"What is the meaning of this?!" Umaalingaw- ngaw na sigaw ng kanyang ina at iyon ang gumising sa kanya at hindi lang din pala siya ang nagising ng mga oras na iyon kundi ang taong nakapatong din pala sa kanya ng mga oras na iyon.
Mabilis ito umalis sa tabi niya at nahiga sa tabi niya. Samantalang siya ay mabilis niyang hinagilap ang kumot upang pantakip sa hubad na katawan niya.Parang ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang lahat ng nangyari, isa pa ay wala namang nangyari sa pagitan nilang dalawa.Nakatalikod ang ina niya sa kanila nang mga oras na iyon at iniwan nitong bukas iyon. Ilang saglit pa ay humahangos paakyat doon ang ama ni Axe Finn at halos malaglag ang panga nito dahil sa pagkabigla.Ngunit mabilis din itong nakabawi at napalitan ng inis at pagkadismaya ang mukha nito. Hindi niya nagawang tumingin sa mga mata nito lalo na nang pumihit na din paharap sa kanila ang kanyang ina.Hindi niya magawang mag- angat ng kanyang ulo dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito, malamang na sobrang dis- appointed ito sa nangyari."What is the meaning of this Axe Finn?" May diin na tanong ng ama nito. Agad naman siyang lumingon sa kanyang tabi ngunit nakapikit pa din ito ng mga oras na iyon at tila hindi pa ito gising."Axe Finn!" Umalingaw- ngaw din ang boses ng kanyang Tito sa loob ng kanyang silid dahil sa tawag nito. Parang gusto na lamang niyang lumubog sa lugar niya sa mga oras na iyon dahil hiyang- hiya siya sa mga nangyari lalo pa at siya ay hindi naman nakainom nang oras na iyon."What?" Hilot ang sentidong sagot nito at pagkatapos ay bumangon ngunit hindi pa din ito nagmumulat ng kanyang mga mata."Anong akala niyo sa ginagawa niyo ha? Its a pre- marital sex and in fact, Jazz was only eighteen." Umiiling- iling na sabi ng Tito at lumapit sa kanyang ina."Pakasalan mo ang anak ko ngayon din!" Walang gatol na sinabi ng kanyang ina at doon napa- angat ang kanyang ulo. Galit at pagkadismaya ang nasa mga mata nito at hindi niya ito masisisi dahil nga nahuli sila sa ganuong sitwasyon.Ngunit ang magpakasal? Wala pa sa isip niya iyon kaya hindi siya papayag."What?!" Narinig niyang tanong nang katabi niya kaya napalingon siya rito. Nakatingin din ito sa kanya at pagkatapos ay pinaningkitan siya nito ng mata."Me?" Turo nito sa sarili nito. "Will marry that girl?" Dagdag nitong sabi at pagkatapos ay sinuyod siya ng tingin.Alam niya na gulo- gulo pa ang kanyang kulot na buhok na paniguradong sumabog sa kanyang mukha. Sigurado din siya na may lamat pa ng laway ang pisngi niya at sigurado ulit siya na may mga muta pa siya sa mata."No way!" Halos masuka pa ito sa pagkasabi nito at kahit pa iyon lamang ang sinabi nito ay alam niya namang kulang nalang sabihin nito na sobrang panget niya para magustuhan niya, and the way na tiningnan siya nito halos hindi maipinta ang mukha.Napalunok siya at nangilid ang kanyang luha. Sino ba kase siya para pahalagahan nito? Dahil totoo namang panget siya tanggap naman niya iyon, pero ibang- iba pala ang sakit kapag harap- harapan na niya itong sinabi sayo."Mommy mali ang iniisip ninyo, walang nangyari----""Wala ha?! Wala?!" Histerikal na tanong nito at pagkatapos ay napa- hilamos ito ng kanyang mukha at pagkatapos ay nagpalakad- lakad sa harap nilang dalawa."Nakita mo ba ang istura niyo kanina nung pumasok ako ha? Kahit sinong makakita sa ayos ninyo ay walang maniniwala na walang nangyari sa inyong dalawa." Matigas na sabi nito sa kanila at tiningnan silang dalawa ng salitan sa mga mata."Either you want or not, you