Ingat na ingat siya sa kanyang paghinga sa takot na malaman nitong gising pa siya ng mga oras na iyon. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit naging abnormal na lamang bigla ang pagtibok nito.
Nakatagilid siya at nakatalikod dito. Nakaharap siya sa lampshade sa silid kung saan may malamlam itong ilaw. Nakadilat ang kanyang mga mata ng oras na iyon at nakatingin siya sa lampshade ng mga oras na iyon nang bigla na lamang mapadako ang kanyang tingin sa bintana ng silid. Ito ay purong salamin at pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi niya pala nahawi ang kurtina at kitang- kita ng kanyang mga mata ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya. Punong- puno ito ng galit. Nakaharap din pala ito sa salamin at kitang- kita nito na dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.Hindi siya nakagalaw at labis na nabigla, hindi niya lubos maisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob dito, ngunit hindi niya maarok kung ano ang nakapaloob sa mga mata nito bukod sa galit na kitang- kita sa mga mata nito.Kung pwede lang lumabas ang apoy sa mga mata nito panigurado na tustado na siya at sunog na ang buong bahay dahil sa pagkakatitig nito sa kanya.Tila siya natuod at hindi nakagalaw, halos maghabulan din ang kabayo sa kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.Nang makita niya ang paggalaw nito na bumangon at akmang lalapit sa kanya ay naging mabilis ang kanyang paggalaw at mabilis na bumaba sa kama. Sa kanyang pagmamadali ay nahulog pa siya sa kama na ikinasaldak niya sa sahig.Napapikit na lamang siya dahil sa kirot na naramdaman niya dahil sa pagkakahulog niya sa kama.Kahit na masakit ang kanyang pang- upo ay pinilit niya pa rin ang tumayo ngunit sa kanyang pagtayo ay nasa tabi na agad niya ito kaya unti- unti siyang napaatras.Hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi mapalunok nang makita ang ayos nito. Tanging isang boxer shorts lamang ang suot nito, kaya ang taas ng katawan nito ay nakahantad at kitang- kita ng dalawa niyang mata.Kahit anong pigil niya na huwag iyong tingnan ay hindi niya naman kinayang pigilan ang kanyang sarili dahil sa kanyang hormones. Napako ang kanyang titig sa katawan nito, na unti- unti nang lumalapit sa kanya.Nanlaki ang kanyang mga mata dahil nabangga na ang kanyang likod sa malamig na pader. Sumagad na pala siya sa pader kung saan wala na siyang maatrasan pa. Tanging ang yakapin na lamang ang sarili niya ang kanyang nagawa dahil wala na siyang maatrasan pa.Napalunok siya lalo na nang magsalubong ang kanilang mga mata. May kakaibang kislap sa mga mata nito na tila natutuwa pa na nakikita siya na takot na takot habang papalapit ito sa kanya.Natutuwa ba ito sa itsura niya? O dahil sa nakikita nitong natatakot siya? Pinaglalaruan ba siya nito?Habang nakatitig siya rito ay tila nakita niya itong ngumiti, ngiting may ibig sabihin. Ngunit sa isang kurap niya lamang ay bigla na lamang nagbago ang ekspresyon nito at hindi niya tuloy masiguro kung namalikmata lamang siya.Sa mga oras na iyon ay naging blangko na lamang ang ekspresyon nito at wala na halos mabasa sa mga mata nito.Nang makarating ito sa harap niya mismo ay matiim siya nitong tinitigan. At pagkatapos ay itinaas nito ang isa nitong kamay sa isang panig ng kanyang ulo at medyo inilapit ang ulo nito. Medyo yumuko pa ito dahil mas matangkad ito sa kanya ng dahil nasa average lamang ang height niya.Napalunok siya at halos hindi huminga nang magpantay ang kanilang mga mukha. Halos maramdaman niya rin ang bawat paghinga nito na tumatama sa kanyang mukha at mula doon ay naamoy niya ang amoy ng alak.Siguro kanina pagka- alis na pagka- alis nito sa munisipyo ay mabilis itong nagpunta sa isang bar upang mag- inom.Ngunit sa tantiya niya naman ay hindi naman ito sobrang lasing nang mga oras na