Share

Chapter 3- Thier first encounter

All VM Group employees are busy preparing to welcome their big boss. They are happy because their company won a bidding held in Singapore. Dahil iyon sa kanilang magaling na leader na si Vance Michael Enriquez ang CEO ng VM Group

"Mr. Enriquez, congratulations!" bati ng mga empleyado sa kanya. Nakaabang ang mga ito sa malaking bulwagan ng headquarters.

"Thank you!" nakangiting sagot niya sa kanyang mga empleyado. He was happy as he watched the smiling employees waiting for him. His team also prepared this big project for almost two months, so he is very grateful to everyone. "Huwag kayong mag-alala hindi ko makakalimutan ang bunos n'yo!" biro n'ya sa mga ito, kaya isang masigabong na hiyawan ang pumaibabaw sa buong lobby dahil sa kasiyahan.

Simula noong siya ang namahala sa kanilang negosyo mas lalong lumawak ito. Isa sa nakuha nila ang sikat na Entertainment Company. Ang SAM Entertainment, pag-aari ito ng kaibigan ng kanyang ama. Ngayon ay tinaguriang pinakamalaki at sikat sa buong Pilipinas. Pinalitan nila ang pangalan kaya ngayon ito ay naging Eries Entertainment Company. He's great grandfather is the founder of VM Group. Dahil ang kanyang ama ang nag-iisang anak na lalaki at panganay sa tatlong magkakapatid, kaya ito ang naging successor ng kanyang lolo. Before his father retired from the CEO position. He was being trained to be a successor of the company. Kaya lumaki siya na dalubhasa sa pagpapaikot ng negosyo. Kaagapay niya sa pag-manage ng mga negosyo ang kanyang nag-iisang kapatid na si Vincent. Bata pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang ina. Iyon ang trahedyang hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya.

Kasunod ang kanyang assistant na si Tim. Dumiretso sila sa 20th floor kung saan naroroon ang kanyang opisina. Pagbukas niya ng pinto nagulat siya nang sumalubong ang kanyang mga kaibigan. May hawak na alak ang mga ito.

"Congratulations, on your success bro!" bati sa kanya ni Vincent ang kanyang kapatid.

"Thank you!" aniya habang tinungga ang binigay nitong kopita na may lamang alak.

"So how's your trip? May natagpuan ka ba roon na nagpapatibok ng pihikan mong puso?" tanong sa kanya ni Samuel Martinez isa sa matalik niyang kaibigan.

"Bro! I don't go there to have fun, okay?! Anong akala mo sa akin katulad ng iba riyan?" tumatawang sagot niya habang nakatingin kay Rex na isang playboy. Nilapitan niya ang mga kaibigan at kinamayan. Masaya siyang naroon ang kanyang mga kaibigan.

"Ako na naman ang nakita!" Rex retort.

"I'm just saying."

Nagkatawanan sila.

"So, Infinite club tonight?" Rex Gamboa said.

"See?!"

Binatukan ni Rex si Vance saka muli silang nagtawanan.

"Game."

"Okay!"

Pagsang-ayon niya dahil alam n'yang wala na rin s'yang magagawa kahit sabihin pa n'yang pagod s'ya.

Ang kanyang kapatid na si Vincent ang namamahala sa Eries Entertainment. He know how competent his brother is. Napanatili nito ang pagiging number one sa Entertainment Industry. Kaya proud ang kanilang ama sa kanilang achievement in business world. Ang isang factory ng canned goods noon na itinayo ng kanilang mahal na lolo ay marami ng subsidiary. He know how to play a game in terms of business. Halos araw-araw siyang laman ng mga pahayagan at television. Maraming reporter ang nais ma-interview siya. Ngunit mariin siyang tumanggi. Dahil ayaw niyang ma-expose sa media ang kanyang private life.

Pagkaalis ng kanyang mga bisita. Umupo siya sa kanyang swivel chair, saka inilapag ang bracelet na nasa kanyang palad. Ito ang naisip niya na nagbibigay ng swerte sa kanyang buhay sa nagdaang limang taon. Ang bracelet ng babae five years ago. May naka-engraved dito na pangalang Anastasia. Matagal n'yang tinitigan iyon. 'Sana, dumating ang araw na mag-cross ang landas natin. Kapag mangyari iyon, hinding-hindi na kita pakakawalan kung nagkataon na malaya ka pa.' Sigaw ng kanyang isipan.

Samantala, alas-siyete nang gabi, naghahanda na si Anastasia upang umalis. Iniwan niya ang kanyang anak sa pangangalaga ni Joyce. Tuwing araw nasa kanya ang dalawang bata. Sa gabi naman ang kaibigan ang nangangalaga. Light make-up lang ang inilagay niya sa mukha. Sinipat-sipat niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Minsan naisip niya, siguro maganda ang kanyang ina at gwapo ang kanyang ama. Hindi man sa pagmamayabang, kitang-kita rin kasi sa kanyang magandang mukha. Napapangiti siya sa kanyang naiisip.

"Anastasia!"

Narinig n'yang tawag sa kanya ni Joyce sa labas ng kanyang kwarto.

"Yes, my love?" nabungaran niya ito sa labas ng kanyang kwarto. Bitbit ang kanyang shoulder bag lumabas siya ng kwarto.

Tinitigan siya nito. "Anastasia, pamahagi naman ng ganda riyan!" naka-pouty lips na saad nito habang pinasadahan siya nang tingin.

