Hilot- hilot ni Axe Finn ang kanyang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng kanyang iniisip.Dalawang buwan na lamang ang nalalabi para sa campaign period nila. Madugo- dugo ang labanan nila sa posisyon ng Mayor dahil hindi biro ang kalaban niya. Bukod sa mayaman nito ay kilala ito sa bayan nila dahil sa foundation nito na tumutulong sa mga batang walang panggastos sa kanilang mga pag- aaral.Kilala ang pamilya ng makakalaban niya na matulungin. Isa pa ay may nag- conduct ng survey sa kanilang bayan kung sino ang iboboto nilang Mayor ay natalo siya sa survey. Survey lang iyon pero alam niya na may malaking posibilidad iyon na iyon ang kalalabasan ng magiging resulta ng eleksiyon.Isang term pa lamang siya at hindi pa niya natatapos ang mga bagay na gusto niyang gawin sa bayan nila, hindi dahil kinurakot niya ang mga pera kundi dahil kinulang pa talaga ng budget ang mga proyekto na sinimulan niya.Sa kanyang pag- upo bilang isang Mayor ay napakarami niyang nalaman tu
Hindi na nga sila natuloy pa na pumunta kina Vein. Dahil na rin sa tagal nilang namili ng kanilang mga ipangreregalo ay nagpasya na lamang silang maghiwahiwalay pagkatapos nilang namili.Hindi na nga rin sila nakakain pa dahil si Keizer ay nag- apura ng umalis dahil may emergency meeting daw sila at kailangan na nadoon siya.Si Vein naman ay nagpaalam na din pagkatapos dahil may pipirmahan pa daw pala siya sa kanyang opisina.Si Gion naman ay nauna na ring umalis dahil nga sa function hall niya gaganapin ang birthday ni Debbie ay kailangan niya iyong tutukan upang masiguro na rin na magiging maganda ang kalalabasan. Ayaw din naman niyang mapahiya sa kaibigan nila na si Davin, isa pa ay ito ang unang beses na ipaghahanda ni Davin ang anak niya pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita.Syempre kahit sino naman siguro ay babawi talaga lalo pa at napakatagal ng hindi nila pagkikita. Bumabawi pa lamang ito sa dami ng pagkukulang nito bilang ama sa anak niya.Naipilig niya ang kanyang ulo
"Honey, gabi na. Aren't you done yet?" Napatingala siya nang marinig ang tinig nito at napatigil sa kanyang ginagawa. Nakakailang disenyo pa lamang siya ng gown at hindi pa niya natatapos ang huling ginagawa niya kaya hindi pa siya tumitigil.Ayaw niyang tayuan iyon o ni itigil man lang dahil baka tamarin na siya pagkatapos, isa pa ay konti na lang din naman ang gagawin niya kaya ayaw na niyang tigilan pa iyon.Malapit naman na siyang matapos at isa pa sinabi naman niya sa sarili niya na pagkatapos niya ang gown na ginagawa niya ay magpapahinga na siya."Konti na lang 'to honey..." Sagot niya rito at pagkatapos ay muling itinuloy ang kanyang ginagawa. Sa totoo lang ay kanina pa talaga niya gustong- gusto ngang magpahinga, ang problema nga lang talaga ay ayaw niya talagang tigilan ang kanyang ginagawa. Papikit- pikit na rin ang kanyang mga mata at ilang beses na rin siyang nag- hikab.Hindi naman ito nagsalita pa at nanatili lamang ito sa pwesto nito. Ilang galaw pa lamang ng kanyang
Alas siyete ang nakalagay sa invitation na umpisa ng birthday ni Debbie, pero syempre Pilipino tayo kaya sigurado siyang hindi iyon mag- uumpisa ng alas syete eksakto.Napatingin siya sa kanyang relo, 15 minutes bago sumapit ang alas syete kaya lumabas na siya ng kanyang silid."Ang gwapo mo naman Sir..." Puri sa kanya ng kasambahay nilang si Aya nang makababa siya ng hagdan. Halos kuminang pa ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi rin nito itinago ang paghanga nito habang tinitingnan siya nito.Sino nga ba naman kase ang hindi hahanga sa kagwapuhan niyang taglay? Hindi naman sa pagmamayabang pero talaga namang may ipagmamalalaki naman talaga siya pagdating sa kanyang itsura."Alam ko na yan Aya, dahil sa dami ba naman ng nagsasabi sakin niyan e parang wala na lang sakin." Nakangising sagot niya rito.Umingos naman ito dahil sa sagot niya at pagkatapos ay inirapan pa siya."Alam mo Sir sa totoo lang nagiging mahangin ka na." Sabi nito at pagkatapos ay napailing na lang.Ti
