“What do you think? It’s delicious, right?” Tumango si Araceae sa tanong ni Kaya. Napakasarap nga ng cookies nito, walang panama ang cookies na binibili nila sa bakery ni Aling Brenda.
“Mhm! Sobrang sarap, sigurado akong mahal ang cookies na ito. Sa Germany mo pa ito nabili tama?”
“Yes,” sagot nito at sumimsim ng kapi sa hawak na cup. “Mabuti naman at nagustuhan mo, pasalubong ko talaga ‘yan sayo. Hindi ako nakadalo sa kasal niyo ng kapatid ko kaya naisip kong pasalubungan ka na lang…”
“Totoo? Salamat sa pasalubong kuya!”
Sunod-sunod na umubo si Kaya nang masamid sa iniinom. “What did you call me?”
“K-kuya?” alanganin na sagot niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago ng mood nito. Ang kilay nito ay bigla na lang nagsalubong. Hindi ba nito nagustuhan ang itinawag niya dito?
“May problema ba? Ang ibig kong sabihin, hindi mo ba gusto na tinatawag na kuya?”
Ibinaba nito ang cup sa table sa gitna nila. "No, call me whatever you want; I'm just surprised. I'm not used to being called 'brother' by my ex-girlfriend."
“Ano?” tanong ni Araceae nakakunot ang noo. Hindi niya kasi narinig ng maayos ang huling sinabi nito. Mukhang importante pa naman ang sinabi nito.
“It’s nothing.” Iling nito at ngumiti sa kanya. “Ah… Kung gusto mo mag-uutos ako ng bibili ng cookies na iyan sa Germany. Para naman makakain ka palagi.”
“Ha? N-naku! Hindi na kuya. Ang layo ng Germany, okay na ako sa mga cookies na nabibili sa malapit,” mabilis niyang tanggi. Grabe naman! Kung makapagsalita ito parang nasa kabilang brangay lang ang Germany. Pamasahe pa lang sa eroplano marami na siyang mabibiling cookies ni Aling Brenda. Ganito ba palagi ang mga mayayaman?
“I insist. Mukhang gustong-gusto mo ang cookies, eh.”
“H-h’wag na Kuya, promise okay lang talaga.” Tumawa siya upang gumaan ang atmosphere sa pagitan nila ng lalaki, pero agad rin namang natahimik si Araceae nang hindi nagsalita si Kaya at tumitig lang sa kanya.
“May problema ba?” naiilang niyang tanong sa bayaw. Grabe naman kasi ito kung makatitig sa kanya, pakiramdam niya ay kita nito pati kaluluwa niya.
“Napakaganda mo pa rin talaga…”
“Huh?”
Umiling ito.
“Kumusta naman ang honeymoon niyo ng kapatid ko sa Hawaii?” Pag-iiba agad ni Kaya ng paksa. Gustong liwanagin ni Araceae ang narinig ngunit mukhang walang balak ang lalaki na pag-usapan ang nasabi nito kaya hinayaan na lang niya.
“Okay lang naman. First time kong makapunta ng ibang bansa kaya masaya ako. Napaka ganda ng Hawaii, gustong-gusto ko ang beach nila.” Nakangiti na pagkukwento niya.
“First time? Hindi ka pa nakakapunta sa ibang bansa noon?” puno ng pagtataka na tanong ni Kaya. Naguguluhan siya, sinabi sa kanya ni Temur na nawalan ito ng alaala pero lahat ba ng memorya nito ay talagang nabura? Hindi Hawaii ang unang bansa na binisita nito. Noong sila pa lang ni Aries, dinala niya ang dalaga sa Canada bilang regalo sa first year anniversary nila.
“Hindi ako sigurado.” Nagbuntong-hininga si Araceae. Pwede naman niyang i-share kay Kaya ang nakaraan niya hindi ba? Pamilya na niya ang lalaki kaya tama lang na mas makilala nila ang isa’t-isa. “Ang totoo n’yan ay nabura ang alaala ko. Wala akong matandaan na kahit ano bago ako napadpad sa Isla Verde.”
Nagtangis ang bagang ni Kaya sa narinig. Isla Verde, malapit lang ang lugar na iyon kung saan sila pumalaot noong kaarawan ni Vito. Walang duda, ang babaeng ito nga ang Aries na kilala niya. Ang babaeng naging dahilan ng pagiging ulilang lubos nila ni Temur.
“May problema ba?” tanong ni Araceae nang matulala sa kawalan ang kausap. Mukhang may malalim itong iniisip.
