Humahangos si Anastasia sa pagmamadali na makarating sa isang kilalang restaurant sa Maravilis, ang CJ Restaurant. Ito ang sinabi ng kanyang ina na lugar kung saan sila magkikita. Hindi siya nagpakita kaagad sa ina, dahil para siyang hindi makahinga ng maayos sa bilis ng pintig ng kanyang puso. Nang makaipon nang lakas inayos niya ang kanyang sarili bago naglakas-loob na humakbang sa pasilyo ng restaurant. Ngumiti siya sa mga staff na bumati sa kanya saka iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Namataan naman niya kaagad ang hinahanap. Nasa tabi ito ng glass wall. Napangiti siya dahil pumuwesto talaga ito sa parteng gitna. Nanibago siya sa postura ng ina, dahil nakapa-sosyal na ang dating nito ngayon. May mga alahas na ito sa kamay at leeg maging ang mukha ay may kolorete na. Abala ito sa pag-inom ng orange juice habang naka-de-kuwatro ang mga binti, kaya hindi nito napansin ang pagdating niya. Mayamaya, umangat ang mukha nito nang huminto s'ya sa tabi nito. "Oh! Andito kana pala
Mainit ang ulo na lumabas si Marga mula sa opisina ni Kathleen. Napagbuntunan nang galit niya ang mga nakakasalubong na trainees. Binati siya ng mga ito, ngunit binulyawan niya sabay sabi ng 'tabi!' Kaya ang ibang naroon masama ang tingin sa kanya. Malaki rin ang agency ni Marga na ICY Entertainment. Pangalawa ito sa Eries Entertainment na pag-aari ng VM Group. Tatlong taon na siyang naka-signed dito. Siya rin ang tinaguriang big star ng agency dahil halos sa kanya ibinigay ang mga malalaking projects na dumarating. Kaya karamihan sa mga kasamahan niya ay galit sa kanya. Pagdating niya sa kanyang sasakyan, hindi pa siya nakakaupo nang maayos tumunog ang kanyang cellphone. "Mommy! Ano ba, kanina ka pa tawag ng tawag." bungad niya sa ina. "Ano na naman ba ang problema mo, bakit wala ka na naman sa mood?" tanong nito sa kanya. "Kasalanan 'to ng pinakamamahal mo na si Anastasia. Kailangan kung lunukin ang pride ko upang bumalik lahat sa dati ang buhay ko." bulyaw niya sa ina. "At b
Napalinga-linga si Anastasia sa paligid. Hindi ito ang daan putungo sa kanyang bahay. Nagtatakang nilingon ni Anastasia ang lalaking seryoso sa pagmamaneho. Nakatutok ang mga mata nito sa daan. Hinawakan niya ang braso nito. "Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Anastasia. Dahil ibang direksiyon ang kanilang binaybay na daan. Napansin niyang hindi pa rin sila nakakalabas ng Maravilis City. Nakita niya ang karatulang 'Private Property' nang dumaan sila sa security post. Hindi umimik si Vance nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Mayamaya huminto ang Maybach na sinasakyan nila sa harap ng malaking bakal na gate. Napatingin siya kay Vance. "Bahay ninyo?" "Bahay ko!" pagtutuwid ni Vance sa sinabi niya. Pagbukas ng malaking gate, tumambad sa kanilang harapan ang mala-palasyong bahay na nakatirik sa gitna ng malapad na garden. Kahit gabi na ay kitang-kita pa rin ang magarang disenyo ng bahay.Napatakip siya a kanyang bibig sa sobrang pagkamangha sa bahay nito. "B-bahay mo
Kinaumagahan bumangon si Anastasia na magaan ang pakiramdam. Masaya siya dahil walang dumalaw sa kanyang pagtulog kagabi. Napatitig siya sa kisame nang may biglang maalala. Ang kanyang anak! "Gosh! Ashton anak, nako nakalimutan ko na ang anak ko!"Mabilis ang galaw na tinanggal niya ang pagkakayakap ng braso ni Vance sa katawan niya. Ngunit naramdaman ni Vance ang ginawa niya kaya hinila siya nito at pinahigang muli saka kinumotan. "Don't worry about Ash. Weekend ngayon, I asked Joyce to take care of him." bulong ni Vance habang nakapikit pa ang mga mata. "But...." Hindi na niya naituloy ang protesta nang hilain siya ni Vance palapit dito. Nakaunan siya sa braso nito saka kinulong sa maskulado nitong katawan. Nakaramdam siya nang reaksiyon sa kanyang katawan nang magkadikit ang kanilang mga katawan. Dahil wala itong damit pang-itaas, tanging boxer lang ang suot nito. Nahulaan ni Vance ang naglalaro sa isipan ni Anastasia. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Iminulat niya ang k
