Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
View MoreKinabukasan ay balik sa realidad ang lahat, pagkarating ni Trixie sa opisina ay parang normal lang ang takbo ng lahat. Paggawa ng mga schedule ni Dylan at pag-aasikaso sa mga naiwang dokumento na pinapareview ni Dylan sa kanya. Naging matiwasay ang maghapon na trabaho nila ni Dylan, kahit minsan ay di maiwasang nahuhuli ni Trixie si Dylan na nakatitig ito sa kanya. Iniisip ni Trixie kung totoo kaya ang lahat na pinaparamdam sa kanya ni Dylan. Sana nga ay laging ganito ang takbo ng buhay namin pero di mo talaga masasabi ang mangyayari. Habang busy sa pagtatype si Trixie sa kanyang laptop ay may di inaasahang bisita na susubok sa lahat ng mga masayang nangyayari sa kanila ni Dylan. "Excuse me, is this Dylan's office?" Isang may katangkaran na babae ang nasa harap ni Trixie, ang ganda nito at parang barbie na buhay ito sa ganda balingkinitan ang katawan. Biglang nanliit si Trixie sa sarili. Pero bago pa siya makasagot ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss niya at in
Hawak pa rin ni Dylan ang kamay ni Trixie habang nakatayo sila sa surfboard. Kahit na ang dapat niyang iniisip ay ang balanse, hindi maiwasan ni Trixie na mapansin kung gaano kainit ang palad ng lalaki—at kung paano siya nito inaasikaso nang hindi man lang nag-aalangan.Hindi makapag focus si Trixie sa pagbabalanse dahil sa mga nararamdaman niya ng mga sandali na magdikit ang katawan nila ni Dylan."Okay ka lang?" tanong ni Dylan, bahagyang nakayuko upang tingnan ang ekspresyon ni Trixie.Napalunok siya. Bakit parang ang lapit-lapit ng mukha niya?!"O-oo naman," sagot niya, kahit na pakiramdam niya ay hinahamon siya ng sariling puso na huwag mahulog.Nagbigay ng isang maliit na ngiti si Dylan bago dahan-dahang binitawan ang kamay niya. "Try mo nang mag-balance nang mag-isa."At doon siya nagkamali.Dahil sa sobrang pagtuon sa pagkawala ng hawak ni Dylan, hindi niya napansin ang paparating na alon—at bago pa siya makareact, nawalan na siya ng balanse at diretso siyang bumagsak sa tub
Sa tabing dagat....Makaraan ang ilang oras ng pagtambay sa cabana, nagdesisyon silang lumabas at maglakad-lakad sa tabing-dagat. Nasa harap si Trixie, habang si Dylan ay tahimik na naglalakad sa tabi niya, at nakatitig kay Trixie."Uy, anong iniisip mo?" tanong ni Trixie nang mapansin niyang tulala si Dylan."Ikaw."Napahinto siya. "H-Ha?!"Napangiti si Dylan. "Sabi ko, iniisip ko kung gusto mong maglaro.""Huwag kang pa-smooth talker diyan, boss!" singhal ni Trixie, pero halatang tinamaan."Anong laro naman ‘to?" dagdag niya habang pilit na pinapakalma ang sarili."Race," sagot ni Dylan, sabay turo sa isang puno malapit sa cottage. "Kung sino mauna ro’n, mananalo."Napakunot-noo si Trixie. "Aba, parang gusto kong manalo ah! May premyo ba?"Nag-isip si Dylan sandali, tapos ngumiti. "Sige, kung manalo ka, bibigyan kita ng isang wish.""Wish? Kahit ano?"Tumango si Dylan. "Oo. Pero kung ako ang manalo…"Napalunok si Trixie. "Ano?""Gagawin mo ang gusto kong ipagawa sa’yo.""Aba, parang
Sa kotse ni Dylan... Habang tahimik sila sa pagababyahe ay di mapakalai si Trixie sa trip ng boss niya, di niya alam anong nasa isip nito."Sigurado ka bang okay lang na mag-leave tayo today?" tanong ni Trixie habang nakatingin sa daan."Mmhmm," sagot ni Dylan habang nakapirmi lang ang tingin sa kalsada. "Lance is handling everything. And I need a break."Hindi alam ni Trixie kung paano siya dapat mag-react."Si Boss, gusto ng break?! Parang himala.""Hindi ba dapat ako ‘yung may say dito? Assistant mo ako," biro niya."Bakit? Ayaw mo bang makasama ako sa labas ng opisina?" sabay tingin ni Dylan sa kanya saglit, may nakakalokong ngiti.Muntik nang mabulunan si Trixie sa ka corny-han ng boss. "Hindi ko naman ‘yon sinabi!""Ah, so gusto mo akong makasama?"Napangiwi si Trixie. "Ugh, ang kulit mo!"Tawa lang ang isinagot ni Dylan, na lalo lang nagpakulo sa utak ni Trixie."Ano ba ‘tong nangyayari?! Bakit parang lumalambing ‘tong boss ko?"Sa isang beach resort sila napadpad....Pagdatin
