Share

Kabanata 13

Author: Eu:N
last update Last Updated: 2022-10-05 11:36:17

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Araceae nang maabutan ang mga kasambahay na busy, paroo't-parito sa buong kabahayan. Tinanghali na siya ng gising dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang naabuso niya yata ang katawan, ayaw kasing tumigil ni Temur, masyado rin naging rough sa kanya ang asawa kagabi.

"Para po sa party niyo mamaya, Madam..."

Nakunot ni Araceae ang noo sa sagot ni Yana. Party niya? Wala naman siyang natatandaan na nagplano sila ni Temur ng party, at para naman saan ang party?

"Anong party?"

"Celebration po ng pag-iisang dibdib niyo ni Sir Temur."

"Huh?"

"Si Sir Kaya po ang nakaisip nito. Since hindi raw siya nakadalo at marami sa mga close friends nila ang hindi rin nakadalo sa kasal niyo ni Sir Temur sa probinsya, magkakaroon po ng party para sa kasal niyo ngayong gabi," paliwanag ni Yana.

"Pero wala namang nasabi sa akin ang asawa ko."

"Surprise party raw ito para sa inyong mag-asawa sabi ni Sir Kaya, regalo niya para sa inyong dalawa ni Sir Temur," katwiran pa ni Yana.

Napangiwi si Araceae, hindi naman kailangan gawin ng bayaw niya ang ganito. Bukod sa hindi siya komportable sa ganitong uri ng pagtitipon, hindi pa rin siya sanay sa bagong estado ng buhay niya, hindi niya pa alam paano umakto bilang isang Flegenheimer sa harap ng maraming tao. Nakasisiguro rin siya na tulad ng magkapatid, mayayaman at may ibubuga sa buhay ang mga kaibigan ng mga ito.

"Alam na ba ni Temur ang tungkol sa party na ito?" tanong niyang muli kay Yana. Nakasunod lang sa kanyang ang katulong habang pababa sila ng hagdan.

"Opo, Madam. Kaninang umaga lang nalaman ni Sir Temur."

"At okay lang sa kanya?" Curious siya sa naging reaksyon ng asawa.

"Mukhang wala naman pong problema kay Sir Temur. Sinabi niya lang kay Sir Kaya, 'Do whatever you want, I don't care...'" Ginaya pa ni Yana ang tono ng kanyang asawa kaya bahagyang natawa si Araceae.

"Ganun ba?"

Masyadong busy sa kusina nang makapasok sila ni Yana, hindi magkamayaw ang mga katulong; may nagluluto, nag-aayos ng mga gamit para ilabas sa garden at meron namang kumakain.

"Madam, magandang tanghali. Gusto niyo ba? Ipaghahanda ko kayo," alok ni Laura, isa sa mga katulong na naroon sa kusina at kumakain ng pananghalian.

"Ako na ang maghahanda ng makakain ni Madam, Ate Laura." Agad na tumalima si Yana upang kumuha ng plato niya at ipaghain siya ng makakain. Ipinagsalin rin siya ng dalaga ng isang baso ng orange juice.

Pagkatapos kumain nagprisinta si Araceae na tumulong sa mga katulong sa paghahanda ngunit hindi naman siya pinahintulutan ng mga ito. Sa halip ay hinatid siya ni Yana sa silid nila ng mag-asawa nang dumating ang tatlong stylist para ayusan siya para sa party. Wala ng nagawa si Araceae kundi ang sundin ang mga ito at hayaan ang mga stylist na gawin ang gusto ng mga ito.

Tatlong oras bago magsimula ang party, iniwan siya ng mga stylist sa silid, ilang minuto ang lumipas pumasok sa kwarto si Kaya. Nakangiti ang lalaki at tila tuwang-tuwa sa kanyang hitsura.

"You're amazing, Aries."

"Salamat, kuya. Dumating na ba si Temur?"

Umiling ang lalaki. "Nasa opisina pa siya. Don't worry, he'll be home before the party starts."

Paniniyak ni Kaya na pinanghawakan ni Araceae ngunit nabigo siya sa huli nang halos tatlong oras na-late ang kanyang asawa sa party, tuloy ay mag-isa siyang humarap sa mga bisita nang ipakilala ni Kaya ang newlywed. Sa simula pa lang ng party napahiya na siya sa mga bisita, kung hindi lang dahil sa bayaw niyang todo suporta sa kanya at hindi umalis sa tabi niya baka naging emosyonal at dinamdam na ni Araceae ang pagiging late ng asawa niya.

