Galit na galit na sumugod si Rhodly sa mall kung saan nagtatrabaho si Angge at dahil walang nakakakilala sa kanya, malaya siyang nakapasok na para bang isang ordinaryong mamimili lamang.
Hinanap niya ang store na pinagtatrabahuan ng dalaga at nang makita na niya ito ay agad niya itong nilapitan habang pasimleng nakasunod naman sa kanya ang kanyang mga bodyguards na pinipilit din ng mga ito na hindi mahahalata.
Pagdating ni Rhodly sa bungad ng pintuan ng store na 'yon ay may nakita siyang babaeng nakatalikod at nakasuot ito ng uniporme ng mga saleslady na nandu'n.
Balingkinitan ang katawan at may kahabaan ang tuwid nitong buhok.
"Miss?" tawag niya rito at agad naman itong napalingon sa kanya pero nang magtama ang kanilang mga mata, hindi aakalain ni Rhodly na mapapatulala siya sa taglay nitong kagandahan lalo na nang ngumiti ito nang makita siya.
Natigilan siya at biglang nagkagulo ang pagpintig ng kanyang puso. Dinig na dinig niya ang pagtambol ng kanyang dibdib. Kahit na hindi man ito gaano kaputi, makinis naman ang balat nito.
May katangusan ang maliit nitong ilong na bagay na bagay ang pagkakatirik nito sa gitna ng mukha nito. Napaawang ang kanyang mga labi nang dumako ang kanyang mga mata sa bibig nito. Ang mga labi nitong may kanipisan pero mukhang malambot at masarap halikan. Mapang-akit lalo na kapag titigan!
"Yes? May kailangan ka ba?" Nagising ang diwa ni Rhodly nang marinig niya ang boses ng babae.
"Ah, ano? K-kilala mo ba si----"Angge!" Napatingin ang binata sa isang babae na agad na lumapit sa kanila.
"Oh, bakit?" tanong ng babaeng kausap niya.
Dahil sa ginawang pagsagot nito ay saka lang niya napagtanto na ang babaeng nakausap niya ay siya rin palang babaeng gusto niyang makausap para sumbatan.
May kung anong kiliti siyang nadarama nang malaman niya na iisang babae pala ang nagpapagulo sa tibok ng puso niya ngayon at ang babaeng nagpakalat ng balitang nobya raw niya.
"Sandali lang huh, may gagawin lang ako," pagpapaalam ni Angge sa binata at tulala pa ring napatango si Rhodly sa dalaga.
Makalipas ang ilanh sandali ay bumalik na rin si Angge.
"Anong kailangan mo?" tanong ng dalaga kay Rhodly na nanatili pa ring nakatulala sa kagandahan ng dalaga.
"Ano... ahh, ano kasi..." Hindi alam ni Rhodly kung ano ang dapat niyang sasabihin. Ang galit na kanyang nararamdaman kanina ay bigla na lamang natunaw nang makita niya ang dalaga lalo na nang ngumiti ito sa kanya.
"Ah! Alam ko na."
Napakunot ang noo ni Rhodly sa sinabi ni Angge.
"Gusto mong mag-apply ng trabaho, tama?"
"Huh?" tulalang tanong ng binata. Talagang gulat na gulat pa rin siya sa mga nangyayari.
"Tingnan mo..." sabi ni Angge saka siya lumakad palabas ng store at sumunod naman sa kanya ang binata saka ipinakita niya ang nakapaskil sa labas ng store nila na WANTED SALESMAN.
"...hindi ba, ito 'yong pinunta mo dito?" tanong uli ng dalaga.
Lalo tuloy nagulo ang utak ng binata pero nang muli niyang nakita ang ngiti ng dalaga ay iisang pasya lamang ang pumasok sa utak niya.
"O-oo! Mag-a-apply sana ako," bulalas niya pagkaraan.
