Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo habang yakap- yakap ni Aya. Kanina pa din siya nito sinasabihan na okay lang at huwag na siyang umiyak ngunit hindi niya mapigil ang kanyang luha.Lalo pa siyang napaiyak nang makita niya ang picture nitong nakasabit sa dingding katabi ng kanyang Tito. Isang dekada na nang huli niyang masilayan at makita ang mukha nito.Miss na miss na niya ito, ang tawa nito ang bonding nila at higit sa lahat ay ang pag- aalaga nito sa kanya."Huwag ka ng umiyak, Jazz." Sabi ni Aya habang hinihimas nito ang likod niya. Agad naman siyang umayos ng upo at nagpunas ng kanyang luha. Inabutan naman siya ni Vin ng tissue na naka- box at hindi niya alam kung saan nito iyon kinuha.Pero dahil nga umiiyak siya ay kinuha na lamang niya iyon isa pa ay nag- uumpisa na rin namang tumulo sipon niya.Kumuha siya ng tissue at suminga sa harap nila, wala na siyang pakialam kung mandiri pa ang mga ito sa kanya.Bigla namang napatawa si Aya."Grabe ka Jazz. Ang tanda
Pagkagaling nga nila sa sementeryo ay inihatid na niya ulit sa bahay ni Axe Finn si Aya at si Vin. Ibinilin na lamang niya kay Aya na ipahatid ang anak niya ng alas- sais at sinabi niya rin rito na kapag hindi niya nahintay ang anak niya ng sinabi niyang oras ay susugod siya.Tumawa lang ito pagkatapos ay siniguro naman sa kanyang ihahatid ito kaya kampante siyang umuwi sa bahay ni Vince.Pagkarating niya nga doon ay wala pa rin si Vince. Halos tanghali na rin siyang nakauwi dahil nga medyo nagtagal sila sa sementeryo. Ang dami kase niyang naging kwento sa puntod ng yumao niyang ina. Ikwinento niya lahat rito ang mga pagsubok na pinagdaanan niya. Maging si Aya ay nakinig rin sa mga kwento niya. Pagkapasok niya nga sa kaniyang silid ay nahiga muna siya sa kama. Kumain na nga rin pala sila kanina sa isang restaurant na nadaanan nila. Yung mga nagtitinda na nasa tabi ng mga kalsada. Nabusog nga siya kase ang mga inorder niya ay ang mga putaheng matagal- tagal na talaga niyang hindi na
Mag- aala una na nga ng hapon pero wala pa rin si Vince. Nakaligo na siya ng mga oras na iyon at hinihintay niya lang talaga ito para tanungin.Gustong- gusto na niyang malaman ang magiging sagot nito. Dahil nga ng malaman niya na tatakbo ito sa pagiging Mayor ay ikinagpagtaka niya talaga.Nakaramdam siya ng antok at pagkatapos ay biglang napahikab. Ang tagal naman niyang dumating, bulong niya sa kanyang isip pagkatapos ay napapikit.NANG magising nga siya ay agad siyang napabalikwas bg bangon pagkatapos ay napatingin sa orasan. Nakatulog pala siya ng hindi niya namamalayan sa kahihintay niya kay Vince.Kinusot- kusot niya ang kanyang mga mata pagkatapos ay umalis na sa kama. Hapon na pala.Napahikab pa nga siya bago siya lumabas ng pinto. Dumating na kaya ito? Napatanong siya bigla sa kanyang isip. Pero napaka- imposible namang hindi pa rin ito dumating hanggang sa mga oras na iyon dahil hapon na.Lumabas siya ng kanyang silid pagkatapos ay kumatok sa silid ni Vince ngunit walang s
Mag- aalas sais na ng gabi nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kanina pa siya palakad- lakad sa loob ng kaniyang silid at inaabangan kung may sasakyang paparada sa harap ng bahay ni Vince.Alas sais kase ang usapan nila ni Aya at ibinilin niya naman rito na kailangan umuwi ng anak niya ng alas- sais. Maging si Vin ay binilinan niya rin na umuwi ito ng alas saisi empunto ngunit ilang minuto na lang ay wala pa rin ito at hindi pa rin ito dumadating.Dali- dali niya iyong inabot na nakapatong sa kaniyang kama.Paglapat pa lamang ng kaniyang cellphone sa kaniyang tenga ay narinig na niya kaagad ang pagtawag sa kaniya ni Vin sa kabilang linya."Ma..." Mahina at tila puno ng pag- aalala ang boses nito ng mga oras na iyon."Vin anong sabi ko sayo kanina ha? Hindi ba sinabi ko sayong umuwi ka ng alas sais? Anong oras na? Nasaan ka na?" Tuloy- tuloy na tanong niya rito at hindi na nakapag- preno pa ang bunganga niya.Bigla naman siyang napaupo sa ibabaw ng kama pagkatapos ay napahilot sa ka
