Share

Destined to be Hurt
Destined to be Hurt
Author: Eli

Chapter 1

Author: Eli
last update Last Updated: 2022-08-04 12:51:08

"Babe san ka ngayon?" tanong ko sa girlfriend ko na si Angela.

"Andito ako sa bahay. Bakit?" sagot niya.

Napapikit ako ng mata dahil sa pagsisinungaling niya. Hindi niya alam na nandito ako sa bahay nila at naghihintay sa kanya.

"Pwede ba tayong magkita? I miss you babe," sabi ko at pilit na pinapalambing ang boses ko kahit na ang totoo ay gusto ko ng magalit at prangkahin siya.

"Sorry babe may pupuntahan kasi kami ni mama. Next time na lang. Pasensiya ka na I need to hang up aalis na kami. Bye," sagot niya at pinatay na ang tawag ko.

Pilit akong ngumiti sa mama ni Angela na nakatingin lang sa akin. Nagpaalam na lang ako sa kanya dahil parang hindi ko na kayang kontrolin pa ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.Tumango lang sa akin ang mama ni Angela at ngumiti.

Mabilis akong pumasok sa kotse ko at tahimik na umalis sa bahay ng girlfriend ko. Sobra akong dismayado sa pagsisinungaling niya sa akin.

Tinawagan ko ang best friend kong si Mark dahil kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng kaibigan na mapagsabihan ng sama ng loob ko. Ngunit ring lang ng ring ang cellphone niya. Tinawagan ko ulit ngunit hindi parin siya sumasagot. Imbes na dumeretso ako sa bahay ay mas pinili kong dumeretso na lang sa simbahan.

I was greeted by a very quiet and a big church surrounded by a beautiful plants with a variety of flowers. On the side of the walls are a row of tall pine trees where birds perched on it. I can hear their chirping along with the murmur of water coming from the fountain on the side of the church.

I went inside and sat in the front seat and prayed fervently.

Ang simbahang ito ang tambayan ko mula pagkabata hanggang ngayon na binata na ako. Nag-eenjoy kasi ako sa pagkanta ng mga worship songs at pagpapiano. Kaya kahit hindi oras ng worship, prayer meeting, dawn prayer o practice ng music ministry ay pumupunta ako dito. Ito din ang kanlungan ko kapag nalulungkot ako o nasasaktan tulad na lang ngayon.

Lumapit ako sa piano na nakapwesto sa gilid ng polpito at sinimulang laruin ito. Idinadaan ko na lang sa pagkanta habang nagpapiano ang sama ng loob na aking nararamdaman.

Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangang magsinungaling sa akin si Angela. May kutob na akong niloloko niya ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ang totoo.

Tumingin ako sa pambisig kong relo at mahigit isang oras na pala ako dito sa loob ng simbahan. Kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako sa paaralan.

Pagdating ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin si papa.

"Anak galing ka ba sa simbahan?" tanong niya sa akin.

"Opo pa. Pupunta po ba kayo doon?" tanong ko dahil hawak niya ang bible at susi ng kotse niya.

"Oo anak, may kailangan kasi akong ayusin doon. Maiwan na kita. Kumain kana baka malate ka sa klase mo. Isabay mo narin ang kapatid mo kasi hindi ko siya maihatid ngayon. Alis na ako," paalam ni papa.

"Sige pa ingat po kayo," tugon ko.

Dumeretso na ako sa kusina at nadatnan kong nakatakip lang ang mga pagkain sa lamesa. Kumuha na ako ng plato ko at kumain na ng tanghalian.

Pagkatapos ko kumain ay pinuntahan ko muna ang kapatid ko sa kwarto niya.

Dalawang palapag ang bahay namin at ang kwarto naming magkakapatid ay nasa ikalawang palapag. Kaya kailangan ko munang umakyat sa palikong hagdan bago makarating sa kuwarto namin. Tatlo kaming magkakapatid at tig-iisa kami ng kwarto na may kanya-kanyang comfort room.