"Halika, dadalhin kita sa manager namin," aya sa kanya ng dalaga at biglang kumabog uli ang dibdib ni Rhodly nang sobrang lakas nang biglang hinawakan ni Angge ang kanyang kamay saka siya nito bahagyang hinila papunta sa office ng manager nito.
Naalarma naman ang kanyang mga security guards pero bago pa man nakagawa ng actions ang mga ito, pasimple niyang sinenyasan ang mga ito na kalma lang, walang mangyayari sa kanyang masama kaya napahinto ang mga ito at pasimple siyang sinusulyapan mula sa labas ng store.
Pagkapasok nila sa loob ng office ng manager nina Angge ay napatingin sa kanya ang isang babae na nasa mid 40's na pero bata pa kung titingnan dahil alagang-alaga ang katawan nito.
Napatingin si Rhodly sa kanyang kamay na binitiwan ni Angge saka nito binalingan ang manager.
"Madam, mag-a-apply po siya," sabi ni Angge sa manager.
Napatingin naman sa kanya ang manager at sinusuri siya nito nang maayos.
Napaisip ang manager kung talaga bang nangangailangan ito ng trabaho o hindi dahil sa beauty nitong taglay. Pangmayaman at hindi pang-salesman lang!
"Sigurado ka bang mag-a-apply ka ng trabaho rito?" may himig ng pagdududa ang boses ng manager.
Hindi kaagad nakasagot si Rhodly kaya napatingin sa kanya ang dalaga at napatingin din siya rito.
"O-opo! M-mag-a-apply po talaga ako ng trabaho rito," sabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ng dalaga at ang puso niya ay walang tigil sa kakatambol ng malakas.
"Mag-a-apply po talaga ako," baling niya sa manager.
"Okay, where's your documents?"
Napaawang ang mga labi ni Rhodly dahil wala naman siyang ideya kung anong hinihingi nito mula sa kanya.
"D-documents po?"
"Documents mo like resume, biodata," saad naman ni Angge.
Sa sinabi ni Angge saka lang niya naisip na marami pa pala siyang dapat kakailanganin. Alam niya 'yon dahil isa siyang CEO.
"W-wala po akong d-dala kahit isa," nakayuko niyang sabi.
Lalong nagduda ang manager habang si Angge naman ay nakakunot ang noong napatingin sa kanya.
"If that's the case, sorry I can't hire you," diretsang saad ng manager.
"Po?" gulat niyang tanong.
"Manager, hindi niyo na po ba siya bibigyan ng chance?" singit ni Angge.
Napaisip ang manager saka niya muling pinagmasdan ng maigi ang binata. Talagang hindi niya nakikita sa katauhan nito ang isang pagiging salesman.
"What is your name by the way?" tanong nito kay Rhodly.
"M-my name?" tanong niya at talagang halat sa kanya na kinakabahan siya. Hindi niya napaghandaan ang ganitong tanong dahil hindi naman talaga ganito ang kanyang pinunta.
"Yes, your name."
Napakamot sa ulo si Rhodly na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Don't tell me, nakalimutan mo rin ang pangalan mo," parang naiinis na saad ng manager.
Napatingin ang dalaga kay Rhodly na naguguluhan pa rin.
"Ahmmm, I'm..." Napatingin siya kay Angge at nakikita niya sa mga mata ng dalaga na gustong-gusto rin nitong malaman kung ano ang pangalan niya.
Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo niyang pangalan o magsisinungaling sa mga ito.
Kung sasabihin man niyang siya si Rhodly James Smith, maaaring pagtatawanan siya ng mga ito o hindi kaya, malalaman na nh buong mundo ang totoong siya.
"I'm RJ," sabi niya pagkaraan. Buo na ang kanyang desisyon, itatago niya ang kanyang tunay na pagkatao sa mga ito. Gusto pa rin niyang walang makakaalam kung sino ba talaga si Rhodly.
"RJ? What?" muling tanong ng manager.
