Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

last updateLast Updated : 2022-10-09
By:  Eu:NOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
15Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?

View More

Chapter 1

Simula

Nagmamadali na nilagay ni Araceae ang mga damit sa itim na duffle bag. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng silid upang hindi magising ang mga natutulog na kasamahan. Kaliwa't-kanan ang lingon niya, alerto at walang ingay na lumalakad sa pasilyo ng malaki at lumang bahay ampunan.

Kabado siya ngunit puno ng kumpyansa ang bawat kilos. Makakatakas siya. Iyon ang tumatakbo sa isip niya sa sandaling iyon. Walang makakapigil, aalis siya upang hanapin ang tunay na magulang.

Gamit ang spare key na palihim niyang kinuha sa opisina ng mother superior, binuksan ni Araceae ang back door. Hindi siya dapat magsayang ng oras, matagal niyang hinintay ang gabing ito. Hindi na siya makakaalis pa sa bahay ampunan kung hindi siya tatakas ngayon.

Tumakbo si Araceae patungo sa pader, nang matagumpay na makalabas ng back door. Itinapon niya sa kabilang bahagi ng pader ang duffel bag na dala. Pagkatapos ay inakyat ang puno ng narra, mula roon tumalon siya patungo sa pader. Muntik pa siyang mahulog nang mawalan ng balanse, mabuti na lang at nakakapit siya sa sanga ng kahoy. Mula sa itaas ng pader tumalon siya, ngunit nagkamali ng landing ang isang paa dahilan para matapilo.

"Agh!" angil niyang hinawakan ang napuruhang paa. Nadisgrasya pa siya sa pagmamadali, ang malas!

"Napaka-reckless mo tagala."

Nanlaki ang mata niya at nag-angat ng tingin sa lalaking nakasandal sa pader, may dala rin itong duffle bag tulad niya, ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng pantalon.

"Ertan! Anong ginagawa mo dito?"

Tumayo ito ng tuwid at lumapit sa kanya.

"Tatakas ka na lang, hinayaan mo pa ang sarili na ma-injured."

"Teka lang, hindi ako tatakas para gumala sa bayan. Aalis na ako sa lugar na 'to, Ertan."

"Alam ko." Umupo ang lalaki sa harap niya.

"Patingin ako ng paa mo." Hinawakan nito ang binti niya at sinuri. "Kaya mo bang lumakad?"

"Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa loob." Hindi niya pinansin ang tanong ng lalaki.

"Hindi pwede." Marahan nitong minasahe ang paa niya, puno ng pag-iingat ang mga kilos. "Kung aalis ka, aalis din ako," giit pa nito.

Nakuyom ni Araceae ang mga kamao.

"Paano ka? Bukas na pupunta ang mga taong aampon sayo. Hindi mo pwedeng sayangin ang pagkakataon na magkaroon ng pamilya na magmamahal sayo, Ertan." Hindi siya makakapayag na sumama ito, mas makabubuti na manatili si Ertan sa ampunan. Para ito sa ikabubuti ng kaibigan niya.

"Hindi kita hahayaang mag-isa, Ara. Wala akong paki-alam kung hindi ako magkaroon ng pamilya. Para sa akin ikaw ang pinaka mahalaga, ikaw ang pamilya ko." Malungkot itong ngumiti. "Isa pa, hindi naman tayo sigurado kung magiging masaya nga ako sa kanila."

"Pero, Ertan—"

"Kaya mo bang lumakad?" Tumalikod ito sa kanya. "Sumampa ka na. Umalis na tayo dito habang hindi pa nila napapansin na wala tayo."

Napabuntong-hininga si Araceae. 

Kapag ganito si Ertan, wala na siyang magagawa. Wala na siyang choice kundi isama sa pagtakas niya ang kaibigan. Sumampa si Araceae sa likod ni Ertan, kinuha nito ang duffle bag niya, at ito na ang nagdala ng mga gamit nila.

"Kumapit ka ng maayos nang 'di ka mahulog."

"Mhm!!" tango niya.

***

Natigilan ang mother superior nang ma-realize na bukas ang pinto ng opisina niya. Natataranta niyang binuksan ang pinto at tumakbo patungo sa office table, nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang drawer ng pinakatatagong file. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang naroon pa rin ang folder, akmang kukunin na iyon nang humahangos na pumasok sa opisina ng ginang si Celestine.

