NAKATITIG si Jazz sa kisame. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig dito, kanina pa niya gustong matulog ngunit nananatiling gising ang kanyang diwa at nakamulat din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit nga ba ayaw pang matulog ng kanyang diwa, wala naman siyang iniisip na kung ano kaya nagtataka din siya.
Bukod pa doon ay nakailang biling- baliktad na siya sa kanyang kama dahil kaninang kanina niya pa nga gustong matulog talaga.Napabuga siya ng hangin ng wala sa oras, gustong - gusto na niyang matulog lalo pa at maaga pa ang pasok niya bukas. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling sa wakas ay dalawin na siya ng antok. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin talaga siya dalawin ng antok.May nag- iisip kaya sa akin? Tanong niya sa kanyang sarili. Dahil ayon sa sabi- sabi ay kapag hindi ka daw makatulog ay may taong nag- iisip sayo. Ngunit hindi niya naman alam o wala naman siyang alam kung sino ang nag- iisip sa kanya. Isa pa ay wala naman siyang boyfriend nang panahong iyon pero may tao siyang napupusuan.Sa pagkaisip niya sa taong iyon ay biglang nag- init ang kanyang mukha dahil matagal na niya itong crush at alam niya na hindi nito alam na may gusto siya rito, ngunit alam niya sa kanyang sarili na hinding- hindi siya nito magugustuhan dahil napakalayo niya masyado sa tipo nitong babae.Magaganda, sexy at mapuputi ang mga nais nito kaya wala siyang laban sa mga iyon, hindi naman siya umaasa na magustuhan nito ngunit minsan ay napapaisip siya at naghahangad na sana balang araw ay magustuhan din siya nito.Napabuga na lamang siya muli ng hangin dahil sa isiping iyon at pagkatapos ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang muli na naman sanang piliting matulog ngunit bigla nalang siyang napamulat ng kanyang mata nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid at sumungaw doon ang susuray- suray na si Axe Finn.Hindi siya makagalaw mula sa kanyang pagkakahiga, gulat na nakatitig lamang siya dito at hinihintay ang mga susunod nitong gagawin.Napahigpit ang hawak niya sa kanyang kumot na hanggang sa kanyang dibdib habang nakatingin at pinapaunod itong papalapit sa direksiyon ng kanyang kama.Nakita niyang nag- angat ito ng ulo at napakunot ang noo at pagkatapos ag inilibot ang paningin sa kanyang kwarto. Sa mga oras na iyon ay napahilot ito sa sentido, sa itsura nito ay masasabi niyang nakainom nito sa klase ng lakad at tayo nito.Nakita niya ang paglalim pa ng pagkakakunot ng noo nito habang inililibot ang paningin sa buong kwarto at tila pilit na inaalala kung ito ba ang kwarto nito. Naipilig nito ang ulo at pagkatapos ay naningkit ang mga matang tumingin sa kanya.Ilang saglit pa ay nakalapit na ito sa harap niya at bigla naman siya napaupo ay niyakap ang kanyang sarili at mas hinigpitan pa lalo ang hawak sa kumot.Biglang umahon ang kaba sa kanyang dibdib lalo pa at ilang metro na lamang ang agwat nila ng mga oras na iyon ni Axe Finn.Napalunok siya, habang nakatitig sa gwapo nitong mukha at sa mapupungay nitong mga mata. Sino namang babae ang hindi mahuhumaling sa ganitong klase ng lalaki na akala mo inukit ang mukha dahil napaka perpekto. Mula sa mga mata, sa ilong nitong napakatangos, sa labi nitong napakanipis at sa wari niya'y napakalambot na napakasarap halikan.Sino ang babaeng hindi maghahangad na ibigin nito?"Who are you?" Naniningkit ang mga mata nitong tiningnan siya ng pataas at pababa. "Why are you here in my room?" Tanong nito sa kanya.Napabuka ang kanyang bibig ng bahagya at hindi siya makaapuhap ng salita dahil sa tanong nito. Nakaramdam din siya ng kirot sa kanyang dibdib dahil dito. Hindi niya inaasahang hindi siya nito makikilala kahit pa sabihing lasing ito. Paano nito nakalimutan ang pangalan