Nang makapasok nga siya sa bahay ay sinalubong siya kaagad ng dalawang katulong at kinuha ang maleta niya. Iaakyat na sana ng mga ito ang maleta niya sa silid ni Vince ngunit sinabi niyang sa guest room na lamang nila ito dalhin.Ngunit bago pumanik ang mga ito ay tinanong niya kung nasaan ang kanyang anak dahil parang wala ito roon."Ahh wala po siya. Kasama niya po yung pamangkin ni Sir Vince." Sagot sa kanya ng isa sa mga ito.Napaangat naman ang kanyang noo dahil sa naging sagot nito."Saan naman sila nagpunta?" Agad niyang tanong rito. Halos isang linggo pa lamang mahigit rito ang kanyang anak pagkatapos ay kung saan- saan na ito nakakarating at pinapayagan ito ni Vince na gumala ng mag - isa."Nag- basketball po yata sa court." Sagot muli nito at pagkatapos ay tumalikod na ng bigla siyang ulit nagtanong."E si Vince nasaan siya?" Papaakyat na ito sa hagdan ng mga oras na iyon. "May meeting de avance po sila ngayon." Maikli naman nitong sagot at nagtuloy- tuloy na sa kanyang pa
Kasalukuyan siyang nagbibihis ng oras na iyon at hindi niya inaasahang pupuntahan siya ng maaga ni Baxter. Nakailang katok ito sa kanyang pinto at may pasigaw pa itong pagtawag sa kanya. Inis na inis naman siya ng mga oras na iyon dahil hindi pa nga siya nakakapagbihis. Dahil na rin sa kakulitan nito ay pinagbinuksan na niya ito ng pinto at sa halip na magbibihis na siya ng kanyang pang opisina ay pinili na lamang niyang magsuot muna ng isang simpleng shorts.Pagkatapos niyang isinara ang suot niyang shorts ay tyaka niya lang ito pinagbuksan. Natigil pa nga ito at pagkatapos ay napakunot ang kanyang noo nang titigan siya nito.Napaka- weird bulong niya sa kanyang isip at halos magtayuan ang kanyang balahibo sa kanyang naiisip."Halika sumama ka sa akin. May kailangan kang makita." Sabi nito at hinaltak na siya palabas ng kanyang silid. Mabuti na lamang at nahawakan na niya sa isa niyang kamay ang kanyang isusuot na damit.Nang makababa sila nang hagdan ay doon sumungaw ang kanyang ka
Halos tumulo ang luha ni Jazz nang sumakay siya sa tricycle. Ang bagay na ikanakatakot niya ay dumating na. Kaya ayaw niya talagang umuwi ng Pilipinas dahil napak- imposible talagang hindi mangyari ang ganito.Ang galit sa mga mata nito kanina ay halatang- halata lalo na ng sabihin nitong itinago niya ang anak niya mula rito na may katotohanan naman.Ngunit ang titig nito sa anak niya ay ibang- iba. May something sa titig nito at hindi niya iyon kayang ipaliwanag.Alam niyang hindi nito inaasahan na magbubunga ang isang gabing pinagsaluhan nila dahil sino nga ba naman talaga ang umaasang may mabubuo sa gabing iyon? Kahit siya man ay hindi pumasok iyon sa isip niya ngunit iyon na nga ang nangyari at may nabuo, iyon ay si Vin.Hindi man iyon inaasahan o hindi man niya iyon kagustuhan ay wala siyang pinagsisisihan na dumating si Vin sa kanyang buhay dahil ito ang pumuno sa mga wala sa buhay niya kahit pa napakahirap iyon sa lugar niya.Ito ang nagbigay ng liwanag sa mulungkot niyang mun
"Oh really?" Masiglang tanong nang nasa kabilang linya."Yes." Masayang sagot niya at pagkatapos ay lumabas ng bahay. Para na rin walang makarinig sa pinag- uusapan nila at mas lalong hindi dapat marinig ni Jazz ang mga pag- uusapan nila."Thats good to hear." Malambing na sagot nito at pagkatapos ay napahagikgik."I miss you already baby..." Malanding sabi nito sa cellphone. Bagamat magkatawag lang sila ay biglang pumasok sa isip niya ang itsura nito habang sinasabi nito iyon.Paniguradong nakanguso ito."Hindi ako pwede ngayon. Alam mo naman nandito si Jazz." Mahinang sabi niya rito. Kung wala lang ito ngayon sa bahay niya ay kahit hindi pa ito natatapos sa sasabihin ay nakasakay na siya ng kanyang kotse at nakarating na sa bahay nito lalo pa at malapit- lapit lang naman ito sa kanya."Pero baby, miss na miss ka na nito." Pagkasabi nito iyon ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Naka- video call nga pala sila at ipinakita nito sa kanya ang paborito niyang putahe sa lahat.Napahag