"Madam, nasa lanai po ang asawa niyo," imporma ni Yana.

"Salamat, Yana."

Hindi nag-aksaya ng oras si Araceae para salubungin ang asawa na kadarating lang. Alam niyang pagod sa trabaho si Temur kaya kailangan niyang asikasuhin ito. Tamang-tama katatapos lang niyang kumain ng dinner.

"Where are you going?" tanong ni Kaya nang makasalubong niya ang lalaki kasama ng mga kaibigan nito.

"Dumating na raw si Temur, sasalubungin ko lang kuya..." Narinig niyang nagkantyawan ang mga kasama ni Kaya, pinupuna ng mga ito ang pagtawag niya ng 'kuya' sa kanyang bayaw. Agad naman na sinita ni Kaya ang mga kaibigan. Ayaw nitong magkaroon ng maling interpretasyon ang dalaga.

"Sige. I'll inform the guests na dumating na si Temur."

Nilisan ni Araceae ang garden ng may ngiti sa mga labi ngunit nabura iyon nang matagpuan ang asawa sa lanai na kausap ang isang maganda at napaka-sexy na babae. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya't pinili niyang magtago sa halip na magpakita at batiin ang mga ito.

"I really can't believe it, Temur. Seriously? Ang babaeng iyon talaga ang pinalit mo sa akin? Ganyan na ba kababa ang taste mo ngayon?" tahasang pagsasalita ng babaeng kasama ni Temur. Magkaharap na nag-uusap ang dalawa.

"Stop bothering me, Louise. You don't have the right to interfere in my life; it's no longer your concern. I can marry whomever I want."

Sarkastikong natawa ang babae.

Namaywang ito. "At sa tingin mo makikinig ako sa mga sinasabi mo?" Lumapit ito kay Temur at hinimas ang braso ng lalaki.

Nakuyom ni Araceae ang kamao. Hindi niya alam kung sino ang babae pero sa nakikita niya mukhang may dating relasyon ang dalawa bago pa siya pumasok sa buhay ni Temur.

"Why don't you leave that woman and be with me instead? Alam ko naman na ako pa rin ang mahal mo hanggang ngayon, right?"

"Stop saying nonsense..." Binaklas ni Temur ang pagkakahawak ng babae sa braso nito. Marahan nitong tinulak ang babae, ngunit parehong nagulat si Temur at Araceae nang bigla na lang yumakap ang babae kay Temur. Muling tinulak ng asawa niya ang babae ngunit kumapit talaga ito ng husto. Doon na nag-decide si Araceae na magpakita sa dalawa.

"Honey," tawag pansin niya. Parehong bumaling sa deriksyon niya ang mga ito. Dahil sa bigla niyang pagpapakita mabilis at malakas na tinulak ni Temur ang babae at sa pagkakataon na ito ay napabitiw na ito na halos matumba sa lakas ng pagtulak ng asawa niya.

"Aries..."

"Kanina pa kita hinihintay." Naglakad siya palapit sa asawa at inangkla ang kamay sa braso ni Temur. "Sino siya?" Nakangiti na tanong niya.

"Oh... She's Louise, my ex-girlfriend." Walang pagdadalawang-isip na sagot ni Temur kaya mapang-uyam na ngumiti ang babae sa kanya.

"I'm pleased to meet the ex-girlfriend. I'm Aries, the wife." Siya naman ang ngumisi ng matamis sa babae. Anong akala nito magpapatalo siya? No way!

"Aries? How nice? I think I knew that name before—Mhmm… Saan ko nga ba narinig ang pangalan niya—"

"Let's go back to the party," ani Temur sinadya na hindi patapusin si Louise. Inangkla nito ang kamay sa baywang ni Araceae at hinila na ang asawa paalis ng patio. Hindi man lang ito nagpaalam sa babaeng kausapin nila, na ikinatuwa ni Araceae, ngunit hindi pa rin niya napigilang magtaka.

Pagbalik nila sa garden kung nasaan ang party, marami ang sumalubong sa kanila, binabati silang mag-asawa. Ang iba sa mga kaibigan ni Temur ay maganang nakikipag-usap sa kanya na tila ba matagal na siyang kakilala gayong una palang niyang nakilala ang mga ito.

Malaki ang ngiti ni Araceae nang mahagip ng kanyang tingin si Kaya na nakatayo kasama pa rin ng mga kaibigan nito. Nakatingin sa kanya ang lalaki, hindi malayo sa kanya kaya kita niya ang mga emosyon sa mata nito; he seems so pitifully sorry. Pero saan naman?