"Mother! Hindi ko mahanap si Ertan at Araceae!"

"Ano!?"

"Nawawala po sila."

"Tinignan mo ba sa likod-bahay? Baka naroon lang ang dalawa." Muling kumabog ng mabilis ang puso ng middle aged na babae. Kasama pa nilang naghapunan ang dalawa kagabi. Hindi pwedeng basta na lang mawala ang mga ito.

"Ginawa ko na po, pero hindi ko sila nakita doon."

"Mother!" sunod-sunod na pumasok ang mga bata sa opisina niya. "Wala na po ang mga gamit ni Araceae," sumbong ng singkit na batang babae.

"Ganun din po ang gamit ni Ertan," sabad naman ng batang lalaki.

"Mother, baka po tumakas sila." Lalong siyang kinabahan.

"Hanapin niyo sila! Madali kayo!" Nanlilisik ang mata na utos niya sa mga bata, agad naman na nagtakbuhan ang mga ito palabas ng opisina.

Lumapit sa ginang si Celestine. "Mother, bakit hindi na lang natin pabayaan ang dalawa? Ayaw nilang manatili dito, hayaan na lang—"

"Hindi pwede!" Sigaw niya sa mas batang tagapangalaga ng bahay ampunan. "Hindi pwedeng mawala sa poder natin ang batang iyon. Malaki ang donasyong mawawala sa atin sa oras na malaman nilang wala na sa kamay ko ang batang iyon!"

"Mother?" Pagtataka ni Celestine. 

Pinanood nitong buksan ng Mother superior ang drawer ng office table, at nilabas ang isang folder, inabot nito kay Celestine ang folder. Kinuha naman iyon ng babae at binuklat. Nagulat ito nang makitang record iyon ng isa sa dalawang batang tumakas, kalakip ng file ang isang ginupit na kapiraso ng lumang news paper. Binasa ni Celestine ang headline at nanlaki ang mata na nag-angat siya ng tingin sa nakatatandang babae.

"Mother! May kinalaman ba kayo sa kidnapping ng batang ito?"

Hindi sumagot ang mother superior.

"Kailangan nating mahanap ang batang iyon, kung hindi ay magkakaroon tayo ng malaking problema," sa halip ay sabi nito.

***

Nakuyom ni Araceae ang kamao nang makita si Ertan na natutulog sa bangketa, nakahiga ito sa sinapinan ng karton na sementong daan.

Parang piniga ang puso ng dalaga sa tanawin, kung hindi lang ito sumama sa kanya siguro ay mas maayos ang buhay nito, nakahiga sana ito sa malambot at magandang higaan. Narinig niya na mayamang negosyante sana ang aampon sa kaibigan, pero dahil sa kanya tumakas si Ertan sa maganda sana nitong bagong buhay.

"Ara, d'yan ka na pala. Ano may pagkain ka bang nakuha?" Bumangon si Ertan at kinusot ang mga mata. Dalawang linggo ng palaboy-laboy sa lansangan ang dalawa at umaasa sa mga pagkaing tira-tira ng mga restaurant at fast-food chain na nakukuha sa basura.

"May nakita akong fried chicken, tignan mo." Pilit tinago ni Araceae ang lungkot. Naupo siya sa tabi ng kaibigan at inilahad ang plastic bag na dala.

"Mukhang okay pa naman ang mga ito, 'di ba?"

"Mhmm!" Tango ni Ertan at ngumiti. Kinuha nito ang mas malaking hiwa at ibinigay sa kanya.

"Ertan..."

"Sayo na ang malaki, ikaw naman naghirap—"

"Ertan!" Natigilan ito sa pagtaas ng boses niya. "Sayo na ang malaki, may sakit ka kaya mas kailangan mo 'yan," giit niya. Tatlong araw ng mataas ang temperatura nito dulot ng naulanan sila nang umulan ng malakas noong nakaraang araw.

"Hindi naman ako masyadong gutom-"

"Pwede ba ‘wag nang matigas ang ulo? Makinig ka sa akin kahit minsan lang. Oh, ayan..." Inabot ni Araceae dito ang fried chicken. "Wala muna tayong panulak, ah? Ito lang kasi ang nakita ko sa basurahan na pwede pa."