"Uuwi na po ako." Paalam ni Vin. Napatingin naman siya bigla sa suot niyang relo ng mga oras na iyon. Alas sais na ng gabi at padilim pa lang sa labas."Dito ka na matulog." Sabi niya at pagkatapos ay nginitian ito. Nakikipagpalagayan pa lamang siya rito ng loob at hindi pa rin halos nag- sisink in sa kanyang utak ang lahat.May anak siya at halos mag- eeleven na ito. Halos maabutan na siya nito sa height. Hanggang sa mga oras na iyon ay natatawa pa rin siya sa reaksiyon ni Aya nang makita niya ito.---Halos manlaki ang mga mata ni Aya habang hawak- hawak ito sa magkabilang balikat ng madatnan niya ito sa kanilang bahay. Tinititigan nito ng mabuti ang anak niya at halos hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Tila ba pinaglalaruan siya.Hanggang sa hinawakan na niya ang kamay nito upang tanggalin sa pagkakahawak nito sa anak niya."Tinatakot mo naman siya masyado Aya. Kulang na lang ay magtatakbo dahil pinanlakihan mo pa talaga ng mga mata mo." Sabi niya habang natatawa at inakay ang
Nagising si Jazz dahil sa kalam ng kanyang sikmura. Nagugutom siya. Ayaw niya pa sanang bumangon dahil gusto pa niyang matulog para man lang makabawi- bawi siya sa kanyang pagod at stress.Ngunit matindi talaga ang pagkalam ng kanyang tiyan at hindi niya iyon kayang tiisin. Anong oras na ba? Tanong niya sa kanyang isip pagkatapos ay unti- unting nagmulat ng kanyang mga mata. Mabuti na lamang at may nakasabit na orasan sa silid kaya nalaman niya kung anong oras na. Nakabukas na rin ang ilaw, tanda na may pumasok doon at nagbukas nito.At nakakumot na rin siya ng mga oras na iyon e hindi naman siya nagkumot kanina nang mahiga siya dahil basta na lamang niyang ibinagsak ang sarili niya sa malambot na kama upang makapagpahinga.Hindi niya nga namalayan na paghiga na paghiga niya pala sa kama ay nakatulog na siya kaagad. Ni ang kumain o ni ang magpalit ng damit ay hindi na niya nagawa pa dahil sa labis na pagod na naramdaman niya kanina. Naghalo- halo kase ang pagod, stress at gutom kaya
Napahilamos siya nang tumunog ang alarm clock. Inabot niya ito at pagkatapos ay padabog na pinatay ito.Hindi pa siya nakakatulog ngunit tumunog na ito, umaga na pala. Hindi niya inaasahang hindi siya makakatulog ng buong magdamag dahil lang sa kaiisip ng mga bagay- bayay. Ito ang unang beses na nangyari iyon sa kanya at dahil iyon kay Jazz.Hindi kase matanggap ng ego niya na may kasama na itong iba ngayon at si Vince pa talaga samantalang ginawa nito ang lahat para maakit lang siya noon. Idagdag pa na ang laki na ng pinagbago ng itsura nito kaysa sa noon dahil mas lalong lumitaw ang kagandahan nito.Bagamat hindi niya ito pinapansin noon ay nahuhuli niya pa rin ang kanyang sariling nakatitig at nakatanaw ito lalo na kapag nakaupo ito malapit sa kanilang pool habang nag- aaral, dahil mahilig itong tumambay doon.Pero dahil na rin sa galit niya sa ina nito dahil nga sa isip niya ay ginagamit nito ang ama niya ay nakuha niyang pagtakpan ang namumuong paghanga niya noon rito. Idagdag pa
Nagising si Jazz na magaan ang kanyang pakiramdam dahil kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya nang malaman niyang umuwi pa rin sa kanya ang kanyang anak sa kabila ng lahat.Alam niyang naguguluhan pa rin ito sa totoo lang at hindi pa rin ito makapaniwala. Alam din nitong napakarami nitong tanong sa isip nito. Siguro ay naiisip na nito ang dahilan kung bakit ayaw niya itong pauwiin ng Pilipinas.Kahit bata pa ito ay malawak na ang isip nito kaya alam niyang kahit bata pa ito ay marami na itong tanong sa kanyang isip.Bumangon na siya mula sa kanyang kama at dumiretso sa banyo.Pagkalabas niya nga ng banyo ay dumiretso naman siya sa pinto kung saan papunta sa veranda na nasa kanyang silid. Pagkabukas niya ng salaming pinti ay sinalubong kaagad siya ng preskong hangin. Napapikit siya. Ilang taon na rin ang lumipas nang huli niyang maranasan ang ganito. Ang tumanaw sa papasikat na araw tuwing umaga habang nagkakape, isang dekada na.Nailibot niya ang kanyang tingin sa