"RJ..." Muli siyang napatingin sa dalaga at nakita niya ang pagngiti nito sa kanya na siyang lalong nagpakaba sa kanyang puso.
"RJ Paligsahan po," sabi niya habang nasa dalaga ang kanyang mga mata at nakita niyang lalo itong napangiti nang marinig nito ang apilyedong sinabi niya.
"Paligsahan," ulit pa ng manager.
"You can come back tomorrow if you really want to work here and don't forget to bring all the documents that I needed. Understood?"
"O-opo!" maagap niyang sagot.
"Balik ka bukas," sabi ni Angge nang ihatid na siya nito sa labas ng store nito.
"Ah, siyanga pala. A-anong pangalan mo?" nahihiya pang tanong niya rito.
"Angelica Ramirez. Angge for short," nakangiti nitong sabi at hindi na rin niya napigilan ang sariling mapangiti.
Parang walang lakas na napasandal si Rhodly sa sandalan ng kanyang sasakyan sa loob nang makapasok na siya.
Hanggang sa mga oras na 'yon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga naganap.
"Sir, ano po'ng nangyari?" tanong ni Ronald sa kanya.
"Drive me home. I just want to take a rest," wala sa sariling saad niya at agad namang tumalima ang kanyang driver.
Agad namang sumunod sa kanila ang kanyang mga bodyguards.
Pagkarating niya sa condo ay hindi na niya hinintay pa si Ronald para pagbukasan siya ng pinto. Siya na ang kusang bumukas nu'n saka niya binalingan ang kanyang driver.
"Tell my secretary to cancell all of my appointments for this day," bilin niya kay Ronald at walang lingon-likod na iniwan na niya ito saka dumeritso na siya sa kanyang condo unit.
Padapang ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama.
"Ahhhhhhh," sabi niya habang pinaghahampas niya ng kanyang kamao ang kama.
"What kind of stupidity you've done, Rhodly?" naiinis na tanong niya sa kanyang sarili saka niya kumikisay-kisay habang nakadapa at nakabaon ang mukha sa unan na para bang batang kinunan ng candy pero napatigil siya sa kanyang ginawa nang maaalala niya ang matamis na ngiti ni Angge.
Tumihaya siya mula sa kanyang pagkakadapa saka siya napatingin sa kisame pero hindi ang kisame ang nakikita niya kundi ang mukha ni Angge na nakangiti.
Mukha rin siyang tangang nakangiti habang titig na titig siya sa kisame.
Ito 'yong unang beses na nakaramdamam siya ng ganitong damdamin.
Unang beses niyang nakita si Daphne, never pumitik nang ganito ang kanyang dibdib para sa kanyang fiancee kaya masasabi talaga niyang pag-ibig na nga ang kanyang nararamdaman para kay Angge at hindi kung anu-ano lang.
"You can come back tomorrow if you really want to work here and don't forget to bring all the documents that I needed. Understood?"
Biglang nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Rhodly nang maaalala niya ang huling bilin sa kanya ng manager na pinagtatrabahuan ni Angge.
"What should I do?" naguguluhan niyang tanong sa sarili saka siya muling napadapa at isinubsob ang mukha sa unan.
"You want me to make a documents for you using RJ Paligsahan's name?" kunot-noong tanong ni Gilbert, one of his trusted friends.
"Yeah," maikli niyang sagot habang nakasalampak siya sa sofa nito.
Dahil magulo na talaga ang kanyang isipan, naisipan niyang lumapit sa kanyang kaibigan para makahingi ng tulong.
"But why? For what?" nagtataka nitong tanong.
"For my woman," nakangiti niyang sabi na siyang lalong ikinataka ni Gilbert.