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa kwarto ni Sarah, ang bunso namin.

"Hindi po naka-lock iyan, pasok na po kayo," sabi ni Sarah mula sa loob ng kuwarto.

"Sarah, ready ka na ba? Sabay kana daw sa akin mamaya dahil hindi ka maihatid ni papa," sabi ko sa kanya.

"Opo kuya. Ready na po ako," sagot niya.

"Ok, hintayin mo na lang ako sa sala. Maligo lang ako saglit," sabi ko at nagmadali na akong pumunta sa kuwarto ko na katabi lang din ng kuwarto ni Sarah.

Habang naliligo, hindi ko maiwasan ang isipin si Angela. Gusto ko siyang makausap para itanong kung ok lang ba kami. 8 months na kaming magkasintahan ngunit ngayon ko lang siya nahuling nagsinungaling sa akin. Mabait si Angela kaya minahal ko siya ng lubos. Hindi siya katulad ng mga ex-girlfriend ko na masyadong demanding at maluho. Kaya nga labis akong nasasaktan sa pagsisinungaling niya sa akin.

12:30 na nang makarating kami ni Sarah sa paaralang pinapasukan namin. Ang paaralan na pag-aari ng mga magulang ni mama. May oras pa ako upang hanapin si Angela sa Department nila ngunit hindi ko siya makita. Tinawagan ko ang number niya ngunit out of coverage area. Wala akong nagawa kundi pumasok na lang muna sa klase ko.

I can not concentrate the discussion because I was thinking of Angela. I miss her. She didn't even attended worship yesterday and I can't find her now either.

What's happening to her? Iniiwasan niya ba ako?

Natapos ang araw na ito na hindi ko nakita si Angela. Hindi ko rin makontak ang number niya at wala rin akong makuhang impormasyon mula sa mga kaibigan niya.

"Huwag mong hanapin ang taong ayaw magpakita," sabi ng best friend niya na si Flor.

"What do you mean Flor?" I asked.

"Hindi pa ba obvious Paul? Ayaw kang makita ni Angela. I tried to talked to her and convince her na kausapin ka niya at sabihin ang problema niya ngunit tumanggi siya. Wala daw siyang mukhang ihaharap pa sa'yo," paliwanag ni Flor.

"Anong problema niya? Bakit niya sinasabing wala siyang mukhang ihaharap sa akin?" nagtatakang tanong ko

.

Mas maganda kung siya na lang ang kausapin mo Paul. Puntahan mo na lang siya sa bahay nila at huwag kang aalis hangga't hindi mo siya nakakausap," tugon niya at tumalikod na siya sa akin.

Naiwan akong napaisip sa sinabi ni Flor.

Kinagabihan ay pumunta nga ako sa bahay nila Angela. Hindi pa ako nakakarating sa gate nila pero natanaw ko na si Angela na nakatayo sa labas ng gate kasama si Mark. Magkaharap sila at magkahawak ang kamay. Biglang dinambol ng kaba ang aking dibdib. Pinark ko ang kotse ko malapit sa kanila at dali-daling bumaba. Ngunit pagtingin ko sa kanila ay naghahalikan na sila. Pareho pa silang nakapikit kaya hindi nila ako nakita na papalapit sa kanila.

"What is the meaning of this?" galit na tanong ko sa kanila habang nakakuyom ang mga palad ko.

Gusto kong manapak ng tao ngunit inisip kong Pastor ang papa ko kaya pinigilan ko ang sarili ko. Nakayuko lang ang bestfriend kong si Mark at si Angela ay nakatingin sa akin na para bang nakikiusap na huwag akong manggulo.

"I'm sorry Paul. It's time to tell you that I want to break up with you. Sana mapatawad mo ako dahil nahulog ako sa iba," sabi ni Angela sa malumanay na tinig.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko mula sa girlfriend ko. Ang nakakuyom kong mga palad ay unti-unting nagbukas upang hawakan ang kanyang mga kamay ngunit iniwasan niya ito.