Masakit ang ulo niyang napabangon. Sobrang sakit ng ulo niya ng mga oras na iyon. Bumaba na siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay pumunta sa banyo at doon ay naglabas siya ng sama ng loob. Pagkatapos ng ilang sandali ay naghilamos na siya dahil nailabas na niya ang lahat ng kaniyang nainom kagabi.Kailangan niya ng mainit na kape para kahit papano ay mabawasan man lang ang sama ng pakiramdam niya.Nang makahilamos nga siya ay kaagad na nga siyang nagbihis at bumaba na sa baba.Naabutan niya doon si Eunice na may kausap na babae sa sala. Nang marinig nga nito ang kaniyang mga yabag ay napatingala ito."O gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi nito pagkatapos ay tumayo at kaagad siyang hinila na doon sa harap ng babaeng kausap nito.Nakita niya ang mga invitation na nasa ibabaw ng lamesa. "Nasukatan na kami, ikaw na lang ang hindi nasukatan. Kailangan mo ng masukatan ngayon dahil ira- rush nila ang sayo. Bukas na ang kasal." Masayang sambit nito sa kaniy
Hapon na ng mga oras na iyon at nag- uumpisa na ang sayawan. Kanina kase ay puro kainan lamang at puro kwentuhan. Well, siya wala naman siyang kakwentuhan doon kundi si Vin lang. Wala daw kase si Aya ng araw na iyon dahil may date daw ito.Napa- sana all na lamang siya ng mga oras na iyon dahil ang mga nakikita niya ay mga love- birds.Sina Axe Finn at Eunice ay nagsimula ng magsayaw at sila ang star ng dance floor ng mga oras na iyon. Ang mga mata ng bawat indibidwal na naroon ay nasa kanila lamang.Pumailanglang ang sweet na music at halos magdikit na ang mga katawan ng mga ito na halos wala ng maski hangin ang makadaan sa pagitan nilang dalawa.Kitang- kita niya kung paano magngitian at maghagikgikan ang mga ito.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at napatingala sa langit. Bakit ganuon? Ang lupit ng tadhana sa kaniya. Hindi man lang siya nakaramdam ng saya sa buong buhay niya puro na lang sakit ang nararamdaman niya.Ito ba talaga ang nakatadhana sa kaniya? Ang masaktan na lang n
Nagising si Jazz dahil sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Namulatan niya si Eunice na nakangiti sa kaniya."Nandito na tayo." Malawak ang ngiting sabi nito at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Napahikab siya at pagkatapos ay napainat ng kaniyang katawan. Antok na antok pa siya. Parang matutulog niya lang at pagkatapos ngayon ay ginigising na siya.Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Pagbaba niya ng sasakyan ay halos matigil siya sa kaniyang paghakbang pababa ng sasakyan dahil sa tagpong nakita niya.Magkayakap si Eunice at...Axe Finn?Tila ilang daan kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita. Dinadaya pa siya ng kaniyang mga mata?Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo nga ba ang lahat ng iyon at nang magmulat niya siya ay iyon pa rin ang nakikita niya. Magkayakap ang mga ito at pagkatapos ay may ilang kalalakihang nakahawak ng mga bulaklak at isa- isang bi
Napilit nga siya nitong umuwi ng Pilipinas. Kinunsensiya pa nga siya nito bago siya nito napilit. Napapabuntung- hininga na lamang siya kapag naaalala niya ang pamimilit nito sa kaniya.Nasa eroplano na sila ng mga oras na iyon. Hindi pa nga pala niya nasabi sa kaniyang anak na uuwi siya ng Pilipinas. Gusto niyang sorpresahin ito.Muli siyang napabuntung hininga dahil rito. Akala niya ay nagbibiro lamang si Eunice sa sinasabi nito ngunit napatunayan niyang totoo nga pala ang sinasabi nito at hindi biro.Hindi niya naman kase inakalang seryoso ito at meron nga talaga itong boyfriend sa Pilipinas at nag- aya na sa kaniyang magpakasal.Unang- una ay lagi niya naman kasama ito at wala naman itong nakukwento sa kaniya. Paulit- ulit niya ring tinanong ito kung sigurado ba ito sa gagawin nitong desisyon dahil kapag naikasal na ito ay hindi na ito pwedeng mapawalang bisa pa. Wala naman itong ibang sagot sa kaniya kundi seryoso daw talaga siya at nagmamahalan daw sila ng kaniyang boyfriend ka