Napakunot ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa kanyang tinuran at hindi talaga siya nito naiintindihan."Daphne already know you but why do you need to hide your identity with that name?" nagtatakang nitong tanong."It's not about Daphne," maagap niyang saad na siyang lalong nagpakunot sa noo ng kanyang kaibigan."If it is not about her, then who is that... my woman?"Hindi umimik si Rhodly kahit alam niyang naghihintay si Gilbert sa kanyang magiging sagot."Well, if you don't have a plan to tell me about that "my woman" then I don't ask anymore," saad nito at alam niyang nagtatampo ito."The woman on the news who claimed that I am her boyfriend."Napaawang ang mga labing napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan. Nakita rin kasi nito ang balitang 'yon kaya hindi na nakapagtataka kung sino ba talaga ang babaeng 'yon pero ang nakapagtataka ay 'yong bakit kai
Nanghihina ang mga tuhod na napaupo sa gilid ng store ang dalaga matapos ang pag-uusap nila ng kanyang manager."Bakit may problema ba?" naaalala niyang tanong ng kanyang manager nang nagulat siya sa gusto nitong mangyari."S-seryoso po ba kayo?""Yes! I really want to meet him kasi alam mo kung papaano siya hahabulin ng taong-bayan. Kapag nagkataon na malaman ng lahat na kilala natin ang isang Rhodly James Smith, I'm pretty sure, hihilain din niya paitaas 'tong kompanya ko," paliwanag nito.May point ang boss niya. Sa pagiging sikat ni Rhodly, malamang marami rin ang nagnanais na sana magkaroon ng collaboration sa binata dahil malaki ang possibilidad na aangat ang negosyo nila kapag nagkataon at 'yon ang gustong subukan ng kanyang manager."Pero sikat na po 'tong kompanya niyo, madam. Bakit-----"I know pero kapag alam ng mga tao na may connection ang kompany
Ilang araw ang nakalipas ay nagpatuloy pa rin ang daloy ng buhay ng dalaga pero ang mga taong hindi makapaniwala sa isyung ikinalat niya ay patuloy pa rin siyang tinutugis.Mabuti na lang at nandiyan ang kanyang mga katrabaho lalo na si Rhodly na tinutulungan siyang makatakas mula sa mga ito.Nagtatrabaho ang binata sa isang warehouse na pagmamay-ari rin ng boss nina Angge at nakatuka ito sa isang bodega kung saan kailangan nitong magbuhat at mag-repack ng mga products.Malaki ang pasasalamat niya sa binata dahil kahit papaano hindi siya nito pinababayaan. Lagi siya nitong pinoptitektahan na siya namang unti-unti ng paglambot ng kanyang puso para rito nang hindi niya namalayan."So, how was your case about that woman?" tanong ni Gilbert kay Rhodly isang araw nang sinadya nitong puntahan siya sa kanyang opisina.Madalas na siyang wala sa kanyang opisina at halos hindi na niya naa-attend-an
"Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" kunot-noong tanong ni Rhodly."W-wala. Wala," sagot niya saka niya inabot dito ang kabibili lang niyang gloves."Ano 'to?""Gloves 'yan para sa kamay mo. Para hindi na 'yan magkasugat-sugat."Kinilig ang binata sa tinuran ni Angge. Hindi niya akalain na ganito pala ito ka-maaalalahanin para sa ibang tao."Salamat dito."Agad isinuot ng binata ang gloves na kabibigay lang sa kanya ni Angge saka na sila nagsimulang magtrabaho.Habang abala si Rhodly sa paglalagay ng packing tape sa mga naka-cartoon na mga items ay abala naman si Angge sa paglilista sa mga products na ide-deliver.Nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim nang nagsiuwian na sila at nang palabas na si Rhodly sa warehouse ay agad siyang sinalubong ng isa sa kanyang mga bodyguards para aalalayan siya.Alam kasi ng mga ito na pagod na pagod na ang kanilang boss sa maghapong pagbubuhat nito."