"Ano ang nagawa kong kasalanan sa'yo para saktan mo ako ng ganito? Naging masama ba akong boyfriend para ipagpapalit mo sa best friend ko? Ano ang meron sa kanya na wala sa akin Angela?" nagsusumamo kong tanong.

"Wala kang kasalanan Paul. Ako ang may kasalanan dahil hinayaan kong mahulog sa kanya kahit na alam kong boyfriend kita. Hindi ako karapat-dapat sa'yo Paul kaya maghiwalay na lang tayo. I'm sorry pero mas mahal ko na ngayon si Mark kaysa sa'yo," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumingin ako kay Mark ngunit nanatili lang siyang nakayuko at hawak na ang kamay ni Angela. Napuno ng galit ang puso ko kaya hindi ko na napigilan ang suntukin siya sa mukha.

"Traydor ka Mark! Ginago mo ako! Ahas ka! Alam mo kung gaano ko kamahal si Angela pero palihim mo na pala siyang inaagaw sa akin. Hayop ka! Gago ka! Pinagkatiwalaan kita!" sigaw ko habang pinagsusuntok si Mark.

Hindi ko napigilan ang napamura dahil sa galit na nararamdaman ko. Nagsilabasan na ang mga kapitbahay nila Angela maging ang mga magulang at kapatid niya dahil sa pagsisigaw ko. Narinig ko pa ang sinabi ng isang kapit-bahay nila na, "Anak yan ni Pastor Dan di'ba? Bakit siya nanakit ng walang kalaban-laban? Hindi man lang siya naawa?" sabi ng isang matandang babae.

Inawat ako ng kuya ni Angela dahil hindi naman lumaban sa akin si Mark. Ang kinalabasan, ako ang naging masama. Nakita ko pa si Angela na umiiyak at alalang-alala habang pinupunasan ang mga dugo sa mukha ni Mark. Hindi ko na sila kayang panoorin pa kaya dali-dali akong tumalikod at sumakay na sa kotse ko at umalis na doon.

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko sa mata. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kaya pala wala siyang mukhang ihaharap sa akin dahil best friend ko ang pinatulan niya. Minahal ko siya ng tapat. Sabi niya mahal na mahal niya ako at gusto niya akong makasama sa pagtanda ngunit bakit nagbago? Marami kaming pangarap. Nangako kaming walang lokohan at walang iwanan. Marami kaming gustong gawin na magkasama ngunit bakit naglaho na lang bigla? Isa siyang manloloko. Bagay nga sila ni Mark dahil pareho silang manloloko. Bakit hindi ko yun napansin noon? Bakit ako nagtiwala sa kanila? Gusto kong makalimot kahit sandali.

Gusto kong magwala. Gusto kong maglasing para makalimot.

Napadpad ako sa isang bar dito sa Makati. First time kong pumasok sa bar para maglasing. Hindi ko tanggap na niloko na naman ako ng isang babae at ang masaklap kasama pa nito ang pinagkakatiwalaan kong tao. Ano bang mali sa akin na palaging naloloko ng babae? Hindi naman ako masamang tao para isipin kong karma ko ito. Hindi ko deserved ang masaktan at lokohin lang ng paulit-ulit.

"Ayaw ko na! Gusto ko nang mamatay!" sigaw ko na ikinalingon sa akin ng ibang tao sa bar.

Kahit malakas ang tugtugin at hiyawan ng mga tao sa paligid ko ay may mga nakarinig pa rin sa pagsigaw ko. Tinungga ko ulit ang isang baso ng tequila hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Related chapters

