Tila tinangay ng hangin lahat ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ibang- iba ang paraan ng paghalik nito sa kanya ng mga oras na iyon.
Punong- puno ng pag- iingat na sa pakiramdam niya ay tila may kasama pang pagmamahal ang bawat kibot ng mga labi nito.Hindi niya alam ngunit, sa bawat galaw ng labi nito ay nadadala siya at sa pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba totoo silang mag- asawa at nagmamahalan.Sa puntong iyon ay nadala na siya ng tuluyan. Kusa ng gumalaw ang kanyang mga labi upang sagutin ang mga halik nito. Sa bawat paggalaw ng mga labi nito ay sinasabayan niya, lumuwag na rin ang pagkakadagan nito sa kanya at tuluyang pinakawalan na ang mga kamay niya.Hanggang sa umakyat ang mga kamay niya sa batok nito na mas lalo lamang nakadagdag sa init na nararamdaman niya. Ang kaninang marahan at maingat na paghalik nito ay nag- umpisa ng naging mapusok.Ramdam na ramdam na rin niya ang pag- iinit nito dahil ang mga haplos nito ay may kasama ng himas.Halos hindi siya huminga ng maramdaman niyang pumailalim na ang mga kamay nito sa loob ng kanyang damit kung saan dahan- dahan na itong humaplos sa kanyang tiyan.Napalunok siya at napapikit lalo na ng unti- unti ng umakyat ang mga kamay nito sa kanyang dibdib kung saan halos mapapikit at mapasabunot siya sa buhok nito nang dumampi ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. Hindi siya nagsuot ng bra ng mga oras na iyon, dahil sa totoo lang ay hindi din naman talaga siya sanay na matulog na nakasuot pa ng bra.Hindi niya napigilang hindi maipilig ang kanyang ulo dahil sa sensasyong unti- unting binubuhay ng mga kamay nito sa kanyang dibdib. Hindi naman ito nagreklamo ngunit ang mga labi nito ay nag- umpisa nang gumapang mula sa kanyang labi patungo sa kanyang baba.Napatingala siya ng wala sa oras lalo na ng maramdaman niya ang dila nito na dumidila sa kanyang baba patungo sa kanyang leeg. Naging sunod- sunod ang naging paglunok niya ng mga oras na iyon. Ang pagkabog ng kanyang dibdib ay hindi na naging normal dahil mas lalo lamang lumakas ang kabog nito. Ang kanyang mga mata ay hirap ng niyang imulat dahil sa luwalhating dinudulot ng ginagawa nito sa kanya.Nakagat niya ang kanyang labi nang maramdaman ang labi nito na nasa kanyang punong tenga. Ang kanyang mga kamay na nakakapit sa buhok nito ay mas lalo lamang humigpit ang pagkakasabunot niya rito dahil nagsasabay ang bibig nito at ang mga kamay nito na gumagalaw na nagdudulot ng mala- apoy na pakiramdam.Kung kanina ay nag- uumpisa pa lamang ang apoy sa mga oras na iyon ay naglalagablab na. Hindi na halos niya mapagana ang kanyang utak para mag- isip na hindi tama ang nangyayari sa kanila.Alam niya na sa kabila ng epekto ng alak dito ay naroon pa rin ang katinuan sa utak nito, ngunit kung may katinuan pang natitira ito sa utak ay bakit nito ginagawa iyon?Natigil siya sa kanyang pag- iisip nang itinaas na nito ang kanyang damit upang hubarin na ng tuluyan. Tumigil din ito sa paghalik sa kanya.Napatitig siya rito at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatitig din ito sa kanya, mata sa mata. Natanggal na nito ang kanyang damit ng oras na iyon at ihuhulog na lamang nito iyon sa sahig.Tila ba tumigil ang pag- ikot ng mundo para sa kanya ng mga oras na iyon dahil ibang- iba ang titig nito sa kanya ng mga oras na iyon. Tila ba ibang Axe Finn ang kaharap niya ng mga oras na iyon, hindi ang Axe Finn na mapanghusga at mapangmata sa kanya.Hindi niya alam pero biglang bumilis ang pintig ng puso niya at totoo nga pala ang sabi nila, na kapag mahal mo ang isang tao ay tila ba titigil ang pag- ikot