during that night? No, Daphne! I'
"No!" tanggi niya na siya namang lihim na kumurot sa puso ng binatang katabi niya."And what do you want? Do you want others to talk behind your back if how disgusting you are as a woman?!"Muling napadaloy ang mga luha ni Daphne. Pangarap niya ang ikasal balang-araw sa taong mahal niya at hindi sa taong hindi niya minahal."You already slept together and the whole world knew it tapos ayaw mong magpakasal?""I want to get married but with Rhodly and not with him!" matapang niyang sagot habang ang binata naman ay punit na punit na ang puso."Para sa'n pa? You want Rhodly to take the responsibility he never done? Do you think he can accept you after knowing about the immoral thin
"Stop drinking," agad na awat ni Gilbert kay Daphne nang maabutan niya itong panay ang tungga sa harap ng isang bartender."Hey! You are here. Join me," nakangiti nitong sabi sabay abot sa kanya ng hawak nitong maliit na basong may lamang alak."Let's go home," aniya saka niya kinuha ang basong hawak nito saka niya ito inilapag sa mesa at kanyang itinaas ang isa nitong kamay saka niya inakbay sa kanyang batok pero biglang napabitaw ang dalaga saka ito muling binalikan ang basong inilapag niya at walang anu-ano'y tinungga nito ang laman bago pa man niya ito napigilan."Stop it, Daphne," muli niyang awat sa dalagang wala namang balak na magpaawat sa kanya at muli pa itong nagsalin ng alak sa basong hawak-hawak.Nang tutunggain na sana n
Naitapon ni Daphne ang kanyang hawak na phone matapos niyang mapanood ang live na interview nina Angge at Rhodly sa harap mismo ng hospital kung saan naka-confine ang dalaga.Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina ni Rhodly dahil hinihintay niya ang pagdating nito galing sa appointment nito sa isang investor dahil na rin nakailang tawag na siya rito ay hindi talaga siya nito sinasagot.Ramdam na ramdam niya ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.Napasigaw siya sa galit habang dahan-dahan na umagos ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Sa galit na kanyang naramdaman ay pinagtatabig niya ang mga documents na nasa ibabaw ng mesa ng binata.Ilang taon na rin niyang minahal si Rhodly pero bakit ganito pa ang magiging kapalit ng kanyang nararamdaman para rito? Wala na ba talagang pag-asa para sa kanila? Kaibigan lang ba talaga ang tingin nito sa kanya.Papaano
"Reah!" tawag ni Angge sa dalaga sabay ngiti nang sapilitan."Sa tingin ko, dapat muna akong bumalik na lamang sa ibang araw," saad ng dalaga na siya namang pagsulpot ni Lola Apolinaria mula sa likuran nito kasabay si Gilbert."Bakit, naistorbo mo ba ang ginagawa nila?" Nanlaki ang mga mata nina Rhodly at Angge sa naging tanong ng matanda kay Reah.Napaawang ang mga labi ni Reah at nang sasagot na sana ito ay agad naman itong inunahan ni Angge."W-wala po, Lola," pagsisinungaling ng dalaga pero imbes na magsalita ang matanda ay mas pinili na lamang nito ang ngumiti at alam ni Angge na hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang Lola pero wala naman siyang magagawa para du'n kundi ang manahimik na lamang."Heto, pinadala ng Mommy mo," singit ni Gilbert sa mga ito sabay lapag sa mesa ng dala nitong bulaklak at prutas.Napatingin naman si Angge sa nobyo na para bang humihingi ng paliwanag pero kibit-balikat lamang ang naging tugon nito
"Lola, inumin niyo muna 'to," sabi ni Gilbert kay Lola Apolinaria nang iabot niya rito ang isang malamig na inumin."Salamat, apo."Binalingan naman ng tingin ng binata ang kanyang kaibigan na kanina pa hindi mapakali. Si Ronald, bumalik na ng kompanya habang inaasikaso ang tungkol kay Mr. Wong.Hindi nila hahayaang hindi nito mapagbayaran ang mga nagawa nitong kasalanan. Makukulong ito at dapat itong magdusa."Here," sabi niya sabay abot sa inumin na kanyang binili at bago pa man tinanggap iyon ni Rhodly ay biglang bumukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa iyon ng doktor na siyang nag-aasikaso sa dalaga.Agad namang napatayo si Lola Apolinaria at mabilis na lumapit sa doktor."Doc, ang apo ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Lola Apolinaria."How is she?" nag-aalala ring tanong ni Rhodl."She's okay and she's resting right now dahil 'yon ang pinaka-kailangan niya sa ngayon," nakangiting sagot ng do