“I have to go.” Bigla itong tumayo. “Nakalimutan ko, may gagawin pa pala ako. Enjoy your cookies,” paalam nito at tinalikuran siya. Sinubukan ni Araceae na tawagin ang lalaki ngunit umalis pa rin ito na parang walang narinig.
“Ano kaya ang nangyari sa kanya?” nakasimangot na tanong ni Araceae sa sarili. Biglaan kasi ang pagbabago ng timpla nito. Akala niya ay nagkakaroon na sila ng connection ng bayaw niya pero mukhang nagkamali siya. Sa isang iglap bigla na lang kasing may pader na nakaharang sa pagitan nila, ramdam niyang ayaw nitong matibag ang pader na iyon.
***
Niyakap ni Araceae ang sarili nang umihip ang malakas na hangin. Tingay ang mahaba niyang buhok at napunta sa kanyang likod. Malalim na ang gabi at tulog na halos lahat ng tao sa mansion, ngunit hindi pa rin umuuwi ang kanyang asawa. Hindi ito tumawag sa kanya na mali-late ng uwi tulad ng madalas nitong gawin kaya nag-aalala siya ng labis.
“Temur, nasaan ka na ba?” bulalas niyang naroon lang sa malaking gate ang tingin. Inaantok na siya’t nagugutom. Hindi siya sumabay kumain ng hapunan kanina dahil hinihintay ang asawa, ngayon ay nagsisisi siya. Sana pala kumain siya kahit kaunti tulad sabi ni Kaya.
"Why don't you just go to bed? I'm not saying you shouldn't wait for your husband, but isn't it better for you to rest or at least eat your dinner?” Gulat na nilingon niya si Kaya na nakatayo pala sa kanyang likuran.
“Kuya, gising ka pa pala. Anong ginagawa mo dito?” Hindi sumagot ang lalaki. Naglakad ito patungo sa railing ng balcony at sumandal. Nagtaka si Araceae nang may kinuha ito sa bulsa ng pants. Saka lang niya na-realise na sigarilyo pala ang kinuha ng lalaki, nang sindihan nito iyon. Humithit si Kaya at binuga ang usok na nakaharap pa rin sa kanya.
Napaiwas si Araceae ng mukha nang masinghot ang usok.
“Hindi magandang naninigarolyo ka sa harap ko kuya,” saway niya dito at pinaypay ang kamay upang bugawin palayo sa mukha niya ang usok.
Tinitigan siya ni Kaya. “Will you stop calling me 'kuya'?” mamaya at tanong nito na nakakuha ng buong atensyon ni Araceae. Hindi naiwasan ng dalaga na magtaka. Kanina pa niya napapansin na hindi ito komportable sa tuwing tinatawag niyang ‘kuya’.
“Bakit? Dahil ba hindi ka komportableng tinatawag na kuya ng isang pobreng katulad ko?” Natigilan ito sa tanong niya, mamaya ay sarkastikong natawa.
“No.”
“Kung ganun, bakit?”
"I'm not sure; I just prefer to be addressed by my name… I guess?"
Pareho silang natahimik. Ang lalaki ay patuloy lang sa paninigarilyo, at nang hindi na makatiis ay muling sinaway ni Araceae ang lalaki. “Pwede bang tigilan mo ‘yan? Hindi ko gustong maamoy ang usok ng sigarilyo mo.”
“Why? Are you pregnant?”
“Ano? Syempre hindi! B-bakit naman ako mabubuntis?” tanggi agad niya. Nag-iwas si Araceae nang mataman siyang tinitigan ni Kaya sa mukha. Ano ba ang problema ng taong ito? Kanina niya pa napapansin ang matagalang pagtitig nito sa kanyang mukha. Napahawak si Araceae sa mukha, may problema ba sa mukha niya?
“I’m sure you’re doing that thing with my brother, syempre mabubuntis ka.”
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Araceae. Hindi niya itatanggi ang bagay na iyon, pero tama bang pag-usapan nila ng bayaw ang ganitong bagay? Hindi ba’t private matter nila ito ni Temur?
“A-ano naman ngayon?”
“Mhmm… Nothing, I’m just stating a fact.” Tumalikod ito sa kanya at humarap sa railings. Tinukod nito ang isang kamay, habang ang isa ay hawak pa rin sa dalawang daliri ang sigarilyo. “You told me that you had forgotten about your past. Wala ka ba talagang maalala kahit na iyong mga taong nakasalamuha mo dati?”
