Alas syete na ng gabi at tapos na siyang kumain. Nasa veranda siya ng kaniyang silid at kasalukuyang nagpapahangin.Kanina pa niya iniisip ang anak niya, kanina niya pa itong gusto tawagan ngunit pinigil niya ang sarili niya dahil alam niya naman na hindi naman siguro ito pababayaan ni Aya. Kanina niya pa din iniisip kung paano siya makakakuha ng ebidensiya kay Vince na niloloko lang siya nito. Kung susundan naman niya ito ay baka mahuli lang naman siya nito kaya binura niya sa kaniyang isipan ang pagsunod rito.Kung ang cellphone naman nito ay malabo ding mangayari dahil kahit kailan ay hindi niya pa pinangahasang hawakan iyon dahil wala naman sa isip na magloloko ito.Hindi niya iyon naisip dahil sa sobrang kabaitan nito. Nabulag pala siya sa sobrang sweetness nito sa kaniya at hindi niya natanong ang sarili kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa nito pinangahasang ayain siyang matulog sa iisang silid.Pumasok na rin sa kaniyang isip na siguro nga ay iyon ay dahilan ku
Katulad nang mga nakaraang gabi ay umalis na naman si Vince ng mag- aalas onse. Hindi pa talaga siya natulog nang mga oras na iyon dahil kailangan niyang maghalungkat sa mga gamit nito dahil baka sakaling may makuha siyang ebidensiya.Kaya lang ay napaisip siya dahil baka may cctv camera sa labas at loob ng bahay na hindi niya nalalaman. Ngunit kanina ay inikot niya talaga ng kaniyang paningin ang buong bahay at tiningnan kung nasaan ang mga cctv camera at nakita niya na sa labas lang mayroon at wala sa loob.Ang hindi niya lang masiguro ay kung may hidden camera pang nakatago at nakakalat sa buong bahay nito.Sinuguro niya munang ito nga ang umalis at sinilip niya pa ito sa bintana.Nang makaalis nga ito ay agad siyang naglakad palabas ng kaniyang silid at pagkatapos ay dahan- dahan na siyang pumunta sa tapat ng pinto ng silid nito.Siniguro niya na ang kaniyang mga galaw ay maingat at hindi siya makakagaw ng anumang ingay, para na rin walang magising sa mga natirang kasama niya sa
Hindi siya nakatulog buong gabi dahil sa pag- iisip. Isa pa ay iniisip niya ang anak niya. Kailangan na nilang bumalik sa Paris sa lalong madaling panahon dahil hindi na talaga maganda ang nakikita niya kay Vince. Hindi na ito ang dating Vince na kilala niya.Sa likod pala ng maamo nitong mukha ay nakatago ang isang personalidad na kailanman ay hindi pa niya nakita sa tagal nilang magkakilala.Hindi siya nag- oover react dahil iniisip niya lang talaga ang kaniyang kapakanan at ng anak niya. Ang kaligtasan nito ang pinaka- priority niya na ng mga oras na iyon.Maaga nga siyang bumangon ng umagang iyon. Hindi na rin naman talaga siya dalawin ng antok kaya pinili na lamang niya ang bumangon na at lumabas ng bahay. Kailangan niya ring kausapin ang anak niya tungkol sa pagbalik nila sa Paris ngunit ang magiging malaking problema niya ay si Axe Finn. Nasisiguro niyang hindi ito papayag na umuwi na sila ng anak niya. Magiging hadlang ito sa pag- uwi nila at hindi niya alam kung makakausap n
Para siyang isang papel na ibinato ng mga ito sa kama. Basta na lamang siya ibinato ng mga ito at halos malapit nang mahulog sa sahig. Mabuti na lamang at malambot pa ang kama dahil kung hindi ay baka nagkandadurog- durog na ang buto niya sa kaniyang katawan.Dahil nga nakatali ang mga kamay niya ay hirap siyang gumalaw. Limitado lamang ang kaniyang paggalaw. Hirap na hirap siyang bumangon sa kama pagkatapos ay umusog sa gilid upang doon umupo.Narinig niya ang paglock ng pinto mula sa labas kung nasaan siyang silid. Bigla na naman niyang naramdaman ang pagtutubig ng kaniyang mga mata. At unti- unting nilulukob ng takot ang buo niyang pagkatao. Anong gagawin nila sa kaniya? Papatayin ba siya ng mga ito?Napahikbi siya pagkatapos ay napapikit. Naisip niya ang kaniyang anak. Hindi na yata niyang muli makikita ang anak niya dahil wawakasan na ng mga ito ang buhay niya.Bakit? Napatanong siya sa kaniyang isip. Ang daming mga tanong na kailangan ng sagot ngunit hindi niya alam kung saan m