niya? Lagi silang nagkikita sa bahay na ito ngunit kahit minsan ay hindi niya nakitang tinapunan man lang siya ng tingin nito. Iyon kaya ang dahilan kaya hindi siya nito makilala? Pero napaka- imposible naman ng bagay na iyon.Halos mangilid ang kanyang luha dahil nasaktan siya. Sino nga ba kase siya para pagtuunan ng pansin nito dahil hindi naman siya maganda dahil panget naman siya, malabo pa ang mata kaya laging nakasuot ng salamin at sungki- sungki ang mga ipin niya kaya nakasuot siya ng braces. Sabog din ang kulot niyang buhok at halos tawagin na siyang aswang dahil dito, idagdag pa na makapal ang kilay niya at hindi niya alam ang mag- ayos kaya sino siya para pag- aksayahan nito ng oras.Hindi niya namalayang tumulo ang luha niya kaya napayuko siya at pasimpleng pinunasan iyon.Muli siyang nag- angat ng kanyang ulo upang sabihin sana na pumasok ito sa maling kwarto ngunit huli na ang lahat dahil mabilis na itong nakasampa sa kama at nasa ibabaw na niya.Tila siya natuod dahil dito, hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita dahil tila mauutal siya. Ang pagpintig din ng kanyang dibdib ay hindi na normal dahil mas bumilis ito kesa sa normal na tibok nito.Ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa sobrang gulat dahil sa ginawa nito. Hindi niya inaasahang sasampa ito doon at papatong sa kanya dahil wala sa hinagap niya na gagawin nito iyon.Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang mapalunok lalo na nang tumitig ito sa kanyang mga mata na tila inaalala nito kung sino nga ba siya. Nakita niyang ipinilig nito ang ulo nito at pagkatapos ay naningkit ang kanyang mga mata.Ngunit ilang sandali din ay naging normal ang titig nito sa kanya at pagkatapos ay natigil siya sa kanyang paghinga ng makita niyang unti- unting bumababa ang mukha nito sa kanya. Halos ramdam na ramdam niya ang hininga nito dahil tumatama na ito sa kanyang mukha.Amoy na amoy din niya ang amoy ng alak dito ngunit hindi niya nagawang mabahuan lalo pa at nangingibabaw pa rin naman ang amoy ng pabango nito kaya hindi niya nagawang mabahuan.Halos ayaw niyang huminga at halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ng mga oras na iyon. Para itong isang tagpo sa kanyang panaginip at tanging sa kanyang pantasya lamang ito mangyayari ngunit ngayon...Napapikit ang kanyang mga mata dahil sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya kaya awtimatikong gumalaw ang kanyang mga mata at pumikit. Akala niya sa pagpikit niya ay magigising na siya sa panaginip niya ngunit hindi nangyari iyon dahil naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa kanyang mga labi.Biglang tila nagliparan ang mga paru- paro sa kanyang tiyan. Tila nauubusan din siya ng hininga nang mga oras na iyon.Panaginip lang ba ito? Tanong niya sa kanyang isip. Kung panaginip lang ito ay sana wag nalang akong magising, bulong niya sa kanyang isipan at mas lalo pang ipinikit ang kanyang mga mata at ninamnam ang bawat galaw at pagdampi ng mga labi nito sa kanyang labi.Napakalambot ng mga labi nito, hindi niya lubos akalain na yung pinapangarap niya lamang noon na mahagkan at matikman man lang ang labi nito kahit isang dampi lang ay natupad na sa hindi inaasahang pagkakataon.Napamulat ang kanyang mga mata nang tumigil ito sa paghalik sa kanya dahil akala niya ay natauhan na ito at nakilala na siya nito ng tuluyan ngunit mas lalo lamang siyang napanganga at nanlaki ang kanyang nga mata nang bumungad sa kanyang mga mata ang naghuhubad na si Axe Finn. Tumambad sa kanyang mga mata ang maputi at matitipuno nitong dibdib na sa edad nitong disi nwebe ay hubog na hubog na ang katawan nito bagamat wala pa itong gaanong mga muscle sa katawan dahil medyo payat pa ito.Ngunit ganun pa man ay sa mga mata niya ay sobrang