Share

Chapter 2- Her Past

***

Wala sa sarili na lumabas si Anastasia sa Presidential Suite. Tumutulo ang kanyang mga luha habang binabagtas niya ang mahabang pasilyo ng hotel. Pagdating n'ya sa elevator nakatingin ang mga nakasabayan n'ya sa loob dahil nanginginig ang kanyang mga kamay na pinindot ang button. She slowly walked through the hotel lobby until she got out.

Nangangatog ang kanyang mga tuhod habang pumapara ng taxi. Habang nasa daan walang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Nag-aalala siya na baka malaman ito ng kanyang ina. Habang lulan ng taxi, hinaplos n'ya ang kanyang braso't binti. She's still felt the soreness in her private parts. She looked out the car window. What if Marga reported it to their mother, what should she do?

Pagbaba niya ng taxi, minabuti niya munang ayusin ang kanyang sarili saka naglakas-loob na pumasok sa bahay. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ng mga Sevilla. Bungalow style ito, salamin ang mga bintana. Hindi mahilig sa halaman ang kanilang ina kaya walang kang makikitang bulaklak sa labas ng kanilang bahay. Noon may tanim s'yang iba't-ibang klase ng bulaklak, ngunit hindi n'ya inaasahan ang ginawa ng kanyang ina sa mga ito. Ibinigay nito ang kanyang mga alagang bulaklak sa mga kaibigan nito kung kaya't wala nang natira ni isa sa kanilang bakuran.

May puwesto sa palengke ang kaniyang ina na si Meredith Sevilla, at guro naman ang kaniyang ama na si Carlos. Kamakailan lang nang malaman n'ya ang pagiging ampon n'ya sa mga ito. Labis n'ya iyong dinamdam ngunit hindi n'ya pinahalata dahil alam n'ya na wala ring pakialam ang kanyang ina sa nararamdaman n'ya.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok ng kusina. Pinili niyang doon dumaan dahil karugtong na ito sa kwarto niya. Maliit lang ang kanyang kwarto. May isang single bed na yari sa kawayan, sa tabi nito ang isang plastic drawer cabinet na lagayan ng kanyang mga gamit. Kung ihahambing ang kanyang kwarto sa kanyang kapatid na si Marga napakalayo. May malaking built-in cabinet ito sa loob ng kwarto nito na puno ng mga naggagandahang damit, sapatos at sandals.

"Saan ka nanggaling Anastasia? Bakit ka inumaga ng uwi?" nagulat siya sa biglang pagsulpot ng kanyang ina sa likuran.

"Magandang umaga po 'Ma!" bati niya rito.

"Saan ka nanggaling kagabi?"muling tanong nito sa kanya.

"Sa-sa bahay po ng kaibigan ko, ma-may party po kasi sa kanila," kinakabahan niyang sagot habang nakayuko. Sa unang pagkakataon nagsinungaling s'ya rito, dahil wala na siyang maisip na idadahilan.

"Sinungaling!"

Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi dahil sa sakit.

"Nagawa mo pang magsinungaling kay mama, Anastasia? Wala kang utang na loob sa kanila!" biglang sumulpot si Marga. Napatingin siya rito habang nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban.

"Ikaw ang may kasalanan kung ba't nangyari sa akin 'to, Marga!" sigaw niya rito.

"Ohh, bakit ako?! Ikaw 'tong hindi umuwi kagabi, tapos ngayon ibaling mo sa akin ang kasalanan mo?" nakataas ang isang kilay nito at sarkastikong ngumiti.

"Walang hiya ka, sabihin mo kay mama ang lahat ng ginawa mo sa akin!" umiiyak na bulyaw ni Anastasia.

Hindi niya napansin ang kanyang leeg bago s'ya umuwi na may mga markang pula. Napatingin doon ang kanyang ina.

"Ito ba ang sinasabi mong natulog ka sa bahay ng kaibigan mo Anastasia? Hindi ka na nahiya! Pinangangalandakan mo pa yang mga marka ng kalandian mo? Manang-mana ka talaga sa ina mo!" pinaghahablot ng kanyang ina ang mga damit niyang suot. Nagulat siya sa sinabi nito tungkol sa tunay niyang ina. Sa edad niyang biente uno, kamakailan niya lang nalaman ang tungkol sa pagiging ampon niya.

"Tama na po mama, maawa ka, sorry po wala po akong kasalanan." Umiiyak na nagmakaawa siya sa ina. Hinawakan nito ang kanyang buhok at hinila papasok sa kanyang kwarto.