"So, Aries... The first time we met you we're with Kaya at his—"

"Ellie," may pagbabanta na saway ni Max sa girlfriend, kausap ngayon ni Aries ang magkasintahan na parehong ka-block ni Temur noong nag-aaral pa lamang sa kolehiyo ang asawa niya.

Si Araceae ay hindi napigilan ang pagkunot ng noo. Naguguluhan na nilingon niya si Temur, ngunit nag-iwas lamang ng tingin ang lalaki. Kanina niya pa napapansin, may kakaiba sa mga kaibigan ng magkapatid. Ang akala niya kasing malamig na pakikitungo ay naging mainit na pagtanggap, hindi lang iyon, para bang hindi na siya bago sa mata ng mga ito. Komportable at may paggalang ang lahat kung kausapin siya, maliban na lang kay Louise.

"Oh, I'm sorry about that. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Excuse us for a moment magpapasama lang ako kay Max sa washroom,” paalam ng babae at hinila na ang kasintahan paalis.

Hinarap ni Araceae ang asawa nang tuluyan silang iwan ni Ellie at Max.

"Anong sinasabi ni Ellie?" Hindi niya pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito. Curious siya at gusto niyang malaman kung ano ba ang tinutukoy ni Ellie, the woman said, ‘the first time they met’. Ang ibig sabihin ba ay hindi ito ang unang beses na nagkakilala sila? At kung hindi nga, saan naman sila posibleng nagkita ng babae? Sa kasal? Pero wala siyang natatandaan na pinakilala ni Temur ang couple o kahit si Ellie.

"She told you already, don't mind her." Yumapos ang kamay ni Temur sa baywang niya at niyakap iyon ng mahigpit. Isang magaan na halik ang nilapat nito sa kanyang ulo dahilan para mapangiti si Araceae at mapawi ang pagkabalisa niya, ngunit hindi iyong nagtagal nang muling mahagip ng tingin niya si Kaya na malungkot at tila nasasaktan na pinanunood sila ng asawa.

***

"Magandang umaga," bati ni Araceae nang maabutan si Kaya sa lanai na umiinom ng kapi. Maaga siyang gumising upang pagsilbihan si Temur bago ito pumasok sa trabaho.

"Mhmm... Morning! Ang aga mo naman yatang gumising?" tanong nitong nasa news paper lang ang mga mata.

Bumungisngis siya.

"Pinagluto ko si Temur ng breakfast, may natira pa sa kusina, gusto mo ba?"

"No, thanks. Hindi ako tulad ng kapatid ko na mahilig sa tira-tira ng iba."

"Ganun ba? Sorry, pero kung gusto mo ipagluto na lang kita, Kuya."

"It's fine. We have maids by the way..."

Sumimangot si Araceae. Bakit ganun? Parang ang lamig naman yata ng pakikitungo ni Kaya sa kanya ngayon? Kahapon lang ay para itong personal bodyguard niya sa party. May nangyari kaya na hindi niya alam?

"Ahem!" Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng lalaki ngunit hindi naman ito nag-angat ng tingin sa kanya, lalo siyang sumimangot. "Kuya, bakit hindi ka pumapasok sa trabaho?"

Doon lang nag-angat ng tingin si Kaya, ngunit salubong naman ang kilay ng binata mukhang hindi nagustuhan ang tanong niya. Curious lang naman siya, ang sabi kasi ni Temur ay napaka busy na tao ng kapatid nito, pero sa nakikita ni Araceae parang hindi naman, halos one week na itong nakatambay lang sa bahay.

"Huwag mong masamain ang tanong ko kuya. Curious lang ako, that's all."

"I'm on vacation," tipid na sagot nitong binalik ang tingin sa news paper.

"Ah..."

"Temur took a month off for your wedding and honeymoon, naiwan akong mag-isa sa kompanya. Not that I can't manage the company on my own; I just took a week off to unwind."

"Ah..."

Muling natahimik ang dalawa. Ang mata ni Araceae ang naglikot sa palagid, bigla na lang siyang nakaramdam ng awkwardness. Dahil pala wala itong assistant na-stress si Kaya ng isang buwan habang sila ni Temur ay nagpapakasaya sa piling ng isa't-isa. Parang feeling nita tuloy may utang na loob siya sa lalaki.

"You don't have to feel guilty. Weddings and honeymoons are important, after all..."

Sumimangot siya. Bakit parang pakiramdam niya may halong sarkasmo ang mga sinasabi nito?

