Mag- aalas sais na ng gabi nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kanina pa siya palakad- lakad sa loob ng kaniyang silid at inaabangan kung may sasakyang paparada sa harap ng bahay ni Vince.Alas sais kase ang usapan nila ni Aya at ibinilin niya naman rito na kailangan umuwi ng anak niya ng alas- sais. Maging si Vin ay binilinan niya rin na umuwi ito ng alas saisi empunto ngunit ilang minuto na lang ay wala pa rin ito at hindi pa rin ito dumadating.Dali- dali niya iyong inabot na nakapatong sa kaniyang kama.Paglapat pa lamang ng kaniyang cellphone sa kaniyang tenga ay narinig na niya kaagad ang pagtawag sa kaniya ni Vin sa kabilang linya."Ma..." Mahina at tila puno ng pag- aalala ang boses nito ng mga oras na iyon."Vin anong sabi ko sayo kanina ha? Hindi ba sinabi ko sayong umuwi ka ng alas sais? Anong oras na? Nasaan ka na?" Tuloy- tuloy na tanong niya rito at hindi na nakapag- preno pa ang bunganga niya.Bigla naman siyang napaupo sa ibabaw ng kama pagkatapos ay napahilot sa ka
Kanina pa siya biling- baliktad sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ewan niya ba ngunit tila ba may pumipigil pa sa kaniyang matulog. Napatitig siya sa orasan na nakasabit sa dingding, mag- aalas onse na ng gabi at gising na gising pa rin ang diwa niya.Siguro ay iniisip siya ni Axe Finn. Bigla naman siyang nagulat dahil sa iniisip niya, kung ano- ano na naman ang pumapasok sa utak niya na napaka- imposible namang mangyari. Alam niya namang hindi siya nito iisipin dahil wala lang naman siya rito. Isa pa ay sino ba sana siya sa buhay nito para pagka- abalahan nitong isipin siya? Wala naman. Wala naman siyang papel sa buhay nito.Napabuga na lamang siya ng hangin pagkatapos ay inabot ang kanyang cellphone na nasa tabi ng lampshade.Nakausap niya kanina si Eunice at ibinalita nitong naging maayos naman ang naging fashion show at nairaos naman daw. Nag- send din ito ng maraming pictures na kinuha sa mismong fashion show at nakita naman niyang magaganda talaga an
Hirap na hirap siyang huminga habang umiiyak. Nakaluhod siya ng mga oras na iyon sa isang malamig na sahig. Tiningala niya ang taong nasa kanyang harapan. Lalaki ito ngunit blurred ang mukha nito at hindi niya mamukhaan kung sino ito. Nakasuot ito kulay blue na slacks at nakasuot ito ng polo- shirt na kulay puti at nakasuot ito ng balat na sapatos na may dalawang bakal na nakakorteng square na nasa harap ng sapatos nito."Please, let him live." Umiiyak na sambit niya at patuloy ang pag- agos ng mga luha niya sa mata. Nakatitig siya sa sahig at kitang- kita niya ang mga pagpatak ng kanyang luha. Hindi lang isa kundi madaming patak na ang nasa sahig.Ramdam na ramdam niya ang sakit sa kanyang dibdib habang nagmamakaawa siya rito.Minsan pa ay tumingala siya rito."Please, I am begging. Let him live..."BIGLA siyang napabalikwas ng bangon. Hawak- hawak ang kanyang dibdib. Panaginip lang pala, bulong niya sa kanyang isip.Panaginip lang pala pero nagising siyang naghahabol ng kanyang hi
Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid. Halos hindi pa nga niya maimulat ang kanyang mga mata at nahihirapan siya dahil silaw ang kanyang mga mata sa liwanag.Napakusot siya ng kanyang mata at nilingon ang orasan na nasa silid niya. Alas dose na ng tanghali. Napatitig muna siya sa kisame, napuyat siya sa kaiisip. Simula kase nang magising siya dahil sa kaniyang masamang panaginip ay nahirapan na siyang makatulog.Idagdag pa ang nasaksihan niya na hindi niya inakala. Buhay nga naman. Kung sino pa talaga yung hindi mo inaasahang gagawa sayo ng bagay na iyon ay siya pa talaga ang gagawa.Napabuga na lamang siya ng hangin. Tama lang din pala na unti- unti nang nawawala ang interes niya kay Vince. Mabuti na lang din pala na umuwi siya ng Pilipinas dahil naaktuhan niya ito sa kababuyan nitong ginagawa.Kaninang madaling araw pa niya naisip na dahil pinaglaruan siya nito ay makikipaglaro siya rito. Magkukunwari siyang walang alam tungkol sa kaloko