"Mhmm! Salamat, kain ka na rin." Tumango siya at kumuha ng isang hiwa ng fried chicken, bagong tapon lang ang mga iyon sa basurahan sa fast-food chain sa tapat nila. Malamig na pero pwede pang kainin.

Susubo na sana si Araceae nang may pulang van na huminto sa harap nila, mula roon bumaba ang apat na lalaki. Tumayo agad ang dalaga at wala sa sariling itinapon kung saan ang hawak na fried chicken, hinila nito patayo si Ertan.

"Ertan, takbo!" Sigaw niya at hinila ang kaibigan palayo sa lugar. Kilala ni Araceae ang van, madalas niyang naririnig sa mga kwento ng mga kabataan na nakakasalamuha nila sa lansangan, nangunguha daw ang mga ito ng teenagers para ibenta sa mga banyaga, habang ang iba naman ay pinapatay para ibenta ang mga organs.

Nadapa si Ertan, mabilis namang itinayo ni Araceae ang kaibigan. Tatakbo na sana muli sila nang haranging ng dalawang lalaki, lumihis ang dalawa, ngunit may mga lalaki rin na humarang sa daan ng mga ito. Akmang babalik sila sa pinanggalingan nang siya namang paghatak ng isa pang lalaki kay Araceae, tinakpan ito ng panyo ang bibig niya.

"Araceae!!" Sigaw ni Ertan.

Nakita ni Araceae na pinagtulungan ng mga lalaki si Ertan, nagpumiglas siya upang tulungan ang kaibigan, ngunit bigla na lang umikot ang paningin niya. Bumagsak sa lupa si Ertan, at bago tuluyang nawalan ng malay si Araceae nakita niyang nilagyan ng sako ang ulo ng kaibigan.

***

"Aalis ka na naman?" Nilingon ni Kaya ang nakababatang kapatid. Nasa pocket ng khaki pants nito ang mga kamay habang naglalakad pababa ng hagdan. "Kailan mo balak umalis sa mafia organization na ‘yan, kuya? Kapag patay na rin ako tulad ng magulang natin?"

"F*ck off, Temur."

"Paano ko gagawin 'yan? Ikaw na lang ang nag-iisang pamilya ko, mali bang hilingin kong piliin mo ako kesa d'yan sa put*nginang organisasyon mo na iyan?"

"Aalis na 'ko." Tinalikuran ni Kaya ang kapatid at hindi na ito pinansin. Naglakad ang lalaki palabas ng mansion, ang bodyguards nito ay nakasunod lang sa likuran.

Wala siyang dapat ipag-alala, magaling ang bodyguards na kinuha niya para protektahan si Temur. Magiging ligtas ang kapatid niya.

"Boss, may balitang nakarating sa amin. Isa sa mga i-au-auction ngayon ang babaeng matagal na ninyong hinahanap." Napahinto si Kaya sa paglalakad at nilingon ang lalaking nagsalita.

"Auction?"

"Yes, boss. Kinompirma na rin namin."

Naglabas ito ng larawan. "Ito po siya..."

Kinuha ni Kaya ang larawan at tinitigang mabuti. Ito nga ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Napangisi siya. Tingnan mo nga naman, sino ba ang mag-aakala na sa ganitong sitwasyon uli sila magkikita ng babae.

"Maghanda ka ng malaking halaga. Siguraduhin mong sa akin mapupunta ang p*tanginang babae na 'yan." Walang emosyon na nilakumos niya ang larawan ng dalaga. Sa wakas, dumating na ang araw na makapaghihiganti siya sa babae, mabibigyan na niya ng hustisya ang pagkamatay ng magulang niya.

***

"Ano ba! Lakasan niyo ang loob niyo. Hindi tayo mahina, ipakita natin sa kanila na hindi nila tayo masisira, hindi nila basta na lang makukuha sa atin ang ating kalayaan," puno ng determinasyon na pahayag ni Araceae sa mga kasama.

