Hindi siya nakatulog buong gabi dahil sa pag- iisip. Isa pa ay iniisip niya ang anak niya. Kailangan na nilang bumalik sa Paris sa lalong madaling panahon dahil hindi na talaga maganda ang nakikita niya kay Vince. Hindi na ito ang dating Vince na kilala niya.Sa likod pala ng maamo nitong mukha ay nakatago ang isang personalidad na kailanman ay hindi pa niya nakita sa tagal nilang magkakilala.Hindi siya nag- oover react dahil iniisip niya lang talaga ang kaniyang kapakanan at ng anak niya. Ang kaligtasan nito ang pinaka- priority niya na ng mga oras na iyon.Maaga nga siyang bumangon ng umagang iyon. Hindi na rin naman talaga siya dalawin ng antok kaya pinili na lamang niya ang bumangon na at lumabas ng bahay. Kailangan niya ring kausapin ang anak niya tungkol sa pagbalik nila sa Paris ngunit ang magiging malaking problema niya ay si Axe Finn. Nasisiguro niyang hindi ito papayag na umuwi na sila ng anak niya. Magiging hadlang ito sa pag- uwi nila at hindi niya alam kung makakausap n
Para siyang isang papel na ibinato ng mga ito sa kama. Basta na lamang siya ibinato ng mga ito at halos malapit nang mahulog sa sahig. Mabuti na lamang at malambot pa ang kama dahil kung hindi ay baka nagkandadurog- durog na ang buto niya sa kaniyang katawan.Dahil nga nakatali ang mga kamay niya ay hirap siyang gumalaw. Limitado lamang ang kaniyang paggalaw. Hirap na hirap siyang bumangon sa kama pagkatapos ay umusog sa gilid upang doon umupo.Narinig niya ang paglock ng pinto mula sa labas kung nasaan siyang silid. Bigla na naman niyang naramdaman ang pagtutubig ng kaniyang mga mata. At unti- unting nilulukob ng takot ang buo niyang pagkatao. Anong gagawin nila sa kaniya? Papatayin ba siya ng mga ito?Napahikbi siya pagkatapos ay napapikit. Naisip niya ang kaniyang anak. Hindi na yata niyang muli makikita ang anak niya dahil wawakasan na ng mga ito ang buhay niya.Bakit? Napatanong siya sa kaniyang isip. Ang daming mga tanong na kailangan ng sagot ngunit hindi niya alam kung saan m
Napahiga siya sa kama. Nanghihina siya. Puyat na puyat siya kagabi dahil hindi siya nakatulog at halos hindi rin siya nakakain ng maayos bago pa man sila magtalo ni Vince dahil wala siyang gana.Hindi pa rin niya maawat ang kaniyang mata sa walang patid na pagluha lalo na at binabalak nitong idamay pati na ang anak niya.Natatakot siya, natatakot siya para sa buhay ng anak niya. Kung sana ay siya lang wala siyang problema ngunit idinamay na ni Vince ang anak niya.Hindi nito sinagot kanina ang tanong niya kung bakit nito iyon ginagawa. Kung ano ang naging kasalanan ni Axe Finn rito.Nakaramdam siya ng pagkaantok ng mga oras na iyon at dala na rin siguro ng pagkahapo dahil sa sobrang stress ay nakatulog siya.------Nagising siya dahil sa kalam ng kaniyang sikmura. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay ang silid na hindi pamilyar sa kaniya ang kinamulatan niya.Akala niya ay isang masamang panaginip niya lamang ang lahat na kapag iminulat na niya ang kaniyang mga mata ay wala na siya s
Agad niyang nilabas ang laptop niya at tiningnan kung ano ang nasa loob ng mga USB dala- dala ni Vin at bakit wala doon si Jazz. May koneksiyon kaya ang mga USB na iyon sa pagkawala niya?Agad niya isinaksak ito sa kaniyang laptop at tiningnan kung ano ang mga laman nito. Ngunit puro mga pictures lamang ang laman nito ngunit sa patuloy niyang pag- click ng mga pictures ay tumambad sa kaniya ang mga picture niya kasa si Lizette sa ibat - ibang anggulo.Napakunot ang kaniyang noo dahil rito. May nag- i spy ba sa kanila ni Lizette? Pero ano iyong nakita ni Baxter na magkasama ang mga ito sa airport? Anong ibig sabihin ng mga ito?Mas lalo pang napakunot ang noo niya ng makita ang mga larawan niya kasama ang mga kaibigan niya.Napakunot siya ng kaniyang noo. Bakit ang mga anggulo ng mga litrato ay tila ba nasa harap niya lamang ang kumukuha ng mga larawan? At ang isa pang ipinagtataka niya ay kung bakit may mga larawan siya doon?Anong binabalak nito sa kaniya? Galing ba ang mga iyon kay