Sabado nang araw na iyon at wala siyang pasok sa munisipyo. Mabuti na rin yun para makapag- bonding naman sila ng anak niya kahit papaano. Kailangan niyang bumawi rito sa napakaraming taon na wala siya sa tabi nito.Alas- sais pa nga lang iyon ng umaga ngunit bumangon na siya. Nang makita niya ang anak niya sa unang pagkakataon ay kasalukuyan itong naglalaro ng basketball. Siguro ay hilig nito iyon kaya aayain niya itong maglaro, total naman ay nasa harap lang ng kaniyang bahay ang court.Agad siyang bumaba sa kaniyang kama at nagbihis. Ginawa niya ang nga pang- umaga niyang ritwal pagkatapos ay lumabas ng kaniyang silid at dumiretso sa katabi niyang silid.Pagbukas niya pinto ay nakita niyang payapa pa itong natutulog. Nakunsensiya naman siya na gisingin ito e kasarapan pa lamang ng tulog nito. Isinara na lamang niya muli ang pinto at bumaba siya sa kusina upang magpatimpla ng kape kay Aya."Hatiran mo nga ako ng kape Aya sa silid ko." Sabi niya rito."Sige Sir." Sagot nito kaya tu
"Axe Finn.""Axe Finn."Isang tapik sa kaniyang balikat ang nagpalik sa kasalukuyan kay Axe Finn. Hindi niya namalayang lumilipad na naman pala ang kaniyang isip ng mga oras na iyon.Kasalukuyan siyang nasa bahay nila Davin ng oras na iyon, dahil na rin sa sinabi ni Baxter sa kaniya. Bagamat wala sana siyang balak na pumunta kaso lang ay tinawagan nila siya ng tinawagan kaya napilitan siyang pumunta doon.Siya na lamang nahuling dumating doon at siya na lang hinihintay bago nila inumpisahan ang kanilang meeting."Ano bang iniisip mo Axe Finn?" Nakakunot ang tanong sa kaniya ni Vein. Ito ang nagsasalita sa gitna nila at hindi niya din alam kung ano ang isasagot rito kaya bahagya na lamang siyang napailing."Ano ba yun?" Tanong niya rito. Kaagad naman itong napapikit pagkatapos ay napailing."Kanina pa ako salita ng salita rito and yet you are not listening." Sabi nito pagkatapos ay iiling- iling.Kapagkuwan ay dinampot na nito isa- isa ang mga papel na nasa harapan ng lamesa at isinil
Alas syete na ng gabi at tapos na siyang kumain. Nasa veranda siya ng kaniyang silid at kasalukuyang nagpapahangin.Kanina pa niya iniisip ang anak niya, kanina niya pa itong gusto tawagan ngunit pinigil niya ang sarili niya dahil alam niya naman na hindi naman siguro ito pababayaan ni Aya. Kanina niya pa din iniisip kung paano siya makakakuha ng ebidensiya kay Vince na niloloko lang siya nito. Kung susundan naman niya ito ay baka mahuli lang naman siya nito kaya binura niya sa kaniyang isipan ang pagsunod rito.Kung ang cellphone naman nito ay malabo ding mangayari dahil kahit kailan ay hindi niya pa pinangahasang hawakan iyon dahil wala naman sa isip na magloloko ito.Hindi niya iyon naisip dahil sa sobrang kabaitan nito. Nabulag pala siya sa sobrang sweetness nito sa kaniya at hindi niya natanong ang sarili kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa nito pinangahasang ayain siyang matulog sa iisang silid.Pumasok na rin sa kaniyang isip na siguro nga ay iyon ay dahilan ku
Katulad nang mga nakaraang gabi ay umalis na naman si Vince ng mag- aalas onse. Hindi pa talaga siya natulog nang mga oras na iyon dahil kailangan niyang maghalungkat sa mga gamit nito dahil baka sakaling may makuha siyang ebidensiya.Kaya lang ay napaisip siya dahil baka may cctv camera sa labas at loob ng bahay na hindi niya nalalaman. Ngunit kanina ay inikot niya talaga ng kaniyang paningin ang buong bahay at tiningnan kung nasaan ang mga cctv camera at nakita niya na sa labas lang mayroon at wala sa loob.Ang hindi niya lang masiguro ay kung may hidden camera pang nakatago at nakakalat sa buong bahay nito.Sinuguro niya munang ito nga ang umalis at sinilip niya pa ito sa bintana.Nang makaalis nga ito ay agad siyang naglakad palabas ng kaniyang silid at pagkatapos ay dahan- dahan na siyang pumunta sa tapat ng pinto ng silid nito.Siniguro niya na ang kaniyang mga galaw ay maingat at hindi siya makakagaw ng anumang ingay, para na rin walang magising sa mga natirang kasama niya sa