iyon, saktong nakainom lamang kumbaga.Tinitigan siya nito sa mukha at pagkatapos ay napatingala. Narinig niya din ang mahina nitong pagtawa, pinanuod niya lamang ito at hindi nagsalita, pagkatapos ay napakunot ang noo dahil sa inaakto nito.Para itong baliw dahil tumatawa ito na wala namang sinasabi o binibitawang salita.Pagkatapos ng ilang saglit itong tumatawa ay tumigil ito at muling tumitig sa kanya, at pagkatapos ay ipinilig ang ulo nito habang nakatitig sa kanya.Umangat ang isang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kanya."Sa tingin mo talaga magugustuhan kita?" Tanong nito habang nakataas ang sulok ng labi nito at tiningnan siya nito pataas pababa at pagkatapos ay umiling."Hindi ang klase mong babae ang magugustuhan ko," dagdag pa nito.Sobrang sakit para sa kanya ng mga binibitawan nitong salita sa kanya ng mga oras na iyon. Alam naman niya na hinding- hindi talaga siya nito magugustuhan at malayong- malayo talaga siya sa mga babaeng tipo nito.Bakit kailangan pa nitong ipamukha talaga sa kanya na napakapanget niya? Bakit kailangan pa nitong ipamukha sa kanya na napakababa niya?"Gagawin mo talaga ang lahat para akitin ako..." Nangungutyang sabi pa nito."Hindi ko ginusto ito..." Mahinang sabi niya na halos pabulong na lang din. Nangingilid na naman ang kanyang mga luha ng mga oras na iyon at malapit nang tumulo mula sa kanyang mga mata."Hindi mo ginusto?" Sarkastikong tanong nitong muli. "Ito talaga ang gusto mo, una palang." Dagdag nitong muli at pagkatapos ay inilapit na ang mukha nito sa kanya.Naipilig niya ang kanyang ulo dahil ayaw niyang salubungin ang mukha nito ngunit iyon pala ang isang malaking pagkakamali niya dahil dumampi ang mga labi nito sa kanyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod ng mga oras na iyon.Sino nga ba ang hindi manghihina ang mga tuhod sa mga pinagsasasabi nito?"Pagbibigyan kita sa gusto mo..." Makahulugang bulong nito bago nito tuluyang halikan ang kanyang leeg.Agad umangat ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Sobra- sobra na ang pang- iinsultong ginawa nito sa kanya at hindi na niya hahayaan pa ang sariling mas insultuhin pa siya nitong lalo kaya inipon niya ang kanyang lakas upang itulak ito.Ngunit naging mas maagap ito at idinagan nito ang katawan sa kanya. Ang mga kamay nito ay itinaas sa pagitan ng kanyang ulo kaya hindi siya nakagalaw na ng tuluyan.Nang iharap nito ang kanyang mukha ay wala siyang nagawa dahil hindi siya makakilos dahil nga naipit ang kamay niya sa dibdib nito.Kaya nang bumaba ang mukha niya ay tila isinahod na lamang niya iyon. Halos ayaw gumalaw ng kanyang katawan ng oras na iyon dahil alam niya pagkatapos ng gabing iyon ay iinsultuhin na naman siya nito.Hinalikan siya nito, halik na madiin at tila nagpaparusa. Halos maiyak siya dahil sa diin ng pagkakahalik nito sa kanya ay halos malasahan na niya ang sarili niyang dugo ng mga oras na iyon.Hanggang sa hindi na niya napigil pa ang kanyang luha sa pagtulo. Bigla itong napatigil nang malasahan siguro nito ang alat sa kanyang mga labi, ngunit ilang saglit lamang itong tumigil at muli na naman siyang hinalikan, sa puntong iyon ay hindi na ganun katulad kanina ang paraan ng paghalik nito kundi mas maingat na ito at mas marahan na.Sa kabila ng karahasan nito kanina ay nagawa nitong baguhin ang nararamdaman niya sa paraan ng halik nito sa mga oras na iyon. Nagawa na nitong buhayin ang apoy sa pagitan ng kanyang mga hita.Tila tinangay ng hangin lahat ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ibang- iba ang paraan ng paghalik nito sa kanya ng mga oras na iyon.Punong- puno ng pag- iingat na sa pakiramdam niya ay tila may kasama pang pagmamahal ang bawat kibot ng mga labi nito.Hindi niya alam ngunit, sa bawat galaw ng labi nito ay nadadala siya at sa pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba totoo silang mag- asawa at nagmamahalan.Sa puntong iyon ay nadala na siya ng tuluyan. Kusa ng gumalaw ang kanyang mga labi upang sagutin ang mga halik nito. Sa bawat paggalaw ng mga labi nito ay sinasabayan niya, lumuwag na rin ang pagkakadagan nito sa kanya at tuluyang pinakawalan na ang mga kamay niya.Hanggang sa umakyat ang mga kamay niya sa batok nito na mas lalo lamang nakadagdag sa init na nararamdaman niya. Ang kaninang marahan at maingat na paghalik nito ay nag- umpisa ng naging mapusok.Ramdam na ramdam na rin niya ang pag- iinit nito dahil ang mga haplos nito ay may kasama ng himas.Halos
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay doon niya pa lang napagtanto na umaga na pala. Kagigising niya lamang ng mga oras na iyon dahil napasarap pala siya ng tulog. Marahil na rin sa pagod kagabi.Agad siyang umikot ng kanyang higa dahil nakaharap siya sa salamin at sa bintana ng silid, akala niya parang sa mga napapanuod niya na pagkagising ay mumulat silang natutulog pa ang mga mahal nila. Ngunit sa sitwasyon niya ay gumising itong wala sa tabi niya.Hindi niya man aminin sa kanyang sarili ngunit kahit papano ay umasa talaga siya na gigising siyang katabi ito at akala niya ay magsisimula silang muli ng mas maganda katulad noong una dahil sa totoo lang ang mga nangyari sa kanila kagabi ay talaga namang walang salitang makakapag- describe.Dahil tila ba walang- wala siyang naramdamang galit sa mga ipinakita nito kagabi.Sinubukan na niyang bumangon ngunit mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan, nang makatayo na siya ang mabilis niyang ibinalot iy
Alas diyes na ng gabi ng araw na iyon ay wala pa din si Axe Finn. Hindi niya alam ngunit sa mga oras na iyon ay tila ba kinakabahan siya dahil baka ano na ang nangyari rito lalo pa at umaga pa lang ay wala na ito sa kanilang bahay kaya hindi niya maiwasan ang kanyang sarili na mag- alala.Kahit pa alam niyang wala naman talaga siyang karapatan ngunit hindi niya naman maiwasan ang sarili na mag- alala.Kaya hanggang sa mga oras na iyon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Kanina pa siya hindi mapakali at palakad- lakad sa harap ng kama.Hanggang sa nagpakawala siya ng isang malalim na buntung- hininga at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa kama.Lalabas siya upang uminom ng tubig para naman kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya dahil kanina pa kung ano- ano ang pumapasok sa isip niya.Pababa na siya ng hagdan nang maulinigan niya ang isang pagtatalo sa loob ng library ng kanyang Tito.Lumapit siya dito upang makinig. Hindi naman niya ugali ang makinig sa usapan ng may
11 years have passed...Paris, France..."Mommy?" Tawag sa kanya ng kanyang anak na si Vin. May hawak itong snack at pumasok sa kanyang silid ng mga oras na iyon. Bigla naman siyang nag- angat ng kanyang paningin ng marinig ang pagtawag nito at pagkatapos ay itinigil ang kanyang ginagasa pansamatala. Sa mga oras na iyon ay nakaharap siya sa kanyang lamesa at kasalukuyang nagdidisenyo ng isang gown. Pagkatapos ng mga narinig niya noon sa usapan ng kanyang Tito at Axe Finn ay nagdesisyon siya.Umalis siya ng bansa upang mag- aral sa Paris upang maging isang designer. Bata pa lamang siya noon ay iyon na ang kanyang pangarap at iyon din ang nagbigay daan upang matupad ang pangarap niya.Galit na galit noon ang ina niya sa kanya dahil sa desisyong ginawa niya dahil nang sabihin niya rito ang kanyang plano ay galit na galit na ito. Ngunit ganun pa man ay ipinilit niya ang kanyang gusto isa pa ay iyon lang ang tanging paraan niya upang malayo kay Axe Finn.Hindi na niya sinabi pa rito an
