Kanina pa siya biling- baliktad sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ewan niya ba ngunit tila ba may pumipigil pa sa kaniyang matulog. Napatitig siya sa orasan na nakasabit sa dingding, mag- aalas onse na ng gabi at gising na gising pa rin ang diwa niya.Siguro ay iniisip siya ni Axe Finn. Bigla naman siyang nagulat dahil sa iniisip niya, kung ano- ano na naman ang pumapasok sa utak niya na napaka- imposible namang mangyari. Alam niya namang hindi siya nito iisipin dahil wala lang naman siya rito. Isa pa ay sino ba sana siya sa buhay nito para pagka- abalahan nitong isipin siya? Wala naman. Wala naman siyang papel sa buhay nito.Napabuga na lamang siya ng hangin pagkatapos ay inabot ang kanyang cellphone na nasa tabi ng lampshade.Nakausap niya kanina si Eunice at ibinalita nitong naging maayos naman ang naging fashion show at nairaos naman daw. Nag- send din ito ng maraming pictures na kinuha sa mismong fashion show at nakita naman niyang magaganda talaga an
Hirap na hirap siyang huminga habang umiiyak. Nakaluhod siya ng mga oras na iyon sa isang malamig na sahig. Tiningala niya ang taong nasa kanyang harapan. Lalaki ito ngunit blurred ang mukha nito at hindi niya mamukhaan kung sino ito. Nakasuot ito kulay blue na slacks at nakasuot ito ng polo- shirt na kulay puti at nakasuot ito ng balat na sapatos na may dalawang bakal na nakakorteng square na nasa harap ng sapatos nito."Please, let him live." Umiiyak na sambit niya at patuloy ang pag- agos ng mga luha niya sa mata. Nakatitig siya sa sahig at kitang- kita niya ang mga pagpatak ng kanyang luha. Hindi lang isa kundi madaming patak na ang nasa sahig.Ramdam na ramdam niya ang sakit sa kanyang dibdib habang nagmamakaawa siya rito.Minsan pa ay tumingala siya rito."Please, I am begging. Let him live..."BIGLA siyang napabalikwas ng bangon. Hawak- hawak ang kanyang dibdib. Panaginip lang pala, bulong niya sa kanyang isip.Panaginip lang pala pero nagising siyang naghahabol ng kanyang hi
Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid. Halos hindi pa nga niya maimulat ang kanyang mga mata at nahihirapan siya dahil silaw ang kanyang mga mata sa liwanag.Napakusot siya ng kanyang mata at nilingon ang orasan na nasa silid niya. Alas dose na ng tanghali. Napatitig muna siya sa kisame, napuyat siya sa kaiisip. Simula kase nang magising siya dahil sa kaniyang masamang panaginip ay nahirapan na siyang makatulog.Idagdag pa ang nasaksihan niya na hindi niya inakala. Buhay nga naman. Kung sino pa talaga yung hindi mo inaasahang gagawa sayo ng bagay na iyon ay siya pa talaga ang gagawa.Napabuga na lamang siya ng hangin. Tama lang din pala na unti- unti nang nawawala ang interes niya kay Vince. Mabuti na lang din pala na umuwi siya ng Pilipinas dahil naaktuhan niya ito sa kababuyan nitong ginagawa.Kaninang madaling araw pa niya naisip na dahil pinaglaruan siya nito ay makikipaglaro siya rito. Magkukunwari siyang walang alam tungkol sa kaloko
Sabado nang araw na iyon at wala siyang pasok sa munisipyo. Mabuti na rin yun para makapag- bonding naman sila ng anak niya kahit papaano. Kailangan niyang bumawi rito sa napakaraming taon na wala siya sa tabi nito.Alas- sais pa nga lang iyon ng umaga ngunit bumangon na siya. Nang makita niya ang anak niya sa unang pagkakataon ay kasalukuyan itong naglalaro ng basketball. Siguro ay hilig nito iyon kaya aayain niya itong maglaro, total naman ay nasa harap lang ng kaniyang bahay ang court.Agad siyang bumaba sa kaniyang kama at nagbihis. Ginawa niya ang nga pang- umaga niyang ritwal pagkatapos ay lumabas ng kaniyang silid at dumiretso sa katabi niyang silid.Pagbukas niya pinto ay nakita niyang payapa pa itong natutulog. Nakunsensiya naman siya na gisingin ito e kasarapan pa lamang ng tulog nito. Isinara na lamang niya muli ang pinto at bumaba siya sa kusina upang magpatimpla ng kape kay Aya."Hatiran mo nga ako ng kape Aya sa silid ko." Sabi niya rito."Sige Sir." Sagot nito kaya tu
