BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE

BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE

last updateLast Updated : 2023-08-30
By:  eleb_heart  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
100Chapters
14.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

|MATURE CONTENT| They were caught under the same blanket- NAKED. Jazz was only eighteen and Axe Finn is nineteen. He was drunk and she's not. Being the only daughter, her mother persuades Axe Finn father to marry her just because they were caught shared a blanket and naked. Wala silang nagawa sa pagpupumilit ng kanyang mga magulang. Pero pagkatapos ng araw ng kasal ay nagrebelde si Axe Finn at kailanman ay hindi siya itinuring na asawa. They were separated their ways a week after their "marriage". And met after 10 years along with his boyfriend- Axe Finn rival on his position. May pag- asa pa ba na muli silang mag - umpisa sa kanilang buhay bilang mag-asawa or its too late? Because he dumped her like a gold digger on the past? Lalo pa at nagbunga pala ang isang gabing pinagsaluhan nila.

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

NAKATITIG si Jazz sa kisame. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig dito, kanina pa niya gustong matulog ngunit nananatiling gising ang kanyang diwa at nakamulat din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit nga ba ayaw pang matulog ng kanyang diwa, wala naman siyang iniisip na kung ano kaya nagtataka din siya. Bukod pa doon ay nakailang biling- baliktad na siya sa kanyang kama dahil kaninang kanina niya pa nga gustong matulog talaga. Napabuga siya ng hangin ng wala sa oras, gustong - gusto na niyang matulog lalo pa at maaga pa ang pasok niya bukas. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling sa wakas ay dalawin na siya ng antok. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin talaga siya dalawin ng antok. May nag- iisip kaya sa akin? Tanong niya sa kanyang sarili. Dahil ayon sa sabi- sabi ay kapag hindi ka daw makatulog ay may taong nag- iisip sayo. Ngunit hindi niya naman alam o wala naman siyang alam kung sino ang nag-

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
eleb_heart
This is the second book po sa BACHELOR SERIES ang una po ay ang STRIPPER kwento po ito ni Davin, baka gusto niyo pong basahin:)
2023-07-27 18:56:01
1
user avatar
eleb_heart
Bukas po ako mag-update. Masama po kase ang pakiramdam ng inyong otor. Pasensiya na po at salamat<3
2023-07-20 17:56:20
1
100 Chapters

PROLOGUE

NAKATITIG si Jazz sa kisame. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig dito, kanina pa niya gustong matulog ngunit nananatiling gising ang kanyang diwa at nakamulat din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit nga ba ayaw pang matulog ng kanyang diwa, wala naman siyang iniisip na kung ano kaya nagtataka din siya. Bukod pa doon ay nakailang biling- baliktad na siya sa kanyang kama dahil kaninang kanina niya pa nga gustong matulog talaga. Napabuga siya ng hangin ng wala sa oras, gustong - gusto na niyang matulog lalo pa at maaga pa ang pasok niya bukas. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling sa wakas ay dalawin na siya ng antok. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin talaga siya dalawin ng antok. May nag- iisip kaya sa akin? Tanong niya sa kanyang sarili. Dahil ayon sa sabi- sabi ay kapag hindi ka daw makatulog ay may taong nag- iisip sayo. Ngunit hindi niya naman alam o wala naman siyang alam kung sino ang nag-
Read more

Chapter 1

"What is the meaning of this?!" Umaalingaw- ngaw na sigaw ng kanyang ina at iyon ang gumising sa kanya at hindi lang din pala siya ang nagising ng mga oras na iyon kundi ang taong nakapatong din pala sa kanya ng mga oras na iyon. Mabilis ito umalis sa tabi niya at nahiga sa tabi niya. Samantalang siya ay mabilis niyang hinagilap ang kumot upang pantakip sa hubad na katawan niya. Parang ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang lahat ng nangyari, isa pa ay wala namang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nakatalikod ang ina niya sa kanila nang mga oras na iyon at iniwan nitong bukas iyon. Ilang saglit pa ay humahangos paakyat doon ang ama ni Axe Finn at halos malaglag ang panga nito dahil sa pagkabigla. Ngunit mabilis din itong nakabawi at napalitan ng inis at pagkadismaya ang mukha nito. Hindi niya nagawang tumingin sa mga mata nito lalo na nang pumihit na din paharap sa kanila ang kanyang ina. Hindi niya magawang mag- angat ng kanyang ulo dahil hindi niya kayang salubungin ang tit
Read more