two will get married and no one can defy that." Madiin at seryosong sabi nito at pagkatapos ay lumabas na sila ng silid ngunit bago pa man sila makalabas ay tumigil itong muli sa pinto."You two are grounded until you get married tomorrow." Dagdag nito at pagkatapos ay tuluyan na silang lumabas at naiwan silang dalawa doon.Naiwan silang parehong tahimik at halos walang masabi dahil sa mga nangyari."This is your fault!" Galit na sabi nito at pagkatapos ay bumaba ng kama na hindi man lang nag- abalang takban ang kahubdan nito.Napa- angat naman ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito, bakit siya nito pinagkakasalanan e kung tutuusin ay ito naman ang pumasok sa kanyang kwarto kaya wala itong karapatan na sabihin iyon."Ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang pumasok ng walang pahintulot dito sa kwarto ko!" Sabi niya at halos mangilid na ang kanyang luha dahil sa mga sinasabi nito."Oh really?" Natigil ito sa pagpulot ng kanyang mga damit, nakasuot na pala ito ng boxer shorts ng mga oras na iyon.Naningkit ang mga mata nitong napatingin sa kanya."Are you listening to yourself?" Tanong nito sa kanya. "Kung ayaw mo talaga itong mangyari ay sana nung pagkapasok ko pa lang dito ay pinalabas mo na ako at pinagtabuyan mo na ako." Umiling ito at pagkatapos ay itinuloy nito ang pagbibihis. Nang matapos nitong isara ang butones ng kanyang pantalon ay muli itong tumingin sa kanya. Tingin na punong- puno ng poot."Ginawa mo talaga ito para pikutin ako, siguro interesado ka masyado sa kayamanan ng papa ko ano? Dahil sa akin niya lang iyon ipapamana kase wala naman akong kapatid na iba." Tuloy- tuloy at walang kagatol- gatol na akusasyon nito sa kanya.Halos manlumo siya sa mga sinasabi nito ng mga oras na iyon. Harap-harapan siya nitong hinuhusgahan na wala namang katotohanan.Napahigpit ang hawak niya sa dulo ng kumot na tumatakip sa buong katawan niya."Hindi totoo yan!" Sigaw niya rito at sa puntong iyon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya."Ohh really huh?" Tanong nitong makahulugan. Ngunit alam niya kahit anong sabihin niya dito ay ganun na ang tingin nito sa kanya kahit kailan."What a gold digger!" He hissed as he walked out the door, ngunit bago pa man ito makalabas ay nagsalita ulit ito. "Kahit pa sariling katawan ay gagamitin, napakawalang dignidad."At iyon ang mga tumatak sa kanyang isipan na iniyakan niya ng halos buong maghapon. Ni maging ang kumain ay hindi na niya naharap dahil walang- wala siyang gana. Dahil sa nangyari at mga binitawan nitong salita sa kanya ay tila ba gusto na lamang niyang maglaho na parang bula.Madaling araw na ngunit dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi pa rin siya dalawin ng antok punong- puno kase ng mga bagay- bagay ang utak niya lalo na nang ipaalam ng kanyang ina kani- kanina lang na bukas na ang nakatakdang kasal nila ni Axe Finn. Hindi niya na ganun pala kaseryoso ang mga ito sa bagay na iyon dahil ang akala niya ay tinakot lamang sila ng mga ito. Isa pa ay panigurado naman niyang hindi matutuloy ang kasal na iyon dahil nasisiguro niyang tututol si Axe Finn doon dahil alam niya sa sarili na hinding- hindi nito gugustuhin ang magpakasal sa kanya o ni magustuhan man lang siya. Sa mga salitang binitiwan nito sa kanya kanina ay ramdam na ramdam niya ang poot sa tono ng pananalita nito. Idagdag pa na inakusahan siya nito ng pagiging gold digger at ang pakay niya talaga ay ang mga kayamanan ng pamilya nito na pawang- wala namang katotohanan. Alam niya naman na masama ang loob nito sa kanyang ina dahil nga naging second wife siya ng ama nito. Kung tutuusin ay wala nama
