Nagising si Jazz na magaan ang kanyang pakiramdam dahil kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya nang malaman niyang umuwi pa rin sa kanya ang kanyang anak sa kabila ng lahat.Alam niyang naguguluhan pa rin ito sa totoo lang at hindi pa rin ito makapaniwala. Alam din nitong napakarami nitong tanong sa isip nito. Siguro ay naiisip na nito ang dahilan kung bakit ayaw niya itong pauwiin ng Pilipinas.Kahit bata pa ito ay malawak na ang isip nito kaya alam niyang kahit bata pa ito ay marami na itong tanong sa kanyang isip.Bumangon na siya mula sa kanyang kama at dumiretso sa banyo.Pagkalabas niya nga ng banyo ay dumiretso naman siya sa pinto kung saan papunta sa veranda na nasa kanyang silid. Pagkabukas niya ng salaming pinti ay sinalubong kaagad siya ng preskong hangin. Napapikit siya. Ilang taon na rin ang lumipas nang huli niyang maranasan ang ganito. Ang tumanaw sa papasikat na araw tuwing umaga habang nagkakape, isang dekada na.Nailibot niya ang kanyang tingin sa
Maaga ngang umalis si Vince nang umagang iyon dahil may aaksikasuhin pa daw ito. Siya ay naiwang nandoon lang sa bahay nito nakatanaw muli mula sa veranda ng kanyang silid.Hinihintay niya pa ring gumising ang kanyang anak. Gusto na niyang makausap ito at masabi na rito ang lahat- lahat mula sa umpisa.Wala na siyang dapat pang ilihim rito. Maganda na rin nga iyon para naman mawala na ng tuluyan ang tinik sa lalamunan niya na napakatagal niyang itinago rito. At alam niya na pagkatapos niyang makausap ang anak niya ay mas maiintindihan na nito ang lahat kung bakit takot at ayaw niya itong pauwiin ng Pilipinas.Ilang sandali pa ay bigla na lamang may yumakap mula sa likod niya. Paglingon niya sa kanyang likod ay si Vin iyon na halos namumugto pa ang mga mata dahil siguro nabusog itong matulog kaya namugto ang mga mata nito."Good morning Vin," nakangiting bati niya rito at pagkatapos ay niyakap ito. Agad din namang yumakap ito sa kanya at binati siya ng magandang umaga.Nginitian niya
Katulad nga ng sabi niya kay Vin ay inihatid niya ito. Ginamit nila ang isang kotse ni Vince na nakaparada lang doon. Mabuti na lamang at iniiwan nito ang susi kaya nagamit nila kahit wala ang pahintulot nito .Mabuti na lamang at kahit papano ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang mga eskinita doon kaya natunton niya pa rin ang bahay na minsan ay naging tahanan niya rin.Nang tumapat ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Axe Finn tahimik lang siya at iginilid ang sasakyan sa tabi. Wala siyang balak bumaba, ayaw niyang magka- engkwentro sila ni Axe Finn. Ayaw niyang makipagsagutan sa harap ng anak niya mismo dahil alam niyang galit si Axe Finn sa kanya. Sino ba naman ang hindi magagalit sa pagtatago niya ng kanyang anak mula rito. Kahit sino naman siguro ay magagalit siya kung siya ang nasa sitwasyon nito ngunit hindi rin siya nito masisisi dahil kasalanan naman nito kung bakit niya itinago rito ang kanilang anak.Hinintay niya ang kanyang anak na bumaba at ibinaling na lamang sa kalsa
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo habang yakap- yakap ni Aya. Kanina pa din siya nito sinasabihan na okay lang at huwag na siyang umiyak ngunit hindi niya mapigil ang kanyang luha.Lalo pa siyang napaiyak nang makita niya ang picture nitong nakasabit sa dingding katabi ng kanyang Tito. Isang dekada na nang huli niyang masilayan at makita ang mukha nito.Miss na miss na niya ito, ang tawa nito ang bonding nila at higit sa lahat ay ang pag- aalaga nito sa kanya."Huwag ka ng umiyak, Jazz." Sabi ni Aya habang hinihimas nito ang likod niya. Agad naman siyang umayos ng upo at nagpunas ng kanyang luha. Inabutan naman siya ni Vin ng tissue na naka- box at hindi niya alam kung saan nito iyon kinuha.Pero dahil nga umiiyak siya ay kinuha na lamang niya iyon isa pa ay nag- uumpisa na rin namang tumulo sipon niya.Kumuha siya ng tissue at suminga sa harap nila, wala na siyang pakialam kung mandiri pa ang mga ito sa kanya.Bigla namang napatawa si Aya."Grabe ka Jazz. Ang tanda
