Share

Chapter 3

"You may now kiss the bride... " Nakangiting saad ng kanyang Tito. Sa office nga pala nito idinaos ang kanilang kasal dahil ito nga pala ang kasalukuyang Mayor sa kanilang lungsod.

Halos mangiwi naman ang lalaking katabi niya ng mga oras na iyon at inaasahan niya na hinding- hindi siya nito hahalikan dahil nga diring- diri ito sa kanya.

Ngunit nagulat siya ng bigla itong gumalaw at humarap sa kanya at iniharap din siya. Sa labis na pagkabigla ay hindi na niya nagawang ipikit pa ang kanyang mga mata nang maglapat ang mga labi nila.

Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon lalo pa at alam niya ang galit nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip nito dahil sa ginawa nito.  Pagpapakitang tao?  Dahil nga nasa loob ng opisina kasama nila ang Vice Mayor at nagsilbing saksi sa kanilang kasal.

Hindi niya tuloy maisip kung tunay nga ba ang kasal na nangyari o peke lang,  ngunit kaninang tinitingnan niya kanina noong pinipirmahan niya ang marriage  contract ay dalawang kopya iyon kaya nagdadalawang isip din siya kung peke nga ba ang mga iyon.

Isang mabilisang halik lamang ang ginawa nito at pagkatapos ay hinawakan pa siya nito sa kanyang beywang na mas lalong ikanagulat niya. Sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay bigla siyang napanganga pero hindi naman literal na napanganga kundi umawang lang ng kaunti ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla.

Hindi siya makapaniwala sa inaakto nito dahil tila ito nasapian. Kaya napatingin siya sa mukha nito ngunit sa puntong iyon ay hindi ito nakaharap sa kanya kundi sa harap nito. Nang humarap siya ay doon niya napagtanto na may kumukuha pala sa kanila ng litrato at sa unang pagkakataon simula nang mangyari ang bagay na iyon na nakapagpabago ng buhay niya ay nakuha niya ang ngumiti.

-------

Nang matapos ang pictorial at nakalabas na ang Vice Mayor ay mabilis siyang binitawan nito na akala mo diring- diri sa kanya.

Akala niya pa naman ay magbabago na ang pag- trato nito sa kanya ngunit nagkamali lang pala siya.  Hindi pala totoo ang pinakita nito,  pagpapakitang tao lang pala ang ginawa nito dahil nga may ibang taong kasama sila sa loob ng opisina.

Pagkatapos na pagkatapos lumabas ng mga tao ay mabilis na din itong lumabas doon at hindi na niya alam kung saan ito pupunta.

Nagkatinginan na lamang silang tatlo na naiwan doon at pagkatapos ay sumunod na ding lumabas mula doon at nag- aya ang kanyang Tito na kumain sa labas kaya sumang - ayon na lamang sila,  total naman ay anong oras na iyon ay nakaramdam na siya ng gutom dahil anong oras na nga pala siya nagising at halos wala pa siyang maayos na kain simula kahapon.

Sa kotse ay tahimik lamang siyang nakatingin sa labas ng sasakyan at pinapanuod ang mga tao sa daan na busy sa kani- kanilang mga buhay sa araw- araw.

Napabuga siya ng hangin pagkatapos ay napatingin sa kanyang daliri kung saan nakasuot ang singsing. Simula sa araw na ito ay siya na si Mrs. Jazz Mendoza Del Fuente. Ngunit pipiliin niya pa ring hindi muna gamitin ang apelyido ni Axe Finn dahil tila peke naman ang kasal nilang dalawa.

Sa kanyang pag- iisip ay bigla na lamang niyang hinugot ang singsing sa kanyang daliri,  dahil nasisiguro naman niya na hindi din siya ituturing ni Axe Finn na asawa. Kung totoo nga ang kasal na iyon ay pagkatapos lang ng isang buwan ay magpa- file na siya kaagad ng annulment upang mapawalang- bisa na nang tuluyan ang kanilang kasal.

Itinago niya ang kanyang singsing sa dala niyang purse at pagkatapos ay sumandal sa upuan ng kotse. Binilin na ng kanyang ina na hindi na muna siya papasok sa eskwelahan dahil may mga aasikasuhin daw sila.

Hindi na lamang siya nakipagtalo pa at hinayaan na lamang ang mga ito sa mga gusto ng mga itong gawin.

------

Nang matapos silang kumain ay nagpaiwan na lamang siya sa restaurant at sinabing lilibangin niya muna ang kanyang sarili.

Halos alas siyete na ng gabi nang makauwi siya. Agad siyang dumiretso sa kanyang silid dahil gusto na sana niyang magpahinga at matulog dahil hindi siya nakatulog kagabi.

Ngunit nagulat siya nang makapasok siya sa kanyang silid dahil malinis na ito, dali- dali siyang lumapit sa kanyang closet at pagkatapos ay binuksan ito. Wala na ring laman ang mga iyon kaya napaupo na lamang siya sa kanyang kama.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at sumungaw ang kanyang ina.  Magtatanong na sana siya ngunit nauna na itong nagsalita.

"Ipinalipat na ng Tito mo ang mga gamit mo sa kwarto ni Axe Finn. Simula sa araw na ito ay sa iisang silid na kayo matutulog----"

"Pero Mama!" Tutol niya sa sinasabi nito. Ganun ba talaga ka- seryoso ang mga ito?

Tiningnan lamang siya nito na blangko at pagkatapos ay lumabas na sa kanyang silid na walang binibitawang salita.

Paano na siya ngayon?  Ano ang magiging buhay niya sa silid na kasama ang lalaking pangarap niya ngunit diring- diri naman ito sa kanya?

Wala na lamang siyang nagawa kundi ang lumabas at maglakad patungo sa kwarto ni Axe Finn. Kailangan niyang maging matapang at harapin ang pangyayari.

Pagkapasok niya sa silid ay napahanga siya agad sa interior  ng silid,  ngunit ganun pa man ay nangingibabaw pa din ang lungkot na nararamdaman niya.

Mabilis siyang pumasok sa banyo at mabilis na naligo na. Kailangan na niyang matulog bago pa dumating si Axe Finn. Nang makaligo siya ay mabilis siyang humiga sa kama, iisa lang ang kama doon at hindi naman siya sanay na matulog sa sahig. Wala din naman couch doon at doon na lang sana siya mahihiga para hindi na sila magkatabi pa.

Agad siyang pumikit at pinilit ang sariling matulog na sana,  ngunit hindi siya makatulog kahit pa gustong- gusto na niyang makatulog ngunit hindi siya antukin.

Ilang oras na ang lumipas simula ng mahiga siya ngunit nananatiling gising pa rin ang kanyang diwa bagaman nakapikit ang kanyang mga mata.

Babangon na sana muna siya nang biglang bumukas ang pinto kaya nagkunwari muna siyang tulog.

Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya alam niya na pumasok ito doon. Nanatili siya sa kanyang higaan hanggang sa lumabas na ito sa banyo.

Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang pag- uga ng kama tanda na humiga ito sa tabi niya. Halos hindi siya huminga dahil dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status