ng mundo sa oras na maglapat ang inyong mga paningin sa isat- isa.Ang mga titig nito ay tila nanunuot sa kaloob- looban niya at hinahaplos ang puso niya.Hindi niya napigilan ang sariling maitaas ang kanyang isang kamay at haplusin ang mukha nito. Hindi niya alam pero parang pakiramdam niya ay sakanya talaga ito.Hindi ito gumalaw bagkus ay pinanuod lamang siya nito. Lumunok muna siya bago siya tumingkayad upang hagkan ang mga labi nito.Hindi niya sinadya iyong gawin ngunit ang lakas ng tawag ng katawan niya sa kanyang utak na gawin niya iyon at hindi na nga niya napigil ang kanyang sarili kaya nahaplos niya ito.Ang lahat ng pagpipigil nilang dalawa sa sarili ay tila tinangay ng hangin. Unti- unting gumalaw ang mga labi nito at gumapang ang mga kamay nito sa kanyang likod. Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagkadaiti ang kanilang mga hubad na katawan ngunit nasisiguro niya na ang mga tagpo ngayon ay hindi na tulad ng sa nauna.Inalalayan siya nito pahiga sa kama upang doon na nila muling ituloy ang ginagawa nila.Muling nag- umpisang nag- init at naglagablab ang apoy sa pagitan nilang dalawa. Naging apurado ang mga galaw nito kung saan mabilis nitong ibinaba ang kanyang suot na underwear.Isang boxer shorts lang naman ang suot nito kaya mabilis nitong hinubad iyon at tuluyan ng pumatong sa kanya.Hindi na naghiwalay pa ang kanilang mga labi hanggang sa tuluyan na nitong ipasok sa kanya ang tigas na tigas na alaga.Napapikit siya at halos tumulo ang kanyang luha dahil sa kirot ng unang pasok. Inalalayan naman siya nito ng halik para mawala at makalimutan niya ang sakit hanggang sa unti- unti na itong gumalaw sa ibabaw niya.Napayakap na lamang siya rito at nagpakawala ng maraming ungol hanggang sa abutin nila pareho ang kasukdulan nila.Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay doon niya pa lang napagtanto na umaga na pala. Kagigising niya lamang ng mga oras na iyon dahil napasarap pala siya ng tulog. Marahil na rin sa pagod kagabi.Agad siyang umikot ng kanyang higa dahil nakaharap siya sa salamin at sa bintana ng silid, akala niya parang sa mga napapanuod niya na pagkagising ay mumulat silang natutulog pa ang mga mahal nila. Ngunit sa sitwasyon niya ay gumising itong wala sa tabi niya.Hindi niya man aminin sa kanyang sarili ngunit kahit papano ay umasa talaga siya na gigising siyang katabi ito at akala niya ay magsisimula silang muli ng mas maganda katulad noong una dahil sa totoo lang ang mga nangyari sa kanila kagabi ay talaga namang walang salitang makakapag- describe.Dahil tila ba walang- wala siyang naramdamang galit sa mga ipinakita nito kagabi.Sinubukan na niyang bumangon ngunit mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan, nang makatayo na siya ang mabilis niyang ibinalot iy
Alas diyes na ng gabi ng araw na iyon ay wala pa din si Axe Finn. Hindi niya alam ngunit sa mga oras na iyon ay tila ba kinakabahan siya dahil baka ano na ang nangyari rito lalo pa at umaga pa lang ay wala na ito sa kanilang bahay kaya hindi niya maiwasan ang kanyang sarili na mag- alala.Kahit pa alam niyang wala naman talaga siyang karapatan ngunit hindi niya naman maiwasan ang sarili na mag- alala.Kaya hanggang sa mga oras na iyon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Kanina pa siya hindi mapakali at palakad- lakad sa harap ng kama.Hanggang sa nagpakawala siya ng isang malalim na buntung- hininga at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa kama.Lalabas siya upang uminom ng tubig para naman kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya dahil kanina pa kung ano- ano ang pumapasok sa isip niya.Pababa na siya ng hagdan nang maulinigan niya ang isang pagtatalo sa loob ng library ng kanyang Tito.Lumapit siya dito upang makinig. Hindi naman niya ugali ang makinig sa usapan ng may