Masakit ang ulo niyang napabangon. Sobrang sakit ng ulo niya ng mga oras na iyon. Bumaba na siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay pumunta sa banyo at doon ay naglabas siya ng sama ng loob. Pagkatapos ng ilang sandali ay naghilamos na siya dahil nailabas na niya ang lahat ng kaniyang nainom kagabi.Kailangan niya ng mainit na kape para kahit papano ay mabawasan man lang ang sama ng pakiramdam niya.Nang makahilamos nga siya ay kaagad na nga siyang nagbihis at bumaba na sa baba.Naabutan niya doon si Eunice na may kausap na babae sa sala. Nang marinig nga nito ang kaniyang mga yabag ay napatingala ito."O gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi nito pagkatapos ay tumayo at kaagad siyang hinila na doon sa harap ng babaeng kausap nito.Nakita niya ang mga invitation na nasa ibabaw ng lamesa. "Nasukatan na kami, ikaw na lang ang hindi nasukatan. Kailangan mo ng masukatan ngayon dahil ira- rush nila ang sayo. Bukas na ang kasal." Masayang sambit nito sa kaniy
Hapon na ng mga oras na iyon at nag- uumpisa na ang sayawan. Kanina kase ay puro kainan lamang at puro kwentuhan. Well, siya wala naman siyang kakwentuhan doon kundi si Vin lang. Wala daw kase si Aya ng araw na iyon dahil may date daw ito.Napa- sana all na lamang siya ng mga oras na iyon dahil ang mga nakikita niya ay mga love- birds.Sina Axe Finn at Eunice ay nagsimula ng magsayaw at sila ang star ng dance floor ng mga oras na iyon. Ang mga mata ng bawat indibidwal na naroon ay nasa kanila lamang.Pumailanglang ang sweet na music at halos magdikit na ang mga katawan ng mga ito na halos wala ng maski hangin ang makadaan sa pagitan nilang dalawa.Kitang- kita niya kung paano magngitian at maghagikgikan ang mga ito.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at napatingala sa langit. Bakit ganuon? Ang lupit ng tadhana sa kaniya. Hindi man lang siya nakaramdam ng saya sa buong buhay niya puro na lang sakit ang nararamdaman niya.Ito ba talaga ang nakatadhana sa kaniya? Ang masaktan na lang n
Nagising si Jazz dahil sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Namulatan niya si Eunice na nakangiti sa kaniya."Nandito na tayo." Malawak ang ngiting sabi nito at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Napahikab siya at pagkatapos ay napainat ng kaniyang katawan. Antok na antok pa siya. Parang matutulog niya lang at pagkatapos ngayon ay ginigising na siya.Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Pagbaba niya ng sasakyan ay halos matigil siya sa kaniyang paghakbang pababa ng sasakyan dahil sa tagpong nakita niya.Magkayakap si Eunice at...Axe Finn?Tila ilang daan kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita. Dinadaya pa siya ng kaniyang mga mata?Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo nga ba ang lahat ng iyon at nang magmulat niya siya ay iyon pa rin ang nakikita niya. Magkayakap ang mga ito at pagkatapos ay may ilang kalalakihang nakahawak ng mga bulaklak at isa- isang bi
Napilit nga siya nitong umuwi ng Pilipinas. Kinunsensiya pa nga siya nito bago siya nito napilit. Napapabuntung- hininga na lamang siya kapag naaalala niya ang pamimilit nito sa kaniya.Nasa eroplano na sila ng mga oras na iyon. Hindi pa nga pala niya nasabi sa kaniyang anak na uuwi siya ng Pilipinas. Gusto niyang sorpresahin ito.Muli siyang napabuntung hininga dahil rito. Akala niya ay nagbibiro lamang si Eunice sa sinasabi nito ngunit napatunayan niyang totoo nga pala ang sinasabi nito at hindi biro.Hindi niya naman kase inakalang seryoso ito at meron nga talaga itong boyfriend sa Pilipinas at nag- aya na sa kaniyang magpakasal.Unang- una ay lagi niya naman kasama ito at wala naman itong nakukwento sa kaniya. Paulit- ulit niya ring tinanong ito kung sigurado ba ito sa gagawin nitong desisyon dahil kapag naikasal na ito ay hindi na ito pwedeng mapawalang bisa pa. Wala naman itong ibang sagot sa kaniya kundi seryoso daw talaga siya at nagmamahalan daw sila ng kaniyang boyfriend ka