Nakatayo ang dalaga sa gitna ng mainit at masikip na silid. Hindi alintana ang init at pawis sa nanlalagkit na katawan. Walang sino man ang maaaring mag-alis sa kalayaan niya. Wala. Karapatan niyang mabuhay, magkaroon ng payapa at masayang buhay, kaya naman, hindi siya papayag na tanggalin ng sino man ang karapatan na iyon.

"Ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng lakas ng loob at tapang kung mamatay tayong lahat sa lugar na ito? Wala na tayong magagawa, bihag na nila tayo at nakasisiguro akong magiging impeyerno ang buhay natin sa kamay ng mga taong ito," nawawalan ng pag-asa na salaysay ng isa sa mga babaeng kasama niya sa silid. Katulad ni Araceae, puno ng pawis ang buong mukha ng babae, palitada ang takot sa madungis na mukha nito.

"Hindi. Tatakas tayo sa lugar na ito, hindi nila makukuha sa atin ang ating kalayaan."

"Tama na," singit ng isa pang babae. Wala itong makikitang emosyon sa mukha, ang pagkawalang pag-asa ay sinisigaw ng bilogan at itim nitong mga mata. "Itigil mo na ang pagpapalakas ng aming loob. Hindi tayo makakatakas sa lugar na ito, hindi natin sila matatakasan, sindikato ang mga taong ito. Imposible."

Nagtangis ang bagang ng matapang na dalaga sa negatibong tugon ng mga kasamahan. Ngunit hindi niya masisisi ang mga ito. Sino ba naman kasi ang hindi mawawalan ng pag-asa sa sitwasyon na kinasadlakan nila ngayon. Hawak sila ng pinakamalaking sindikato sa bansa at hindi nila alam kung ano ang balak gawin ng mga ito sa kanila, pero nakakasiguro siyang hindi maganda ang magiging resulta ng pagkakakulong nila sa lugar na ito.

"Tapang at lakas ng loob na lang ang meron tayo, hahayaan niyo ba na kunin nila pati ito sa atin? Ikinulong nila tayo na parang mga hayop sa gubat, pati ba ang tiwala natin sa ating mga sarili ay magagawa nilang tanggalin sa atin?" makahulugan sabi niya sa lahat ng babae na nasa silid.

"Iyang tapang at lakas ng loob rin ang papatay sayo." Lahat sila ay napatingin sa pinto ng silid na bukas pala. 

Hindi napansin ng lahat ang lalaki na pumasok doon at kanina pa nanonood sa dalaga na nagsasalita sa gitna na parang pulitiko na tatakbong pangulo ng bansa. Ito ang leader ng mga lalaking nagkulong sa mga babae sa masikip at mabahong silid.

"Pakawalan mo kami!" sigaw ni Araceae at sinugod ang lalaki sa harap ng pinto.

"Pakawalan mo kami! Wala kayong karapatan na ikulong kami sa lugar na ito!" Tinamaan sa mukha ang lalaki nang magbitiw siya ng solidong suntok.

Pero hindi sapat ang suntok na iyon para matinag ito sa kinatatayuan. Nag-unat ito ng leeg. Pagkatapos ay hinarap siya at walang pasabi na sinampal ng malakas sa mukha. Bumulagta siya sa sahig. Sa lakas ng impak hindi na niya maramdaman ang pisngi. Nahirapan siyang makabawi at umiyak na lang habang namimilipit sa sakit na nakahandusay sa sahig.

"Iyan ang napapala ng mga babaeng katulad mo. Hindi sapat ang lakas ng loob para mabuhay, kailangan mo ng diskarte at talino dahil hindi patas ang mundo." Naupo ang lalaki sa sariling mga paa at walang awa na hinila ang buhok ng dalaga para umangat ang ulo nito sa sahig.

"Tapang kamo? Sige, tignan natin ang tapang mo kapag naging laruan ka na ng mga taong kinamumuhian mo." Marahas nitong binalibag ang ulo ni Araceae sa sahig dahilan para mapaigik ito sa sakit.

Pakiramdam ni Araceae nagkaroon ng crack ang bungo niya sa sobrang lakas ng pagtama nito sa sahig. Nahihilo siya.

"Sige! Turukan na ng droga ang mga babaeng iyan!" utos ng lalaki sa mga tauhan nito.