Umiling si Araceae kahit hindi naman siya nakikita ng binata. Tulad ni Kaya, lumapit siya sa railings ng balcony at tinukod ang kamay doon. “Wala talaga akong maalala kahit anong pilit ang gawin ko. Pero basi sa naging kondesyon ko noon nang makita nila ako sa baybayin ng isla, mukhang hindi maganda ang nangyari sa akin. Bukod sa sinabi ni Nanay na nakunan ako, wala na akong ibang pinanghahawakang impormasyon tungkol sa aking nakaraan.” Nakuyom ni Araceae ang mga kamao na nakahawak sa railings. Hindi man tama na maglihim siya, pero hindi pa siya handang i-share sa bayaw niya ang tungkol sa lalaking nasa mga bangungot niya, ayaw niyang mandiri ito sa kanya.
“Nakunan ka?” Seryoso ang mukha na hinarap siya ni Temur. “Sino ang ama?” tanong pa ng lalaki sabay hawak sa magkabila niyang braso. Gulat na napaatras si Araceae ngunit hindi naman niya nagawang makalayo kay Kaya dahil hindi siya nito binitawan.
“N-nasasaktan ako…”
“I’m sorry.” Mabilis siya nitong binitawan. Bumalik ito sa dating pwesto at muling humithit ng sigarilyo. “Kilala mo ba ang ama?”
“Sinabi ko na sayo wala na akong ibang alam pa bukod sa impormasyon na sinabi ni Nanay. Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon sa nakaraan ko.”
Nakita niyang nag-igting ng bagang nito. “I see,” ngunit iyong lang ang tanging sinabi ng lalaki.
Pareho silang natahimik muli.
Hindi niya alam kung bakit interesado si Kaya na malaman kung sino ang ama ng batang dinadala niya noon. Hindi ito ang inasahan niyang magiging reaksyon ng lalaki sa sinabi niya. Inisip niyang mandidiri ito sa oras na malaman na bukod sa kapatid nito ay may ibang lalaki na dumaan sa buhay niya.
Sabay silang napalingon ni Kaya nang bumukas ang malaking gate at pumasok ang sasakyan ni Temur. Pinanood nila nang tumigil iyon sa harap ng bahay at bumaba ang asawa niya. Huminto ito at nag-angat ng tingin sa balcony ng bahay kung saan sila ni Kaya, nginitian ni Araceae ang asawa ngunit nabahala siya ng makita ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Temur.
“Mauna na ako sa loob, sasalubungin ko si Temur. Magandang gabi, kuya.” Hindi na niya hinintay ang magiging tugon ni Kaya, mabilis na nilisan ni Araceae ang balcony at patakbo na bumaba ng hagdan para salubungin si Temur.
Masayang sinalubong ni Araceae ang asawa sa main door ng bahay. Inilahad niya ang mga bisig upang bigyan ito ng mainit na yakap ngunit nagulat siya nang hindi man lang siya binigyang pansin ng asawa. Dinaanan lang siya nito habang iritable nitong tinatanggal ang suot na necktie. Nilingon niya ang pinanggalingan ng asawa, nakasunod dito ang dalawang bodyguard nito. Lumapit si Araceae sa dalawang lalaki.
“May nangyari ba?” nag-aalala niyang tanong kina James at Rupert. Sabay na nagbuntong-hininga ang dalawa at umiling. Mukhang ayaw pang sabihin ng mga ito sa kanya ang dahilan ng magiging iritable ng asawa niya.
Tinalikuran ni Araceae ang dalawang bantay upang habulin ang asawang paakyat na ng hagdan. Napahinto siya sa gitna ng staircase nang makitang nagpang-abot sa second floor ang magkapatid. May sinabi si Kaya sa asawa niya ngunit hindi iyon marinig ni Araceae, nabahala siya nang makitang bigla na lang kwinelyohan ni Temur ang nakatatandang kapatid. Awtomatik na kumilos ang mga paa ni Araceae, mabilis siyang umakyat sa itaas ng hagdan upang awatin si Temur.
“No. It’s not my fault, it’s yours.” Naabutan niyang sabi ni Temur kay Kaya. Naguguluhan man ginawa pa rin ni Araceae ang dapat niyang gawin. Pinigilan niya ang asawa na saktan ang sarili nitong kapatid.
“Pumasok na tayo sa kwarto natin,” pakiusap niya nang hindi pa rin tinatanggal ni Temur ang kamay nito sa kwelyo ni Kaya. Kahit anong hatak ni Araceae sa asawa hindi talaga niya mapaghiwalay ang dalawang nagkakainitan na.
