Share

Chapter 38

Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid. Halos hindi pa nga niya maimulat ang kanyang mga mata at nahihirapan siya dahil silaw ang kanyang mga mata sa liwanag.

Napakusot siya ng kanyang mata at nilingon ang orasan na nasa silid niya. Alas dose na ng tanghali. Napatitig muna siya sa kisame, napuyat siya sa kaiisip. Simula kase nang magising siya dahil sa kaniyang masamang panaginip ay nahirapan na siyang makatulog.

Idagdag pa ang nasaksihan niya na hindi niya inakala. Buhay nga naman. Kung sino pa talaga yung hindi mo inaasahang gagawa sayo ng bagay na iyon ay siya pa talaga ang gagawa.

Napabuga na lamang siya ng hangin. Tama lang din pala na unti- unti nang nawawala ang interes niya kay Vince. Mabuti na lang din pala na umuwi siya ng Pilipinas dahil naaktuhan niya ito sa kababuyan nitong ginagawa.

Kaninang madaling araw pa niya naisip na dahil pinaglaruan siya nito ay makikipaglaro siya rito. Magkukunwari siyang walang alam tungkol sa kaloko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status