Hindi na nga nagulat si Axe Finn ng dumating si Baxter. May dala- dala pa nga itong pagkain galing sa isang kilalang fastfood restaurant at iniabot sa kaniya nang makapasok ito sa kaniyang opisina.Kahit hindi niya pa ito pinapaupo ay umupo na lamang ito basta pagkatapos ay tiningnan siya.Hindi naman siya nag- react pagkatapos ay inumpisahan na lamang niyang buksan ang dala nito."So anong naging usapan niyo ni Mr. Florante?" Tukoy niya sa sinasabi niyang influencer na magiging guest niya sa kaniyang campaign rally sa biyernes na gaganapin sa court ng kanilang bayan."Okay naman," sagot naman ni Baxter pagkatapos ay sumandal sa inuupuan nito. "Pumayag siya sa 20 thousand na inoffer ko sa kaniya." Dagdag pa nito.Tumango- tango siya bilang sagot rito pagkatapos ay inumpisahan na niyang kainin ang daka nito.-------Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at katabi niya si Lizette. Doon siya natulog nang gabing iyon. Tanghali na nga at kagigising niya lamang samantalang si Lizette ay kanin
Maaga siyang umuwi ng kaniyang bahay ng araw na iyon dahil hindi pa rin niya maalis ang pag- aalala sa anak niya. Alam niyang hindi pa din ito napapakali na hindi pa rin nito nakikita ang Mommy nito.Ibinilin niya naman kay Aya na huwag na huwag niyang papayagan itong umalis ng bahay dahil kapag nakalabas ito at natakasan siya ay malalagot siya rito.Hindi naman sa tinakot niya si Aya ngunit gusto niya lang talagang masigurong magiging ligtas ang anak niya.Pagkauwi niya nga ay kaagad niyang hinanap si Vin kay Aya."Nandiyan sa court kasama ni Baxter." Sagot nito pagkatapos ay aalis na sana sa harapan niya ngunit tinawag niya ito kaya muli itong humarap sa kaniya."Dumaan ba kaninang umaga dito si Lizette?" Tanong niya rito dahil gusto niyang makasiguro sa sinabi nito sa kaniya kanina.Napailing naman ito bilang sagot sa kaniya at pagkatapos ay napakunot ang noo."Ang tagal kong nagdamo sa garden Sir para makita ko at mabantayan ko si Vin kaso wala namang dumaan dito." Sagot nito haba
Alas sais na nga kanina nang makauwi sila sa bahay niya galing sa court. Talaga namang masayang- masaya ang anak niya sa paglalaro ng basketball at dahil dito ay pinagbigyan niya itong maglaro pa kahit gusto na sana niyang iuwi ito. Mabuti na lang din at marunong si Baxter maglaro ng basketball dahil ang buong akala niya ay cellphone lamang alam nitong laruin dahil hindi niya pa naman ito nakitang naglaro ng basketball at kanina niya lamang nakita na marunong naman pala ito.Nakita niya ang saya sa mukha nito at alam niya kahit papano ay nawala sa isip nito ang pag- aalala sa ina nito.Eksaktong katatapos lamang nilang kumain at nasa salas sila para magpababa ng kanilang kinain. Nanduon pa nga lang pala si Baxter at wala yata itong balak na umuwi dahil may mga dala pala itong mga damit. Sa katunayan nga nauna pa itong nakaligo sa kanila kanina bago silang kumain.Nang tumunog ang cellphone ni Vin, kung saan siya ang umabot dahil busy ito sa pinapanuod. Nang makita ang pangalan na na
Nasa balcony sila ni Baxter at kasalukuyang silang umiinom. Nitong mga nakaraan ay medyo natututo na talaga si Baxter na uminom. Samantalang noon ay halos ayaw nitong tumikhim ng alak dahil hindi daw ito kasama sa mga priorities niya ngunit nang lagi naman na niya itong kasama ay lagi na rin naman itong umiinom.Medyo tumataas na rin ang tolerance nito sa alak hindi na katulad ng dati na madali lamang itong nalalasing. Ngayon ay hindi na ito ganuon."Sa tingin mo saan niya kaya itinago si Jazz?" Tanong niya rito habang nilalaro ang kaniyang baso na may lamang alak."Wala din akong ideya." Sagot naman nito. "And yet hindi ko naman siya kilala personally." Dagdag pa nito pagkatapos ay lumagok sa baso nito."Sa tingin mo bakit kaya niya ginagawa ang lahat ng ito?" Natanong ni Baxter sa kaniya out of nowhere.Napabuga siya ng hangin."I don't know either." Sagot niya na may katotohanan naman. Hindi niya alam kung bakit ginagawa nito iyon. Wala siyang ideya."Narinig mo ba ang hikbi kanina