nakaka- akit na at nakakapaglaway na ito. Idagdag pa na si Axe Finn ito, isang kilala at hinahabol ng mga babaeng kagaya niya.Nagdadalawang isip na siya ng mga oras na iyon dahil tila hindi na nito alam ang ginagawa lalo pa at nang mahubad nito ang damit ay bigla na lamang nitong ibinagsak iyon sa ibaba ng kama.May kaba sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon pero mas matimbang sa kanya ang galak at excitement. Nilukob ang buo niyang pagkatao ng excitement na hindi maipaliwanag.Nang muling bumaba ang labi nito sa kanya ay awtomatiko nang gumalaw ang kanyang mga kamay upang yumakap dito. Hindi niya alam kung paano ang humalik dahil sa totoo lang ay ito pa lamang ang unang halik niya at mapalad siya dahil si Axe Finn ang unang halik niya.Unti- unting gumalaw ang mga labi niya, naging dahan- dahan naman ang halik nito at tila tinuturuan siya. Hindi naman pala ganun kahirap ang matutong humalik kaya mabilis siyang natuto, ngunit hindi pa niya masasabing magaling na siya. Ang masasabi niya lamang ay alam na niya at ganun pala.Dahil dito ay unti- unti nang nabuhay ang apoy sa pagitan nila. Nag-iinit at malapit nang magliyab.Hanggang sa unti- unti nang gumapang ang mga labi nito sa kanyang mukha pababa sa kanyang tenga. Sa kanyang likod tenga at sa kanyang leeg. Ang mga labi nito ay nag- iiwan ng mainit na pakiramdam na halos tumupok sa kanyang buong pagkatao.Nang pumailalim ang kamay nito sa kanyang suot na pantulog ay tila bigla siyang natauhan at biglang tinanggal ang pagkakayakap niya sa batok nito at pinigilan ang kamay nito sa susunod pa nitong gagawin. Nasa tiyan na niya ito at humahaplos.Bigla namang nagsalubong ang mga kilay nito at labis na naguluhan dahil sa pagpigil niya. Kapansin-pansin na namumungay na ang mga mata nito at bago pa ito makapagsalita ay humikab pa ito.Hindi niya alam pero sa mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng takot at pangamba, dahil tila malayo na ang narating nila. Oo may gusto siya rito pero itong taong to? Bigla siyang napatitig sa gwapo at maamo nitong mukha ng mga oras na iyon. Tama na isuko na niya ang kanyang pagka- birhen dito? Ano na lamang ang sasabihin nito kapag natauhan na ito at nawala na sa impluwensiya ng alak, na tinake advantage niya ang pagiging lasing nito at hinayaan niya lang na mangyari ang mga bagay na iyon?O hahayaan niya ang sarili niyang i- savour ang pagkakataon at ang mga mangyayari? Pero magiging handa ba siya sa mga consequences ng mga desisyong gagawin niya.Hindi na niya nagawang mag- isip pa o ni magdesisyon man lang dahil muli ay bumaba na naman ang mukha nito upang halikan siya at wala na siyang nagawa pa. Ang mga kamay niya ay nabitin sa paghawak sa hubad na dibdib nito at pagkatapos ay tuluyan na niyang hinayaan ang mga kamay nito na malayang humahaplos sa ilalim ng damit niya.Hindi na niya napigilan pa ang mapa- ungol nang maramdaman niya ang marahang pagpisil nito sa ibabaw ng kanyang bra. Tila siya nakikiliti at tila napadaming kuryente ang dumadaloy sa mga kamay nito at tila siya napapaso.Sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na niya ang init na nagmumula sa pagitan ng kanyang mga hita.Hanggang sa tumigil ito sa paghalik sa kanyang leeg at muling humikab, siguro madami itong nainom dahil sa hikab ito ng hikab ng mga oras na iyon.Pagkatapos nitong humikab ay muli siya nitong hinalikan sa kanyang mga labi, hindi katulad kanina ito ay madiin at mapaghanap.Hanggang sa tinanggal na nito ng tuluyan ang kanyang bra at pagkatapos ay tinanggal na din nito ang kanyang damit. Sa unang pagkakataon ay nakita ng iba ang dibdib niya kaya naging mabilis ang mga kamay niyang tinakpan ito.Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Axe Finn. Sa unang pagkakataon ay narinig niya at nasilayan ng malapitan ang tawa at ngiti nito at halos lumuwa ang kanyang puso dahil dito. Sa tingin niya ay hindi na lamang simpleng paghanga ang nararamdaman niya rito kundi pagmamahal na.Ang kanyang hiya kanina ay tuluyan nang nawala na tila tinangay ng hangin. Nang ibaba nito ang kanyang pajama ay hindi na siya nag- protesta pa at hinayaan na lamang ito.At nang ibaba nito ang suot nitong pantalon ay pinanuod niya lamang ito at halos pasukan ng langaw ang kanyang bibig dahil bahagya itong nakabuka.Hindi naman na siya ganun kainosente dahil minsan sa kanilang school ay nakakanuod siya ng mga viral videos at nakakapanood naman siya doon ng ari ng isang lalaki, ngunit sa pagkakataong ito ay iba dahil nasa harap niya na lamang ito at hindi niya maiwasan ang humanga.Ibang- iba pala pag nasa harap mo na ito at nakikita ng dalawang mga mata mo. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon lalo pa at nakikita niya na ang sukat at haba nito ay tila malaki at parang kung iisipin niya ay paano iyon magkakasya sa kanya.Napakagat siya ng labi nang muli na itong pumatong sa kanya at muli siyang hinalikan sa kanyang labi, ngunit sa pagkakataong iyon ay ikinikiskis na nito ang dulo ng ari nito sa kanya at kiliting walang pagsidlihan ang kanyang naramdaman.Ganito pala, naibulong niya sa kanyang isip at pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil ito sa paghalik sa kanya at iginiya ang kanyang mga paa payakap sa beywang nito. Isa pang muling paghikab ang ginawa nito at pagkatapos ay pumwesto na upang pumasok sa kanya ng tuluyan.This is it! She said on her mind again, at pagkatapos ay ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata at pagkatapos ay hinintay ang mga susunod pa na mga mangyayari, ngunit wala siyang nahintay kundi ang pagbagsak nito sa ibabaw niya kasunod ang mahinang paghilik at malalalim na paghinga.What?! Tutol ng isip niya, ngunit sa isang banda ay maganda din iyon ngunit sa isang banda din ay nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil naudlot ang unforgettable experience sana niya sa buong buhay niya.Nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakatulog na ito na nakaibabaw sa kanya at wala pa silang saplot pareho. Pinipilit niya itong itulak nguni naipit ang mga kamay niya at may kabigatan din ito kahit hindi naman ito ganun kataba. Naubos na ang kanyang lakas kakasubok na itulak ito paalis sa ibabaw niya ngunit hindi niya pa rin ito nagawang maitulak hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kahit pa nakadagan ito sa ibabaw niya."What is the meaning of this?!" Umaalingaw- ngaw na sigaw ng kanyang ina at iyon ang gumising sa kanya at hindi lang din pala siya ang nagising ng mga oras na iyon kundi ang taong nakapatong din pala sa kanya ng mga oras na iyon. Mabilis ito umalis sa tabi niya at nahiga sa tabi niya. Samantalang siya ay mabilis niyang hinagilap ang kumot upang pantakip sa hubad na katawan niya. Parang ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang lahat ng nangyari, isa pa ay wala namang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nakatalikod ang ina niya sa kanila nang mga oras na iyon at iniwan nitong bukas iyon. Ilang saglit pa ay humahangos paakyat doon ang ama ni Axe Finn at halos malaglag ang panga nito dahil sa pagkabigla. Ngunit mabilis din itong nakabawi at napalitan ng inis at pagkadismaya ang mukha nito. Hindi niya nagawang tumingin sa mga mata nito lalo na nang pumihit na din paharap sa kanila ang kanyang ina. Hindi niya magawang mag- angat ng kanyang ulo dahil hindi niya kayang salubungin ang tit