11 years have passed...Paris, France..."Mommy?" Tawag sa kanya ng kanyang anak na si Vin. May hawak itong snack at pumasok sa kanyang silid ng mga oras na iyon. Bigla naman siyang nag- angat ng kanyang paningin ng marinig ang pagtawag nito at pagkatapos ay itinigil ang kanyang ginagasa pansamatala. Sa mga oras na iyon ay nakaharap siya sa kanyang lamesa at kasalukuyang nagdidisenyo ng isang gown. Pagkatapos ng mga narinig niya noon sa usapan ng kanyang Tito at Axe Finn ay nagdesisyon siya.Umalis siya ng bansa upang mag- aral sa Paris upang maging isang designer. Bata pa lamang siya noon ay iyon na ang kanyang pangarap at iyon din ang nagbigay daan upang matupad ang pangarap niya.Galit na galit noon ang ina niya sa kanya dahil sa desisyong ginawa niya dahil nang sabihin niya rito ang kanyang plano ay galit na galit na ito. Ngunit ganun pa man ay ipinilit niya ang kanyang gusto isa pa ay iyon lang ang tanging paraan niya upang malayo kay Axe Finn.Hindi na niya sinabi pa rito an
Hilot- hilot ni Axe Finn ang kanyang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng kanyang iniisip.Dalawang buwan na lamang ang nalalabi para sa campaign period nila. Madugo- dugo ang labanan nila sa posisyon ng Mayor dahil hindi biro ang kalaban niya. Bukod sa mayaman nito ay kilala ito sa bayan nila dahil sa foundation nito na tumutulong sa mga batang walang panggastos sa kanilang mga pag- aaral.Kilala ang pamilya ng makakalaban niya na matulungin. Isa pa ay may nag- conduct ng survey sa kanilang bayan kung sino ang iboboto nilang Mayor ay natalo siya sa survey. Survey lang iyon pero alam niya na may malaking posibilidad iyon na iyon ang kalalabasan ng magiging resulta ng eleksiyon.Isang term pa lamang siya at hindi pa niya natatapos ang mga bagay na gusto niyang gawin sa bayan nila, hindi dahil kinurakot niya ang mga pera kundi dahil kinulang pa talaga ng budget ang mga proyekto na sinimulan niya.Sa kanyang pag- upo bilang isang Mayor ay napakarami niyang nalaman tu
Hindi na nga sila natuloy pa na pumunta kina Vein. Dahil na rin sa tagal nilang namili ng kanilang mga ipangreregalo ay nagpasya na lamang silang maghiwahiwalay pagkatapos nilang namili.Hindi na nga rin sila nakakain pa dahil si Keizer ay nag- apura ng umalis dahil may emergency meeting daw sila at kailangan na nadoon siya.Si Vein naman ay nagpaalam na din pagkatapos dahil may pipirmahan pa daw pala siya sa kanyang opisina.Si Gion naman ay nauna na ring umalis dahil nga sa function hall niya gaganapin ang birthday ni Debbie ay kailangan niya iyong tutukan upang masiguro na rin na magiging maganda ang kalalabasan. Ayaw din naman niyang mapahiya sa kaibigan nila na si Davin, isa pa ay ito ang unang beses na ipaghahanda ni Davin ang anak niya pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita.Syempre kahit sino naman siguro ay babawi talaga lalo pa at napakatagal ng hindi nila pagkikita. Bumabawi pa lamang ito sa dami ng pagkukulang nito bilang ama sa anak niya.Naipilig niya ang kanyang ulo