Pinagsisipa nito si Araceae ng malakas. Ang mga babaeng naroon sa silid ay walang nagawa para tulungan siya, pinanood lang ng mga ito ang bawat pagtama ng paa ng lalaki sa sikmura ng kawawang dalaga. Gustuhin man ng mga ito na tulungan si Araceae, ay takot naman ang mga itong lumaban at ipahamak pa lalo ang mga sarili. Wala laban ang mga ito, at kung magma-matapang sila tulad ng babaeng nakahandusay sa sahig. Baka sila na naman ang diskitahan at bugbugin ng lalaki.

Hindi kayang igalaw ni Araceae ang kamay at mga paa. Hindi niya maramdaman ang sariling katawan dahil sa tindi ng tinamo, nanlalabo na ang paningin niya. Kaya nang turukan siya ng droga ay wala na siyang nagawa laban sa mga kalaban. Kahit ang umiyak ay hindi niya nagawa dahil sa sobrang panghihina ng katawan. At bago tuluyang nawalan ng ulirat, pinuno ng nakakabingi na sigaw ng mga babaeng naroon ang apat na sulok ng silid. Sigaw na dinala ni Araceae hanggang sa kanyang mga bangungot.

***

Trigger Warning (R+18)

Isang paulit-ulit na ingay ang gumising sa diwa ng natutulog na si Araceae. Ingay ng isang bagay na paulit-ulit na tumatama sa kung saan dahilan para lumikha ito ng nakakairitang tunog.

Minulat ng dalaga ang namimigat na talukap ng mga mata, at ang kamay na nakaposas sa bakal na haligi ng kama agad ang niyang nakita. Hindi alintana ang nananakit na katawan, pilit niyang ginalaw ang ulo upang makita ang paligid.

Nasa loob siya ng panibagong silid, hindi ito ang kwarto kung saan sila kinulong ng mga lalaki. Ngunit, hindi tulad ng dating silid na kinasadlakan, malinis ang kwarto kung saan siya dinala. Hindi gaanong makita ni Araceae ang kabuohan ng silid bagamat sigurado siyang, hindi ito ganun kalaki.

Pumaimbabaw na naman sa pandinig ni Araceae ang nakakairitang ingay na nililikha ng gumagalaw na kama. Nakadaragdag ang ingay ng bakal na kama sa sakit ng ulo at pagkahilo ng dalaga. Sa kagustuhan na itigil ang ingay, muling ginala ni Araceae ang mga mata upang hanapin ang pinagmulan ng nakakairitang ingay. Ngunit ganun na lang ang kilabot nito nang napagtanto ang lahat.

Ang kama kung saan siya nakahiga at mahigpit na nakaposas ang siya palang gumagalaw at lumilikha ng ingay sa pader.

Bumaba ang tingin ni Araceae sa kanyang paanan at doon lalo siyang kinilabutan sa nasaksihan. Isang hubad na lalaki ang nasa pagitan ng mga hita niya. Nagsasayaw ito sa ritmo ng ingay na nililikha ng bakal na kama. Ang bawat pag-indayog nito ay bumabaon sa kaibuturan ng pagkatao niya dahilan upang mabangis itong umungol.

Sinubukan igalaw ni Araceae ang mga kamay, iharang ang mga paa, ngunit walang silbi ang mga iyon dahil sa mga posas na kumukunekta sa kanya sa kama. Gusto niyang lumaban. Gusto niyang pigilan ang lalaki, ngunit wala siyang sapat na lakas para gawin ang balak.

Nadudurog ang puso ni Araceae, ang natitirang tapang at lakas ng loob na meron ang dalaga ay unti-unting ninakaw sa kanya. Dito na ba matatapos ang lahat? Hindi na ba niya makikilala ang totoong mga magulang? Mamatay na ba siya sa lugar na ito?

Muling nakaramdam ng matinding pagkahilo si Araceae nang turukan na naman siya ng kung anong droga ng lalaking kasama sa silid. At bago tuluyang na isara ang mga mata, nakuha pa niyang titigan ang mukha ng halimaw na lumapastangan sa kanya.