Hilot- hilot ni Axe Finn ang kanyang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng kanyang iniisip.Dalawang buwan na lamang ang nalalabi para sa campaign period nila. Madugo- dugo ang labanan nila sa posisyon ng Mayor dahil hindi biro ang kalaban niya. Bukod sa mayaman nito ay kilala ito sa bayan nila dahil sa foundation nito na tumutulong sa mga batang walang panggastos sa kanilang mga pag- aaral.Kilala ang pamilya ng makakalaban niya na matulungin. Isa pa ay may nag- conduct ng survey sa kanilang bayan kung sino ang iboboto nilang Mayor ay natalo siya sa survey. Survey lang iyon pero alam niya na may malaking posibilidad iyon na iyon ang kalalabasan ng magiging resulta ng eleksiyon.Isang term pa lamang siya at hindi pa niya natatapos ang mga bagay na gusto niyang gawin sa bayan nila, hindi dahil kinurakot niya ang mga pera kundi dahil kinulang pa talaga ng budget ang mga proyekto na sinimulan niya.Sa kanyang pag- upo bilang isang Mayor ay napakarami niyang nalaman tu
Hindi na nga sila natuloy pa na pumunta kina Vein. Dahil na rin sa tagal nilang namili ng kanilang mga ipangreregalo ay nagpasya na lamang silang maghiwahiwalay pagkatapos nilang namili.Hindi na nga rin sila nakakain pa dahil si Keizer ay nag- apura ng umalis dahil may emergency meeting daw sila at kailangan na nadoon siya.Si Vein naman ay nagpaalam na din pagkatapos dahil may pipirmahan pa daw pala siya sa kanyang opisina.Si Gion naman ay nauna na ring umalis dahil nga sa function hall niya gaganapin ang birthday ni Debbie ay kailangan niya iyong tutukan upang masiguro na rin na magiging maganda ang kalalabasan. Ayaw din naman niyang mapahiya sa kaibigan nila na si Davin, isa pa ay ito ang unang beses na ipaghahanda ni Davin ang anak niya pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita.Syempre kahit sino naman siguro ay babawi talaga lalo pa at napakatagal ng hindi nila pagkikita. Bumabawi pa lamang ito sa dami ng pagkukulang nito bilang ama sa anak niya.Naipilig niya ang kanyang ulo
"Honey, gabi na. Aren't you done yet?" Napatingala siya nang marinig ang tinig nito at napatigil sa kanyang ginagawa. Nakakailang disenyo pa lamang siya ng gown at hindi pa niya natatapos ang huling ginagawa niya kaya hindi pa siya tumitigil.Ayaw niyang tayuan iyon o ni itigil man lang dahil baka tamarin na siya pagkatapos, isa pa ay konti na lang din naman ang gagawin niya kaya ayaw na niyang tigilan pa iyon.Malapit naman na siyang matapos at isa pa sinabi naman niya sa sarili niya na pagkatapos niya ang gown na ginagawa niya ay magpapahinga na siya."Konti na lang 'to honey..." Sagot niya rito at pagkatapos ay muling itinuloy ang kanyang ginagawa. Sa totoo lang ay kanina pa talaga niya gustong- gusto ngang magpahinga, ang problema nga lang talaga ay ayaw niya talagang tigilan ang kanyang ginagawa. Papikit- pikit na rin ang kanyang mga mata at ilang beses na rin siyang nag- hikab.Hindi naman ito nagsalita pa at nanatili lamang ito sa pwesto nito. Ilang galaw pa lamang ng kanyang
Alas siyete ang nakalagay sa invitation na umpisa ng birthday ni Debbie, pero syempre Pilipino tayo kaya sigurado siyang hindi iyon mag- uumpisa ng alas syete eksakto.Napatingin siya sa kanyang relo, 15 minutes bago sumapit ang alas syete kaya lumabas na siya ng kanyang silid."Ang gwapo mo naman Sir..." Puri sa kanya ng kasambahay nilang si Aya nang makababa siya ng hagdan. Halos kuminang pa ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi rin nito itinago ang paghanga nito habang tinitingnan siya nito.Sino nga ba naman kase ang hindi hahanga sa kagwapuhan niyang taglay? Hindi naman sa pagmamayabang pero talaga namang may ipagmamalalaki naman talaga siya pagdating sa kanyang itsura."Alam ko na yan Aya, dahil sa dami ba naman ng nagsasabi sakin niyan e parang wala na lang sakin." Nakangising sagot niya rito.Umingos naman ito dahil sa sagot niya at pagkatapos ay inirapan pa siya."Alam mo Sir sa totoo lang nagiging mahangin ka na." Sabi nito at pagkatapos ay napailing na lang.Ti