"Honey, gabi na. Aren't you done yet?" Napatingala siya nang marinig ang tinig nito at napatigil sa kanyang ginagawa. Nakakailang disenyo pa lamang siya ng gown at hindi pa niya natatapos ang huling ginagawa niya kaya hindi pa siya tumitigil.Ayaw niyang tayuan iyon o ni itigil man lang dahil baka tamarin na siya pagkatapos, isa pa ay konti na lang din naman ang gagawin niya kaya ayaw na niyang tigilan pa iyon.Malapit naman na siyang matapos at isa pa sinabi naman niya sa sarili niya na pagkatapos niya ang gown na ginagawa niya ay magpapahinga na siya."Konti na lang 'to honey..." Sagot niya rito at pagkatapos ay muling itinuloy ang kanyang ginagawa. Sa totoo lang ay kanina pa talaga niya gustong- gusto ngang magpahinga, ang problema nga lang talaga ay ayaw niya talagang tigilan ang kanyang ginagawa. Papikit- pikit na rin ang kanyang mga mata at ilang beses na rin siyang nag- hikab.Hindi naman ito nagsalita pa at nanatili lamang ito sa pwesto nito. Ilang galaw pa lamang ng kanyang
Alas siyete ang nakalagay sa invitation na umpisa ng birthday ni Debbie, pero syempre Pilipino tayo kaya sigurado siyang hindi iyon mag- uumpisa ng alas syete eksakto.Napatingin siya sa kanyang relo, 15 minutes bago sumapit ang alas syete kaya lumabas na siya ng kanyang silid."Ang gwapo mo naman Sir..." Puri sa kanya ng kasambahay nilang si Aya nang makababa siya ng hagdan. Halos kuminang pa ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi rin nito itinago ang paghanga nito habang tinitingnan siya nito.Sino nga ba naman kase ang hindi hahanga sa kagwapuhan niyang taglay? Hindi naman sa pagmamayabang pero talaga namang may ipagmamalalaki naman talaga siya pagdating sa kanyang itsura."Alam ko na yan Aya, dahil sa dami ba naman ng nagsasabi sakin niyan e parang wala na lang sakin." Nakangising sagot niya rito.Umingos naman ito dahil sa sagot niya at pagkatapos ay inirapan pa siya."Alam mo Sir sa totoo lang nagiging mahangin ka na." Sabi nito at pagkatapos ay napailing na lang.Ti
Nang makapasok sila sa venue ng party ay talaga namang mapapabulalas ka ng "wow" literal.Sino ba naman ang hindi mapapa- wow sa ayos ng venue, wala ka talagang masasabi. Napakagaling talaga ng mga taga- ayos ni Gion. Sinasabi niya iyon hindi dahil kaibigan niya ito kundi dahil totoong maganda talaga ang gawa ng mga tauhan nito.Ewan niya ba, pero sa lahat ng kaibigan niya si Gion talaga ang may pagka- adik sa mga properties. Nung nakaraan gabi nga ay nag- meeting sila dahil may 25 hectares daw itong bibilhin na lupa sa kanilang bayan at kaya sila mineeting dahil sinabi nito na silang magkakaibigan ang bibili ng lupang iyon at magtatayo ng isang private leisure area.Sinabi din nito na magtatayo ito ng mga bahay para sa mga magiging member ng lugar na iyon. Hindi pa nila nakumpletong napag- usapan ang lahat ng detalye dahil masyadong busy si Vein. Ayaw naman nitong hindi sila kumpleto kapag mayroon itong gustong irekomenda pa para sa gagawin nito sa lupa.Sinang- ayunan naman nilang l
Masakit ang ulo niyang napabangon. Sobrang sakit ng ulo niya ng mga oras na iyon. Bumaba na siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay pumunta sa banyo at doon ay naglabas siya ng sama ng loob. Pagkatapos ng ilang sandali ay naghilamos na siya dahil nailabas na niya ang lahat ng kaniyang nainom kagabi.Kailangan niya ng mainit na kape para kahit papano ay mabawasan man lang ang sama ng pakiramdam niya.Nang makahilamos nga siya ay kaagad na nga siyang nagbihis at bumaba na sa baba.Naabutan niya doon si Eunice na may kausap na babae sa sala. Nang marinig nga nito ang kaniyang mga yabag ay napatingala ito."O gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi nito pagkatapos ay tumayo at kaagad siyang hinila na doon sa harap ng babaeng kausap nito.Nakita niya ang mga invitation na nasa ibabaw ng lamesa. "Nasukatan na kami, ikaw na lang ang hindi nasukatan. Kailangan mo ng masukatan ngayon dahil ira- rush nila ang sayo. Bukas na ang kasal." Masayang sambit nito sa kaniy