“You were the one who killed your child, bastard.” Nawala ang ngisi ni Kaya sa sinabing iyon ni Temur. Tumaas ang kanan nitong kamao, handa na itong bigyan ng sulidong suntok ang kapatid ngunit napahinto nang iharang ni Araceae ang sarili upang protektahan ang asawa.
“Kuya… please huwag niyong sasaktan ang asawa ko,” umiiyak nang pakiusap niya. Tila may karayom na tumusok sa puso ni Kaya dahil sa nakita. Para siyang sinampal ng bakal sa mukha na nag-iwas ng tingin kay Araceae. Ibinaba niya ang kamao at walang salita na tinalikuran ang mag-asawa. Damn it!
Kahit wala na sa harap niya ang kapatid, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Temur. Nilingon niya ang asawang nasa kanyang harapan. Muling tumindi ang pagkairita niya nang maalala ang naabutang tagpo kanina. Magkasama lang naman ang asawa niya at ang ex-boyfriend nito. Hinuli ni Temur ang kanang pulsuhan ni Araceae…
“Temur, masakit!” reklamo ni Araceae nang walang pag-iingat siyang hinatak ni Temur patungo sa kanilang silid, at nang makapasok ay pabalibag siya nitong itinulak sa kama. Nag-bounce pa ang pagkakahiga ni Araceae dahil sa lakas ng impact.
Bumangon siya at naupo. “Temur, ano ba ang nangyayari sayo? May problema ba sa kompanya–”
“Shut the f*ck up!” Sigaw nitong nagkirot ng husto sa puso ni Araceae. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan siya ni Temur at trinato na parang kung sinong babae lang. Ito ang unang pagkakataon na naging marahas ito sa kanya–walang pag-iingat.
“Get undressed,” demand nito habang isa-isang inaalis ang sariling kasuotan. Hindi nakakilos si Araceae, naninibago siya sa inaakto ng asawa. Ano ba ang nangyari dito?
"Didn't you hear me? I said undressed!” Hindi pa rin siya nakakilos sa labis na pagkagulat. Lumapit si Temur sa kanya at basta na lamang siyang itinulak pahiga ng kama. Pilit siya nitong hinahalikan kahit na tinutulak niya ito palayo.
“I need a good f*ck to get rid of my stress. Bakit ba nag-iinarte ka ngayon? You’re my wife, Aries. Do your f*cking job. Damn it!”
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Araceae nang maabutan ang mga kasambahay na busy, paroo't-parito sa buong kabahayan. Tinanghali na siya ng gising dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang naabuso niya yata ang katawan, ayaw kasing tumigil ni Temur, masyado rin naging rough sa kanya ang asawa kagabi. "Para po sa party niyo mamaya, Madam..." Nakunot ni Araceae ang noo sa sagot ni Yana. Party niya? Wala naman siyang natatandaan na nagplano sila ni Temur ng party, at para naman saan ang party? "Anong party?" "Celebration po ng pag-iisang dibdib niyo ni Sir Temur." "Huh?" "Si Sir Kaya po ang nakaisip nito. Since hindi raw siya nakadalo at marami sa mga close friends nila ang hindi rin nakadalo sa kasal niyo ni Sir Temur sa probinsya, magkakaroon po ng party para sa kasal niyo ngayong gabi," paliwanag ni Yana. "Pero wala namang nasabi sa akin ang asawa ko." "Surprise party raw ito para sa inyong mag-asawa sabi ni Sir Kaya, regalo niya para sa inyong dalawa ni Sir Temur,"
Nakita agad ni Araceae si Kaya nang lumabas siya sa pool area. Naupo ang dalaga sa gilid ng pool at pinanood ang paglangoy ng binata. Napaka galing nito, humahanga siya sa galing nito sa paglangoy at naiinggit, sana kasing galing siya ng bayaw.Ilang minuto ang lumipas bago siya napansin ni Kaya sa gilid ng pool. Lumangoy ito patungo sa gawi niya.“Kanina ka pa? Hindi mo ako tinawag,” anito nang umahon sa tubig. Sinuklay ng kanan nitong kamay ang basang buhok upang ayusin.“Napaka galing mong lumangoy, Kaya.”“Really?”“Oo, na inggit nga ako. Sana kasing galing mo akong lumangoy, ‘di naman ay kahit natuto lang sana akong lumangoy.”Nakunot ng binata ang noo.“Seryoso ka ng sabihin mong hindi ka marunong lumangoy?”“Oo, bakit mukha ba akong nagbibiro lang?” biro niyang tugon sa lalaki.“Yes. Dahil ang alam ko mas magaling ka pa sa akin lumangoy.”Si Araceae naman ang nagkunot ng noo. Bigla niyang naalala ang sinabi ng ama, magaling daw siyang lumangoy, ngunit nang mangisda sila at nah