Nasa hapag na sila at kasalukuyan ng kumakain ng umagahan nang biglang tumunog ang cellphone ni Baxter.Nasa tabi ito ng kaniyang plato nang mga oras na iyon dahil maaga itong gumising para maglaro na naman.Nagyabang pa nga ito sa kaniya na nambugbog na naman daw siya sa kaniyang laro. Hindi niya naman maipagkakailang magaling talaga ito sa laro nito. Sa katunayan nga ay isa na itong sikat na streamer ngunit hindi pa ito nag- face reveal.Kumbaga ay kilala siya pero hindi kilala ang totoo niyang mukha.Nagdadalawang isip ito na sagutin dahil nga nasa harap ito ng hapag ngunit pinili na lamang nitong sagutin iyon dahil nga baka importante ito."Hello?" Nakakunot noong tanong nito at itinigil ang pagkain.Sila ni Vin ay tahimik lang silang nagpatuloy sa kanilang pagkain. Wala naman silang koneksiyon sa tawag nito."What?" Narinig niyang tanong nito pagkatapos ay napakunot ang noo kaya napalingon siya rito habang sumusubo."Okay." Sabi lang nito pagkatapos ay padabog na inilapag ang cel
Hindi niya alam pero tila ba walang kalakas- lakas ang katawan niya. Siguro ay dahil hindi siya nakakakain ng maayos dahil sa sitwasyon niya. Sino ba naman kase ang makakakain ng maayos kung nakakulong siya at hindi niya alam kung ano ang nangyayari labas.Baka mamaya pala ay nasa panganib na ang kaniyang anak ay wala pa siyang kaalam- alam dahil nakakulong lang siya sa apat na sulok ng silid na iyon.Umaga na naman, panibagong araw na naman ang dadaan ngunit siya ay nananatili pa ring naroon.Walang lakas ang katawan niya dahil tila ba hapong- hapo siya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya siguro dahil na rin sa pag- iyak at sa kanyang pag- iisip ng mga posibilad na pwedeng mangyari sa kaniyang anak.Nasisiguro naman niyang hindi pababayaan ni Axe Finn ang anak nila dahil kahit hindi nito nakasama si Vin simula baby ito ay nakita niya naman ang koneksiyon nito sa anak niya.Isa pa ay tinanong niya noon si Vin kung kamusta naman ang pakikitungo nito sa kaniya, ayon sa anak niya ay tala
"Yes pumunta na kayo dito ngayon din. May kailangan akong asikasuhin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatay niya ang tawag."What are you thinking? Bakit pati ako ay kailangan mong pabantayan?" Hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Lizette.Hindi niya ito sinagot bagkus ay dinampot niya ang cellphone nito at inilagay sa kaniyang bulsa."Pati yang cellphone ko dadalhin mo pa? What is the meaning of this Vince?" Tanong nito habang hindi maipinta ang mukha.Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa. Dinampot niya ang laptop kung saan naka- direct ang hidden camera sa loob ng opisina ni Axe Finn at nilagay sa kaniyang tenga ang isang bluetooth earpiece na maliit lang at hindi pansin sa kaniyang isang tenga upang marinig niya pa rin ang magiging usapan sa opisina nito.Kailangan niyang maging attentive sa pakikinig sa mga gagawin nitong plano dahil malapit- lapit na ang eleksiyon.Kailangan niyang i- meet ang influencer na kinausap niya kahapon. Kailangan niya
Dumating siya sa kaniyang bahay ng mag- aalas dose. Naabutan niya doon ang kaniyang Ama na kanina pa pala naghihintay sa kaniya."O Pa, nandito ka pala." Ngiting bati niya rito pagkatapos ay kaagad na niyakap ito ngunit hindi man lang ito gumalaw sa kaniyang kinauupuan upang yakapin siya pabalik.Hindi na lamang siya umimik pagkatapos ay umupo sa tapat ng inuupuan nito.Tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay sumandal sa sofa at ilang sandali pa ay ipinag- krus nito ang mga kamay sa kaniyang dibdib."Anong petsa na pero wala ka pang ginagawang hakbang. Nakukuha mo pa talagang pumunta sa kung saan- saan." Sita nito sa kaniya."Pa pumunta ako sa influencer na kinuha nila at binayaran ko para hindi ito umattend sa campaign rally nila." Sagot niya naman rito.Mas sumama lamang ang mukha nito dahil sa sagot niya."Sa tingin mo sasapat iyon? Sa tingin mo hindi niya kayang kumuha ng iba para sa campaign rally niya?" Inis na tanong nito sa kaniya. Bakas na bakas din ang galit sa mukha nito dahil