"You may now kiss the bride... " Nakangiting saad ng kanyang Tito. Sa office nga pala nito idinaos ang kanilang kasal dahil ito nga pala ang kasalukuyang Mayor sa kanilang lungsod. Halos mangiwi naman ang lalaking katabi niya ng mga oras na iyon at inaasahan niya na hinding- hindi siya nito hahalikan dahil nga diring- diri ito sa kanya. Ngunit nagulat siya ng bigla itong gumalaw at humarap sa kanya at iniharap din siya. Sa labis na pagkabigla ay hindi na niya nagawang ipikit pa ang kanyang mga mata nang maglapat ang mga labi nila. Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon lalo pa at alam niya ang galit nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip nito dahil sa ginawa nito. Pagpapakitang tao? Dahil nga nasa loob ng opisina kasama nila ang Vice Mayor at nagsilbing saksi sa kanilang kasal. Hindi niya tuloy maisip kung tunay nga ba ang kasal na nangyari o peke lang, ngunit kaninang tinitingnan niya kanina noong pinipirmahan niya ang marriage contract ay dalawang
Ingat na ingat siya sa kanyang paghinga sa takot na malaman nitong gising pa siya ng mga oras na iyon. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit naging abnormal na lamang bigla ang pagtibok nito.Nakatagilid siya at nakatalikod dito. Nakaharap siya sa lampshade sa silid kung saan may malamlam itong ilaw. Nakadilat ang kanyang mga mata ng oras na iyon at nakatingin siya sa lampshade ng mga oras na iyon nang bigla na lamang mapadako ang kanyang tingin sa bintana ng silid. Ito ay purong salamin at pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi niya pala nahawi ang kurtina at kitang- kita ng kanyang mga mata ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya. Punong- puno ito ng galit. Nakaharap din pala ito sa salamin at kitang- kita nito na dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.Hindi siya nakagalaw at labis na nabigla, hindi niya lubos maisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob
Tila tinangay ng hangin lahat ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ibang- iba ang paraan ng paghalik nito sa kanya ng mga oras na iyon.Punong- puno ng pag- iingat na sa pakiramdam niya ay tila may kasama pang pagmamahal ang bawat kibot ng mga labi nito.Hindi niya alam ngunit, sa bawat galaw ng labi nito ay nadadala siya at sa pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba totoo silang mag- asawa at nagmamahalan.Sa puntong iyon ay nadala na siya ng tuluyan. Kusa ng gumalaw ang kanyang mga labi upang sagutin ang mga halik nito. Sa bawat paggalaw ng mga labi nito ay sinasabayan niya, lumuwag na rin ang pagkakadagan nito sa kanya at tuluyang pinakawalan na ang mga kamay niya.Hanggang sa umakyat ang mga kamay niya sa batok nito na mas lalo lamang nakadagdag sa init na nararamdaman niya. Ang kaninang marahan at maingat na paghalik nito ay nag- umpisa ng naging mapusok.Ramdam na ramdam na rin niya ang pag- iinit nito dahil ang mga haplos nito ay may kasama ng himas.Halos