Hindi niya kalilimutan ang mukha ng lalaki, pagbabayarin niya ito ng malaki...malaking-malaki.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ruby
More update please
2022-09-26 14:51:36
0
15 Chapters
Simula
Nagmamadali na nilagay ni Araceae ang mga damit sa itim na duffle bag. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng silid upang hindi magising ang mga natutulog na kasamahan. Kaliwa't-kanan ang lingon niya, alerto at walang ingay na lumalakad sa pasilyo ng malaki at lumang bahay ampunan. Kabado siya ngunit puno ng kumpyansa ang bawat kilos. Makakatakas siya. Iyon ang tumatakbo sa isip niya sa sandaling iyon. Walang makakapigil, aalis siya upang hanapin ang tunay na magulang. Gamit ang spare key na palihim niyang kinuha sa opisina ng mother superior, binuksan ni Araceae ang back door. Hindi siya dapat magsayang ng oras, matagal niyang hinintay ang gabing ito. Hindi na siya makakaalis pa sa bahay ampunan kung hindi siya tatakas ngayon. Tumakbo si Araceae patungo sa pader, nang matagumpay na makalabas ng back door. Itinapon niya sa kabilang bahagi ng pader ang duffel bag na dala. Pagkatapos ay inakyat ang puno ng narra, mula roon tumalon siya patungo sa pader. Muntik pa siyang mahulog nang
last updateLast Updated : 2022-08-01
Read more
Kabanata 1
Trigger Warning (18+) Hindi alam ni Araceae kung ilang araw na siyang nakakulong sa silid na kinasadlakan, nakagapos pa rin ang mga kamay niya sa haligi ng bakal na kama. Kahapon ay binisita na naman siya ng lalaki at paulit-ulit na ginagamit hanggang sa maging lantang gulay, nang matapos ang lalaki at nilisan nito ang silid, dinaluhan agad siya ng mga katulong, nilinisan at binihisan. Kasabay ng pagturok ng dr*ga ng mga ito dahilan para mawalan siya ng malay tao. Mabigat ang talukap ng mata na nagmulat si Araceae. Hinanghina pa rin siya kahit na buong maghapon na nakaratay sa kama. Hinayaan nitong tumulo ang luha sa mga mata, mamaya'y maingay na itong humikbi na parang bata na inagawan ng laruan. Ang bigat-bigat ng kalooban niya. Gusto niyang sumigaw sa galit at hinanakit. Bakit ginawa ito sa kanya ng lalaking iyon? Ano ang kasalanan niya? Paulit-ulit nitong sinasabi na pagbabayarin siya sa ginawa niya dito. Ngunit walang matandaan si Araceae, hindi pa sila nagkita ng lalaki. Buon
last updateLast Updated : 2022-08-01
Read more
Kabanata 2
Lumilipad ang isip ni Temur nang lumakad patungo sa kusina. Nakasalubong nito ang nakatatandang kapatid na kagigising lang din tulad niya, ngunit parang walang nakita si Temur, nilagpasan lang nito ang kapatid. "Hey, what's your problem? Galit ka pa rin ba?" tanong ni Kaya ngunit nagtuloy-tuloy lang ang kapatid sa counter at hinarap ang coffeemaker. "Temur...," tawag ni Kaya dito. Natauhan si Temur, nagising ito mula sa pagiging lutang. Hinarap nito ang kapatid. "Kuya, ikaw pala." "Ako pala?" Lumapit si Kaya sa kapatid. "Okay ka lang? Nagpuyat ka ba kagabi?" tanong nitong inilapit ang mukha kay Temur. "Yeah... I studied until morning. Why?" Umiwas si Temur ng tingin sa kapatid at muling hinarap ang coffeemaker. Hindi niya pa rin lubos akalain na kayang gawin ng kapatid niya ang bagay na iyon. Ang daming pasa sa buong katawan ng babae, hindi niya ito halos nakilala, pumayat ito at maputlang-maputla. Nag-igting ang bagang ni Temur. Ano ang maari niyang gawin? Hindi niya pwedeng pa
last updateLast Updated : 2022-08-03
Read more
Kabanata 3