"Axe Finn.""Axe Finn."Isang tapik sa kaniyang balikat ang nagpalik sa kasalukuyan kay Axe Finn. Hindi niya namalayang lumilipad na naman pala ang kaniyang isip ng mga oras na iyon.Kasalukuyan siyang nasa bahay nila Davin ng oras na iyon, dahil na rin sa sinabi ni Baxter sa kaniya. Bagamat wala sana siyang balak na pumunta kaso lang ay tinawagan nila siya ng tinawagan kaya napilitan siyang pumunta doon.Siya na lamang nahuling dumating doon at siya na lang hinihintay bago nila inumpisahan ang kanilang meeting."Ano bang iniisip mo Axe Finn?" Nakakunot ang tanong sa kaniya ni Vein. Ito ang nagsasalita sa gitna nila at hindi niya din alam kung ano ang isasagot rito kaya bahagya na lamang siyang napailing."Ano ba yun?" Tanong niya rito. Kaagad naman itong napapikit pagkatapos ay napailing."Kanina pa ako salita ng salita rito and yet you are not listening." Sabi nito pagkatapos ay iiling- iling.Kapagkuwan ay dinampot na nito isa- isa ang mga papel na nasa harapan ng lamesa at isinil
Alas syete na ng gabi at tapos na siyang kumain. Nasa veranda siya ng kaniyang silid at kasalukuyang nagpapahangin.Kanina pa niya iniisip ang anak niya, kanina niya pa itong gusto tawagan ngunit pinigil niya ang sarili niya dahil alam niya naman na hindi naman siguro ito pababayaan ni Aya. Kanina niya pa din iniisip kung paano siya makakakuha ng ebidensiya kay Vince na niloloko lang siya nito. Kung susundan naman niya ito ay baka mahuli lang naman siya nito kaya binura niya sa kaniyang isipan ang pagsunod rito.Kung ang cellphone naman nito ay malabo ding mangayari dahil kahit kailan ay hindi niya pa pinangahasang hawakan iyon dahil wala naman sa isip na magloloko ito.Hindi niya iyon naisip dahil sa sobrang kabaitan nito. Nabulag pala siya sa sobrang sweetness nito sa kaniya at hindi niya natanong ang sarili kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa nito pinangahasang ayain siyang matulog sa iisang silid.Pumasok na rin sa kaniyang isip na siguro nga ay iyon ay dahilan ku
Katulad nang mga nakaraang gabi ay umalis na naman si Vince ng mag- aalas onse. Hindi pa talaga siya natulog nang mga oras na iyon dahil kailangan niyang maghalungkat sa mga gamit nito dahil baka sakaling may makuha siyang ebidensiya.Kaya lang ay napaisip siya dahil baka may cctv camera sa labas at loob ng bahay na hindi niya nalalaman. Ngunit kanina ay inikot niya talaga ng kaniyang paningin ang buong bahay at tiningnan kung nasaan ang mga cctv camera at nakita niya na sa labas lang mayroon at wala sa loob.Ang hindi niya lang masiguro ay kung may hidden camera pang nakatago at nakakalat sa buong bahay nito.Sinuguro niya munang ito nga ang umalis at sinilip niya pa ito sa bintana.Nang makaalis nga ito ay agad siyang naglakad palabas ng kaniyang silid at pagkatapos ay dahan- dahan na siyang pumunta sa tapat ng pinto ng silid nito.Siniguro niya na ang kaniyang mga galaw ay maingat at hindi siya makakagaw ng anumang ingay, para na rin walang magising sa mga natirang kasama niya sa
Hindi siya nakatulog buong gabi dahil sa pag- iisip. Isa pa ay iniisip niya ang anak niya. Kailangan na nilang bumalik sa Paris sa lalong madaling panahon dahil hindi na talaga maganda ang nakikita niya kay Vince. Hindi na ito ang dating Vince na kilala niya.Sa likod pala ng maamo nitong mukha ay nakatago ang isang personalidad na kailanman ay hindi pa niya nakita sa tagal nilang magkakilala.Hindi siya nag- oover react dahil iniisip niya lang talaga ang kaniyang kapakanan at ng anak niya. Ang kaligtasan nito ang pinaka- priority niya na ng mga oras na iyon.Maaga nga siyang bumangon ng umagang iyon. Hindi na rin naman talaga siya dalawin ng antok kaya pinili na lamang niya ang bumangon na at lumabas ng bahay. Kailangan niya ring kausapin ang anak niya tungkol sa pagbalik nila sa Paris ngunit ang magiging malaking problema niya ay si Axe Finn. Nasisiguro niyang hindi ito papayag na umuwi na sila ng anak niya. Magiging hadlang ito sa pag- uwi nila at hindi niya alam kung makakausap n