Nang makapasok sila sa venue ng party ay talaga namang mapapabulalas ka ng "wow" literal.Sino ba naman ang hindi mapapa- wow sa ayos ng venue, wala ka talagang masasabi. Napakagaling talaga ng mga taga- ayos ni Gion. Sinasabi niya iyon hindi dahil kaibigan niya ito kundi dahil totoong maganda talaga ang gawa ng mga tauhan nito.Ewan niya ba, pero sa lahat ng kaibigan niya si Gion talaga ang may pagka- adik sa mga properties. Nung nakaraan gabi nga ay nag- meeting sila dahil may 25 hectares daw itong bibilhin na lupa sa kanilang bayan at kaya sila mineeting dahil sinabi nito na silang magkakaibigan ang bibili ng lupang iyon at magtatayo ng isang private leisure area.Sinabi din nito na magtatayo ito ng mga bahay para sa mga magiging member ng lugar na iyon. Hindi pa nila nakumpletong napag- usapan ang lahat ng detalye dahil masyadong busy si Vein. Ayaw naman nitong hindi sila kumpleto kapag mayroon itong gustong irekomenda pa para sa gagawin nito sa lupa.Sinang- ayunan naman nilang l
Nakahanap nga sila ng kanilang mauupuan sa table nila Baxter. Wala itong kasama ng gabing iyon kundi ang sarili lamang nito.Doon niya naalala na broken hearted nga pala ito ngunit wala siyang ka- ide ideya kung sino ang babaeng nakabihag sa boring nitong puso dahil hindi pa naman ito nagpakilala ng babae sa kanila. Isa pa ay wala naman itong napabalitang naging girlfriend pa kaya hindi niya kilala ang tinutukoy nito nang tanungin siya nito. Ayaw naman niyang magtanong kay Scott dahil dakilang tsismoso ang lalaking iyon at ayaw naman niyang masira ang tiwala ni Baxter sa kanya dahil kaya siguro siya ang pinagsabihan nito ay may tiwala ito sa kanya."Wala pa yata si Scott?" Tanong niya kay Baxter na tulala habang nakatingin sa alak na nasa harapan nito."Mukha bang meron na siya?" Walang gana nitong sagot na hindi inalis ang tingin sa kanyang baso.Bigla naman siyang napalingon rito ng wala sa oras habang inililibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Umaarya na naman ang pagiging m
Bigla naman silang napalingon sa stage kung saan nagsimula na ang emcee na magsalita. Ito na ang hudyat na mag- uumpisa na ang party.Bigla namang umupo na sila Scott at naki- table na lang din sa kanila. Ang dami din kaseng bisita kaya hindi na nila mahaharap pa ang maghanap ng ibang lamesa at isa pa ay wala naman na silang inaasahan na kasama pa sa table kaya why not.Ang daming sinabi ng emcee at ang daming pagkwekwento. Ang naging buhay ni Debbie at kung paano nahanap ni Davin si Astrid. Hindi na niya kailangang mapakinggan pa ang mga iyon dahil alam niya naman na ang buong kwento.Halos isang oras din yata itong nag- intro bago nito pinalabas ang birthday celebrant. Kasabay nitong lumabas ang kanyang ina na naka kulay itim na gown kung saan mas lumitaw pa ang angkin nitong ganda.Sa pagkakaalam niya ay ito pa lamang ang unang pagkakataon na lumabas si Astrid sa mata ng publiko hindi dahil nahihiya si Davin na ipakilala ito kundi iyon ang kahilingan ni Astrid.Nang magpakasal nga
Nagising si Axe Finn na sobrang sakit ng ulo. Paano ba naman ay napadami sila ng inom kagabi. Pahamak kasi si Baxter dahil painom siya ng painom sa kanya.Idinamay pa siya sa pagiging broken hearted nito. Ni ang ihatid nga si Lizette ay hindi na niya nagawa pa, ipinasabay niya na lamang ito kay Scott dahil ayaw niya naman mapahamak ito isa pa ay kapag ganung lasing talaga siya ay ayaw na niyang magmaneho pa. Ayaw niya rin namang mapahamak siya dahil sa kalasingan niya. Mahal pa niya ang buhay niya kaya hindi siya nagiging tusong mag- drive pa.Nakitulog na lamang siya kina Davin. Total naman ay maluwang naman ang bahay ng mga ito at may bakante naman silang mga kwarto pa. Si Baxter ay hindi niya alam kung saan ito natulog o kung umuwi din ba.Napahilot siya sa kanyang sentido pagkatapos ay bumangon. Nakapikit pa nga ang kanyang mga mata dahil ayaw halos nitong maimulat. Ngunit kailangan na niyang umuwi dahil nakakahiya naman kay Davin.Ngunit habang nakaupo sa kama ay pinukaw siya ng