Kasalukuyan siyang nagbibihis ng oras na iyon at hindi niya inaasahang pupuntahan siya ng maaga ni Baxter. Nakailang katok ito sa kanyang pinto at may pasigaw pa itong pagtawag sa kanya. Inis na inis naman siya ng mga oras na iyon dahil hindi pa nga siya nakakapagbihis. Dahil na rin sa kakulitan nito ay pinagbinuksan na niya ito ng pinto at sa halip na magbibihis na siya ng kanyang pang opisina ay pinili na lamang niyang magsuot muna ng isang simpleng shorts.Pagkatapos niyang isinara ang suot niyang shorts ay tyaka niya lang ito pinagbuksan. Natigil pa nga ito at pagkatapos ay napakunot ang kanyang noo nang titigan siya nito.Napaka- weird bulong niya sa kanyang isip at halos magtayuan ang kanyang balahibo sa kanyang naiisip."Halika sumama ka sa akin. May kailangan kang makita." Sabi nito at hinaltak na siya palabas ng kanyang silid. Mabuti na lamang at nahawakan na niya sa isa niyang kamay ang kanyang isusuot na damit.Nang makababa sila nang hagdan ay doon sumungaw ang kanyang ka
Halos tumulo ang luha ni Jazz nang sumakay siya sa tricycle. Ang bagay na ikanakatakot niya ay dumating na. Kaya ayaw niya talagang umuwi ng Pilipinas dahil napak- imposible talagang hindi mangyari ang ganito.Ang galit sa mga mata nito kanina ay halatang- halata lalo na ng sabihin nitong itinago niya ang anak niya mula rito na may katotohanan naman.Ngunit ang titig nito sa anak niya ay ibang- iba. May something sa titig nito at hindi niya iyon kayang ipaliwanag.Alam niyang hindi nito inaasahan na magbubunga ang isang gabing pinagsaluhan nila dahil sino nga ba naman talaga ang umaasang may mabubuo sa gabing iyon? Kahit siya man ay hindi pumasok iyon sa isip niya ngunit iyon na nga ang nangyari at may nabuo, iyon ay si Vin.Hindi man iyon inaasahan o hindi man niya iyon kagustuhan ay wala siyang pinagsisisihan na dumating si Vin sa kanyang buhay dahil ito ang pumuno sa mga wala sa buhay niya kahit pa napakahirap iyon sa lugar niya.Ito ang nagbigay ng liwanag sa mulungkot niyang mun
"Oh really?" Masiglang tanong nang nasa kabilang linya."Yes." Masayang sagot niya at pagkatapos ay lumabas ng bahay. Para na rin walang makarinig sa pinag- uusapan nila at mas lalong hindi dapat marinig ni Jazz ang mga pag- uusapan nila."Thats good to hear." Malambing na sagot nito at pagkatapos ay napahagikgik."I miss you already baby..." Malanding sabi nito sa cellphone. Bagamat magkatawag lang sila ay biglang pumasok sa isip niya ang itsura nito habang sinasabi nito iyon.Paniguradong nakanguso ito."Hindi ako pwede ngayon. Alam mo naman nandito si Jazz." Mahinang sabi niya rito. Kung wala lang ito ngayon sa bahay niya ay kahit hindi pa ito natatapos sa sasabihin ay nakasakay na siya ng kanyang kotse at nakarating na sa bahay nito lalo pa at malapit- lapit lang naman ito sa kanya."Pero baby, miss na miss ka na nito." Pagkasabi nito iyon ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Naka- video call nga pala sila at ipinakita nito sa kanya ang paborito niyang putahe sa lahat.Napahag
"Uuwi na po ako." Paalam ni Vin. Napatingin naman siya bigla sa suot niyang relo ng mga oras na iyon. Alas sais na ng gabi at padilim pa lang sa labas."Dito ka na matulog." Sabi niya at pagkatapos ay nginitian ito. Nakikipagpalagayan pa lamang siya rito ng loob at hindi pa rin halos nag- sisink in sa kanyang utak ang lahat.May anak siya at halos mag- eeleven na ito. Halos maabutan na siya nito sa height. Hanggang sa mga oras na iyon ay natatawa pa rin siya sa reaksiyon ni Aya nang makita niya ito.---Halos manlaki ang mga mata ni Aya habang hawak- hawak ito sa magkabilang balikat ng madatnan niya ito sa kanilang bahay. Tinititigan nito ng mabuti ang anak niya at halos hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Tila ba pinaglalaruan siya.Hanggang sa hinawakan na niya ang kamay nito upang tanggalin sa pagkakahawak nito sa anak niya."Tinatakot mo naman siya masyado Aya. Kulang na lang ay magtatakbo dahil pinanlakihan mo pa talaga ng mga mata mo." Sabi niya habang natatawa at inakay ang