"This will be the schedule for meeting your boyfriend."Nabigla si Angge sa kanyang narinig galing kay Ms. Santorini isang umaga nang kausapin siya nito.Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ang date kung kailan gaganapin ang pagkikita ng mga ito kay Rhodly James Smith. Sa anniversay mismo ng kompanya at this coming weekend na ito.Lalo tuloy siyang kinabahan, lalo tuloy siyang naguguluhan!Ano nga ba ang dapat niyang gawin?!"Hindi naman problema 'yan. Boyfriend mo naman siya, di ba? Bakit parang nababahala ka pa diyan?" pag-uusisa ni Reah sa kanya nang sabihin niya rito ang balak ng kanilang manager."Kaya lang kasi..." Ano nga ba ang dapat niyang sasabihin?"Kasi?" tanong ng kanyang kaibigan.Napatingin siya sa kaibigan, dapat na nga ba niyang sabihin ang totoo kay Reah? Hindi ba parang nakakahiya naman nu'n?"
"They noticed na hindi ka na masyadong active as a CEO of the company and they were so worried that the company will be in vain kapag nagpatuloy kayo sa ganitong performance. So, they decided to have a voting session wether they will let you stay or fire you and choose a new CEO of this company."Napasalampak si Rhodly sa sofa habang nagsasalita ang kanyang secretary na para na rin niyang kaibigan."Every meeting, you are absent. Everytime they need your presence, you are not there that is why they wanted to change you. Ayaw din isipin ng iba na baka nagiging pabaya ka na and it will affect the company's improvement. Some investors agreed to the idea of changing a new CEO dahil takot sila na ang perang itinaya nila sa kompanya will be at risk."Isa ito sa mga bagay na maaaring maaani niya kapag naging pabaya na siya. Hindi naman talaga siya naging pabaya, nagiging ganito lang naman siya dahil kay Angge."Ang mas nakakatakot kung makakarating ito sa
Napatingin sila sa napakakintab na Oxford shoes na suot nito since ito naman talaga ang unang lumabas at kasunod nu'n ay ang paglabas ng taong kanilang inaasahan. Si Rhodly James Smith!He's wearing a dark sport jacket na pinailaliman niya ng isang white dress shirt. Ang suot naman nitong dressy slacks ay halos kakulay ng sport jacket na suot niya. Naka-short blowout with tapered sides ang kanyang hairstyle kaya napakalinis niyang tingnan sa hairstyle na 'yon.Nang maayos siyang nakalabas sa kanyang limousine ay inayos niya ang kanyang suot na sport jacket and then he brushed his hair na siyang lalong nagpatigagal sa mga nandu'n kahit pati na si Angge at mas lalong nagkikislapan ang camera'ng hawak ng mga reporters.Kasunod ng sasakyan ni Rhodly ay ang sasakyang sinasakyan ng kanyang mga bodyguards.Hindi inakala ni Angge na ang taong halos araw-araw niyang nakakasama ay may angking kagandahan pala kapag nabihisan."S-si RJ ay si Rhodly
"You got it wrong, Ms. Santorini. Sa tingin ko, siya talaga si Mr. Smith," sabi ng babaeng initusan niyang humingi ng tulong kay Rhodly sa pagte-test kung si Mr. Smith nga ba ito o hindi.Alam naman niyang mayamang tao si Rhodly kaya kung tumanggi itong magbigay ng tulong o kahit maliit na halaga ng pera sa babaeng inutusan niya, she will be 100% sure that these two are lying at ang RJ na nagsasabing siya si Rhodly James Smith ay nagpapanggap lamang.But it turn out na marami pala itong pera. Kung hindi ito totoong Smith, malamang wala itong maibibigay na pera.Bago pa man umuwi ang dalawa ay talagang ninais ng dalaga na mabigyan ng liwanag ang lahat-lahat kaya kinausap muna niya si Rhodly bago niya ito pinakawalan."Kaninong sasakyan 'to?" tanong niya uli rito."Nirentahan ko nga," sagot naman ni Rhodly."Bakit ganito pa? Alam mo bang napakamahal nito?" aniya habang itinu
