"Ano? Ayaw ko nga, nakakahiyang pumunta roon ano ka ba! Hindi naman ako employee ng kompanya ninyo." sagot ni Anastasia sa kanyang kaibigan. Sino ba naman ang hindi magugulat na iimbitahin ka sa founding anniversary ng kompanya nila, ni hindi nga siya empleyado roon. "Naku gurl, Presidente po ng kompanya ang nag-imbita saiyo. Kaya hindi ka na pwedeng tumanggi pa. Basta ang sabi niya sa akin dalhin ko rin ang dalawang bata. Siya na raw ang bahala sa susuotin natin." napamulagat si Anastasia sa narinig. "Baliw na talaga ang lalaking iyan. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin." napapangiti naman si Joyce habang nakatitig sa kanya. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa kaibigan. "Wala siyempre, pero alam ko namang kinikilig ka. Kaya please pumayag ka na kasi, nakakatakot kaya mawalan ng trabaho ngayong panahon." malungkot ang mukha na saad nito. "Naku Joyce, umayos-ayos ka. Pinagluluko mo na naman ako. Matagal pa naman iyon, kaya
Araw ngayon ng Biyernes kaya punuan na naman sa Infinite Club. Si Anastasia na abala sa pag-aasikaso sa mga costumer ay tamang ngiti ang kanyang sagot sa mga costumer ng club na bumabati sa kanya. Marami ang nais siyang maka-table. Ngunit walang pag-aatubiling tinanggihan niya ang mga ito. Pero minsan hindi maiwasan na mayroon talagang bastos na kahit ayaw niya ay pipilitin siyang paupuin sa tabi nito. "I'm sorry sir, waitress lang po talaga ako." aniya sa lalaki. Hinila siya nito, saka mabilis niyang naitabig ang kamay nito na nakahawak sa baywang niya. Mabilis siyang tumayo at bahagyang lumayo sa lalaki. "Alam mo Anastasia?! Masyado kang pakipot. Hindi ko alam kung bakit ayaw mong magpa-table. Nandidiri ka ba sa amin?" galit na tanong ng lalaki sa kanya. Kahit anak pa ng Governor ang lalaking ito hindi pa rin natitinag si Anastasia. "Hindi mo ata ako kilala, Anastasia!" saad nito at biglang hinablot ang kanyang kamay. "Remove your hand from her wrist!" Isang baritonong boses an
"Are you serious bro?" gulat na napatayo si Vincent sa kinauupuan nito. Nasa opisina niya ang tatlo ngayon. Hindi siya tinigilan ng mga ito sa kakukulit hangga't hindi siya magsalita. Kaya wala siyang magawa kundi ikwento ang lahat ng natuklasan niya. Dahil hindi sila makapaniwala sa mga ikinikilos niya. Nalaman kasi ng mga ito ang pag-imbita niya kay Anastasia sa darating na Founding Anniversary ng kompanya. Tumayo siya't kinuha ang envelope na nakatago sa loob ng drawer niya. Inilapag niya iyon sa mesa na nasa gitna nila saka umupo siya sa pang-isahang upuan malapit sa malaking bookshelf. "See it yourselves! Kaya hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Yan ang rason kung bakit hindi ko siya kayang pakiharapan noong gabing nagyaya akong lumabas. I discovered that we share the same birthmark too. Can you guys imagine that? All this years, I don't have any idea about my son's existence. Isn't it funny?" hilaw na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nilapitan siya ni Vincent at ti
Hindi siya mapakali habang nasa kusina at naghahanda ng maiinom ni Vance. Napapikit siya habang inaalala ang kanyang hitsura kanina na may hawak pang itak na ginamit niya sa pagputol sa matataas na halaman sa likod-bahay. "Arggh!" Iniiling-iling niya ang kanyang ulo dahil sa hiyang bumabalot sa kanyang katawan. "What happened to you?" Nagulat pa siya sa biglang may nagsalita sa kanyang likuran. "Ano ka ba! Namumuro kana sa akin. Jusko naman Sir Vance, papatayin mo ako sa atake sa puso. Bumalik kana roon, huwag ka rito kasi makalat ang kusina namin. Baka mangamoy ka pa." pagtataboy niya sa lalaki. Ngunit sa halip na umalis, mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Nakatayo siya sa tabi ng pang-apatan ang laki na mesa. "Kanina tinawagan mo akong Michael. Ngayon naman ay Sir Vance. Bukas makalawa ano na naman kaya." isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Wala!" pagtataray niya. "I like it, when you call me Michael." saad nito habang mataman siyang tinitiga
