Share

Chapter 1 - Her simple life

5 years later,

Magbubukang-liwayway palang ay nakahain na sa lamesa ang mga pagkaing inihanda ni Anastasia para sa umagahan. Pritong itlog at hotdog at may pinaksiw na tilapya na ulam pa nila nung gabi habang ang kanin naman ay nakasalang sa rice cooker. Nagkukumahog siya upang maagang makarating sa bagsakan.

Ganito ang buhay niya tuwing Martes at Biyernes. Para siyang trompo na umiikot pagkagising niya ng alas-kuwatro ng umaga. Kailangan niya kasing makauna sa magagandang klase ng gulay at isda na bibilhin sa bagsakan. Dahil kapag nahuli s'ya siguradong masisira na naman ang kanyang buong araw. Masaya s'ya sa t'wing nakikita ang mga preskong gulay na bagong ani ng mga magsasaka sa bukid. Minsan nga naisip n'ya, 'paano kaya kung sa bukid nalang sila tumira at magtanim ng iba't-ibang gulay.' Ngunit naisip naman n'ya na ngayon kailangan n'ya ring isaalang-alang ang kapakanan ng kanyang anak. Nais n'yang unahin muna ang siguridad at kinabukasan nito, total maayos naman ang kanilang buhay rito sa Bario Dos.

Dala ang pulang motorsiklo na may top down, mabilis ngunit maingat n'ya itong pinatakbo patungo sa Lungsod ng Maravilis. Kalahating oras nang makarating s'ya sa Maravilis. Dahil medyo puno na ang palengke, halos magkaubusan nang parkingan sa labas. Marami na rin kasi ang naroon na namimili ng bultuhan. Dahil malaki ang palengke, kailangan pa n'yang maglakad patungo sa likurang parte upang mapuntahan ang paborito n'yang binibilhan, ang kanyang suki na si Nanay Sabel.

"Andito na pala ang aking magandang suki." Nakangiting bungad ni Aling Sabel sa kanya. "Anak, bakit hindi mo dinala sina Tonton at Jeremy?!"

Karamihan sa mga kakilala n'ya na matatanda ay anak ang tawag sa kanya. Kaya masayang-masaya s'ya dahil pakiramdam n'ya maraming nagmamahal sa kanya.

"Nanay Sabel, napuyat po ang mga iyon kagabi. Palibhasa wala hong pasok ngayon kaya nakaabot sila ng alas-onse kakanood ng movie. May bago po kasing palabas sa N*****x alam mo naman ang dalawang 'yon mahilig sa fantasy." Mahaba n'yang paliwanag sa matanda. Naging malapit s'ya rito mula noong una s'yang nagawi rito upang mamili ng bultuhan, dahil na rin siguro sa wala itong anak, kaya malapit ang loob nito sa kanya.

"Mabuti na rin 'yon anak, kesa sa online games ang kahuhumalingan ng dalawa."

Ngumiti siya.

Mula noong nakita nito ang dalawang bata nung minsan na dinala n'ya ang mga ito, nawiwili ang matanda na makipagdaldalan sa dalawa. Makikita sa mga mata nito ang pananabik na magkaroon ng sariling anak at apo.

"Tama po kayo, Nay. Pero minsan pinahihintulutan ko naman silang maglaro ngunit may limit. Ayaw ko rin po kasi na hadlangan ang lahat na gusto nilang gawin, e mga bata pa po sila, para naman po ma-enjoy nila ang kanilang kabataan. Nakikinig naman po sila kapag sinusuway ko na tama na ang laro. Alam mo naman po kung gaano kabait ang dalawang 'yon." sagot niya habang abala sa pagkuha ng mga sitaw, talong at okra.

"Maayos lang talaga ang pagpapalaki ninyo sa kanila kaya lumaki silang masunurin at mapagmahal na mga bata." puri ni Nanay Sabel sa kanya.

"Salamat po, Nay! Binigay ko na po kasi ang lahat sa kanila. Nais kong bumawi dahil hindi ko man lang naranasan ang magkaroon ng totoong pamilya na magmahal saakin ng tunay." malungkot n'yang tugon.

Naramdaman naman ni Aling Sabel ang lungkot sa kanyang boses. Tumayo siya't pnilapitan ang dalaga saka tinapik ang balikat.

"Naku! Maaga palang iha nag-da-dramahan na tayo. Ano ka ba! Huwag kang mag-alala riyan marami kaming nagmamahal sa'yo!" tumawa siya sa tinuran ng matanda.