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay doon niya pa lang napagtanto na umaga na pala. Kagigising niya lamang ng mga oras na iyon dahil napasarap pala siya ng tulog. Marahil na rin sa pagod kagabi.Agad siyang umikot ng kanyang higa dahil nakaharap siya sa salamin at sa bintana ng silid, akala niya parang sa mga napapanuod niya na pagkagising ay mumulat silang natutulog pa ang mga mahal nila. Ngunit sa sitwasyon niya ay gumising itong wala sa tabi niya.Hindi niya man aminin sa kanyang sarili ngunit kahit papano ay umasa talaga siya na gigising siyang katabi ito at akala niya ay magsisimula silang muli ng mas maganda katulad noong una dahil sa totoo lang ang mga nangyari sa kanila kagabi ay talaga namang walang salitang makakapag- describe.Dahil tila ba walang- wala siyang naramdamang galit sa mga ipinakita nito kagabi.Sinubukan na niyang bumangon ngunit mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan, nang makatayo na siya ang mabilis niyang ibinalot iy
Alas diyes na ng gabi ng araw na iyon ay wala pa din si Axe Finn. Hindi niya alam ngunit sa mga oras na iyon ay tila ba kinakabahan siya dahil baka ano na ang nangyari rito lalo pa at umaga pa lang ay wala na ito sa kanilang bahay kaya hindi niya maiwasan ang kanyang sarili na mag- alala.Kahit pa alam niyang wala naman talaga siyang karapatan ngunit hindi niya naman maiwasan ang sarili na mag- alala.Kaya hanggang sa mga oras na iyon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Kanina pa siya hindi mapakali at palakad- lakad sa harap ng kama.Hanggang sa nagpakawala siya ng isang malalim na buntung- hininga at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa kama.Lalabas siya upang uminom ng tubig para naman kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya dahil kanina pa kung ano- ano ang pumapasok sa isip niya.Pababa na siya ng hagdan nang maulinigan niya ang isang pagtatalo sa loob ng library ng kanyang Tito.Lumapit siya dito upang makinig. Hindi naman niya ugali ang makinig sa usapan ng may
11 years have passed...Paris, France..."Mommy?" Tawag sa kanya ng kanyang anak na si Vin. May hawak itong snack at pumasok sa kanyang silid ng mga oras na iyon. Bigla naman siyang nag- angat ng kanyang paningin ng marinig ang pagtawag nito at pagkatapos ay itinigil ang kanyang ginagasa pansamatala. Sa mga oras na iyon ay nakaharap siya sa kanyang lamesa at kasalukuyang nagdidisenyo ng isang gown. Pagkatapos ng mga narinig niya noon sa usapan ng kanyang Tito at Axe Finn ay nagdesisyon siya.Umalis siya ng bansa upang mag- aral sa Paris upang maging isang designer. Bata pa lamang siya noon ay iyon na ang kanyang pangarap at iyon din ang nagbigay daan upang matupad ang pangarap niya.Galit na galit noon ang ina niya sa kanya dahil sa desisyong ginawa niya dahil nang sabihin niya rito ang kanyang plano ay galit na galit na ito. Ngunit ganun pa man ay ipinilit niya ang kanyang gusto isa pa ay iyon lang ang tanging paraan niya upang malayo kay Axe Finn.Hindi na niya sinabi pa rito an
Hilot- hilot ni Axe Finn ang kanyang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng kanyang iniisip.Dalawang buwan na lamang ang nalalabi para sa campaign period nila. Madugo- dugo ang labanan nila sa posisyon ng Mayor dahil hindi biro ang kalaban niya. Bukod sa mayaman nito ay kilala ito sa bayan nila dahil sa foundation nito na tumutulong sa mga batang walang panggastos sa kanilang mga pag- aaral.Kilala ang pamilya ng makakalaban niya na matulungin. Isa pa ay may nag- conduct ng survey sa kanilang bayan kung sino ang iboboto nilang Mayor ay natalo siya sa survey. Survey lang iyon pero alam niya na may malaking posibilidad iyon na iyon ang kalalabasan ng magiging resulta ng eleksiyon.Isang term pa lamang siya at hindi pa niya natatapos ang mga bagay na gusto niyang gawin sa bayan nila, hindi dahil kinurakot niya ang mga pera kundi dahil kinulang pa talaga ng budget ang mga proyekto na sinimulan niya.Sa kanyang pag- upo bilang isang Mayor ay napakarami niyang nalaman tu