Nagising si Jazz dahil sa kalam ng kanyang sikmura. Nagugutom siya. Ayaw niya pa sanang bumangon dahil gusto pa niyang matulog para man lang makabawi- bawi siya sa kanyang pagod at stress.Ngunit matindi talaga ang pagkalam ng kanyang tiyan at hindi niya iyon kayang tiisin. Anong oras na ba? Tanong niya sa kanyang isip pagkatapos ay unti- unting nagmulat ng kanyang mga mata. Mabuti na lamang at may nakasabit na orasan sa silid kaya nalaman niya kung anong oras na. Nakabukas na rin ang ilaw, tanda na may pumasok doon at nagbukas nito.At nakakumot na rin siya ng mga oras na iyon e hindi naman siya nagkumot kanina nang mahiga siya dahil basta na lamang niyang ibinagsak ang sarili niya sa malambot na kama upang makapagpahinga.Hindi niya nga namalayan na paghiga na paghiga niya pala sa kama ay nakatulog na siya kaagad. Ni ang kumain o ni ang magpalit ng damit ay hindi na niya nagawa pa dahil sa labis na pagod na naramdaman niya kanina. Naghalo- halo kase ang pagod, stress at gutom kaya
Napahilamos siya nang tumunog ang alarm clock. Inabot niya ito at pagkatapos ay padabog na pinatay ito.Hindi pa siya nakakatulog ngunit tumunog na ito, umaga na pala. Hindi niya inaasahang hindi siya makakatulog ng buong magdamag dahil lang sa kaiisip ng mga bagay- bayay. Ito ang unang beses na nangyari iyon sa kanya at dahil iyon kay Jazz.Hindi kase matanggap ng ego niya na may kasama na itong iba ngayon at si Vince pa talaga samantalang ginawa nito ang lahat para maakit lang siya noon. Idagdag pa na ang laki na ng pinagbago ng itsura nito kaysa sa noon dahil mas lalong lumitaw ang kagandahan nito.Bagamat hindi niya ito pinapansin noon ay nahuhuli niya pa rin ang kanyang sariling nakatitig at nakatanaw ito lalo na kapag nakaupo ito malapit sa kanilang pool habang nag- aaral, dahil mahilig itong tumambay doon.Pero dahil na rin sa galit niya sa ina nito dahil nga sa isip niya ay ginagamit nito ang ama niya ay nakuha niyang pagtakpan ang namumuong paghanga niya noon rito. Idagdag pa
Nagising si Jazz na magaan ang kanyang pakiramdam dahil kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya nang malaman niyang umuwi pa rin sa kanya ang kanyang anak sa kabila ng lahat.Alam niyang naguguluhan pa rin ito sa totoo lang at hindi pa rin ito makapaniwala. Alam din nitong napakarami nitong tanong sa isip nito. Siguro ay naiisip na nito ang dahilan kung bakit ayaw niya itong pauwiin ng Pilipinas.Kahit bata pa ito ay malawak na ang isip nito kaya alam niyang kahit bata pa ito ay marami na itong tanong sa kanyang isip.Bumangon na siya mula sa kanyang kama at dumiretso sa banyo.Pagkalabas niya nga ng banyo ay dumiretso naman siya sa pinto kung saan papunta sa veranda na nasa kanyang silid. Pagkabukas niya ng salaming pinti ay sinalubong kaagad siya ng preskong hangin. Napapikit siya. Ilang taon na rin ang lumipas nang huli niyang maranasan ang ganito. Ang tumanaw sa papasikat na araw tuwing umaga habang nagkakape, isang dekada na.Nailibot niya ang kanyang tingin sa
Maaga ngang umalis si Vince nang umagang iyon dahil may aaksikasuhin pa daw ito. Siya ay naiwang nandoon lang sa bahay nito nakatanaw muli mula sa veranda ng kanyang silid.Hinihintay niya pa ring gumising ang kanyang anak. Gusto na niyang makausap ito at masabi na rito ang lahat- lahat mula sa umpisa.Wala na siyang dapat pang ilihim rito. Maganda na rin nga iyon para naman mawala na ng tuluyan ang tinik sa lalamunan niya na napakatagal niyang itinago rito. At alam niya na pagkatapos niyang makausap ang anak niya ay mas maiintindihan na nito ang lahat kung bakit takot at ayaw niya itong pauwiin ng Pilipinas.Ilang sandali pa ay bigla na lamang may yumakap mula sa likod niya. Paglingon niya sa kanyang likod ay si Vin iyon na halos namumugto pa ang mga mata dahil siguro nabusog itong matulog kaya namugto ang mga mata nito."Good morning Vin," nakangiting bati niya rito at pagkatapos ay niyakap ito. Agad din namang yumakap ito sa kanya at binati siya ng magandang umaga.Nginitian niya