Kasalukuyang nakahawak si Jazz ng lapis ng mga oras na iyon. Mayroon na naman silang fashion show kung saan ay mga gown naman ang kanilang irarampa. For sure ay magiging busy na naman siya ng sobra- sobra.Isang taon na ang lumipas simula nang makabalik siya sa Paris at napakalaki na ng ipinagbago ng negosyo niya. Nagkaroon na siya ng ilang branch at nakilala na talaga siya hindi lang sa Paris kundi pati na sa mga karatig na bansa.Sa isang taon na iyon ay napakarami ng nangyari. Si Eunice noon ay grabe ang paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginawa ng Kuya nito sa kaniya. Hindi daw nito alam na may ganuon pala itong plano at isa pa ay hindi niya daw alam na nagpakamatay si Via dahil sa lalaki.Doon niya nalaman na ang babaeng tinutukoy noon ni Vince ay kapatid nila ni Eunice. Mas matanda daw ito kay Eunice at talaga daw na malapit ito sa kaniyang Kuya. Sobrang sweet daw nito at napaka- masiyahin kaya napakalaking tanong talaga noon sa kanila kung bakit ito nagpakamatay.Ngunit ganun
Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid."Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito. Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito."Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon."Aya
Alas diyes na ng umaga ng mga oras na iyon. Pinapanuod ni Jazz mula sa taas kung paano mag- bonding si Axe Finn at si Vin habang naliligo sa swimming pool. Napangiti siya dahil hindi niya inakala na isang araw ay bigla na lamang nitong makakasama ang ama nito. May maganda pa din naman palang naidulot ang pag- uwi nila ng Pilipinas. Hindi puro hindi maganda.Kung may hindi man magandang nangyari ay may magandang nangyari din naman at iyon nga ang pagkikita ni Vin at ni Axe Finn.Napabuntung- hininga siya habang pinapanuod ang mga ito. Kitang- kita niya ang saya sa mukha ng anak niya habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga. Paano nga ba niya naipagkait ang sayang katulad nito sa anak niya?Paano niya nga ba naatim na hindi ito ipakilala sa ama nito? Ibang- iba sa inaakala niya ang naging reaksiyon nito nang malaman nitong may anak sila. Akala niya ay itatanggi niya ito at hindi kikilalanin ngunit ito pa mismo ang nag- insist na anak nito si Vin kahit pa hindi niya ito ipinakilala
Mabilis na lumipas ang araw at pangatlong araw na niya noon sa bahay ni Axe Finn. Mabuti na lamang at masyado itong busy sa opisina nito kaya madalang na rin naman silang magkita.Nang araw nga na iyon ay iyon ang unang araw ng pagdinig sa kaso na isinampa laban kay Vince.Kailangan nilang dumalo doon dahil hihingan sila ng statement. Mabuti na lamang at hindi niya kasabay si Axe Finn na pupunta doon dahil may aasikasuhin pa nga daw muna ito sa munisipyo.Tanging si Aya nga lang ang kasama niya doong pumunta at si Vin naman ay naiwan na lamang doon sa bahay ni Axe Finn. Si Baxter ang naging driver nila.Nang makarating nga sila sa pagdadausan ng kanilang pagdinig ay pumasok na sila kaagad.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang abogado nila at maging ang nasasakdal na si Vince kasama ang abogado nito.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na nga ang pagdinig.Tinawag siya upang magsalita at magkwento doon kung ano ang tunay na nangyari nang dukutin siya nito.Nakaupo na siya sa harap ng m
Ilang araw nga ang nakalipas at nakalabas na rin siya ng ospital. Simula ng magising siya ay hindi na niya nakita pang muli ang kahit anino man lang ni Axe Finn dahil hindi na siya nito dinalaw pa.Hanggang sa ma- discharge siya ay tanging si Aya lamang ang kasama niya."Doon ka daw titira sa bahay ni Sir sabi niya." Pag- iimporma sa kaniya ni Aya habang inihahanda ang kaniyang mga gamit na iuuwi nila.Pauwi na kase sila ng oras na iyon at hinihintay na lamang nila ang susundo sa kanila. Nasisiguro niyang hindi ito ang susundo sa kanila ngayon dahil paniguradong may pasok ito sa kaniyang opisina. Napabuntung- hininga na lamang siya. Ano ang magiging buhay niya kung doon siya sa bahay nito uuwi at titira lalo na at may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Paniguradong wala siyang gagawin doon kundi ang magkulong lalo na kung wala itong pasok sa opisina dahil paniguradong nanduon lamang ito sa bahay nito.Muli siyang napabuntung hininga."Bakit ba parang ang laki- laki ng proble