"Goodmorning..." Nangiting bati ni Vince sa kanya. Kasalukuyan na itong nakasandal sa pinto at hindi niya alam kung gaano na ito katagal doong nakatayo.Nag- inat naman siya pagkatapos ay bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Kanina ka pa?" Humihikab na tanong niya rito. Isang tango lang ang naging sagot nito sa kanya.Hindi sila magka-kwarto ni Vince kapag dumadalaw ito doon. Hindi niya alam pero si Vince na mismo ang nag- suggest nito dahil inirerespeto daw siya nito. Kahit nga matagal na sila sa kanilang relasyon ay nananatili pa rin ang limitasyon sa pagitan nilang dalawa.Hindi naman sa ayaw niya ng higit pa sa isang kiss o ang pakikipagtalik ngunit si Vince talaga ang hindi nag- iinsist ng bagay na iyon.Kung tutuusin ay parang ang boring ng relasyon nila pero para bang nasanay na siya sa ganun na hanggang yakap lang at hanggang kiss silang dalawa. Minsan nga naiisip niya ay tila ba mag- bestfriend lamang sila dahil sa trato nito sa kanya.Sa tagal nga nilang dalawa ay hi
Hapon na ng araw na iyon. Katulad ng mga nagdaang araw ay naroon na naman siya sa harap ng kanyang lamesa upang mag- drawing mula ng mga gagawin niyang disenyo ng kanyang mga damit na isasabak niya sa fashion show.Ngunit kanina pa siya nakaupo doon ngunit halos ayaw gumalaw ng kanyang mga kamay dahil sa pag- iisip. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay hindi pa rin natatanggal sa kanyang isip ang agam- agam. Kahit pa pumayag na siyang sumama ang kanyang anak sa Pilipinas ay nagdadalawang isip pa rin siya dahil hindi niya pa rin maiwasan ang mag- isip na baka nga magkita si Vin at si Axe Finn. Iniisip niya ang magiging reaksiyon nito kung sakaling magkita nga ang mga ito. Baka mamaya ay ipagtabuyan siya nito at ipahiya sa harap ng maraming tao. Ang isa pang ikinakatakot niya ay baka kung ano- ano ang bitiwan nitong salita sa anak niya na halos hindi malunok ng aso.Kung siya ay okay lang ngunit kung sa anak na niya ay sobra na. Minahal niya ang anak niya ng sobra- sobra. Pinunuan niy
Mabigat ang loob niyang bumangon sa kanyang kama. Hindi pa din niya makalimutan ang tagpo kahapon sa silid ng anak niya kung saan nasisiguro niyang sumakit ang loob nito sa kanya.Pagkalabas na pagkalabas niya sa silid ng anak niya ay dumiretso siya kaagad sa kanyang silid at nagmukmok. Hindi niya din maintindihan ang kanyang sarili nitong mga nakaraang araw dahil tila ba nagiging emosyonal siya masyado.Simula kase nung dumating si Vince ay doon na nagsimula ang kung ano- anong pumapasok sa isip niya, dahil na rin sa pag- open nito sa kanyang anak ang pag- uwi ng Pilipinas.Masaya naman sila e noong wala pa ito doon ngunit nang dumating na ito doon ay doon na nagsimula ang mga bagay na gumulo sa isip niya.Umaga na pala, bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. Medyo humahangin ng mga oras na iyon dahil natatangay ng hangin ang kurtina sa silid niya kung saan hindi niya talaga iyon isinasara upang kahit papano ay makalanghap naman siya ng sariwang hangin.