Nagmamadali na nilagay ni Araceae ang mga damit sa itim na duffle bag. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng silid upang hindi magising ang mga natutulog na kasamahan. Kaliwa't-kanan ang lingon niya, alerto at walang ingay na lumalakad sa pasilyo ng malaki at lumang bahay ampunan. Kabado siya ngunit puno ng kumpyansa ang bawat kilos. Makakatakas siya. Iyon ang tumatakbo sa isip niya sa sandaling iyon. Walang makakapigil, aalis siya upang hanapin ang tunay na magulang. Gamit ang spare key na palihim niyang kinuha sa opisina ng mother superior, binuksan ni Araceae ang back door. Hindi siya dapat magsayang ng oras, matagal niyang hinintay ang gabing ito. Hindi na siya makakaalis pa sa bahay ampunan kung hindi siya tatakas ngayon. Tumakbo si Araceae patungo sa pader, nang matagumpay na makalabas ng back door. Itinapon niya sa kabilang bahagi ng pader ang duffel bag na dala. Pagkatapos ay inakyat ang puno ng narra, mula roon tumalon siya patungo sa pader. Muntik pa siyang mahulog nang
Trigger Warning (18+) Hindi alam ni Araceae kung ilang araw na siyang nakakulong sa silid na kinasadlakan, nakagapos pa rin ang mga kamay niya sa haligi ng bakal na kama. Kahapon ay binisita na naman siya ng lalaki at paulit-ulit na ginagamit hanggang sa maging lantang gulay, nang matapos ang lalaki at nilisan nito ang silid, dinaluhan agad siya ng mga katulong, nilinisan at binihisan. Kasabay ng pagturok ng dr*ga ng mga ito dahilan para mawalan siya ng malay tao. Mabigat ang talukap ng mata na nagmulat si Araceae. Hinanghina pa rin siya kahit na buong maghapon na nakaratay sa kama. Hinayaan nitong tumulo ang luha sa mga mata, mamaya'y maingay na itong humikbi na parang bata na inagawan ng laruan. Ang bigat-bigat ng kalooban niya. Gusto niyang sumigaw sa galit at hinanakit. Bakit ginawa ito sa kanya ng lalaking iyon? Ano ang kasalanan niya? Paulit-ulit nitong sinasabi na pagbabayarin siya sa ginawa niya dito. Ngunit walang matandaan si Araceae, hindi pa sila nagkita ng lalaki. Buon
Lumilipad ang isip ni Temur nang lumakad patungo sa kusina. Nakasalubong nito ang nakatatandang kapatid na kagigising lang din tulad niya, ngunit parang walang nakita si Temur, nilagpasan lang nito ang kapatid. "Hey, what's your problem? Galit ka pa rin ba?" tanong ni Kaya ngunit nagtuloy-tuloy lang ang kapatid sa counter at hinarap ang coffeemaker. "Temur...," tawag ni Kaya dito. Natauhan si Temur, nagising ito mula sa pagiging lutang. Hinarap nito ang kapatid. "Kuya, ikaw pala." "Ako pala?" Lumapit si Kaya sa kapatid. "Okay ka lang? Nagpuyat ka ba kagabi?" tanong nitong inilapit ang mukha kay Temur. "Yeah... I studied until morning. Why?" Umiwas si Temur ng tingin sa kapatid at muling hinarap ang coffeemaker. Hindi niya pa rin lubos akalain na kayang gawin ng kapatid niya ang bagay na iyon. Ang daming pasa sa buong katawan ng babae, hindi niya ito halos nakilala, pumayat ito at maputlang-maputla. Nag-igting ang bagang ni Temur. Ano ang maari niyang gawin? Hindi niya pwedeng pa
"I know you're both terrible, but do you really have to do this to her?" Nakasimangot na tanong ni Venom sa mga kaibigan. Nakaupo silang tatlo sa lounge malapit sa maliit na swimming pool. Pinanonood ang mga magaganda at sexy'ng babae na naglalaro sa pool, ang iba ay nakikipagtalik sa ibang bisita ni Vito, na kasamahan din nila sa oraganisasyon. "Bakit ba concern ka sa babaeng iyon?" iritableng tugon ni Vito. "Kung interesado ka sa kanya pwede mo naman akong saluhan mamaya," dagdag pa nito. "Ayoko nga, 'di ba?" Nilingon ni Venom si Kaya. "She's your ex-lover... Do you want this stupid man to have a way with your woman–" "She's nothing but a toy, Venom." Sumimsim si Kaya ng alak sa hawak na baso. "Binili ko siya sa auction bilang laruan, I can do whatever I want to that wench." "But–" "Shut it, Venom. Bakit ba masyado kang concern sa babaeng 'yon?" Hindi nagawang sagutin ni Venom ang tanong ni Vito. Bakit nga ba concern siya sa babaeng iyon? He's not a saint. Tulad ng mga kasama ni