Madaling araw na ngunit dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi pa rin siya dalawin ng antok punong- puno kase ng mga bagay- bagay ang utak niya lalo na nang ipaalam ng kanyang ina kani- kanina lang na bukas na ang nakatakdang kasal nila ni Axe Finn. Hindi niya na ganun pala kaseryoso ang mga ito sa bagay na iyon dahil ang akala niya ay tinakot lamang sila ng mga ito. Isa pa ay panigurado naman niyang hindi matutuloy ang kasal na iyon dahil nasisiguro niyang tututol si Axe Finn doon dahil alam niya sa sarili na hinding- hindi nito gugustuhin ang magpakasal sa kanya o ni magustuhan man lang siya. Sa mga salitang binitiwan nito sa kanya kanina ay ramdam na ramdam niya ang poot sa tono ng pananalita nito. Idagdag pa na inakusahan siya nito ng pagiging gold digger at ang pakay niya talaga ay ang mga kayamanan ng pamilya nito na pawang- wala namang katotohanan. Alam niya naman na masama ang loob nito sa kanyang ina dahil nga naging second wife siya ng ama nito. Kung tutuusin ay wala nama
"You may now kiss the bride... " Nakangiting saad ng kanyang Tito. Sa office nga pala nito idinaos ang kanilang kasal dahil ito nga pala ang kasalukuyang Mayor sa kanilang lungsod. Halos mangiwi naman ang lalaking katabi niya ng mga oras na iyon at inaasahan niya na hinding- hindi siya nito hahalikan dahil nga diring- diri ito sa kanya. Ngunit nagulat siya ng bigla itong gumalaw at humarap sa kanya at iniharap din siya. Sa labis na pagkabigla ay hindi na niya nagawang ipikit pa ang kanyang mga mata nang maglapat ang mga labi nila. Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon lalo pa at alam niya ang galit nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip nito dahil sa ginawa nito. Pagpapakitang tao? Dahil nga nasa loob ng opisina kasama nila ang Vice Mayor at nagsilbing saksi sa kanilang kasal. Hindi niya tuloy maisip kung tunay nga ba ang kasal na nangyari o peke lang, ngunit kaninang tinitingnan niya kanina noong pinipirmahan niya ang marriage contract ay dalawang
Ingat na ingat siya sa kanyang paghinga sa takot na malaman nitong gising pa siya ng mga oras na iyon. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit naging abnormal na lamang bigla ang pagtibok nito.Nakatagilid siya at nakatalikod dito. Nakaharap siya sa lampshade sa silid kung saan may malamlam itong ilaw. Nakadilat ang kanyang mga mata ng oras na iyon at nakatingin siya sa lampshade ng mga oras na iyon nang bigla na lamang mapadako ang kanyang tingin sa bintana ng silid. Ito ay purong salamin at pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi niya pala nahawi ang kurtina at kitang- kita ng kanyang mga mata ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya. Punong- puno ito ng galit. Nakaharap din pala ito sa salamin at kitang- kita nito na dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.Hindi siya nakagalaw at labis na nabigla, hindi niya lubos maisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob
Tila tinangay ng hangin lahat ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ibang- iba ang paraan ng paghalik nito sa kanya ng mga oras na iyon.Punong- puno ng pag- iingat na sa pakiramdam niya ay tila may kasama pang pagmamahal ang bawat kibot ng mga labi nito.Hindi niya alam ngunit, sa bawat galaw ng labi nito ay nadadala siya at sa pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba totoo silang mag- asawa at nagmamahalan.Sa puntong iyon ay nadala na siya ng tuluyan. Kusa ng gumalaw ang kanyang mga labi upang sagutin ang mga halik nito. Sa bawat paggalaw ng mga labi nito ay sinasabayan niya, lumuwag na rin ang pagkakadagan nito sa kanya at tuluyang pinakawalan na ang mga kamay niya.Hanggang sa umakyat ang mga kamay niya sa batok nito na mas lalo lamang nakadagdag sa init na nararamdaman niya. Ang kaninang marahan at maingat na paghalik nito ay nag- umpisa ng naging mapusok.Ramdam na ramdam na rin niya ang pag- iinit nito dahil ang mga haplos nito ay may kasama ng himas.Halos