Hapon na ng mga oras na iyon at nag- uumpisa na ang sayawan. Kanina kase ay puro kainan lamang at puro kwentuhan. Well, siya wala naman siyang kakwentuhan doon kundi si Vin lang. Wala daw kase si Aya ng araw na iyon dahil may date daw ito.Napa- sana all na lamang siya ng mga oras na iyon dahil ang mga nakikita niya ay mga love- birds.Sina Axe Finn at Eunice ay nagsimula ng magsayaw at sila ang star ng dance floor ng mga oras na iyon. Ang mga mata ng bawat indibidwal na naroon ay nasa kanila lamang.Pumailanglang ang sweet na music at halos magdikit na ang mga katawan ng mga ito na halos wala ng maski hangin ang makadaan sa pagitan nilang dalawa.Kitang- kita niya kung paano magngitian at maghagikgikan ang mga ito.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at napatingala sa langit. Bakit ganuon? Ang lupit ng tadhana sa kaniya. Hindi man lang siya nakaramdam ng saya sa buong buhay niya puro na lang sakit ang nararamdaman niya.Ito ba talaga ang nakatadhana sa kaniya? Ang masaktan na lang n
Nagising si Jazz dahil sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Namulatan niya si Eunice na nakangiti sa kaniya."Nandito na tayo." Malawak ang ngiting sabi nito at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Napahikab siya at pagkatapos ay napainat ng kaniyang katawan. Antok na antok pa siya. Parang matutulog niya lang at pagkatapos ngayon ay ginigising na siya.Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Pagbaba niya ng sasakyan ay halos matigil siya sa kaniyang paghakbang pababa ng sasakyan dahil sa tagpong nakita niya.Magkayakap si Eunice at...Axe Finn?Tila ilang daan kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita. Dinadaya pa siya ng kaniyang mga mata?Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo nga ba ang lahat ng iyon at nang magmulat niya siya ay iyon pa rin ang nakikita niya. Magkayakap ang mga ito at pagkatapos ay may ilang kalalakihang nakahawak ng mga bulaklak at isa- isang bi
Napilit nga siya nitong umuwi ng Pilipinas. Kinunsensiya pa nga siya nito bago siya nito napilit. Napapabuntung- hininga na lamang siya kapag naaalala niya ang pamimilit nito sa kaniya.Nasa eroplano na sila ng mga oras na iyon. Hindi pa nga pala niya nasabi sa kaniyang anak na uuwi siya ng Pilipinas. Gusto niyang sorpresahin ito.Muli siyang napabuntung hininga dahil rito. Akala niya ay nagbibiro lamang si Eunice sa sinasabi nito ngunit napatunayan niyang totoo nga pala ang sinasabi nito at hindi biro.Hindi niya naman kase inakalang seryoso ito at meron nga talaga itong boyfriend sa Pilipinas at nag- aya na sa kaniyang magpakasal.Unang- una ay lagi niya naman kasama ito at wala naman itong nakukwento sa kaniya. Paulit- ulit niya ring tinanong ito kung sigurado ba ito sa gagawin nitong desisyon dahil kapag naikasal na ito ay hindi na ito pwedeng mapawalang bisa pa. Wala naman itong ibang sagot sa kaniya kundi seryoso daw talaga siya at nagmamahalan daw sila ng kaniyang boyfriend ka
Kasalukuyang nakahawak si Jazz ng lapis ng mga oras na iyon. Mayroon na naman silang fashion show kung saan ay mga gown naman ang kanilang irarampa. For sure ay magiging busy na naman siya ng sobra- sobra.Isang taon na ang lumipas simula nang makabalik siya sa Paris at napakalaki na ng ipinagbago ng negosyo niya. Nagkaroon na siya ng ilang branch at nakilala na talaga siya hindi lang sa Paris kundi pati na sa mga karatig na bansa.Sa isang taon na iyon ay napakarami ng nangyari. Si Eunice noon ay grabe ang paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginawa ng Kuya nito sa kaniya. Hindi daw nito alam na may ganuon pala itong plano at isa pa ay hindi niya daw alam na nagpakamatay si Via dahil sa lalaki.Doon niya nalaman na ang babaeng tinutukoy noon ni Vince ay kapatid nila ni Eunice. Mas matanda daw ito kay Eunice at talaga daw na malapit ito sa kaniyang Kuya. Sobrang sweet daw nito at napaka- masiyahin kaya napakalaking tanong talaga noon sa kanila kung bakit ito nagpakamatay.Ngunit ganun
Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid."Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito. Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito."Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon."Aya
Alas diyes na ng umaga ng mga oras na iyon. Pinapanuod ni Jazz mula sa taas kung paano mag- bonding si Axe Finn at si Vin habang naliligo sa swimming pool. Napangiti siya dahil hindi niya inakala na isang araw ay bigla na lamang nitong makakasama ang ama nito. May maganda pa din naman palang naidulot ang pag- uwi nila ng Pilipinas. Hindi puro hindi maganda.Kung may hindi man magandang nangyari ay may magandang nangyari din naman at iyon nga ang pagkikita ni Vin at ni Axe Finn.Napabuntung- hininga siya habang pinapanuod ang mga ito. Kitang- kita niya ang saya sa mukha ng anak niya habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga. Paano nga ba niya naipagkait ang sayang katulad nito sa anak niya?Paano niya nga ba naatim na hindi ito ipakilala sa ama nito? Ibang- iba sa inaakala niya ang naging reaksiyon nito nang malaman nitong may anak sila. Akala niya ay itatanggi niya ito at hindi kikilalanin ngunit ito pa mismo ang nag- insist na anak nito si Vin kahit pa hindi niya ito ipinakilala
Mabilis na lumipas ang araw at pangatlong araw na niya noon sa bahay ni Axe Finn. Mabuti na lamang at masyado itong busy sa opisina nito kaya madalang na rin naman silang magkita.Nang araw nga na iyon ay iyon ang unang araw ng pagdinig sa kaso na isinampa laban kay Vince.Kailangan nilang dumalo doon dahil hihingan sila ng statement. Mabuti na lamang at hindi niya kasabay si Axe Finn na pupunta doon dahil may aasikasuhin pa nga daw muna ito sa munisipyo.Tanging si Aya nga lang ang kasama niya doong pumunta at si Vin naman ay naiwan na lamang doon sa bahay ni Axe Finn. Si Baxter ang naging driver nila.Nang makarating nga sila sa pagdadausan ng kanilang pagdinig ay pumasok na sila kaagad.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang abogado nila at maging ang nasasakdal na si Vince kasama ang abogado nito.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na nga ang pagdinig.Tinawag siya upang magsalita at magkwento doon kung ano ang tunay na nangyari nang dukutin siya nito.Nakaupo na siya sa harap ng m
Ilang araw nga ang nakalipas at nakalabas na rin siya ng ospital. Simula ng magising siya ay hindi na niya nakita pang muli ang kahit anino man lang ni Axe Finn dahil hindi na siya nito dinalaw pa.Hanggang sa ma- discharge siya ay tanging si Aya lamang ang kasama niya."Doon ka daw titira sa bahay ni Sir sabi niya." Pag- iimporma sa kaniya ni Aya habang inihahanda ang kaniyang mga gamit na iuuwi nila.Pauwi na kase sila ng oras na iyon at hinihintay na lamang nila ang susundo sa kanila. Nasisiguro niyang hindi ito ang susundo sa kanila ngayon dahil paniguradong may pasok ito sa kaniyang opisina. Napabuntung- hininga na lamang siya. Ano ang magiging buhay niya kung doon siya sa bahay nito uuwi at titira lalo na at may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Paniguradong wala siyang gagawin doon kundi ang magkulong lalo na kung wala itong pasok sa opisina dahil paniguradong nanduon lamang ito sa bahay nito.Muli siyang napabuntung hininga."Bakit ba parang ang laki- laki ng proble