Chapter 2

Madaling araw na ngunit dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi pa rin siya dalawin ng antok punong- puno kase ng mga bagay- bagay ang utak niya lalo na nang ipaalam ng kanyang ina kani- kanina lang na bukas na ang nakatakdang kasal nila ni Axe Finn. Hindi niya na ganun pala kaseryoso ang mga ito sa bagay na iyon dahil ang akala niya ay tinakot lamang sila ng mga ito. Isa pa ay panigurado naman niyang hindi matutuloy ang kasal na iyon dahil nasisiguro niyang tututol si Axe Finn doon dahil alam niya sa sarili na hinding- hindi nito gugustuhin ang magpakasal sa kanya o ni magustuhan man lang siya. Sa mga salitang binitiwan nito sa kanya kanina ay ramdam na ramdam niya ang poot sa tono ng pananalita nito. Idagdag pa na inakusahan siya nito ng pagiging gold digger at ang pakay niya talaga ay ang mga kayamanan ng pamilya nito na pawang- wala namang katotohanan. Alam niya naman na masama ang loob nito sa kanyang ina dahil nga naging second wife siya ng ama nito. Kung tutuusin ay wala nama
Read more

Chapter 3

"You may now kiss the bride... " Nakangiting saad ng kanyang Tito. Sa office nga pala nito idinaos ang kanilang kasal dahil ito nga pala ang kasalukuyang Mayor sa kanilang lungsod. Halos mangiwi naman ang lalaking katabi niya ng mga oras na iyon at inaasahan niya na hinding- hindi siya nito hahalikan dahil nga diring- diri ito sa kanya. Ngunit nagulat siya ng bigla itong gumalaw at humarap sa kanya at iniharap din siya. Sa labis na pagkabigla ay hindi na niya nagawang ipikit pa ang kanyang mga mata nang maglapat ang mga labi nila. Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon lalo pa at alam niya ang galit nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip nito dahil sa ginawa nito. Pagpapakitang tao? Dahil nga nasa loob ng opisina kasama nila ang Vice Mayor at nagsilbing saksi sa kanilang kasal. Hindi niya tuloy maisip kung tunay nga ba ang kasal na nangyari o peke lang, ngunit kaninang tinitingnan niya kanina noong pinipirmahan niya ang marriage contract ay dalawang
Read more

Chapter 4.1

Ingat na ingat siya sa kanyang paghinga sa takot na malaman nitong gising pa siya ng mga oras na iyon. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit naging abnormal na lamang bigla ang pagtibok nito.Nakatagilid siya at nakatalikod dito. Nakaharap siya sa lampshade sa silid kung saan may malamlam itong ilaw. Nakadilat ang kanyang mga mata ng oras na iyon at nakatingin siya sa lampshade ng mga oras na iyon nang bigla na lamang mapadako ang kanyang tingin sa bintana ng silid. Ito ay purong salamin at pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi niya pala nahawi ang kurtina at kitang- kita ng kanyang mga mata ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya. Punong- puno ito ng galit. Nakaharap din pala ito sa salamin at kitang- kita nito na dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.Hindi siya nakagalaw at labis na nabigla, hindi niya lubos maisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob
Read more

Chapter 4.2

Tila tinangay ng hangin lahat ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ibang- iba ang paraan ng paghalik nito sa kanya ng mga oras na iyon.Punong- puno ng pag- iingat na sa pakiramdam niya ay tila may kasama pang pagmamahal ang bawat kibot ng mga labi nito.Hindi niya alam ngunit, sa bawat galaw ng labi nito ay nadadala siya at sa pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba totoo silang mag- asawa at nagmamahalan.Sa puntong iyon ay nadala na siya ng tuluyan. Kusa ng gumalaw ang kanyang mga labi upang sagutin ang mga halik nito. Sa bawat paggalaw ng mga labi nito ay sinasabayan niya, lumuwag na rin ang pagkakadagan nito sa kanya at tuluyang pinakawalan na ang mga kamay niya.Hanggang sa umakyat ang mga kamay niya sa batok nito na mas lalo lamang nakadagdag sa init na nararamdaman niya. Ang kaninang marahan at maingat na paghalik nito ay nag- umpisa ng naging mapusok.Ramdam na ramdam na rin niya ang pag- iinit nito dahil ang mga haplos nito ay may kasama ng himas.Halos
Read more