"Wala kang kasalanan? Magmalinis ka pa?! Kitang-kita na sa katawan mo ang kalandian mo Anastasia, katulad ka rin ng iyong ina!" tinulak siya nito kaya napasubsob siya sa gilid ng kama.

"I'm sorry, po! Hindi ko na po uulitin mama please!" nagsusumamong saad niya. Kahit iba ang trato ng mga ito sa kanya ngunit minahal niya ang mga ito.

"Hindi na talaga mauulit Anastasia dahil palalayasin na kita rito. Sapat na ang dalawang dekada na pag-aaruga ko sayo. Tutal ilang taon na ring wala silang binigay na bayad sa pag-aalaga ko sayo!" pahayag nito na labis n'yang ikinabigla.

"Bayad? Para saan po, mama?"

Natauhan naman si Merideth. Ngunit nananatili pa ring galit ang mukha nito.

"Huwag ng maraming satsat. Kunin muna lahat ng gamit mo't lumayas kana rito!"

Kahit anong pagmamakaawa niya sa kinalakihang ina, ay tuluyan na talaga siyang pinalayas nito. Wala siyang magawa dahil hindi naman niya ka-ano-ano ang mga ito. Mayamaya bitbit ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit, naglalakad siya sa kalsada na nakalutang ang isipan.

Saan siya pupunta? Wala siyang alam na mapupuntahang kamag-anak. Ang kanyang mga kaibigan ay malalayo rin ang tirahan. Napaupo siya sa malaking kahon ng bulaklak sa tabi ng kalsada, saka pinagmasdan ang paligid, nasa harapan pala siya ng napakagarang building. Halos salamin ang pader nito mula sa taas hanggang baba. Lumaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang VM Group. Ito ang may-ari ng pinakasikat na Entertainment Company sa buong Pilipinas ang Eries Entertainment. Saglit niyang nakalimutan ang nakakapanlumong kalagayan niya, dahil sa excitement na nadama. Marami kasi siyang paboritong artista na nagtatrabaho sa Eries.

Nagugutom na siya sa mga oras na iyon, dahil lampas alas-diyes nang umaga. Napatingin siya sa kanyang cellphone, five percent nalang ma-lowbat na rin ito.

"Lord, ano ba ang nagawa ko bakit nangyari sa akin 'to!" humihikbing bulong niya.

Pagkaraan ay nagulat siya ng may nag-abot sa kanya ng panyo. Napatingala siya, isang magandang babae na nakasuot ng formal na damit na long-sleeved at miniskirt, sa palagay niya galing ito sa opisina.

"Salamat po ma'am!" aniya sa babae.

"Walang anuman. Ano ba ang nangyari sa'yo Miss, bakit ka umiiyak?" tanong nito at napasulyap sa bag na nasa kanyang harapan.

"Pinalayas kasi ako ng aking mga magulang ma'am. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta." napaiyak siya habang nagsusumbong sa hindi niya kilalang babae. Awang-awa s'ya sa kanyang sarili, dahil sa loob ng ilang taon na nagtatrabaho s'ya sa bar, ni peso wala s'yang ipon dahil lahat ng kanyang kita ay diretso sa kanyang ina.

"Sshh, huwag ka nang umiyak. Gusto mo bang sa bahay ka muna pansamantala? Kami lang naman doon ng anak ko." Nakangiting alok nito sa kanya.

"Po?!" nabigla siya sa sinabi nito.

"Let's go!" hinawakan nito ang kamay niya saka hinila siya papunta sa sakayan ng jeep.

"Mama..!"

"Haaa..."

Napakurap si Anastasia dahil sa paghila ni Ashton sa kamay niya. Bumalik siya sa katinuan mula sa pagbabalik-tanaw sa kanyang nakaraan. Nakalimutan niya pala ang anak. "I'm sorry baby, may iniisip lang si mama. Ay, teka anong oras na ba!" napatingin siya sa relo na nasa kanyang bisig. "Ohh my god, mag-ala-una na!"

"Mama, ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina ka pa lutang. Nagtatanong ang costumer kanina hindi mo pinapansin, kaya ako nalang ang nag-asikaso sa kanya." Naka-ekis ang braso nito sa dibdib habang nagsesermon sa kanya.

"Wala 'nak may naalala lang si mama." maikling sagot niya saka ngumiti. Hindi siya nagpahalatang malungkot siya, dahil alam niya kung gaano ka sensitibo ang kanyang anak.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anne Marie
sna kinuha nya yong card pra mlaman nya ung name Ng lalaki
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
di ba niya kinuha ang card na bigay sa knya?
goodnovel comment avatar
Bunnymyeon Kim
Umpisa plng interesting na...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status