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay doon niya pa lang napagtanto na umaga na pala. Kagigising niya lamang ng mga oras na iyon dahil napasarap pala siya ng tulog. Marahil na rin sa pagod kagabi.Agad siyang umikot ng kanyang higa dahil nakaharap siya sa salamin at sa bintana ng silid, akala niya parang sa mga napapanuod niya na pagkagising ay mumulat silang natutulog pa ang mga mahal nila. Ngunit sa sitwasyon niya ay gumising itong wala sa tabi niya.Hindi niya man aminin sa kanyang sarili ngunit kahit papano ay umasa talaga siya na gigising siyang katabi ito at akala niya ay magsisimula silang muli ng mas maganda katulad noong una dahil sa totoo lang ang mga nangyari sa kanila kagabi ay talaga namang walang salitang makakapag- describe.Dahil tila ba walang- wala siyang naramdamang galit sa mga ipinakita nito kagabi.Sinubukan na niyang bumangon ngunit mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan, nang makatayo na siya ang mabilis niyang ibinalot iy
Alas diyes na ng gabi ng araw na iyon ay wala pa din si Axe Finn. Hindi niya alam ngunit sa mga oras na iyon ay tila ba kinakabahan siya dahil baka ano na ang nangyari rito lalo pa at umaga pa lang ay wala na ito sa kanilang bahay kaya hindi niya maiwasan ang kanyang sarili na mag- alala.Kahit pa alam niyang wala naman talaga siyang karapatan ngunit hindi niya naman maiwasan ang sarili na mag- alala.Kaya hanggang sa mga oras na iyon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Kanina pa siya hindi mapakali at palakad- lakad sa harap ng kama.Hanggang sa nagpakawala siya ng isang malalim na buntung- hininga at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa kama.Lalabas siya upang uminom ng tubig para naman kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya dahil kanina pa kung ano- ano ang pumapasok sa isip niya.Pababa na siya ng hagdan nang maulinigan niya ang isang pagtatalo sa loob ng library ng kanyang Tito.Lumapit siya dito upang makinig. Hindi naman niya ugali ang makinig sa usapan ng may
11 years have passed...Paris, France..."Mommy?" Tawag sa kanya ng kanyang anak na si Vin. May hawak itong snack at pumasok sa kanyang silid ng mga oras na iyon. Bigla naman siyang nag- angat ng kanyang paningin ng marinig ang pagtawag nito at pagkatapos ay itinigil ang kanyang ginagasa pansamatala. Sa mga oras na iyon ay nakaharap siya sa kanyang lamesa at kasalukuyang nagdidisenyo ng isang gown. Pagkatapos ng mga narinig niya noon sa usapan ng kanyang Tito at Axe Finn ay nagdesisyon siya.Umalis siya ng bansa upang mag- aral sa Paris upang maging isang designer. Bata pa lamang siya noon ay iyon na ang kanyang pangarap at iyon din ang nagbigay daan upang matupad ang pangarap niya.Galit na galit noon ang ina niya sa kanya dahil sa desisyong ginawa niya dahil nang sabihin niya rito ang kanyang plano ay galit na galit na ito. Ngunit ganun pa man ay ipinilit niya ang kanyang gusto isa pa ay iyon lang ang tanging paraan niya upang malayo kay Axe Finn.Hindi na niya sinabi pa rito an
Masakit ang ulo niyang napabangon. Sobrang sakit ng ulo niya ng mga oras na iyon. Bumaba na siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay pumunta sa banyo at doon ay naglabas siya ng sama ng loob. Pagkatapos ng ilang sandali ay naghilamos na siya dahil nailabas na niya ang lahat ng kaniyang nainom kagabi.Kailangan niya ng mainit na kape para kahit papano ay mabawasan man lang ang sama ng pakiramdam niya.Nang makahilamos nga siya ay kaagad na nga siyang nagbihis at bumaba na sa baba.Naabutan niya doon si Eunice na may kausap na babae sa sala. Nang marinig nga nito ang kaniyang mga yabag ay napatingala ito."O gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi nito pagkatapos ay tumayo at kaagad siyang hinila na doon sa harap ng babaeng kausap nito.Nakita niya ang mga invitation na nasa ibabaw ng lamesa. "Nasukatan na kami, ikaw na lang ang hindi nasukatan. Kailangan mo ng masukatan ngayon dahil ira- rush nila ang sayo. Bukas na ang kasal." Masayang sambit nito sa kaniy