  • Destined to be Hurt   Chapter 2

    Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang mapagtanto kong ibang silid ang kinaroroonan ko. Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng katawan at ng ulo ko. Nagulat ako dahil may telang nakabalot sa aking kanang palad. Dahan-dahan akong umupo sa maliit na kama na hinihigaan ko. Nalatagan lang ito ng banig kaya siguro masakit ang aking katawan. May maliit din na mesa na nakapwesto sa tabi ng bintana at napatungan ng plastic na flower vase. Sa tabi ng mesa ay may nakasaksak na electric fan at nakatutok pa sa akin. Maliit lang ang kuwarto at halatang babae ang may-ari dahil sa kulay ng mga gamit mula sa pink na unan, bulaklaking kumot at kurtina.Ipinikit ko ang aking mata at hinimas ang ulo ko dahil kumikirot ito at parang mabibiyak na."Gising kana pala. Magsoup ka muna para mainitan ang sikmura mo at pagkatapos ay inumin mo itong gamot para gumaling ang sakit ng ulo mo," sabi ng isang babaeng hindi ko kilala.Inilapag niya ang isang bowl ng macaroni soup sa maliit na mesa at iniurong ang la

    Last Updated : 2022-08-04
  • Destined to be Hurt   Chapter 3

    Nakaparada sa tabi ng Strumm's bar & club ang kotse ko ngunit flat na ang mga gulong at basag na rin ang dalawang side mirror. Napakamot ako sa aking batok at napamura dahil sa malaking pinsala ng kotse ko."S**t. Ano ba ang nangyari kagabi bakit nagkaganito ang kotse ko? Bakit wala man lang akong naaalala?" tanong ko sa sarili ko. Ayaw ko muna sanang umuwi sa bahay ngunit kailangan ko ang tulong ng aking ama para mapaayos ang kotse ko. Binuksan ko ang aking kotse at hinanap ang cell phone ko. Nakita ko ito sa loob ng compartment at pag-open ko ay nakita ko ang 50 miscalls ni papa at 20 naman galing kay kuya Daniel, ang panganay sa aming magkakapatid. May mga messages din ngunit pag-open ko ay biglang na-empty na ang cp ko. Wala akong ibang choice kundi magtaxi na lang pauwi sa bahay. Ayaw ko man ipakita ang itsura ko sa pamilya ko dahil tiyak na pagagalitan ako ni papa ngunit wala akong ibang malapitan kundi sila lang. Wala pa kasi si Lola dito para sa kanya na lang ako hihingi ng

    Last Updated : 2022-08-04
  • Destined to be Hurt   Chapter 4

    Nagkunwari akong tulog kahit na ang totoo ay hindi talaga ako makatulog. Nararamdaman ko na hindi rin makatulog si Esther sa sahig na hinihigaan niya dahil naririnig ko ang malalakas niyang buntung-hininga.Iniisip ko kung paano ko sisimulan ang mamuhay na mag-isa. Kaya ko ba? Tawagan ko na lang siguro si Lola Aurora para humingi ng tulong. Kailangan kong maipaayos ang kotse ko na regalo pa naman sa akin ni papa noong birthday ko. Wala pang dalawang buwan nasira ko na. "Uuwi na lang siguro ako sa bahay ni Lola. Pwede naman sana akong dumeretso doon pero bakit dito ko pa naisip pumunta," sabi ng right side ng utak ko."Kasi si Esther lang ang nasa isip mo," sabi naman ng left side ng utak ko.Nababaliw na ako. Hindi ko namamalayang napapangiti na ako sa mga iniisip ko. "Alam kong gising ka pa. Pwede ba tayong mag-usap?" tanong sa akin ni Esther na ikinagulat ko. Hindi ako agad nakapagsalita.Bumangon siya at umupo sa dulo ng kama na hinihigaan ko kaya agad din akong bumangon at tuma