"Ah, oo." Awkward na inabot ni Araceae ang cup sa gitna ng table at sumimsim doon. Ngunit nang ilapag niya ulit sa table ang cup, nagtaka siya dahil sa paniningkit ng mata ni Kaya sa kanya.

"B-bakit?"

"That's my coffee you know."

Nanlaki ang mata ni Araceae. Bumaba ang mata niya sa table at doon niya napagtanto na isa lang ang cup na naroon. Oh, my goodness!

"S-sorry, na tense kasi ako napainom ako bigla. Nakalimutan kong wala pala akong kapi. Pasensya na," hiyang-hiya niyang paumanhin sa lalaki.

"It's fine. It's just a coffee. Para namang hindi tayo naglaplapan dati."

"Excuse me?" nabibingi niyang tanong.

"Nothing. Gusto mo bang mag-swimming?" Tinupi nito ang hawak na newspaper at inilapag sa ibabaw ng table.

Ito na naman ang pakiramdam ni Araceae. Feeling niya may gustong iparating si Kaya sa kanya ngunit hindi niya matukoy kung ano dahil nililiko agad nito ang topic.

"Hindi ako marunong lumangoy," sagot niyang nag-iwas ng tingin.

"Perfect. Tara, tuturuan kitang lumangoy," ani Kaya at tumayo. "Magbihis ka muna, see you at the pool."

Related chapters

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 14

    Nakita agad ni Araceae si Kaya nang lumabas siya sa pool area. Naupo ang dalaga sa gilid ng pool at pinanood ang paglangoy ng binata. Napaka galing nito, humahanga siya sa galing nito sa paglangoy at naiinggit, sana kasing galing siya ng bayaw.Ilang minuto ang lumipas bago siya napansin ni Kaya sa gilid ng pool. Lumangoy ito patungo sa gawi niya.“Kanina ka pa? Hindi mo ako tinawag,” anito nang umahon sa tubig. Sinuklay ng kanan nitong kamay ang basang buhok upang ayusin.“Napaka galing mong lumangoy, Kaya.”“Really?”“Oo, na inggit nga ako. Sana kasing galing mo akong lumangoy, ‘di naman ay kahit natuto lang sana akong lumangoy.”Nakunot ng binata ang noo.“Seryoso ka ng sabihin mong hindi ka marunong lumangoy?”“Oo, bakit mukha ba akong nagbibiro lang?” biro niyang tugon sa lalaki.“Yes. Dahil ang alam ko mas magaling ka pa sa akin lumangoy.”Si Araceae naman ang nagkunot ng noo. Bigla niyang naalala ang sinabi ng ama, magaling daw siyang lumangoy, ngunit nang mangisda sila at nah

    Last Updated : 2022-10-09
  • Underground Society: Love On The Brain   Simula

    Nagmamadali na nilagay ni Araceae ang mga damit sa itim na duffle bag. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng silid upang hindi magising ang mga natutulog na kasamahan. Kaliwa't-kanan ang lingon niya, alerto at walang ingay na lumalakad sa pasilyo ng malaki at lumang bahay ampunan. Kabado siya ngunit puno ng kumpyansa ang bawat kilos. Makakatakas siya. Iyon ang tumatakbo sa isip niya sa sandaling iyon. Walang makakapigil, aalis siya upang hanapin ang tunay na magulang. Gamit ang spare key na palihim niyang kinuha sa opisina ng mother superior, binuksan ni Araceae ang back door. Hindi siya dapat magsayang ng oras, matagal niyang hinintay ang gabing ito. Hindi na siya makakaalis pa sa bahay ampunan kung hindi siya tatakas ngayon. Tumakbo si Araceae patungo sa pader, nang matagumpay na makalabas ng back door. Itinapon niya sa kabilang bahagi ng pader ang duffel bag na dala. Pagkatapos ay inakyat ang puno ng narra, mula roon tumalon siya patungo sa pader. Muntik pa siyang mahulog nang

    Last Updated : 2022-08-01
  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 1