"Hindi ka ba napapagod panoorin ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan, Aries?" Hindi magawang lingunin ni Araceae ang matandang babae na nagsalita sa likuran niya. Alam ng dalaga na narito ito para alukin siya ng pananghalian. Hapon na at hindi pa siya umaalis sa pwesto niya sa tabing dagat mula pa kaninang umaga. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan, pero kailangan mong kumain Aries, anak. Alagaan mo ang iyong sarili para sayo at para sa amin ng tatay mo," napakalungkot ng boses nang sabihin iyon ng ginang sa kanya. Pero hindi man lang makapa ni Araceae ang awa para sa babae. Ang matandang babae na walang ibang ginawa kundi mag-alala sa kanya simula ng magising siya. Gulong-gulo ang isip niya ngayon. Sino ba siya at bakit paulit-ulit siyang tinatawag na Aries ng ginang? Hindi niya kilala ang babaeng binabanggit nito, at lalong hindi siya ang babaeng iyon. Siya si Araceae, walang mga magulang at sa tingin niya ay lumaki siya sa isang bahay ampunan— ang dalawang bagay na
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang araw na napadpad si Araceae sa isla at nakikilala ang matandang mag-asawa. Sa dalawang taon na paninirahan niya kasama nila tuluyan na niyang niyakap ang pangalan na Aries. Misteryo pa rin sa kanya ang ilang mga bagay, lalo na ang lalaking gabi-gabi na lang kung mapanaginipan niya, ngunit mas nangibabaw kay Araceae ang pagiging kontento. Mabuti sa kanya ang mag-asawa kaya naman, kahit pa sabihin na hindi nga siya ang anak nila, mas pinili niyang yakapin na lang kung ano ang nasa harap niya ngayon. Total naman dalawang taon na ang lumipas, at hanggang ngayon wala pa rin ni katiting na alaala ang bumabalik sa kanya. Gusto na lang din niyang paniwalaan na siya nga si Aries, ang anak ng mag-asawang Sangalang. "Dahil kalahati ng huli natin ay ikaw ang nakahuli. Ibibigay ko sa iyo itong isang libo." Inabot sa kanya ng ama ang pera ngunit agad siyang umiling at tinulak palayo ang kamay nito. "Hindi na 'tay, sa inyo na 'yan. Alam ko naman na mas kaila
Nakita agad ni Araceae si Kaya nang lumabas siya sa pool area. Naupo ang dalaga sa gilid ng pool at pinanood ang paglangoy ng binata. Napaka galing nito, humahanga siya sa galing nito sa paglangoy at naiinggit, sana kasing galing siya ng bayaw.Ilang minuto ang lumipas bago siya napansin ni Kaya sa gilid ng pool. Lumangoy ito patungo sa gawi niya.“Kanina ka pa? Hindi mo ako tinawag,” anito nang umahon sa tubig. Sinuklay ng kanan nitong kamay ang basang buhok upang ayusin.“Napaka galing mong lumangoy, Kaya.”“Really?”“Oo, na inggit nga ako. Sana kasing galing mo akong lumangoy, ‘di naman ay kahit natuto lang sana akong lumangoy.”Nakunot ng binata ang noo.“Seryoso ka ng sabihin mong hindi ka marunong lumangoy?”“Oo, bakit mukha ba akong nagbibiro lang?” biro niyang tugon sa lalaki.“Yes. Dahil ang alam ko mas magaling ka pa sa akin lumangoy.”Si Araceae naman ang nagkunot ng noo. Bigla niyang naalala ang sinabi ng ama, magaling daw siyang lumangoy, ngunit nang mangisda sila at nah
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Araceae nang maabutan ang mga kasambahay na busy, paroo't-parito sa buong kabahayan. Tinanghali na siya ng gising dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang naabuso niya yata ang katawan, ayaw kasing tumigil ni Temur, masyado rin naging rough sa kanya ang asawa kagabi. "Para po sa party niyo mamaya, Madam..." Nakunot ni Araceae ang noo sa sagot ni Yana. Party niya? Wala naman siyang natatandaan na nagplano sila ni Temur ng party, at para naman saan ang party? "Anong party?" "Celebration po ng pag-iisang dibdib niyo ni Sir Temur." "Huh?" "Si Sir Kaya po ang nakaisip nito. Since hindi raw siya nakadalo at marami sa mga close friends nila ang hindi rin nakadalo sa kasal niyo ni Sir Temur sa probinsya, magkakaroon po ng party para sa kasal niyo ngayong gabi," paliwanag ni Yana. "Pero wala namang nasabi sa akin ang asawa ko." "Surprise party raw ito para sa inyong mag-asawa sabi ni Sir Kaya, regalo niya para sa inyong dalawa ni Sir Temur,"