    Last Updated : 2022-09-07
  • Destined to be Hurt   Chapter 5

    Madilim pa nang dumating ako sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate namin maging ang pintuan ng aming bahay na halatang inaasahan ang aking pag-uwi dahil hindi ito naka-lock. Pagpasok ko sa sala ay bumungad sa akin ang nakadekwatrong si kuya Daniel. Agad na dumako ang tingin niya sa akin na para bang isa akong kaaway na biglang pumasok sa bahay niya. "Mabuti naman at sumunod ka sa utos ko. Anong nangyayari sa'yo Paul? Pinapahiya mo ako sa pinaggagawa mo," tiim-bagang sabi ni Kuya Daniel. "Ano po ba ang ginawa ko na ikinakagalit mo kuya?" nagtatakang tanong ko. "Hindi mo alam? O nagkukunwari kang inosente sa mga katarantaduhan mo," sigaw niya. "Bukod sa pambubugbog ko kay Mark wala na akong alam na ginawa kong katarantaduhan," nakasimangot kong sabi. "Panoorin mo ito," saad niya sabay abot sa akin ng cellphone niya. Kinuha ko naman ito agad at pinanood ang video na naroon. Laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili na pinagbabasag ang mga bote ng alak sa aking harapa

    Last Updated : 2022-09-11
  • Destined to be Hurt   Chapter 6

    Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital ay napapaisip ako kung makikisali ba ako sa grupo nila Frederick. Kung noon pa man ay sinusubaybayan na nila ako, ibig sabihin ay alam na rin nila ang tungkol sa panloloko sa akin ni Angela at Mark. Ngunit bakit kailangang sabihin nila na padala ako ng kalaban nila para magmanman sa kanila? May nalalaman ba sila na hindi ko alam? May ginawa kaya ako sa gabing nasa bar ako nang hindi ko nalalaman? Kailangan kong tanungin si Kuya Daniel kung may video pa siya sa mga nangyari. Marahil ay may video pa akong hindi napapanood. Takbo-lakad ang ginawa ko para makalabas agad sa hospital na iyon ngunit biglang may bumundol sa akin na isang lalaki. Muntik akong nawalan ng balance ngunit ang taong bumangga sa akin ay parang walang pakialam. Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa ginawa niya.Kunot-noo akong tumingin sa lalaki na hindi naman nag-abalang lumingon sa akin dahil nagmamadaling pumasok na isang kwarto. Ilang sandali pa ay may humahan

    Last Updated : 2022-09-18
  • Destined to be Hurt   Chapter 7

    Tumigil si Frederick sa paglalakad at ganun din sina Julius, Kier, at Kyle. Kaya tumigil din ako at tumingin sa kanila."May problema ba bro?" Nagtatakang tanong ko kay Frederick. "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo na kayo at iligtas ang mga sarili ninyo. Hindi natin sila kakayanin dahil marami sila at may mga armas sila. Kaya umiwas na lang muna tayo," seryosong sabi ni Frederick."May paparating na jeep bro, sumakay na tayo," saad ni Julius."Ok, Ready.Get set.Sakay.Pagkasabi ni Frederick ng sakay ay agad silang naglambitin sa kadarating na sasakyan. At dahil naguguluhan pa rin ako ay hindi ako nakapaglambitin ngunit humina ang takbo ng sasakyan kaya humabol ako at sumakay sa sa likuran nito. Umupo ako sa mismong pintuan nito na kung saan nakaharap ako sa labas.Kitang-kita ko ang mga kalaban namin na humabol ngunit bumilis na ang takbo ng sinasakyan naming jeep kaya tumigil din sila sa paghabol. "Woooh…Muntik na tayo dun," saad ni Kier."Bro may nakasunod pa rin. Anim sila at