Natulala si Anastasia habang nakatitig sa eleganteng gown na nasa kanyang harapan. "Anastasia!"Pinukaw ni Joyce ang lumilitaw niyang diwa. Sa buong buhay niya ngayon lang siya makapagsuot ng ganito ka-eleganteng gown. "Joyce, bakit?"Tumaas ang isang kilay ni Joyce. "Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig sa akin. Ano, hindi ka makapaniwala sa gown na nasa iyong harapan?"Inismiran niya ito at ibinalik ang atensiyon sa gown na nasa kanyang harapan. "Parang hindi ko kayang isuot 'to! Bakit ba siya gumasto nang malaki. Hay, nako naman talaga e!" humakbang si Anastasia patungo sa sofa at humilay roon saka muling natulala habang nakatitig sa gown na hinatid sa kanilang bahay. Gawa ito ng isa sa mga sikat na designer sa buong bansa, si Miss Andy Amorsolo. Kinalabit na naman siya ni Joyce. "Madam Anastasia, maghanda ka na po, dahil mayamaya darating na ang mag-aayos sa atin. Huwag mo nang isipin ang pera dahil wala lang iyan sa kalingkingan ng kayamanan ni Mr. Enriq
Huminga nang malalim si Anastasia ng tuluyang nakapasok sila sa venue. Bahagyang pinisil ni Vance ang kanyang kamay. Naging center of attention ang pagpasok nila sa bulwagan. Mayroong napaawang ang bibig dahil sa gulat. Marami ring bumati sa kanila na mga kilalang tao sa buong Pilipinas. Pinakilala naman siya ni Vance sa mga kausap nito na kasusyo sa negosyo. Maraming mga sikat na artista ang naroon lalo na ang mga naka-signed sa Eries Entertainment. Karamihan sa mga nakausap nila ay nagtatanong kung ano na nga ba ang estado nilang dalawa. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito. Isang pisil naman sa kanyang kamay ang ginagawa ni Vance sa tuwing ngumingiti siya sa mga lalaking kanilang nakakaharap. "Huwag ka ngang masyadong ngumiti. Baka bago matapos ang gabi naagaw ka na nila sa akin, hmm?" bulong ni Vance sa kanya kapagkuwan. Inirapan niya lang ito. Alangan naman sisimangot siya sa harap ng mga bisita nito. Napahinga siya nang malalim sa naiisip. "Son!" Kapwa
Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Marga, habang pinagmamasdan si Anastasia na masayang nakikipag-usap sa pamilya ni Vance. Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong pinalayas nila ito sa kanilang tahanan. Mula noon wala na silang balita rito. Ang buong akala niya ay tuluyan na itong nawala sa landas niya. Ngunit ngayong gabi napatunayan niya na malakas din pala ang kamandag nito. Dahil nagawa nitong akitin ang lalaking pinapangarap niya "How dare you, Anastasia!" bulong niya. "Relax, hindi pa tapos ang laban. Ano ka ba, hindi natin alam kung ano ang relasyon nila. Baka ginawa lang parausan yan ni Vance." wika ng kanyang kaibigan na si Alice. "Hindi ako papayag, Marga! Tinanggihan niya ako para lang sa babaeng iyan? No way!" saad naman ni Carol. Walang ideya si Carol na ang sarili nitong kaibigan ay mayroon ding pagnanasa sa lalaking pinagkaka-interesan niya. "Wait," Sabay silang napalingon kay Alice. "Nakita n'yo ba ang katabi niyang bata? Is that her son?" Napatingin
Pagdating ni Vance sa opisina. Agad niyang tinawagan ang tatlong bodyguard na inutusan niya upang bantayan sina Anastasia at Ashton. Nag-aalala siya sa seguridad ng mga ito in case na matunton ng mga reporter ang kinaroroonan ng mga ito. "Okay naman po sir, kaninang umaga hinatid niya po ang dalawang bata sa school." nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Balak niyang kausapin si Joyce na papasukin na si Anastasia sa kompanya niya upang mabantayan niya ito. "Good! Thanks, Jerry."Ipinatong niya sa mesa ang kanyang cellphone saka humilay sa kanyang swivel chair. Mayamaya naging abala na siya sa nakatambak na papeles sa kanyang mesa. Saglit na nawala sa kanyang isipan ang tungkol sa pangungulit ng kanyang ama. Ngunit akala ni Vance ay makakaligtas na siya sa pang-uusisa ng kanyang ama. Dahil ginulat siya nito sa biglaang sulpot nito sa kanyang opisina. "Akala mo maiisahan mo na ako?" nakangiti itong umupo sa malapad na sofa. Inutusan niya si Joyce na gumawa nang tea para sa a