Napahiga siya sa kama. Nanghihina siya. Puyat na puyat siya kagabi dahil hindi siya nakatulog at halos hindi rin siya nakakain ng maayos bago pa man sila magtalo ni Vince dahil wala siyang gana.Hindi pa rin niya maawat ang kaniyang mata sa walang patid na pagluha lalo na at binabalak nitong idamay pati na ang anak niya.Natatakot siya, natatakot siya para sa buhay ng anak niya. Kung sana ay siya lang wala siyang problema ngunit idinamay na ni Vince ang anak niya.Hindi nito sinagot kanina ang tanong niya kung bakit nito iyon ginagawa. Kung ano ang naging kasalanan ni Axe Finn rito.Nakaramdam siya ng pagkaantok ng mga oras na iyon at dala na rin siguro ng pagkahapo dahil sa sobrang stress ay nakatulog siya.------Nagising siya dahil sa kalam ng kaniyang sikmura. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay ang silid na hindi pamilyar sa kaniya ang kinamulatan niya.Akala niya ay isang masamang panaginip niya lamang ang lahat na kapag iminulat na niya ang kaniyang mga mata ay wala na siya s
Agad niyang nilabas ang laptop niya at tiningnan kung ano ang nasa loob ng mga USB dala- dala ni Vin at bakit wala doon si Jazz. May koneksiyon kaya ang mga USB na iyon sa pagkawala niya?Agad niya isinaksak ito sa kaniyang laptop at tiningnan kung ano ang mga laman nito. Ngunit puro mga pictures lamang ang laman nito ngunit sa patuloy niyang pag- click ng mga pictures ay tumambad sa kaniya ang mga picture niya kasa si Lizette sa ibat - ibang anggulo.Napakunot ang kaniyang noo dahil rito. May nag- i spy ba sa kanila ni Lizette? Pero ano iyong nakita ni Baxter na magkasama ang mga ito sa airport? Anong ibig sabihin ng mga ito?Mas lalo pang napakunot ang noo niya ng makita ang mga larawan niya kasama ang mga kaibigan niya.Napakunot siya ng kaniyang noo. Bakit ang mga anggulo ng mga litrato ay tila ba nasa harap niya lamang ang kumukuha ng mga larawan? At ang isa pang ipinagtataka niya ay kung bakit may mga larawan siya doon?Anong binabalak nito sa kaniya? Galing ba ang mga iyon kay
Maaga siyang nagising ng umagang iyon dahil kailangan niyang maagang magtungo sa kaniyang opisina upang hanapin ang nakatagong device.Ayon kay Baxter ay wala naman daw siyang pinagsabihan tungkol sa USB na nakita niya sa mga files ng munisipyo. Sinabi niya rin dito ang tungkol sa pagkawala na pang bigla ni Jazz. Isa pa ay tinawagan ni Vin kahapon ang kaniyang Tita Eunice na nalaman niyang kapatid ni Vince na nasa Paris at nag- aasikaso ng shop nila doon.Nalaman nilang wala naman daw doon si Jazz at isa pa ay napaka- imposible namang babalik ito sa Paris na hindi kasama ang anak nito o ni hindi man lang nagpapaalam sa anak nila.Napakalaking tanong sa isip niya ngayon kung nasaan ito at isa lang ang taong pwedeng makasagot ng bagay na iyon at ito ay ang boyfriend nitong si Vince.Siguradong alam nito ang sagot sa tanong niya.Lumabas siya ng kaniyang silid, ngunit kasabay ng kaniyang pagbukas ng pinto ay ang pagbukas din ng pinto ng katabi niyang silid at lumabas mula doon ang susu
Nagising siya dahil sa masamang panaginip. Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang habol- habol ang kaniyang paghinga. Katulad nang nakaraang gabi ay iyon na naman ang napaginipan niya. Hindi niya alam kung bakit lagi niya iyong napapaginipan. Isa ba iyong pangitain?At sino ang lalaking iyon? Hindi niya gaanong nakilala ang mukha nito dahil malabo, ngunit natatandaan niya pa ang kaniyang panaginip.Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Pawis na pawis siya. Pangalawang beses na niya itong napapaginipan at ngayon ay tila continuation ito ng nauna niyang panaginip.Napahinga siya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili niya. Malapit na kaya siyang mawala kaya nananaginip siya ng mga ganuong pangyayari?Napatayo siya mula sa kama at nagtungo sa banyo pagtapos ay napatingin sa maliit na bintana ng banyo. Anong oras na kaya? Tanong niya sa kaniyang isip pagkatapos ay tumungtong siya sa toilet upang tumanaw sa labas gamit ang maliit na bintana. Sa labas ay nag- uumpisa ng magliwanag an