    Trigger Warning (18+) Hindi alam ni Araceae kung ilang araw na siyang nakakulong sa silid na kinasadlakan, nakagapos pa rin ang mga kamay niya sa haligi ng bakal na kama. Kahapon ay binisita na naman siya ng lalaki at paulit-ulit na ginagamit hanggang sa maging lantang gulay, nang matapos ang lalaki at nilisan nito ang silid, dinaluhan agad siya ng mga katulong, nilinisan at binihisan. Kasabay ng pagturok ng dr*ga ng mga ito dahilan para mawalan siya ng malay tao. Mabigat ang talukap ng mata na nagmulat si Araceae. Hinanghina pa rin siya kahit na buong maghapon na nakaratay sa kama. Hinayaan nitong tumulo ang luha sa mga mata, mamaya'y maingay na itong humikbi na parang bata na inagawan ng laruan. Ang bigat-bigat ng kalooban niya. Gusto niyang sumigaw sa galit at hinanakit. Bakit ginawa ito sa kanya ng lalaking iyon? Ano ang kasalanan niya? Paulit-ulit nitong sinasabi na pagbabayarin siya sa ginawa niya dito. Ngunit walang matandaan si Araceae, hindi pa sila nagkita ng lalaki. Buon

    Last Updated : 2022-08-01
  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 2

    Lumilipad ang isip ni Temur nang lumakad patungo sa kusina. Nakasalubong nito ang nakatatandang kapatid na kagigising lang din tulad niya, ngunit parang walang nakita si Temur, nilagpasan lang nito ang kapatid. "Hey, what's your problem? Galit ka pa rin ba?" tanong ni Kaya ngunit nagtuloy-tuloy lang ang kapatid sa counter at hinarap ang coffeemaker. "Temur...," tawag ni Kaya dito. Natauhan si Temur, nagising ito mula sa pagiging lutang. Hinarap nito ang kapatid. "Kuya, ikaw pala." "Ako pala?" Lumapit si Kaya sa kapatid. "Okay ka lang? Nagpuyat ka ba kagabi?" tanong nitong inilapit ang mukha kay Temur. "Yeah... I studied until morning. Why?" Umiwas si Temur ng tingin sa kapatid at muling hinarap ang coffeemaker. Hindi niya pa rin lubos akalain na kayang gawin ng kapatid niya ang bagay na iyon. Ang daming pasa sa buong katawan ng babae, hindi niya ito halos nakilala, pumayat ito at maputlang-maputla. Nag-igting ang bagang ni Temur. Ano ang maari niyang gawin? Hindi niya pwedeng pa

    Last Updated : 2022-08-03
  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 3

    "I know you're both terrible, but do you really have to do this to her?" Nakasimangot na tanong ni Venom sa mga kaibigan. Nakaupo silang tatlo sa lounge malapit sa maliit na swimming pool. Pinanonood ang mga magaganda at sexy'ng babae na naglalaro sa pool, ang iba ay nakikipagtalik sa ibang bisita ni Vito, na kasamahan din nila sa oraganisasyon. "Bakit ba concern ka sa babaeng iyon?" iritableng tugon ni Vito. "Kung interesado ka sa kanya pwede mo naman akong saluhan mamaya," dagdag pa nito. "Ayoko nga, 'di ba?" Nilingon ni Venom si Kaya. "She's your ex-lover... Do you want this stupid man to have a way with your woman–" "She's nothing but a toy, Venom." Sumimsim si Kaya ng alak sa hawak na baso. "Binili ko siya sa auction bilang laruan, I can do whatever I want to that wench." "But–" "Shut it, Venom. Bakit ba masyado kang concern sa babaeng 'yon?" Hindi nagawang sagutin ni Venom ang tanong ni Vito. Bakit nga ba concern siya sa babaeng iyon? He's not a saint. Tulad ng mga kasama ni

    Last Updated : 2022-08-14
  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 4

    "Hindi ka ba napapagod panoorin ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan, Aries?" Hindi magawang lingunin ni Araceae ang matandang babae na nagsalita sa likuran niya. Alam ng dalaga na narito ito para alukin siya ng pananghalian. Hapon na at hindi pa siya umaalis sa pwesto niya sa tabing dagat mula pa kaninang umaga. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan, pero kailangan mong kumain Aries, anak. Alagaan mo ang iyong sarili para sayo at para sa amin ng tatay mo," napakalungkot ng boses nang sabihin iyon ng ginang sa kanya. Pero hindi man lang makapa ni Araceae ang awa para sa babae. Ang matandang babae na walang ibang ginawa kundi mag-alala sa kanya simula ng magising siya. Gulong-gulo ang isip niya ngayon. Sino ba siya at bakit paulit-ulit siyang tinatawag na Aries ng ginang? Hindi niya kilala ang babaeng binabanggit nito, at lalong hindi siya ang babaeng iyon. Siya si Araceae, walang mga magulang at sa tingin niya ay lumaki siya sa isang bahay ampunan— ang dalawang bagay na

    Last Updated : 2022-08-24
  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 5