"Ganito pala talaga ang love story nina Angge at Rhodly?" tanong ng isang babae sa mga kasama nito habang nakatingin ito sa hawak na phone. "Ang sweet talaga," sabi naman ng isa. "Hindi ko talaga inakala na ganito pala ang love story nila," segunda rin ng isa pa. Matapos ang engagement party nina Daphne at Gilbert ay nagpalabas naman ng article ang ilang publishing company tungkol sa love story nina Angge at Rhodly, ayon na rin sa kagustuhang mangyari ng binata. They let the whole world know about their love story. From the start that Angge claimed him as her boyfriend para lang mapansin ng madla kahit hindi naman pala totoo at kahit hindi pa siya nito nakikita. Alam na rin ng lahat ang ginawa niyang pagpanggap bilang isang empleyado sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga just to see her everyday whenever he wants, just to be with her every single day of his life hanggang sa naaksidente siya na siyang dahilan upang makalimutan niy
"Yes! I will marry you!" luhaan niyang sabi.Kaylaki-laki ng ngiti ni Rhodly nang marinig niya ang sagot ng dalaga at wala na siyang inaksaya pang sandali. Agad na niyang isinuot sa daliri ni Angge ang hawak niyang singsing saka mabilis na umupo siya sa tabi nito."I love you," nakangiting sabi ni Rhodly habang hawak nito ang kanyang kamay."I love you, too," maagap ding sagot ng dalaga at walang anu-ano'y inangkin ni Rhodly ang mga labi ng babaeng pangarap niyang makasama habang-buhay!Napamaang si Daphne nang may nakita siyang kapo-post lang ni Rhodly sa social media account nito kung saan makikita ang magkasalikop na dalawang kamay at ang isa ay may suot na singsing sa daliri tapos ang nakalagay ay ang siyang muling nag
"Bakit ka nakangiti?" kunot-noong tanong ni Angge sa katabi niyang si Rhodly habang abala ito sa pagmamaneho."Natutuwa lang akong isipin na ang Mommy ko saka ang girlfriend ko, eh okay na," sagot naman nito habang pasimple lang siya nitong nililingon.Napangiti na lang din siya dahil kahit siya mismo ay hindi rin makapaniwala."What did you do to her?" Napaisip ang dalaga kung ano nga ba ang ginawa niya kaya ganu'n na lamang ang naging pagtrato sa kanya ng ginang."Wala naman! Nag-usap lang kami tungkol sa pamilya namin. 'Yon lang.""Did she tell you that she was an orphan?" hindi makapaniwalang tanong ng binata at marahan naman siyang tumango bilang sagot.
"Daph, don't focus yourself on me dahil hindi mo alam may isang taong mahal na mahal ka."Napatingin ang dalaga kay Rhodly saka niya naalala ang huling sinabi sa kanya ni Gilbert."Why don't you try to look around you. Daphne, hindi mo lang alam that there's someone who has been in love with you secretly, kaya lang hindi mo napansin 'yon dahil bulag ka na sa pag-ibig mo sa isang tao na hindi ka naman kayang mahalin kagaya ng hinahangad mo!""I do love you not as my sister but as a woman.""Minahal kita ever since from the first time I met you.""Sa tingin mo, pakakasalan kita just because of what had happened between us during that night? No, Daphne! I'
"No!" tanggi niya na siya namang lihim na kumurot sa puso ng binatang katabi niya."And what do you want? Do you want others to talk behind your back if how disgusting you are as a woman?!"Muling napadaloy ang mga luha ni Daphne. Pangarap niya ang ikasal balang-araw sa taong mahal niya at hindi sa taong hindi niya minahal."You already slept together and the whole world knew it tapos ayaw mong magpakasal?""I want to get married but with Rhodly and not with him!" matapang niyang sagot habang ang binata naman ay punit na punit na ang puso."Para sa'n pa? You want Rhodly to take the responsibility he never done? Do you think he can accept you after knowing about the immoral thin