"I know you're both terrible, but do you really have to do this to her?" Nakasimangot na tanong ni Venom sa mga kaibigan. Nakaupo silang tatlo sa lounge malapit sa maliit na swimming pool. Pinanonood ang mga magaganda at sexy'ng babae na naglalaro sa pool, ang iba ay nakikipagtalik sa ibang bisita ni Vito, na kasamahan din nila sa oraganisasyon. "Bakit ba concern ka sa babaeng iyon?" iritableng tugon ni Vito. "Kung interesado ka sa kanya pwede mo naman akong saluhan mamaya," dagdag pa nito. "Ayoko nga, 'di ba?" Nilingon ni Venom si Kaya. "She's your ex-lover... Do you want this stupid man to have a way with your woman–" "She's nothing but a toy, Venom." Sumimsim si Kaya ng alak sa hawak na baso. "Binili ko siya sa auction bilang laruan, I can do whatever I want to that wench." "But–" "Shut it, Venom. Bakit ba masyado kang concern sa babaeng 'yon?" Hindi nagawang sagutin ni Venom ang tanong ni Vito. Bakit nga ba concern siya sa babaeng iyon? He's not a saint. Tulad ng mga kasama ni
last updateLast Updated : 2022-08-14
Read more
Kabanata 4
"Hindi ka ba napapagod panoorin ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan, Aries?" Hindi magawang lingunin ni Araceae ang matandang babae na nagsalita sa likuran niya. Alam ng dalaga na narito ito para alukin siya ng pananghalian. Hapon na at hindi pa siya umaalis sa pwesto niya sa tabing dagat mula pa kaninang umaga. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan, pero kailangan mong kumain Aries, anak. Alagaan mo ang iyong sarili para sayo at para sa amin ng tatay mo," napakalungkot ng boses nang sabihin iyon ng ginang sa kanya. Pero hindi man lang makapa ni Araceae ang awa para sa babae. Ang matandang babae na walang ibang ginawa kundi mag-alala sa kanya simula ng magising siya. Gulong-gulo ang isip niya ngayon. Sino ba siya at bakit paulit-ulit siyang tinatawag na Aries ng ginang? Hindi niya kilala ang babaeng binabanggit nito, at lalong hindi siya ang babaeng iyon. Siya si Araceae, walang mga magulang at sa tingin niya ay lumaki siya sa isang bahay ampunan— ang dalawang bagay na
last updateLast Updated : 2022-08-24
Read more
Kabanata 5
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang araw na napadpad si Araceae sa isla at nakikilala ang matandang mag-asawa. Sa dalawang taon na paninirahan niya kasama nila tuluyan na niyang niyakap ang pangalan na Aries. Misteryo pa rin sa kanya ang ilang mga bagay, lalo na ang lalaking gabi-gabi na lang kung mapanaginipan niya, ngunit mas nangibabaw kay Araceae ang pagiging kontento. Mabuti sa kanya ang mag-asawa kaya naman, kahit pa sabihin na hindi nga siya ang anak nila, mas pinili niyang yakapin na lang kung ano ang nasa harap niya ngayon. Total naman dalawang taon na ang lumipas, at hanggang ngayon wala pa rin ni katiting na alaala ang bumabalik sa kanya. Gusto na lang din niyang paniwalaan na siya nga si Aries, ang anak ng mag-asawang Sangalang. "Dahil kalahati ng huli natin ay ikaw ang nakahuli. Ibibigay ko sa iyo itong isang libo." Inabot sa kanya ng ama ang pera ngunit agad siyang umiling at tinulak palayo ang kamay nito. "Hindi na 'tay, sa inyo na 'yan. Alam ko naman na mas kaila
last updateLast Updated : 2022-08-29
Read more
Kabanata 6
"Invited guest lang ang maaaring pumasok, pasensya na Miss." Dahilan ng security nang tangkain ni Araceae na pumasok sa private pool ng resort kung saan ginaganap ang party ni Temur. Umatras siya upang tingnan ang sign na nakalagay sa entrance. Tama naman siya ng pinuntahan na lugar, nasa loob ang party ni Temur. "Naiintindihan ko po kuya, pero invited guest talaga ako ng celebrant. Narito pa nga ang regalo ko, oh?" sabi niya at pinakita sa security ang regalo niyang nakabalot ng gift wrapper. Siya pa mismo ang bumili ng gift wrapper sa book store sa bayan. "Ipakita mo muna sa akin ang invitation card mo, Miss." Nakagat ni Araceae ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Wala kasi siya ng hinahanap nito. Sa tawag lang siya inimbitahan ni Temur at hindi pa talaga sila nagkikita ulit ng binata simula noong araw na tinulungan siya nito. Wala rin naman siyang nakitang invitation kasama ng regalo ni Temur sa kanya. "Kuya, pwede bang tawagin mo na lang si Temur? Sabihin mo hinahanap ko si