    Dalawang taon na ang nakalipas mula nang araw na napadpad si Araceae sa isla at nakikilala ang matandang mag-asawa. Sa dalawang taon na paninirahan niya kasama nila tuluyan na niyang niyakap ang pangalan na Aries. Misteryo pa rin sa kanya ang ilang mga bagay, lalo na ang lalaking gabi-gabi na lang kung mapanaginipan niya, ngunit mas nangibabaw kay Araceae ang pagiging kontento. Mabuti sa kanya ang mag-asawa kaya naman, kahit pa sabihin na hindi nga siya ang anak nila, mas pinili niyang yakapin na lang kung ano ang nasa harap niya ngayon. Total naman dalawang taon na ang lumipas, at hanggang ngayon wala pa rin ni katiting na alaala ang bumabalik sa kanya. Gusto na lang din niyang paniwalaan na siya nga si Aries, ang anak ng mag-asawang Sangalang. "Dahil kalahati ng huli natin ay ikaw ang nakahuli. Ibibigay ko sa iyo itong isang libo." Inabot sa kanya ng ama ang pera ngunit agad siyang umiling at tinulak palayo ang kamay nito. "Hindi na 'tay, sa inyo na 'yan. Alam ko naman na mas kaila

    Last Updated : 2022-08-29
  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 6

    "Invited guest lang ang maaaring pumasok, pasensya na Miss." Dahilan ng security nang tangkain ni Araceae na pumasok sa private pool ng resort kung saan ginaganap ang party ni Temur. Umatras siya upang tingnan ang sign na nakalagay sa entrance. Tama naman siya ng pinuntahan na lugar, nasa loob ang party ni Temur. "Naiintindihan ko po kuya, pero invited guest talaga ako ng celebrant. Narito pa nga ang regalo ko, oh?" sabi niya at pinakita sa security ang regalo niyang nakabalot ng gift wrapper. Siya pa mismo ang bumili ng gift wrapper sa book store sa bayan. "Ipakita mo muna sa akin ang invitation card mo, Miss." Nakagat ni Araceae ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Wala kasi siya ng hinahanap nito. Sa tawag lang siya inimbitahan ni Temur at hindi pa talaga sila nagkikita ulit ng binata simula noong araw na tinulungan siya nito. Wala rin naman siyang nakitang invitation kasama ng regalo ni Temur sa kanya. "Kuya, pwede bang tawagin mo na lang si Temur? Sabihin mo hinahanap ko si

    Last Updated : 2022-09-19

Latest chapter

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 14

    Nakita agad ni Araceae si Kaya nang lumabas siya sa pool area. Naupo ang dalaga sa gilid ng pool at pinanood ang paglangoy ng binata. Napaka galing nito, humahanga siya sa galing nito sa paglangoy at naiinggit, sana kasing galing siya ng bayaw.Ilang minuto ang lumipas bago siya napansin ni Kaya sa gilid ng pool. Lumangoy ito patungo sa gawi niya.“Kanina ka pa? Hindi mo ako tinawag,” anito nang umahon sa tubig. Sinuklay ng kanan nitong kamay ang basang buhok upang ayusin.“Napaka galing mong lumangoy, Kaya.”“Really?”“Oo, na inggit nga ako. Sana kasing galing mo akong lumangoy, ‘di naman ay kahit natuto lang sana akong lumangoy.”Nakunot ng binata ang noo.“Seryoso ka ng sabihin mong hindi ka marunong lumangoy?”“Oo, bakit mukha ba akong nagbibiro lang?” biro niyang tugon sa lalaki.“Yes. Dahil ang alam ko mas magaling ka pa sa akin lumangoy.”Si Araceae naman ang nagkunot ng noo. Bigla niyang naalala ang sinabi ng ama, magaling daw siyang lumangoy, ngunit nang mangisda sila at nah

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 13

    "Anong meron?" nagtatakang tanong ni Araceae nang maabutan ang mga kasambahay na busy, paroo't-parito sa buong kabahayan. Tinanghali na siya ng gising dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang naabuso niya yata ang katawan, ayaw kasing tumigil ni Temur, masyado rin naging rough sa kanya ang asawa kagabi. "Para po sa party niyo mamaya, Madam..." Nakunot ni Araceae ang noo sa sagot ni Yana. Party niya? Wala naman siyang natatandaan na nagplano sila ni Temur ng party, at para naman saan ang party? "Anong party?" "Celebration po ng pag-iisang dibdib niyo ni Sir Temur." "Huh?" "Si Sir Kaya po ang nakaisip nito. Since hindi raw siya nakadalo at marami sa mga close friends nila ang hindi rin nakadalo sa kasal niyo ni Sir Temur sa probinsya, magkakaroon po ng party para sa kasal niyo ngayong gabi," paliwanag ni Yana. "Pero wala namang nasabi sa akin ang asawa ko." "Surprise party raw ito para sa inyong mag-asawa sabi ni Sir Kaya, regalo niya para sa inyong dalawa ni Sir Temur,"