Kasalukuyang nakahawak si Jazz ng lapis ng mga oras na iyon. Mayroon na naman silang fashion show kung saan ay mga gown naman ang kanilang irarampa. For sure ay magiging busy na naman siya ng sobra- sobra.Isang taon na ang lumipas simula nang makabalik siya sa Paris at napakalaki na ng ipinagbago ng negosyo niya. Nagkaroon na siya ng ilang branch at nakilala na talaga siya hindi lang sa Paris kundi pati na sa mga karatig na bansa.Sa isang taon na iyon ay napakarami ng nangyari. Si Eunice noon ay grabe ang paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginawa ng Kuya nito sa kaniya. Hindi daw nito alam na may ganuon pala itong plano at isa pa ay hindi niya daw alam na nagpakamatay si Via dahil sa lalaki.Doon niya nalaman na ang babaeng tinutukoy noon ni Vince ay kapatid nila ni Eunice. Mas matanda daw ito kay Eunice at talaga daw na malapit ito sa kaniyang Kuya. Sobrang sweet daw nito at napaka- masiyahin kaya napakalaking tanong talaga noon sa kanila kung bakit ito nagpakamatay.Ngunit ganun
Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid."Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito. Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito."Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon."Aya
Alas diyes na ng umaga ng mga oras na iyon. Pinapanuod ni Jazz mula sa taas kung paano mag- bonding si Axe Finn at si Vin habang naliligo sa swimming pool. Napangiti siya dahil hindi niya inakala na isang araw ay bigla na lamang nitong makakasama ang ama nito. May maganda pa din naman palang naidulot ang pag- uwi nila ng Pilipinas. Hindi puro hindi maganda.Kung may hindi man magandang nangyari ay may magandang nangyari din naman at iyon nga ang pagkikita ni Vin at ni Axe Finn.Napabuntung- hininga siya habang pinapanuod ang mga ito. Kitang- kita niya ang saya sa mukha ng anak niya habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga. Paano nga ba niya naipagkait ang sayang katulad nito sa anak niya?Paano niya nga ba naatim na hindi ito ipakilala sa ama nito? Ibang- iba sa inaakala niya ang naging reaksiyon nito nang malaman nitong may anak sila. Akala niya ay itatanggi niya ito at hindi kikilalanin ngunit ito pa mismo ang nag- insist na anak nito si Vin kahit pa hindi niya ito ipinakilala
Mabilis na lumipas ang araw at pangatlong araw na niya noon sa bahay ni Axe Finn. Mabuti na lamang at masyado itong busy sa opisina nito kaya madalang na rin naman silang magkita.Nang araw nga na iyon ay iyon ang unang araw ng pagdinig sa kaso na isinampa laban kay Vince.Kailangan nilang dumalo doon dahil hihingan sila ng statement. Mabuti na lamang at hindi niya kasabay si Axe Finn na pupunta doon dahil may aasikasuhin pa nga daw muna ito sa munisipyo.Tanging si Aya nga lang ang kasama niya doong pumunta at si Vin naman ay naiwan na lamang doon sa bahay ni Axe Finn. Si Baxter ang naging driver nila.Nang makarating nga sila sa pagdadausan ng kanilang pagdinig ay pumasok na sila kaagad.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang abogado nila at maging ang nasasakdal na si Vince kasama ang abogado nito.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na nga ang pagdinig.Tinawag siya upang magsalita at magkwento doon kung ano ang tunay na nangyari nang dukutin siya nito.Nakaupo na siya sa harap ng m
Ilang araw nga ang nakalipas at nakalabas na rin siya ng ospital. Simula ng magising siya ay hindi na niya nakita pang muli ang kahit anino man lang ni Axe Finn dahil hindi na siya nito dinalaw pa.Hanggang sa ma- discharge siya ay tanging si Aya lamang ang kasama niya."Doon ka daw titira sa bahay ni Sir sabi niya." Pag- iimporma sa kaniya ni Aya habang inihahanda ang kaniyang mga gamit na iuuwi nila.Pauwi na kase sila ng oras na iyon at hinihintay na lamang nila ang susundo sa kanila. Nasisiguro niyang hindi ito ang susundo sa kanila ngayon dahil paniguradong may pasok ito sa kaniyang opisina. Napabuntung- hininga na lamang siya. Ano ang magiging buhay niya kung doon siya sa bahay nito uuwi at titira lalo na at may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Paniguradong wala siyang gagawin doon kundi ang magkulong lalo na kung wala itong pasok sa opisina dahil paniguradong nanduon lamang ito sa bahay nito.Muli siyang napabuntung hininga."Bakit ba parang ang laki- laki ng proble