"Okay lang po ako! Kayo talaga. Maraming salamat, Nay Sabel."

"Walang anuman, anak. Mabuti naman kung ganoon." nakangiting sagot ng matanda habang pinagpapatuloy ang pag-ayos ng mga paninda nito.

Nang makapili na s'ya ng mga bibilhin, binayaran n'ya na ito. Halos aabot rin ng apat na libo ang kanyang nabayaran bago s'ya nagdesisyong umalis.

Alas-siyete e medya nang makarating s'ya sa bahay. Mabilis n'yang inayos ang paninda sa maliit na talipapa. Hindi nagtatagal ng ilang araw ang kanyang mga tinda dahil walang ibang talipapa roon. Karamihan pa naman sa mga nakatira roon ay nagtatrabaho sa factory at mga malalaking kompanya sa lungsod.

Masaya at tahimik ang kanilang lugar. Kaya't nagustuhan na niyang tumira rito habang-buhay. Mababait ang mga taong nasa paligid nila malayo sa buhay na kinalakihan n'ya.

Pumasok muna s'ya sa loob upang kumain dahil hindi pa s'ya nag-agahan bago umalis kanina.

Nakatira s'ya sa bahay ng kanyang kaibigan. Ang bukod tanging tao na nag-alok ng tulong sa kanya noong siya ay nasa lansangan.

Nasa harapan lamang ng bahay ang talipapa, na siyang pangunahin n'yang pinagkukunan ng pang-araw-araw. Sa gabi naman ay waiter siya sa isang sikat na club sa Lungsod, ang Infinite Club. Hindi na niya nagawang iwanan ang trabaho sa club dahil nakasanayan na niya ito, sayang din ang kita. Nais niyang mag-ipon para makapundar ng sariling bahay at lupa.

Habang abala siya sa pag-re-repack ng asukal at asin sa talipapa, may biglang dumating sa kanyang likuran na hindi n'ya namalayan.

"Oops, teka-teka matutumba ako. Anak naman e, nakakagulat ka!" napangiti siya ng makita ang gwapong mukha ng kanyang anak. Dahil maputi ito kaya agad na namumula ang mga pisngi sa tuwing maiinitan. Makapal ang kilay na parang kinorte. May mapilantik na mga pilik-mata. Ngunit karamihan ay naakit sa kanyang malalim na dimples sa pisngi.

"Mama, I'm hungry!" paglalambing nito sa kanya habang hinahaplos ang maliit na tiyan.

"Weee, paano ka naman magugutom gayong marami ang nilagay ko na snacks mo?!" sagot niya rito. Nag-aaral ito sa isang pribadong kindergarten na malapit sa kanila.

Alam niya ang ibig nitong sabihin, dahil nais lang nito na lutuan n'ya ng paborito nitong chicken nuggets. Ilang araw na kasi itong hindi nakakain ng chicken nuggets kaya naglalambing sa kanya.

"Okay po, mamaya nalang po ako kakain. Tutulungan ko nalang po kayo riyan sa ginagawa ninyo mama." saad nito. Natawa na lamang siya sa anak, saka umupo at niyakap ito ng mahigpit.

"I love you son!"

"I love you so much, Mama!"

She smiled happily and messed up his shiny hair.

"Okay, go change your uniform and I'll make our lunch ready."

Nagbunga ang isang gabi na itinuring niyang malagim na trahedya sa buong buhay niya. Ngunit nang masilayan ang inosenteng mukha ng kanyang anak, ay parang isang bula na biglang naglaho ang sakit na pilit niyang kalimutan. Minsan napapanaginipan n'ya ang lalaki na nakadapa ito sa malaking kama.

Marami ang nagsasabing hindi sa kanya nagmana ang kanyang anak. Kaya minsan naiisip niya gano'n ba kagwapo ang lalaking iyon? Nung sinabi ni Marga na ibinenta s'ya nito sa isang matanda, para s'yang sinakloban ng langit. Ngunit nang masilayan n'ya ang nakadapang lalaki sa malaking kama ng umagang iyon, parang may kung anong feeling ang kumudlit sa kanyang puso. Natuwa ba s'ya dahil hindi ito matanda?

Ilang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nangyari ng gabing iyon. Gabing hinding-hindi n'ya makakalimutan sa tanang-buhay n'ya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anne Marie
nice story
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
wow grabi tagal na pla
goodnovel comment avatar
Perla Annie Pulan
ayos ang kwento maganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status