Pagkagaling nga nila sa sementeryo ay inihatid na niya ulit sa bahay ni Axe Finn si Aya at si Vin. Ibinilin na lamang niya kay Aya na ipahatid ang anak niya ng alas- sais at sinabi niya rin rito na kapag hindi niya nahintay ang anak niya ng sinabi niyang oras ay susugod siya.Tumawa lang ito pagkatapos ay siniguro naman sa kanyang ihahatid ito kaya kampante siyang umuwi sa bahay ni Vince.Pagkarating niya nga doon ay wala pa rin si Vince. Halos tanghali na rin siyang nakauwi dahil nga medyo nagtagal sila sa sementeryo. Ang dami kase niyang naging kwento sa puntod ng yumao niyang ina. Ikwinento niya lahat rito ang mga pagsubok na pinagdaanan niya. Maging si Aya ay nakinig rin sa mga kwento niya. Pagkapasok niya nga sa kaniyang silid ay nahiga muna siya sa kama. Kumain na nga rin pala sila kanina sa isang restaurant na nadaanan nila. Yung mga nagtitinda na nasa tabi ng mga kalsada. Nabusog nga siya kase ang mga inorder niya ay ang mga putaheng matagal- tagal na talaga niyang hindi na
Mag- aala una na nga ng hapon pero wala pa rin si Vince. Nakaligo na siya ng mga oras na iyon at hinihintay niya lang talaga ito para tanungin.Gustong- gusto na niyang malaman ang magiging sagot nito. Dahil nga ng malaman niya na tatakbo ito sa pagiging Mayor ay ikinagpagtaka niya talaga.Nakaramdam siya ng antok at pagkatapos ay biglang napahikab. Ang tagal naman niyang dumating, bulong niya sa kanyang isip pagkatapos ay napapikit.NANG magising nga siya ay agad siyang napabalikwas bg bangon pagkatapos ay napatingin sa orasan. Nakatulog pala siya ng hindi niya namamalayan sa kahihintay niya kay Vince.Kinusot- kusot niya ang kanyang mga mata pagkatapos ay umalis na sa kama. Hapon na pala.Napahikab pa nga siya bago siya lumabas ng pinto. Dumating na kaya ito? Napatanong siya bigla sa kanyang isip. Pero napaka- imposible namang hindi pa rin ito dumating hanggang sa mga oras na iyon dahil hapon na.Lumabas siya ng kanyang silid pagkatapos ay kumatok sa silid ni Vince ngunit walang s
Mag- aalas sais na ng gabi nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kanina pa siya palakad- lakad sa loob ng kaniyang silid at inaabangan kung may sasakyang paparada sa harap ng bahay ni Vince.Alas sais kase ang usapan nila ni Aya at ibinilin niya naman rito na kailangan umuwi ng anak niya ng alas- sais. Maging si Vin ay binilinan niya rin na umuwi ito ng alas saisi empunto ngunit ilang minuto na lang ay wala pa rin ito at hindi pa rin ito dumadating.Dali- dali niya iyong inabot na nakapatong sa kaniyang kama.Paglapat pa lamang ng kaniyang cellphone sa kaniyang tenga ay narinig na niya kaagad ang pagtawag sa kaniya ni Vin sa kabilang linya."Ma..." Mahina at tila puno ng pag- aalala ang boses nito ng mga oras na iyon."Vin anong sabi ko sayo kanina ha? Hindi ba sinabi ko sayong umuwi ka ng alas sais? Anong oras na? Nasaan ka na?" Tuloy- tuloy na tanong niya rito at hindi na nakapag- preno pa ang bunganga niya.Bigla naman siyang napaupo sa ibabaw ng kama pagkatapos ay napahilot sa ka
Kanina pa siya biling- baliktad sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ewan niya ba ngunit tila ba may pumipigil pa sa kaniyang matulog. Napatitig siya sa orasan na nakasabit sa dingding, mag- aalas onse na ng gabi at gising na gising pa rin ang diwa niya.Siguro ay iniisip siya ni Axe Finn. Bigla naman siyang nagulat dahil sa iniisip niya, kung ano- ano na naman ang pumapasok sa utak niya na napaka- imposible namang mangyari. Alam niya namang hindi siya nito iisipin dahil wala lang naman siya rito. Isa pa ay sino ba sana siya sa buhay nito para pagka- abalahan nitong isipin siya? Wala naman. Wala naman siyang papel sa buhay nito.Napabuga na lamang siya ng hangin pagkatapos ay inabot ang kanyang cellphone na nasa tabi ng lampshade.Nakausap niya kanina si Eunice at ibinalita nitong naging maayos naman ang naging fashion show at nairaos naman daw. Nag- send din ito ng maraming pictures na kinuha sa mismong fashion show at nakita naman niyang magaganda talaga an