Nakatutok siya sa kanyang lamesa dahil pinag- aaralan niya ang isang papeles na naglalaman ng mga budget noong mga nakaraang taon. Nakita niya kase na may budget na inilaan para sa pagpapatayo ng isang public hospital ngunit wala namang naitayo na ganung klase ng istraktura sa kanilang bayan. Nakapirma doon ang kanilang dating Mayor at ang ilang mga engineers. Kasama dito ang isang pangalang tumatak talaga sa kanyang isipan.Ang pangalang Teofilo Santiago. Sa apelyido pa lamang niyo ay may naalala na siya kaagad at iyon ang katunggali niya sa pwesto sa kasalukuyang eleksiyon.Isang bilyon ang itinakda ng mga itong pondo doon at pinirmahan ito ng lahat. At nasisiguro niyang nailabas ng mga ito ang pondong iyon na hindi alam ng mga mamamayan sa kanilang bayan. Ngayon niya lang iyon nakita, mabuti na lamang ay may mga files pa na nakatago sa mga USB na ipinakalkal pa niya sa kanyang sekretarya. Ang mga original copies ng mga ito na naka- print sa papel ay wala na sa files mismo na nak
Sa kanyang opisina ay nadatnan niya ang kanyang sekretarya kaharap nito si Baxter habang pumipindot sa kanyang cellphone. Lagi na lang talagang cellphone ang laging hawak nito, kaya hindi ito nagkaka- girlfriend e.Hindi sila nag- uusap bagkus ay magkaharap lamang sila at ang kanyang sekretarya ay busy sa paghahanda ng mga papel kung saan naka imprenta ang kanyang mga plataporma.Nang marinig nga nila ang pagbukas ng pinto ay halos sabay pa na nag- angat ng ulo ang mga ito. Mabilis niyang tinanguan ang kanyang sekretarya at agad naman itong tumango pabalik at nag- martsa palabas ng kanyang opisina.Umupo siya sa kanyang upuan at pagkatapos ay sumandal."Bakit ka pala nandito?" Tanong niya kay Baxter na tila ba boring na boring habang nakasandal sa kinauupuan."Akala ko kase kailangan mo ng support kaya nandito ako. Hindi ko kase nasagot ang tawag mo kanina dahil kasalukuyan akong naka livestream." Sabi nito at pagkatapos ay ibinaba ang cellphone sa kanyang mesa.Napailing na lamang s
Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagsasalita. Tinatalakay niya sa madla ang kanyang planong pagpapatayo ng pampublikong ospital kung saan hindi na kailangan ng mga taong pumunta sa ibang bayan para lamang makapag- pagamot.Bagamat sibilisado na nga ang kanilang bayan ay wala pa rin itong sariling ospital kaya ang mga tao ay dumadayo pa para lamang magpagamot.Iyon ang isa sa kanyang mga plataporma dahil hindi lamang pangako iyon dahil itatayo niya talaga iyon para na rin sa kapakanan ng mga tao.Inisip niya talaga ang mga bagay na makakabuti sa kanilang bayan, humingi pa nga siya ng advice sa kanyang mga kaibigan at iyon din ang ibinigay nilang suhestiyon, ang magkaroon ng isang pampublikong ospital.Ngunit hindi pa siya natatapos sa kanyang sinasabi ay biglang may nagtaas ng kamay sa karamihan ng tao.Bigla naman siyang tumigil sa kanyang pagsasalita."Sige po." Sabi niya sa mic at isinenyas sa kanyang mga tauhan na bigyan ito ng mic upang masabi nito ang gusto nitong sabihin."To
Dahil na rin sa kanyang pag- iisip ay napag- isipan niya ang ilang mga bagay sa kanyang buhay. Tama nga si Eunice na natatakot siya para sa sarili niya at hindi sa anak niya. Dahil sa kanyang pagmumuni- muni ay napakadaming bagay ang dumaan sa isip niya at na- realize na kung hindi niya haharapin ang kanyang nakaraan ay hindi matatapos ang lahat ng kanyang agam- agam. Habang buhay siyang magtatago mula may Axe Finn kapag hindi niya pa hinarap ito. At isa pa ay sino ba sana siya para pag- aksayahan ng oras nito e kung tutuusin ay basura lang naman ang tingin nito sa kanya at wala lang siya sa buhay nito.Nagpalipas lamang siya ng maghapon nang sumbatan siya ni Eunice at kinahapunan ay nakapag- isip isip din siya at pinuntahan ito at kinausap.Natuwa pa nga ito dahil naliwanagan na siya at nagpasalamat din siya rito dahil kung hindi dahil rito ay hindi pa siya maliliwanagan.Kaya nakipagkasundo siya rito na ihahanda niya ang lahat ng kailangan nila para sa fashion show at ito na a
Nang makapasok nga siya sa bahay ay sinalubong siya kaagad ng dalawang katulong at kinuha ang maleta niya. Iaakyat na sana ng mga ito ang maleta niya sa silid ni Vince ngunit sinabi niyang sa guest room na lamang nila ito dalhin.Ngunit bago pumanik ang mga ito ay tinanong niya kung nasaan ang kanyang anak dahil parang wala ito roon."Ahh wala po siya. Kasama niya po yung pamangkin ni Sir Vince." Sagot sa kanya ng isa sa mga ito.Napaangat naman ang kanyang noo dahil sa naging sagot nito."Saan naman sila nagpunta?" Agad niyang tanong rito. Halos isang linggo pa lamang mahigit rito ang kanyang anak pagkatapos ay kung saan- saan na ito nakakarating at pinapayagan ito ni Vince na gumala ng mag - isa."Nag- basketball po yata sa court." Sagot muli nito at pagkatapos ay tumalikod na ng bigla siyang ulit nagtanong."E si Vince nasaan siya?" Papaakyat na ito sa hagdan ng mga oras na iyon. "May meeting de avance po sila ngayon." Maikli naman nitong sagot at nagtuloy- tuloy na sa kanyang pa