Kanina pa siya biling- baliktad sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ewan niya ba ngunit tila ba may pumipigil pa sa kaniyang matulog. Napatitig siya sa orasan na nakasabit sa dingding, mag- aalas onse na ng gabi at gising na gising pa rin ang diwa niya.Siguro ay iniisip siya ni Axe Finn. Bigla naman siyang nagulat dahil sa iniisip niya, kung ano- ano na naman ang pumapasok sa utak niya na napaka- imposible namang mangyari. Alam niya namang hindi siya nito iisipin dahil wala lang naman siya rito. Isa pa ay sino ba sana siya sa buhay nito para pagka- abalahan nitong isipin siya? Wala naman. Wala naman siyang papel sa buhay nito.Napabuga na lamang siya ng hangin pagkatapos ay inabot ang kanyang cellphone na nasa tabi ng lampshade.Nakausap niya kanina si Eunice at ibinalita nitong naging maayos naman ang naging fashion show at nairaos naman daw. Nag- send din ito ng maraming pictures na kinuha sa mismong fashion show at nakita naman niyang magaganda talaga an
Hirap na hirap siyang huminga habang umiiyak. Nakaluhod siya ng mga oras na iyon sa isang malamig na sahig. Tiningala niya ang taong nasa kanyang harapan. Lalaki ito ngunit blurred ang mukha nito at hindi niya mamukhaan kung sino ito. Nakasuot ito kulay blue na slacks at nakasuot ito ng polo- shirt na kulay puti at nakasuot ito ng balat na sapatos na may dalawang bakal na nakakorteng square na nasa harap ng sapatos nito."Please, let him live." Umiiyak na sambit niya at patuloy ang pag- agos ng mga luha niya sa mata. Nakatitig siya sa sahig at kitang- kita niya ang mga pagpatak ng kanyang luha. Hindi lang isa kundi madaming patak na ang nasa sahig.Ramdam na ramdam niya ang sakit sa kanyang dibdib habang nagmamakaawa siya rito.Minsan pa ay tumingala siya rito."Please, I am begging. Let him live..."BIGLA siyang napabalikwas ng bangon. Hawak- hawak ang kanyang dibdib. Panaginip lang pala, bulong niya sa kanyang isip.Panaginip lang pala pero nagising siyang naghahabol ng kanyang hi
Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid. Halos hindi pa nga niya maimulat ang kanyang mga mata at nahihirapan siya dahil silaw ang kanyang mga mata sa liwanag.Napakusot siya ng kanyang mata at nilingon ang orasan na nasa silid niya. Alas dose na ng tanghali. Napatitig muna siya sa kisame, napuyat siya sa kaiisip. Simula kase nang magising siya dahil sa kaniyang masamang panaginip ay nahirapan na siyang makatulog.Idagdag pa ang nasaksihan niya na hindi niya inakala. Buhay nga naman. Kung sino pa talaga yung hindi mo inaasahang gagawa sayo ng bagay na iyon ay siya pa talaga ang gagawa.Napabuga na lamang siya ng hangin. Tama lang din pala na unti- unti nang nawawala ang interes niya kay Vince. Mabuti na lang din pala na umuwi siya ng Pilipinas dahil naaktuhan niya ito sa kababuyan nitong ginagawa.Kaninang madaling araw pa niya naisip na dahil pinaglaruan siya nito ay makikipaglaro siya rito. Magkukunwari siyang walang alam tungkol sa kaloko
Sabado nang araw na iyon at wala siyang pasok sa munisipyo. Mabuti na rin yun para makapag- bonding naman sila ng anak niya kahit papaano. Kailangan niyang bumawi rito sa napakaraming taon na wala siya sa tabi nito.Alas- sais pa nga lang iyon ng umaga ngunit bumangon na siya. Nang makita niya ang anak niya sa unang pagkakataon ay kasalukuyan itong naglalaro ng basketball. Siguro ay hilig nito iyon kaya aayain niya itong maglaro, total naman ay nasa harap lang ng kaniyang bahay ang court.Agad siyang bumaba sa kaniyang kama at nagbihis. Ginawa niya ang nga pang- umaga niyang ritwal pagkatapos ay lumabas ng kaniyang silid at dumiretso sa katabi niyang silid.Pagbukas niya pinto ay nakita niyang payapa pa itong natutulog. Nakunsensiya naman siya na gisingin ito e kasarapan pa lamang ng tulog nito. Isinara na lamang niya muli ang pinto at bumaba siya sa kusina upang magpatimpla ng kape kay Aya."Hatiran mo nga ako ng kape Aya sa silid ko." Sabi niya rito."Sige Sir." Sagot nito kaya tu