Chapter 4.3

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay doon niya pa lang napagtanto na umaga na pala. Kagigising niya lamang ng mga oras na iyon dahil napasarap pala siya ng tulog. Marahil na rin sa pagod kagabi.Agad siyang umikot ng kanyang higa dahil nakaharap siya sa salamin at sa bintana ng silid, akala niya parang sa mga napapanuod niya na pagkagising ay mumulat silang natutulog pa ang mga mahal nila. Ngunit sa sitwasyon niya ay gumising itong wala sa tabi niya.Hindi niya man aminin sa kanyang sarili ngunit kahit papano ay umasa talaga siya na gigising siyang katabi ito at akala niya ay magsisimula silang muli ng mas maganda katulad noong una dahil sa totoo lang ang mga nangyari sa kanila kagabi ay talaga namang walang salitang makakapag- describe.Dahil tila ba walang- wala siyang naramdamang galit sa mga ipinakita nito kagabi.Sinubukan na niyang bumangon ngunit mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan, nang makatayo na siya ang mabilis niyang ibinalot iy
Read more

Chapter 5

Alas diyes na ng gabi ng araw na iyon ay wala pa din si Axe Finn. Hindi niya alam ngunit sa mga oras na iyon ay tila ba kinakabahan siya dahil baka ano na ang nangyari rito lalo pa at umaga pa lang ay wala na ito sa kanilang bahay kaya hindi niya maiwasan ang kanyang sarili na mag- alala.Kahit pa alam niyang wala naman talaga siyang karapatan ngunit hindi niya naman maiwasan ang sarili na mag- alala.Kaya hanggang sa mga oras na iyon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Kanina pa siya hindi mapakali at palakad- lakad sa harap ng kama.Hanggang sa nagpakawala siya ng isang malalim na buntung- hininga at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa kama.Lalabas siya upang uminom ng tubig para naman kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya dahil kanina pa kung ano- ano ang pumapasok sa isip niya.Pababa na siya ng hagdan nang maulinigan niya ang isang pagtatalo sa loob ng library ng kanyang Tito.Lumapit siya dito upang makinig. Hindi naman niya ugali ang makinig sa usapan ng may
Read more

Chapter 6

11 years have passed...Paris, France..."Mommy?" Tawag sa kanya ng kanyang anak na si Vin. May hawak itong snack at pumasok sa kanyang silid ng mga oras na iyon. Bigla naman siyang nag- angat ng kanyang paningin ng marinig ang pagtawag nito at pagkatapos ay itinigil ang kanyang ginagasa pansamatala. Sa mga oras na iyon ay nakaharap siya sa kanyang lamesa at kasalukuyang nagdidisenyo ng isang gown. Pagkatapos ng mga narinig niya noon sa usapan ng kanyang Tito at Axe Finn ay nagdesisyon siya.Umalis siya ng bansa upang mag- aral sa Paris upang maging isang designer. Bata pa lamang siya noon ay iyon na ang kanyang pangarap at iyon din ang nagbigay daan upang matupad ang pangarap niya.Galit na galit noon ang ina niya sa kanya dahil sa desisyong ginawa niya dahil nang sabihin niya rito ang kanyang plano ay galit na galit na ito. Ngunit ganun pa man ay ipinilit niya ang kanyang gusto isa pa ay iyon lang ang tanging paraan niya upang malayo kay Axe Finn.Hindi na niya sinabi pa rito an
Read more

Chapter 7

Hilot- hilot ni Axe Finn ang kanyang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng kanyang iniisip.Dalawang buwan na lamang ang nalalabi para sa campaign period nila. Madugo- dugo ang labanan nila sa posisyon ng Mayor dahil hindi biro ang kalaban niya. Bukod sa mayaman nito ay kilala ito sa bayan nila dahil sa foundation nito na tumutulong sa mga batang walang panggastos sa kanilang mga pag- aaral.Kilala ang pamilya ng makakalaban niya na matulungin. Isa pa ay may nag- conduct ng survey sa kanilang bayan kung sino ang iboboto nilang Mayor ay natalo siya sa survey. Survey lang iyon pero alam niya na may malaking posibilidad iyon na iyon ang kalalabasan ng magiging resulta ng eleksiyon.Isang term pa lamang siya at hindi pa niya natatapos ang mga bagay na gusto niyang gawin sa bayan nila, hindi dahil kinurakot niya ang mga pera kundi dahil kinulang pa talaga ng budget ang mga proyekto na sinimulan niya.Sa kanyang pag- upo bilang isang Mayor ay napakarami niyang nalaman tu
Read more
DMCA.com Protection Status