    Last Updated : 2022-09-25
  • Destined to be Hurt   Chapter 8

    "Tigilan niyo na siya. Kaya lang naman siya pumunta dito dahil gusto niyang patunayan na mahal niya ako at seryoso siya sa akin. Parang awa niyo na po. Huwag niyo siyang patayin. Tama na please?" pakiusap ni Marie kay Kyle at Kier na walang tigil sa pambubugbog sa boyfriend niya.Nakamasid lang ako sa kanila habang pinagsusuntok at pinagsisipa nila ang lalaki.Lumapit sa akin si Marie at humingi ng tulong."Please tulungan mo siya. Tinulungan ka na din niya minsan kaya tulungan mo rin siya ngayon. Para sa anak namin. Buntis ako ngayon at hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya. Ayaw kong mawalan ng ama ang anak ko kaya nakikiusap ako sa'yo," pagmamakaawa niya sa akin.Nakaramdam naman ako ng awa kay Marie at sa ipinagbubuntis niya kaya nilapitan ko sina Kyle at Kier at pinatigil sila sa ginagawa nilang pananakit sa lalaki. Marunong din naman akong tumanaw ng utang na loob."Bro tama na yan. Give him one more chance to live. Para sa kabayaran ng ginawa niyang pagliligtas sa akin noon," sabi

    Last Updated : 2022-10-02
  • Destined to be Hurt   Chapter 9- part 1

    Itinakwil ako ni papa dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang pagbabago ko. Labis ang hinanakit ko sa kanya dahil sa pagpapalayas niya sa akin na wala man lang binigay na kahit ano. Maging ang cellphone ko, wallet o mga personal kong gamit ay wala.Para lang akong basang sisiw na nawawala sa gitna ng ulan na walang masilungan at walang malapitan.Ang aking mga luha ay sumasabay na sa pag-agos ng tubig-ulan habang nanginginig na ako sa lamig at nanghihina dahil sa sakit na aking nararamdaman physical at emotional.Parang gusto ko ng sumuko. Napakalaki ba ng kasalanan ko para magdusa ng ganito? Napaka unfair talaga ng buhay. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa. Bakit ako pa ang nasasaktan ng paulit-ulit, hindi lamang sa babaeng minamahal ko kundi maging sa pamilya at kaibigan ko.Hindi ko na kaya, nanghihina na ako. Hindi ko na kayang maglakad pa ng malayo para hanapin ang kapalaran ko. Sobrang sakit na ng ulo at katawan ko. Nagdidilim na ang aking paningin. Gusto ng bumigay ng

    Last Updated : 2022-10-09

Latest chapter

  • Destined to be Hurt   Chapter 18

    Tanging ugong at busina ng mga sasakyan ang naririnig namin habang kami ay nagbibyahe pabalik sa bahay. Gusto kong tanungin si Esther sa pananahimik niya ngunit mas pinili ko na lang ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong iyon ang kailangan niya. Maging si Frederick ay tahimik lang na nakamasid sa amin mula sa likuran na tila nagpipigil din magsalita.Pagdating namin sa bahay, nauna na akong lumabas sa sasakyan at sumalubong sa akin si lola na alalang-alala. "Where have you been? I told you not to go out but you disobeyed me again. Paano kung nakita ka ng mga taong gustong pumatay sa yo? Makikipaghabulan ka na naman ba kay kamatayan?" Salubong na sermon sa akin ni lola Aurora pero biglang kumunot ang noo ng mapagtantong may mga kasama ako."Who is this beautiful lady behind you? Girlfriend mo o ni Frederick?" Kunot-noong tanong niya. "Si Esther po la, bestfriend ko."Agad na nagmano si Esther kay Lola na ikinangiti naman ng huli."Kaawaan ka ng Diyos apo.""Siya ba ang dahila

  • Destined to be Hurt   Chapter 17

    "Bakit mo sinusundan si Esther? Anong binabalak mong gawin sa kanya?" Tiim-bagang na tanong ko."Wala akong binabalak na masama laban sa kanya. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya," walang kaemo-emosyong sagot niya.Umigting ang aking panga dahil sa kanyang sagot at kung wala lang sana si Esther na nakatingin sa amin ay natamaan ko na sana ito sa aking nakakuyom na kamao."Bakit mo kailangang gawin iyon? Sinong nag-utos sa yo na manmanan siya sa lahat ng galaw niya? Sino ka ba?" Kunot-noong tanong ko.Sandaling natahimik ang lalaki at yumuko na para bang may iniiwasan. Mukha naman siyang mabait at may kaya sa buhay. Dahil bukod sa branded ang mga suot ay mukhang alaga din ng skin care ang mga balat. Kahit na may edad na ay makikita mo pa rin ang kaayusan sa kanyang pananamit. "Sumagot ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa kanya ni Frederick. "Wala akong masamang intensyon sa kanya. At mas lalong walang nag-utos sa akin para sundan siya. Ako ang may gusto nun. Balak k