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 12

    “What do you think? It’s delicious, right?” Tumango si Araceae sa tanong ni Kaya. Napakasarap nga ng cookies nito, walang panama ang cookies na binibili nila sa bakery ni Aling Brenda.“Mhm! Sobrang sarap, sigurado akong mahal ang cookies na ito. Sa Germany mo pa ito nabili tama?”“Yes,” sagot nito at sumimsim ng kapi sa hawak na cup. “Mabuti naman at nagustuhan mo, pasalubong ko talaga ‘yan sayo. Hindi ako nakadalo sa kasal niyo ng kapatid ko kaya naisip kong pasalubungan ka na lang…”“Totoo? Salamat sa pasalubong kuya!”Sunod-sunod na umubo si Kaya nang masamid sa iniinom. “What did you call me?”“K-kuya?” alanganin na sagot niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago ng mood nito. Ang kilay nito ay bigla na lang nagsalubong. Hindi ba nito nagustuhan ang itinawag niya dito?“May problema ba? Ang ibig kong sabihin, hindi mo ba gusto na tinatawag na kuya?”Ibinaba nito ang cup sa table sa gitna nila. "No, call me whatever you want; I'm just surprised. I'm not used to

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 11

    Hindi napigilan ni Araceae na kiligin nang alalayan siya ni Temur papasok sa isang itim na sasakyan. Paglabas nila ng airport may nakaabang ng sasakyan sa kanila, at lulan nito ang dalawang bodyguards ng asawa niya."Saan tayo, boss?" tanong ni James kay Temur nang makapasok na rin ang asawa niya ng sasakyan. Si James pa rin ang nagsisilbing driver ng kanyang asawa. Si Rupert naman ay sa shotgun seat ng sasakyan umupo, habang sila ni Temur ay nasa backseat."Let's go straight home. Is my brother already in the Philippines?" Nilingon siya ni Temur at nginitian. Alam nitong kabado siya dahil haharapin niya ang kaisa-isang kadugo ng asawa. Masaya siyang haharap siya sa pamilya ng asawa niya ngunit hindi mapigilan ni Araceae na hindi kabahan lalo na’t ito ang unang pagkakataon na haharap siya sa bayaw niya."Don't be nervous. We're only going to deal with my older brother, not my father.""Kahit na, Temur.” Nakasimangot niyang tugon sa asawa. “Hindi ko pa rin mapigilan, kinakabahan ako. P

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 10

    Kagat ang ibabang labi na ngumiti si Araceae nang mahigpit siyang niyakap ni Temur. Napahagikhik pa ang dalaga nang makiliti sa buhok ng lalaki na tumatama sa kanyang pisngi. Panay ang halik at singhot nito sa kanyang leeg. Nakikiliti siya kaya sapilitan niyang tinulak ang ulo ng binata."Nakikiliti ako Temur," ani Araceae na hinihila ang kumot na bumaba na sa kanyang baywang dahilan para ma-expose ang hubad niyang katawan."I just wanna hug you," nakasimangot na reklamo ng binata. Napatili si Araceae nang bigla na lang pumaibabaw sa kanya si Temur at pinupog ng halik ang kanyang mukha. Panay ang tawa ng dalaga sabay tulak muli sa mukha ng binata. Ayaw talaga siyang tantanan nito."Nakikiliti ako itigil mo 'yan Temur." Ngunit hindi pa rin siya tinigilan ng kasintahan. Pinuno nito ng halik ang mukha niya. Hindi pa ito na kontento, maging ang leeg ng dalaga ay nilapatan ng magagaan na halik. Ngunit agad din natigilan si Araceae nang mag-iba ang timpla ni Temur. Ang magaan at simple nit