Maaga siyang nagising ng umagang iyon dahil kailangan niyang maagang magtungo sa kaniyang opisina upang hanapin ang nakatagong device.Ayon kay Baxter ay wala naman daw siyang pinagsabihan tungkol sa USB na nakita niya sa mga files ng munisipyo. Sinabi niya rin dito ang tungkol sa pagkawala na pang bigla ni Jazz. Isa pa ay tinawagan ni Vin kahapon ang kaniyang Tita Eunice na nalaman niyang kapatid ni Vince na nasa Paris at nag- aasikaso ng shop nila doon.Nalaman nilang wala naman daw doon si Jazz at isa pa ay napaka- imposible namang babalik ito sa Paris na hindi kasama ang anak nito o ni hindi man lang nagpapaalam sa anak nila.Napakalaking tanong sa isip niya ngayon kung nasaan ito at isa lang ang taong pwedeng makasagot ng bagay na iyon at ito ay ang boyfriend nitong si Vince.Siguradong alam nito ang sagot sa tanong niya.Lumabas siya ng kaniyang silid, ngunit kasabay ng kaniyang pagbukas ng pinto ay ang pagbukas din ng pinto ng katabi niyang silid at lumabas mula doon ang susu
Nagising siya dahil sa masamang panaginip. Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang habol- habol ang kaniyang paghinga. Katulad nang nakaraang gabi ay iyon na naman ang napaginipan niya. Hindi niya alam kung bakit lagi niya iyong napapaginipan. Isa ba iyong pangitain?At sino ang lalaking iyon? Hindi niya gaanong nakilala ang mukha nito dahil malabo, ngunit natatandaan niya pa ang kaniyang panaginip.Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Pawis na pawis siya. Pangalawang beses na niya itong napapaginipan at ngayon ay tila continuation ito ng nauna niyang panaginip.Napahinga siya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili niya. Malapit na kaya siyang mawala kaya nananaginip siya ng mga ganuong pangyayari?Napatayo siya mula sa kama at nagtungo sa banyo pagtapos ay napatingin sa maliit na bintana ng banyo. Anong oras na kaya? Tanong niya sa kaniyang isip pagkatapos ay tumungtong siya sa toilet upang tumanaw sa labas gamit ang maliit na bintana. Sa labas ay nag- uumpisa ng magliwanag an
Hindi na nga nagulat si Axe Finn ng dumating si Baxter. May dala- dala pa nga itong pagkain galing sa isang kilalang fastfood restaurant at iniabot sa kaniya nang makapasok ito sa kaniyang opisina.Kahit hindi niya pa ito pinapaupo ay umupo na lamang ito basta pagkatapos ay tiningnan siya.Hindi naman siya nag- react pagkatapos ay inumpisahan na lamang niyang buksan ang dala nito."So anong naging usapan niyo ni Mr. Florante?" Tukoy niya sa sinasabi niyang influencer na magiging guest niya sa kaniyang campaign rally sa biyernes na gaganapin sa court ng kanilang bayan."Okay naman," sagot naman ni Baxter pagkatapos ay sumandal sa inuupuan nito. "Pumayag siya sa 20 thousand na inoffer ko sa kaniya." Dagdag pa nito.Tumango- tango siya bilang sagot rito pagkatapos ay inumpisahan na niyang kainin ang daka nito.-------Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at katabi niya si Lizette. Doon siya natulog nang gabing iyon. Tanghali na nga at kagigising niya lamang samantalang si Lizette ay kanin
Maaga siyang umuwi ng kaniyang bahay ng araw na iyon dahil hindi pa rin niya maalis ang pag- aalala sa anak niya. Alam niyang hindi pa din ito napapakali na hindi pa rin nito nakikita ang Mommy nito.Ibinilin niya naman kay Aya na huwag na huwag niyang papayagan itong umalis ng bahay dahil kapag nakalabas ito at natakasan siya ay malalagot siya rito.Hindi naman sa tinakot niya si Aya ngunit gusto niya lang talagang masigurong magiging ligtas ang anak niya.Pagkauwi niya nga ay kaagad niyang hinanap si Vin kay Aya."Nandiyan sa court kasama ni Baxter." Sagot nito pagkatapos ay aalis na sana sa harapan niya ngunit tinawag niya ito kaya muli itong humarap sa kaniya."Dumaan ba kaninang umaga dito si Lizette?" Tanong niya rito dahil gusto niyang makasiguro sa sinabi nito sa kaniya kanina.Napailing naman ito bilang sagot sa kaniya at pagkatapos ay napakunot ang noo."Ang tagal kong nagdamo sa garden Sir para makita ko at mabantayan ko si Vin kaso wala namang dumaan dito." Sagot nito haba