Alas-kuwatro palang ay nagising na si Anastasia dahil napakaimportanteng araw ito sa buhay niya. Agad siyang nagtungo sa kwarto ng kanyang anak. Naabutan niya itong mahimbing pa ring natutulog ngunit nasa paanan na ang kumot. Napangiti siya. Napakabilis lumipas ng panahon anim na taon na ang kanyang unico hijo. Parang kailan lang kalong-kalong niya pa ito at pinanggigilan ng mga kapit-bahay nila dahil sa kagwapohan nito. "Happy birthday, my love!" bulong niya sa anak na mahimbing na natutulog. Nais niyang s'ya ang pinakaunang tao na bumati sa kanyang anak. Hindi niya namalayan na sumunod sa likuran niya si Vance. Yumakap ito sa kanya saka inilapit ang mukha nito sa kanyang tainga. "Thank you so much, my sweet." bulong nito sa kanya. Ngumiti siya rito at hinaplos ang pisngi nito. "Ano po ang meron? Bakit po kayo narito sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ni Ashton sa kanila habang kinusot-kusot pa ang mata. Hindi nila namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. "Happy birthday, an
Tanghaling tapat, bumiyahe si Merideth patungong Santa Catalina kung saan niya matagpuan ang kaibigan na si Rita. Kailangan niyang maka-usap ito upang malaman niya kung ano ang dapat gawin. Pagdating niya sa sentro ng Barangay Masigasig, madali nalang niyang nakita ang bahay ng pamilya nito. Pagdating niya roon, naabutan niyang nakaupo si Rita sa upuan na yari sa kawayan habang naghihimay ng gulay sa labas. Nagulat ito nang makita siya sa harapan ng bahay nito na nakatayo. "Meredith?"Ngumiti siya. "Akala ko nakalimutan mo na ako eh!" kunwari nagtatampo na sagot niya.Lumapit ito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. "Kumusta ka na?"Pinaupo siya nito at pumasok ito sa loob upang kumuha ng isang basong tubig saka inabot sa kanya. "Ito okay pa rin naman." matipid niyang sagot.Nagkwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang buhay. Halos pitong taon na rin silang walang balita sa isa't-isa. Sa kanilang barkada hindi siya masyadong malapit kay Riza dahil mas malapit ito sa isa nil
Nagulat si Anastasia dahil pag-open niya sa kanyang cellphone, may misscalls mula sa kanyang dating ina. Kasalukuyang naghahanda sila para sa kanilang welcome party na isinagawa ng mga tauhan sa hacienda. Tinawagan niya ang number nito ngunit hindi na makontak. "What's wrong sweetheart?" Tanong ni Vance na hindi niya namalayang sumulpot sa kanyang likuran.Nilingon niya ito saka pilit ngumiti. "Nothing," maikli niyang sagot. Ngunit hindi nakaligtas kay Vance ang pagkabalisa nito na para bang may hinihintay na tawag. Hinayaan na muna niya dahil ayaw niyang pilitin itong mag-open up sa kanya. Hihintayin niya ang araw na si Anastasia mismo ang magsabi nang saloobin nito sa kanya. Pagsapit ng gabi, nagtitipon-tipon ang lahat sa malapad na bakuran ng hacienda. Masaya ang lahat lalo na si Ashton, na halos ayaw nitong humiwalay sa kanyang lolo. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia na may purpose ang event na iyon. Pagsapit nang alas-otso ng gabi, ha
Dalawang linggo lang ang ibinigay ni Vance na panahon para sa mga organizers ng kanilang kasal. Hindi magkamayaw ang mga ito mapaganda lang at maging engrande ang kasal na sa Hacienda rin gaganapin. Ngunit bago paman dumating ang araw na kanilang pinakahihintay, pumutok na sa social media ang tungkol sa nalalapit nilang kasal. May mga litratong kumalat na magkasama sina Anastasia at Vance. Napansin din ng mga nitizen ang engagement ring sa daliri ni Anastasia. Kaya naglipanan na ang mga haka-haka na totoo nga na ikakasal sila.Kaya walang nagawa si Vance kundi aminin sa publiko ang nalalapit niyang kasal. Marami ang nagulat sa balita, lalo na ang pagkakaroon niya ng anak kay Anastasia. "Yes, I'm preparing for my wedding. But I can't tell you the details because we want it to be private. Thank you." matipid na sagot ni Vance sa reporter na humarang sa kanya paglabas niya sa entrance ng headquarters. Dumiretso siya sa sasakyan niyang nakaparada sa drive way ng building. "Let's go N