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 9

    "Nakakadiri ako, hindi ba?" Malungkot na ngumiti si Aracea pagkatapos ikwento kay Temur ang kanyang nakaraan. Ang nakalipas na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang alalahanin. Wala siyang iniwan, lahat ng detalye na natatandaan niya ay sinabi niya sa binata. Hindi na siya magtataka kung pagkatapos ng mga sinabi niya ay nawalan na ng interes sa kanya ang binata. "Why?" "Huh?" Kunot ang noo na nilingon niya ang binata. "Bakit ikaw mismo ang nagsasabi niyan sa sarili mo?" Unti-unting nabura ang pagtataka sa mukha ng dalaga at napalitan ng lungkot. "Ano pa man ang nangyari sa nakaraan mo, hindi mo dapat ibinababa ng ganyan ang sarili mo. Ano ngayon kung ganun nga ang nangyari sayo? Nakaraan na iyon, dapat ng kalimutan." "Temur..." "Don't call yourself that again, I don't want to hear you insult yourself, Aries." Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at masuyong hinalikan. "You do not deserve to be called that just because of your heinous past." "Hindi ka ba nandidiri sa akin?

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 8

    "Bakit dito mo ako dinala?" tanong niyang nilingon si Temur nang huminto ang sasakyan sa harap ng public market. Pinasundo siya ng binata sa mga bodyguard nito kanina sa isla. "Mamimili ba tayo ng pagkain mo?" dagdag pa ni Araceae, nagtatakang tinitigan ang binata. "Ang sabi mo ay ipagluluto mo ako ng biko pagbalik ko, hindi ba?" Nagtaka lalo si Araceae, ngunit tumango pa rin sa kay Temur bilang tugon. "Nice! Mamili na tayo ng ingredients ng biko, pagkatapos ay lutuan mo ako sa inyo," excited nitong pahayag. "Sa 'min?" "Hindi ba't sinabi mong dapat kong ligawan ang magulang mo bago ikaw?" Nanlaki ang mga mata niya. Hala! Huwag nitong sabihin na balak nitong bumisita ngayon sa isla? Naku, hindi siya nakapag linis ng bahay nila! Hindi niya alam na balak pumunta ni Temur sa kanila, hindi siya nakapag general cleaning. "Ngayon na talaga?" Ngumiwi si Araceae sa sariling tanong. Ano ba 'yan... Dapat ay nagsasabi ito na bibisita ito sa tahanan nila para naman nakapag handa siya. "Oo, b

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 7

    "Nay, tapos na po akong maghugas ng pinggan. Maari ba akong sumama kay tatay sa pangingisda?" paalam ni Araceae sa ina nang makita itong pumasok ng kusina. Kararating lang ng ina niya mula sa bayan, dalawang beses sa isang linggo kasi naglalabada ang ina niya sa bahay ng kaibigan nito, pandagdag kita na rin. "Hindi ka ba pupunta sa bayan?" Umiling si Arceae sa ina. "Naubos na po ang kakanin kaninang umaga kaya hindi na ako babalik ngayong hapon. Ang dami pong bumili nay," pagbibida pa ni Araceae. "Bukas po magluto tayo ng marami." "Aba'y nakakatuwa naman kung ganun." Ibinaba ng ina niya sa kawayan na mesa ang plastic bag na dala nito. Lumapit si Araceae upang tulungan itong ilabas ang mga pinamili. "Bumili ako ng maraming kamatis, paborito ang mga ito." Napangiwi siya nang ibigay ng ina sa kanya ang dalawang kilo ng kamatis. "Salamat, nay!" Ngiti ni Araceae. Tumalikod siya upang hugasan ang kamatis sa kawayan na sink at niligpit ng maayos sa lagayan. Sa totoo lang ay never niyan

  • Underground Society: Love On The Brain   Kabanata 6

    "Invited guest lang ang maaaring pumasok, pasensya na Miss." Dahilan ng security nang tangkain ni Araceae na pumasok sa private pool ng resort kung saan ginaganap ang party ni Temur. Umatras siya upang tingnan ang sign na nakalagay sa entrance. Tama naman siya ng pinuntahan na lugar, nasa loob ang party ni Temur. "Naiintindihan ko po kuya, pero invited guest talaga ako ng celebrant. Narito pa nga ang regalo ko, oh?" sabi niya at pinakita sa security ang regalo niyang nakabalot ng gift wrapper. Siya pa mismo ang bumili ng gift wrapper sa book store sa bayan. "Ipakita mo muna sa akin ang invitation card mo, Miss." Nakagat ni Araceae ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Wala kasi siya ng hinahanap nito. Sa tawag lang siya inimbitahan ni Temur at hindi pa talaga sila nagkikita ulit ng binata simula noong araw na tinulungan siya nito. Wala rin naman siyang nakitang invitation kasama ng regalo ni Temur sa kanya. "Kuya, pwede bang tawagin mo na lang si Temur? Sabihin mo hinahanap ko si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status