last updateLast Updated : 2022-09-19
Read more
Kabanata 7
"Nay, tapos na po akong maghugas ng pinggan. Maari ba akong sumama kay tatay sa pangingisda?" paalam ni Araceae sa ina nang makita itong pumasok ng kusina. Kararating lang ng ina niya mula sa bayan, dalawang beses sa isang linggo kasi naglalabada ang ina niya sa bahay ng kaibigan nito, pandagdag kita na rin. "Hindi ka ba pupunta sa bayan?" Umiling si Arceae sa ina. "Naubos na po ang kakanin kaninang umaga kaya hindi na ako babalik ngayong hapon. Ang dami pong bumili nay," pagbibida pa ni Araceae. "Bukas po magluto tayo ng marami." "Aba'y nakakatuwa naman kung ganun." Ibinaba ng ina niya sa kawayan na mesa ang plastic bag na dala nito. Lumapit si Araceae upang tulungan itong ilabas ang mga pinamili. "Bumili ako ng maraming kamatis, paborito ang mga ito." Napangiwi siya nang ibigay ng ina sa kanya ang dalawang kilo ng kamatis. "Salamat, nay!" Ngiti ni Araceae. Tumalikod siya upang hugasan ang kamatis sa kawayan na sink at niligpit ng maayos sa lagayan. Sa totoo lang ay never niyan
last updateLast Updated : 2022-09-19
Read more
Kabanata 8
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niyang nilingon si Temur nang huminto ang sasakyan sa harap ng public market. Pinasundo siya ng binata sa mga bodyguard nito kanina sa isla. "Mamimili ba tayo ng pagkain mo?" dagdag pa ni Araceae, nagtatakang tinitigan ang binata. "Ang sabi mo ay ipagluluto mo ako ng biko pagbalik ko, hindi ba?" Nagtaka lalo si Araceae, ngunit tumango pa rin sa kay Temur bilang tugon. "Nice! Mamili na tayo ng ingredients ng biko, pagkatapos ay lutuan mo ako sa inyo," excited nitong pahayag. "Sa 'min?" "Hindi ba't sinabi mong dapat kong ligawan ang magulang mo bago ikaw?" Nanlaki ang mga mata niya. Hala! Huwag nitong sabihin na balak nitong bumisita ngayon sa isla? Naku, hindi siya nakapag linis ng bahay nila! Hindi niya alam na balak pumunta ni Temur sa kanila, hindi siya nakapag general cleaning. "Ngayon na talaga?" Ngumiwi si Araceae sa sariling tanong. Ano ba 'yan... Dapat ay nagsasabi ito na bibisita ito sa tahanan nila para naman nakapag handa siya. "Oo, b
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more
Kabanata 9
"Nakakadiri ako, hindi ba?" Malungkot na ngumiti si Aracea pagkatapos ikwento kay Temur ang kanyang nakaraan. Ang nakalipas na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang alalahanin. Wala siyang iniwan, lahat ng detalye na natatandaan niya ay sinabi niya sa binata. Hindi na siya magtataka kung pagkatapos ng mga sinabi niya ay nawalan na ng interes sa kanya ang binata. "Why?" "Huh?" Kunot ang noo na nilingon niya ang binata. "Bakit ikaw mismo ang nagsasabi niyan sa sarili mo?" Unti-unting nabura ang pagtataka sa mukha ng dalaga at napalitan ng lungkot. "Ano pa man ang nangyari sa nakaraan mo, hindi mo dapat ibinababa ng ganyan ang sarili mo. Ano ngayon kung ganun nga ang nangyari sayo? Nakaraan na iyon, dapat ng kalimutan." "Temur..." "Don't call yourself that again, I don't want to hear you insult yourself, Aries." Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at masuyong hinalikan. "You do not deserve to be called that just because of your heinous past." "Hindi ka ba nandidiri sa akin?
last updateLast Updated : 2022-09-22
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status