Natatawa siyang niyakap ito.

"Ito naman, lahat tayo maganda yan ang itatak mo sa iyong isipan. Anhin mo yung ganda kung hindi naman maganda ang kalooban." sagot niya rito.

"Opo, granny."

Tumawa s'ya sa sagot nito.

"Ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong niya.

"Naisip ko lang kasi, may event bukas sa Eries open siya para sa lahat. Baka sakaling gusto mong pumunta. Dahil mayroong event para sa mga bata." sabi nito habang sinabayan siyang lumakad patungo sa pintuan.

"Safe ba ang mga bata roon? Baka sa sobrang dami ng tao magkawalaan kami. Alam mo naman ako." sabi niya.

"No worries nagkalat ang security guards at napalibutan ang building ng cctv cameras. Marami kasing matutunan ang mga bata roon sa event." saad nito at nakatingin sa kanya na para bang nakikiusap ang mga mata.

"Okay, basta tawagan kita pagdating namin doon. Baka mawala pa kami sa laking building nako hindi malabong mangyari, hmm." sagot niya.

"No problem." nakangiti itong yumakap sa kanya.

Nagpaalam na siya rito upang pumasok sa pinapasukang club.

Naglakad siya hanggang sa may kanto. Doon na siya maghintay ng masakyan. Hindi naman kalayuan ang club sa lugar nila isang sakayan lang mula sa Barrio Dos patungong Maravilis. Kahit hanggang madaling araw, meron pa rin namang namamasahero kaya walang problema sa kanya ang sasakyan.

"Ingat Anastasia!" sigaw ng mga tambay sa kanto. Kilala siya ng mga ito dahil sa pagiging friendly niya sa lahat. Kaya safe siya tuwing lalabas dahil marami siyang tagapagtanggol sa kanilang lugar.

"Thank you guys! Drink moderately ha. Ingatan ang sarili." aniya bago sumakay sa pumaradang jeep. Kumaway naman ang mga ito sa kanya.

Magkasabay na pumasok sa club sina Vance at Vincent. Agad silang dumiretso sa VIP room na nakalaan para sa kanila. Pagdating nila roon may katabi ng babae sina Samuel at Rex.

"Ang bilis n'yo naman may tsiks kaagad?" nakangiti niyang wika sa mga kaibigan.

"Ito naman pampainit lang bro!" nakangising sagot ni Samuel. Ito ang kaibigan niyang malapit ng ikasal. Arranged marriage kagustuhan ng mga magulang nito kaya nagwala kahit sinong babae ang ikinakama.

Masaya silang nagkwentuhan tungkol sa mga babae naman ang topic. Kaya hindi na niya masyadong sineryoso.

"Hindi ka pa rin ba naka-move-on doon sa babaeng 'yon?" seryosong tanong ni Rex sa kanya na ikinagulat niya. Matagal-tagal na ring hindi naungkat ang tungkol doon. Nilagok niya muna ang laman ng kanyang baso saka sumagot.

"Who said that?"

"Me!" mabilis na sagot ni Rex."Kasi naman, parang wala kanang gana sa mga babae. Lalo na iyong mga niririto sa'yo ng daddy mo. Your not getting any younger bro'!" wika nito na ikinatawa niya.

Sumabat naman si Vincent na tahimik lang sa tabi.

"Wow nakapagsalita ang laon!" masaya silang nagtawanan.

Minsan kasing nasabi ni Rex sa kanila na habang-buhay s'yang maging binata kahit playboy naman.

Nakarinig sila ng mahinang katok sa pintuan. Mayamaya bumukas ang pinto at iniluwa ng isang magandang babae na waiter.

"More drinks, gentlemen?" bati nito sa kanila

"Anastasia?!"

Bigla siyang napatingin kay Rex.

"Yes sir?" sagot nito sa kaibigan niya.

"Pwede ka bang makasama namin kahit saglit?" nakita niyang nabigla ito sa tanong ni Rex.

"I'm sorry, Sir Rex. Hanggang waiter lang po talaga ako. Pasensya na po." paghingi nito ng paumanhin.

"Nakakalungkot naman, kawawa kasi ang isang kasama namin walang makausap." patuloy na pangungulit ni Rex sa dalaga.

Napatingin ito sa kanila isa-isa hanggang sa dumako sa kanya ang mga mata nito. Saglit silang nagkatitigan. Bigla naman itong bumawi saka yumuko.

"Hmm, hanapan ko po s'ya sa baba kung okay lang po sa inyo." hindi alam ni Vance kung bakit nakaramdam s'ya ng lungkot sa pagtanggi nito.

"No need, I'm fine." sagot n'ya.

Napatingin sa kanya ang lahat. Napansin naman n'ya ang lungkot na rumehistro sa mukha ng dalaga.

Mayamaya nagpaalam na ito saka nagmamadaling lumabas sa kanilang private room.

Nagtaka siya dahil parang.. 'Wait, she reminded me of that girl five years ago.' Napakurap siya sa naisip. It's just a coincidence. Sigaw ng isipan niya. Kahit sa boses kasi magkatunog. Naalala niya ang pagmamakaawa nito sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Walang anu-ano'y tinungga niya ang alak sa kanyang baso kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"What's wrong?" tanong ni Vincent sa kanya.

"Nothing, I just remember something."

"Is it the name of that girl, bro?" segundang tanong ni Samuel.

"Never mind!" sagot niya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anne Marie
nkaka excite
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
wow getting there
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status