“What do you think? It’s delicious, right?” Tumango si Araceae sa tanong ni Kaya. Napakasarap nga ng cookies nito, walang panama ang cookies na binibili nila sa bakery ni Aling Brenda.“Mhm! Sobrang sarap, sigurado akong mahal ang cookies na ito. Sa Germany mo pa ito nabili tama?”“Yes,” sagot nito at sumimsim ng kapi sa hawak na cup. “Mabuti naman at nagustuhan mo, pasalubong ko talaga ‘yan sayo. Hindi ako nakadalo sa kasal niyo ng kapatid ko kaya naisip kong pasalubungan ka na lang…”“Totoo? Salamat sa pasalubong kuya!”Sunod-sunod na umubo si Kaya nang masamid sa iniinom. “What did you call me?”“K-kuya?” alanganin na sagot niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago ng mood nito. Ang kilay nito ay bigla na lang nagsalubong. Hindi ba nito nagustuhan ang itinawag niya dito?“May problema ba? Ang ibig kong sabihin, hindi mo ba gusto na tinatawag na kuya?”Ibinaba nito ang cup sa table sa gitna nila. "No, call me whatever you want; I'm just surprised. I'm not used to
Hindi napigilan ni Araceae na kiligin nang alalayan siya ni Temur papasok sa isang itim na sasakyan. Paglabas nila ng airport may nakaabang ng sasakyan sa kanila, at lulan nito ang dalawang bodyguards ng asawa niya."Saan tayo, boss?" tanong ni James kay Temur nang makapasok na rin ang asawa niya ng sasakyan. Si James pa rin ang nagsisilbing driver ng kanyang asawa. Si Rupert naman ay sa shotgun seat ng sasakyan umupo, habang sila ni Temur ay nasa backseat."Let's go straight home. Is my brother already in the Philippines?" Nilingon siya ni Temur at nginitian. Alam nitong kabado siya dahil haharapin niya ang kaisa-isang kadugo ng asawa. Masaya siyang haharap siya sa pamilya ng asawa niya ngunit hindi mapigilan ni Araceae na hindi kabahan lalo na’t ito ang unang pagkakataon na haharap siya sa bayaw niya."Don't be nervous. We're only going to deal with my older brother, not my father.""Kahit na, Temur.” Nakasimangot niyang tugon sa asawa. “Hindi ko pa rin mapigilan, kinakabahan ako. P
Kagat ang ibabang labi na ngumiti si Araceae nang mahigpit siyang niyakap ni Temur. Napahagikhik pa ang dalaga nang makiliti sa buhok ng lalaki na tumatama sa kanyang pisngi. Panay ang halik at singhot nito sa kanyang leeg. Nakikiliti siya kaya sapilitan niyang tinulak ang ulo ng binata."Nakikiliti ako Temur," ani Araceae na hinihila ang kumot na bumaba na sa kanyang baywang dahilan para ma-expose ang hubad niyang katawan."I just wanna hug you," nakasimangot na reklamo ng binata. Napatili si Araceae nang bigla na lang pumaibabaw sa kanya si Temur at pinupog ng halik ang kanyang mukha. Panay ang tawa ng dalaga sabay tulak muli sa mukha ng binata. Ayaw talaga siyang tantanan nito."Nakikiliti ako itigil mo 'yan Temur." Ngunit hindi pa rin siya tinigilan ng kasintahan. Pinuno nito ng halik ang mukha niya. Hindi pa ito na kontento, maging ang leeg ng dalaga ay nilapatan ng magagaan na halik. Ngunit agad din natigilan si Araceae nang mag-iba ang timpla ni Temur. Ang magaan at simple nit
"Nakakadiri ako, hindi ba?" Malungkot na ngumiti si Aracea pagkatapos ikwento kay Temur ang kanyang nakaraan. Ang nakalipas na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang alalahanin. Wala siyang iniwan, lahat ng detalye na natatandaan niya ay sinabi niya sa binata. Hindi na siya magtataka kung pagkatapos ng mga sinabi niya ay nawalan na ng interes sa kanya ang binata. "Why?" "Huh?" Kunot ang noo na nilingon niya ang binata. "Bakit ikaw mismo ang nagsasabi niyan sa sarili mo?" Unti-unting nabura ang pagtataka sa mukha ng dalaga at napalitan ng lungkot. "Ano pa man ang nangyari sa nakaraan mo, hindi mo dapat ibinababa ng ganyan ang sarili mo. Ano ngayon kung ganun nga ang nangyari sayo? Nakaraan na iyon, dapat ng kalimutan." "Temur..." "Don't call yourself that again, I don't want to hear you insult yourself, Aries." Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at masuyong hinalikan. "You do not deserve to be called that just because of your heinous past." "Hindi ka ba nandidiri sa akin?