"Stop drinking," agad na awat ni Gilbert kay Daphne nang maabutan niya itong panay ang tungga sa harap ng isang bartender."Hey! You are here. Join me," nakangiti nitong sabi sabay abot sa kanya ng hawak nitong maliit na basong may lamang alak."Let's go home," aniya saka niya kinuha ang basong hawak nito saka niya ito inilapag sa mesa at kanyang itinaas ang isa nitong kamay saka niya inakbay sa kanyang batok pero biglang napabitaw ang dalaga saka ito muling binalikan ang basong inilapag niya at walang anu-ano'y tinungga nito ang laman bago pa man niya ito napigilan."Stop it, Daphne," muli niyang awat sa dalagang wala namang balak na magpaawat sa kanya at muli pa itong nagsalin ng alak sa basong hawak-hawak.Nang tutunggain na sana n
Naitapon ni Daphne ang kanyang hawak na phone matapos niyang mapanood ang live na interview nina Angge at Rhodly sa harap mismo ng hospital kung saan naka-confine ang dalaga.Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina ni Rhodly dahil hinihintay niya ang pagdating nito galing sa appointment nito sa isang investor dahil na rin nakailang tawag na siya rito ay hindi talaga siya nito sinasagot.Ramdam na ramdam niya ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.Napasigaw siya sa galit habang dahan-dahan na umagos ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Sa galit na kanyang naramdaman ay pinagtatabig niya ang mga documents na nasa ibabaw ng mesa ng binata.Ilang taon na rin niyang minahal si Rhodly pero bakit ganito pa ang magiging kapalit ng kanyang nararamdaman para rito? Wala na ba talagang pag-asa para sa kanila? Kaibigan lang ba talaga ang tingin nito sa kanya.Papaano
"Reah!" tawag ni Angge sa dalaga sabay ngiti nang sapilitan."Sa tingin ko, dapat muna akong bumalik na lamang sa ibang araw," saad ng dalaga na siya namang pagsulpot ni Lola Apolinaria mula sa likuran nito kasabay si Gilbert."Bakit, naistorbo mo ba ang ginagawa nila?" Nanlaki ang mga mata nina Rhodly at Angge sa naging tanong ng matanda kay Reah.Napaawang ang mga labi ni Reah at nang sasagot na sana ito ay agad naman itong inunahan ni Angge."W-wala po, Lola," pagsisinungaling ng dalaga pero imbes na magsalita ang matanda ay mas pinili na lamang nito ang ngumiti at alam ni Angge na hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang Lola pero wala naman siyang magagawa para du'n kundi ang manahimik na lamang."Heto, pinadala ng Mommy mo," singit ni Gilbert sa mga ito sabay lapag sa mesa ng dala nitong bulaklak at prutas.Napatingin naman si Angge sa nobyo na para bang humihingi ng paliwanag pero kibit-balikat lamang ang naging tugon nito
"Lola, inumin niyo muna 'to," sabi ni Gilbert kay Lola Apolinaria nang iabot niya rito ang isang malamig na inumin."Salamat, apo."Binalingan naman ng tingin ng binata ang kanyang kaibigan na kanina pa hindi mapakali. Si Ronald, bumalik na ng kompanya habang inaasikaso ang tungkol kay Mr. Wong.Hindi nila hahayaang hindi nito mapagbayaran ang mga nagawa nitong kasalanan. Makukulong ito at dapat itong magdusa."Here," sabi niya sabay abot sa inumin na kanyang binili at bago pa man tinanggap iyon ni Rhodly ay biglang bumukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa iyon ng doktor na siyang nag-aasikaso sa dalaga.Agad namang napatayo si Lola Apolinaria at mabilis na lumapit sa doktor."Doc, ang apo ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Lola Apolinaria."How is she?" nag-aalala ring tanong ni Rhodl."She's okay and she's resting right now dahil 'yon ang pinaka-kailangan niya sa ngayon," nakangiting sagot ng do