  • Destined to be Hurt   Chapter 16

    Sabay kaming napatingin sa pintuan nang binuksan ito ng katulong namin at nagkatinginan kaming muli ni Andrea nang bumungad sa amin si Frederick na nakangiti ngunit nang makita niya si Andrea Fae ay unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "What are you doing here?" Kunot-noong sabi niya habang nakatingin kay Andrea."It's none of your business," galit na sagot ni Andrea. "Really? If I am not mistaken, you're still in love with me Andrea, so it's still my business," he said. "Asa ka! Hindi ka kawalan sa akin mr. womanizer. Hindi ka naman kaibig-ibig. Hindi ka karapat-dapat mahalin at isa pa, ikaw din kasi yung tipo ng taong madaling makalimutan."Umigting ang panga ni Frederick at kinuyom ang mga palad niya na halatang naiinis na. Wala pa naman itong pasensya at mahina ang self control. Kaya agad na akong pumagitna sa kanila para tumigil na ang bangayan nilang dalawa."Kung mag-aaway kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis na kayo. Ayaw kong makarinig ng nag

  • Destined to be Hurt   Chapter 15

    Pansamantala akong nakalaya dahil sa pakiusap sa ni lola sa mga at pagbabayayad ng piyansa ko na mahigit 500 thousand pesos. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto at nag-iisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko ng umalingawngaw ang ringing tone ng cellphone ko na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa akin. Agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at sinagot ang new number na tumatawag."Sino to?" Kunot-noong tanong ko."Ako lang naman ang taong nakakaalam ng buong pangyayari tungkol sa pagkamatay ng babaeng waiter na sinasabing pinatay mo," sagot ng baritonong boses sa kabilang linya."What? You mean alam mong hindi ako ang pumatay sa kanya?""Yes. Dahil ako ang totoong pumatay sa kanya," sagot ng nasa kabilang linya at sinundan pa ng malakas na halakhak."Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng aking pagkakakulong. Magkita tayo! Anong kailangan mo at tumawag ka? Hindi pa ba sapat ang ibinayad sa'yo para ako ang idiniing mamatay tao?"Tumawa muna ito ng malutong bago sumagot."10 milli

  • Destined to be Hurt   Chapter 14

    "You! you are the killer! Bakit mo pinatay ang anak ko?" umiiyak na sigaw sa akin ng tatay ng babaeng namatay habang dinuduro ako."Hindi siya ang pumatay sa anaķ ninyo dahil sabay-sabay lamang kaming dumating dito," saad ni kuya Daniel habang buhat pa rin ang kamamatay na babae."Hindi? Pinagtatakpan mo lang siya pero may pruweba kami. Hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay na siya ang mamamatay tao. Siya ang nasa video na sumaksak sa anak ko," sabat naman ng ina ng namatay."Hayop ka! Dapat ikaw ang namatay," sigaw niya ay akmang susugurin ako ngunit pinigilan siya ng mga kasama naming pulis. Dahil sa video na ipinakita ng pamilya ng babaeng namatay ay pansamantala akong nakakulong ngayon dito sa Makati Police Station. Nakiusap ako sa mga barkada ko at kay kuya Daniel na huwag munang ipapaalam kay lola ang nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-aalala na naman siya. "Paano mo ngayon sosolusyonan ang gulong kinasangkutan mo?" Galit na tanong ni kuya Daniel."Alam mong hindi ko iyon

  • Destined to be Hurt   Chapter 13

    Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a

  • Destined to be Hurt   Chapter 12

    Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h

  • Destined to be Hurt   Chapter 11

    Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin

  • Destined to be Hurt   Chapter 10

    "Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status