Hapon na ng mga oras na iyon at nag- uumpisa na ang sayawan. Kanina kase ay puro kainan lamang at puro kwentuhan. Well, siya wala naman siyang kakwentuhan doon kundi si Vin lang. Wala daw kase si Aya ng araw na iyon dahil may date daw ito.Napa- sana all na lamang siya ng mga oras na iyon dahil ang mga nakikita niya ay mga love- birds.Sina Axe Finn at Eunice ay nagsimula ng magsayaw at sila ang star ng dance floor ng mga oras na iyon. Ang mga mata ng bawat indibidwal na naroon ay nasa kanila lamang.Pumailanglang ang sweet na music at halos magdikit na ang mga katawan ng mga ito na halos wala ng maski hangin ang makadaan sa pagitan nilang dalawa.Kitang- kita niya kung paano magngitian at maghagikgikan ang mga ito.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at napatingala sa langit. Bakit ganuon? Ang lupit ng tadhana sa kaniya. Hindi man lang siya nakaramdam ng saya sa buong buhay niya puro na lang sakit ang nararamdaman niya.Ito ba talaga ang nakatadhana sa kaniya? Ang masaktan na lang n
Nagising si Jazz dahil sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Namulatan niya si Eunice na nakangiti sa kaniya."Nandito na tayo." Malawak ang ngiting sabi nito at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Napahikab siya at pagkatapos ay napainat ng kaniyang katawan. Antok na antok pa siya. Parang matutulog niya lang at pagkatapos ngayon ay ginigising na siya.Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Pagbaba niya ng sasakyan ay halos matigil siya sa kaniyang paghakbang pababa ng sasakyan dahil sa tagpong nakita niya.Magkayakap si Eunice at...Axe Finn?Tila ilang daan kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita. Dinadaya pa siya ng kaniyang mga mata?Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo nga ba ang lahat ng iyon at nang magmulat niya siya ay iyon pa rin ang nakikita niya. Magkayakap ang mga ito at pagkatapos ay may ilang kalalakihang nakahawak ng mga bulaklak at isa- isang bi
Napilit nga siya nitong umuwi ng Pilipinas. Kinunsensiya pa nga siya nito bago siya nito napilit. Napapabuntung- hininga na lamang siya kapag naaalala niya ang pamimilit nito sa kaniya.Nasa eroplano na sila ng mga oras na iyon. Hindi pa nga pala niya nasabi sa kaniyang anak na uuwi siya ng Pilipinas. Gusto niyang sorpresahin ito.Muli siyang napabuntung hininga dahil rito. Akala niya ay nagbibiro lamang si Eunice sa sinasabi nito ngunit napatunayan niyang totoo nga pala ang sinasabi nito at hindi biro.Hindi niya naman kase inakalang seryoso ito at meron nga talaga itong boyfriend sa Pilipinas at nag- aya na sa kaniyang magpakasal.Unang- una ay lagi niya naman kasama ito at wala naman itong nakukwento sa kaniya. Paulit- ulit niya ring tinanong ito kung sigurado ba ito sa gagawin nitong desisyon dahil kapag naikasal na ito ay hindi na ito pwedeng mapawalang bisa pa. Wala naman itong ibang sagot sa kaniya kundi seryoso daw talaga siya at nagmamahalan daw sila ng kaniyang boyfriend ka
Kasalukuyang nakahawak si Jazz ng lapis ng mga oras na iyon. Mayroon na naman silang fashion show kung saan ay mga gown naman ang kanilang irarampa. For sure ay magiging busy na naman siya ng sobra- sobra.Isang taon na ang lumipas simula nang makabalik siya sa Paris at napakalaki na ng ipinagbago ng negosyo niya. Nagkaroon na siya ng ilang branch at nakilala na talaga siya hindi lang sa Paris kundi pati na sa mga karatig na bansa.Sa isang taon na iyon ay napakarami ng nangyari. Si Eunice noon ay grabe ang paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginawa ng Kuya nito sa kaniya. Hindi daw nito alam na may ganuon pala itong plano at isa pa ay hindi niya daw alam na nagpakamatay si Via dahil sa lalaki.Doon niya nalaman na ang babaeng tinutukoy noon ni Vince ay kapatid nila ni Eunice. Mas matanda daw ito kay Eunice at talaga daw na malapit ito sa kaniyang Kuya. Sobrang sweet daw nito at napaka- masiyahin kaya napakalaking tanong talaga noon sa kanila kung bakit ito nagpakamatay.Ngunit ganun
Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid."Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito. Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito."Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon."Aya
Alas diyes na ng umaga ng mga oras na iyon. Pinapanuod ni Jazz mula sa taas kung paano mag- bonding si Axe Finn at si Vin habang naliligo sa swimming pool. Napangiti siya dahil hindi niya inakala na isang araw ay bigla na lamang nitong makakasama ang ama nito. May maganda pa din naman palang naidulot ang pag- uwi nila ng Pilipinas. Hindi puro hindi maganda.Kung may hindi man magandang nangyari ay may magandang nangyari din naman at iyon nga ang pagkikita ni Vin at ni Axe Finn.Napabuntung- hininga siya habang pinapanuod ang mga ito. Kitang- kita niya ang saya sa mukha ng anak niya habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga. Paano nga ba niya naipagkait ang sayang katulad nito sa anak niya?Paano niya nga ba naatim na hindi ito ipakilala sa ama nito? Ibang- iba sa inaakala niya ang naging reaksiyon nito nang malaman nitong may anak sila. Akala niya ay itatanggi niya ito at hindi kikilalanin ngunit ito pa mismo ang nag- insist na anak nito si Vin kahit pa hindi niya ito ipinakilala
Mabilis na lumipas ang araw at pangatlong araw na niya noon sa bahay ni Axe Finn. Mabuti na lamang at masyado itong busy sa opisina nito kaya madalang na rin naman silang magkita.Nang araw nga na iyon ay iyon ang unang araw ng pagdinig sa kaso na isinampa laban kay Vince.Kailangan nilang dumalo doon dahil hihingan sila ng statement. Mabuti na lamang at hindi niya kasabay si Axe Finn na pupunta doon dahil may aasikasuhin pa nga daw muna ito sa munisipyo.Tanging si Aya nga lang ang kasama niya doong pumunta at si Vin naman ay naiwan na lamang doon sa bahay ni Axe Finn. Si Baxter ang naging driver nila.Nang makarating nga sila sa pagdadausan ng kanilang pagdinig ay pumasok na sila kaagad.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang abogado nila at maging ang nasasakdal na si Vince kasama ang abogado nito.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na nga ang pagdinig.Tinawag siya upang magsalita at magkwento doon kung ano ang tunay na nangyari nang dukutin siya nito.Nakaupo na siya sa harap ng m
Ilang araw nga ang nakalipas at nakalabas na rin siya ng ospital. Simula ng magising siya ay hindi na niya nakita pang muli ang kahit anino man lang ni Axe Finn dahil hindi na siya nito dinalaw pa.Hanggang sa ma- discharge siya ay tanging si Aya lamang ang kasama niya."Doon ka daw titira sa bahay ni Sir sabi niya." Pag- iimporma sa kaniya ni Aya habang inihahanda ang kaniyang mga gamit na iuuwi nila.Pauwi na kase sila ng oras na iyon at hinihintay na lamang nila ang susundo sa kanila. Nasisiguro niyang hindi ito ang susundo sa kanila ngayon dahil paniguradong may pasok ito sa kaniyang opisina. Napabuntung- hininga na lamang siya. Ano ang magiging buhay niya kung doon siya sa bahay nito uuwi at titira lalo na at may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Paniguradong wala siyang gagawin doon kundi ang magkulong lalo na kung wala itong pasok sa opisina dahil paniguradong nanduon lamang ito sa bahay nito.Muli siyang napabuntung hininga."Bakit ba parang ang laki- laki ng proble