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niyang nilingon si Temur nang huminto ang sasakyan sa harap ng public market. Pinasundo siya ng binata sa mga bodyguard nito kanina sa isla. "Mamimili ba tayo ng pagkain mo?" dagdag pa ni Araceae, nagtatakang tinitigan ang binata. "Ang sabi mo ay ipagluluto mo ako ng biko pagbalik ko, hindi ba?" Nagtaka lalo si Araceae, ngunit tumango pa rin sa kay Temur bilang tugon. "Nice! Mamili na tayo ng ingredients ng biko, pagkatapos ay lutuan mo ako sa inyo," excited nitong pahayag. "Sa 'min?" "Hindi ba't sinabi mong dapat kong ligawan ang magulang mo bago ikaw?" Nanlaki ang mga mata niya. Hala! Huwag nitong sabihin na balak nitong bumisita ngayon sa isla? Naku, hindi siya nakapag linis ng bahay nila! Hindi niya alam na balak pumunta ni Temur sa kanila, hindi siya nakapag general cleaning. "Ngayon na talaga?" Ngumiwi si Araceae sa sariling tanong. Ano ba 'yan... Dapat ay nagsasabi ito na bibisita ito sa tahanan nila para naman nakapag handa siya. "Oo, b
"Nay, tapos na po akong maghugas ng pinggan. Maari ba akong sumama kay tatay sa pangingisda?" paalam ni Araceae sa ina nang makita itong pumasok ng kusina. Kararating lang ng ina niya mula sa bayan, dalawang beses sa isang linggo kasi naglalabada ang ina niya sa bahay ng kaibigan nito, pandagdag kita na rin. "Hindi ka ba pupunta sa bayan?" Umiling si Arceae sa ina. "Naubos na po ang kakanin kaninang umaga kaya hindi na ako babalik ngayong hapon. Ang dami pong bumili nay," pagbibida pa ni Araceae. "Bukas po magluto tayo ng marami." "Aba'y nakakatuwa naman kung ganun." Ibinaba ng ina niya sa kawayan na mesa ang plastic bag na dala nito. Lumapit si Araceae upang tulungan itong ilabas ang mga pinamili. "Bumili ako ng maraming kamatis, paborito ang mga ito." Napangiwi siya nang ibigay ng ina sa kanya ang dalawang kilo ng kamatis. "Salamat, nay!" Ngiti ni Araceae. Tumalikod siya upang hugasan ang kamatis sa kawayan na sink at niligpit ng maayos sa lagayan. Sa totoo lang ay never niyan
"Invited guest lang ang maaaring pumasok, pasensya na Miss." Dahilan ng security nang tangkain ni Araceae na pumasok sa private pool ng resort kung saan ginaganap ang party ni Temur. Umatras siya upang tingnan ang sign na nakalagay sa entrance. Tama naman siya ng pinuntahan na lugar, nasa loob ang party ni Temur. "Naiintindihan ko po kuya, pero invited guest talaga ako ng celebrant. Narito pa nga ang regalo ko, oh?" sabi niya at pinakita sa security ang regalo niyang nakabalot ng gift wrapper. Siya pa mismo ang bumili ng gift wrapper sa book store sa bayan. "Ipakita mo muna sa akin ang invitation card mo, Miss." Nakagat ni Araceae ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Wala kasi siya ng hinahanap nito. Sa tawag lang siya inimbitahan ni Temur at hindi pa talaga sila nagkikita ulit ng binata simula noong araw na tinulungan siya nito. Wala rin naman siyang nakitang invitation kasama ng regalo ni Temur sa kanya. "Kuya, pwede bang tawagin mo na lang si Temur? Sabihin mo hinahanap ko si