Madilim na ang kalangitan nang umuwi si Dylan mula sa opisina. Sa buong biyahe pauwi, tila hindi siya mapakali. Puno ng emosyon ang kanyang isipan—galit, selos, at ang hindi maipaliwanag na takot. Ang tanong ni Lance ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan: "Ano bang plano mo kay Trixie?" Pagdating sa kanyang condo, dumiretso si Dylan sa mini bar na nasa tabi ng sala. Kumuha siya ng isang baso ng whisky at tinungga ito. Hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata dahil sa mga imahe ng nakaraan na biglang bumalik.FlashbackDalawang taon ang nakaraan, masaya at puno ng pagmamahal ang relasyon nina Dylan at Samantha. Isa siyang babaeng matapang, ambisyosa, at tila perpekto sa paningin ni Dylan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay unti-unting nasira nang maungkat ang tunay na intensyon ni Samantha. Ginamit lamang pala siya nito upang makuha ang koneksyon ng pamilya Montenegro sa mga investors para sa sariling negosyo nito.Nang malaman ni Dylan ang katotohanan, tila
Habang lumilipas ang mga araw, hindi maikakailang nag-iba ang ihip ng hangin sa opisina. Kahit ang mga empleyado ay napapansin ang pagbabago kay Dylan. Hindi na ito masyadong naninigaw o nagpapakita ng matinding galit. Bagama’t seryoso pa rin ito sa trabaho, mas tila approachable na siya. Lalo na tuwing kausap si Trixie, halatang may mas malalim na koneksyon ang dalawa na pilit nilang itinatago sa iba.“Alam mo, Trixie,” bulong ni Ria, isang kaopisina nila, habang nasa pantry. “Iba talaga ang aura ni Sir Dylan kapag nandiyan ka. Parang nagiging mas tao siya.”“Hala! Hindi naman,” tanggi ni Trixie habang pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang mukha.“Hmm… Sabagay, hindi naman imposible. Ikaw pa? Ang dami mong charm,” dagdag pa ni Ria na tila nang-aasar.Ngumiti na lang si Trixie, pero sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang mapaisip. Totoo nga kayang siya ang dahilan ng pagbabagong ito kay Dylan? O baka naman nagkataon lang?“Kuya,” bungad ni Lance habang pumasok sa opisina n
Tahimik na bumalik si Dylan at Trixie sa opisina matapos ang hindi inaasahang paglabas. Habang naglalakad papasok sa elevator, naramdaman ni Trixie ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan o kung dapat pa niyang tanungin si Dylan kung bakit siya ang piniling kasama nito."Sir," sabay niyang sabi bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator, "Okay lang po ba kayo?"Tumingin si Dylan sa kanya, isang tingin na parang may gusto itong sabihin ngunit hindi kayang bigkasin. "I'm fine, Trixie," sagot niya sa mababang tono.Ngunit sa likod ng salitang iyon, alam ni Trixie na may malaking bagay na bumabagabag kay Dylan.Pagbalik nila sa desk, bumalik si Trixie sa trabaho. Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa pag-aayos ng mga papeles nang dumating si Samantha sa opisina. Halata ang determinasyon sa kilos nito, na para bang may mahalagang balak sabihin.
Sa isang tahimik na restoran sa gitna ng lungsod, naganap ang isang eksenang hindi inasahan ni Trixie—ang makasama si Dylan para sa dinner. Kahit pa nasa harap nila ang masarap na pagkain, hindi pa rin niya mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng imbitasyon ni Dylan."Relax, Trixie," sabi ni Dylan habang naglalapag ng table napkin sa kanyang kandungan. "Hindi kita kakainin."Napangiti si Trixie, ngunit halatang hindi pa rin komportable. "Sorry, Sir. Hindi ko lang po kasi inasahan na mangyayari ito. Baka naman po may special occasion na hindi ko alam?"Umiling si Dylan. "Wala. Na-realize ko lang… you’ve been working hard, and you deserve a break."Hindi alam ni Trixie kung paano sasagutin iyon. Kakaibang Dylan ito—hindi ang cold at seryosong boss na kilala niya. "Salamat po," maikli niyang sagot, pilit pinipigil ang kaba.Habang kumakain, sinimulan ni Dylan ang usapan. "So, Trixie… bakit mo nga ba piniling magtrabaho sa kompanya ko?""Well…" Saglit na nag-isip si Trixie, saka ngu
Kinabukasan, masigla si Trixie habang naglalakad papasok sa opisina. May kakaiba siyang sigla kahit hindi niya lubos maintindihan kung saan ito nanggagaling. Maaga siyang pumasok upang maayos ang schedule ni Dylan, lalo na’t alam niyang medyo mabigat ang araw nito kahapon dahil kay Samantha. Pagdating niya sa desk, sinalubong siya ni Lance na tila may iniisip. "Good morning, Lance! Ang aga mo rin ah," masiglang bati ni Trixie habang inilalapag ang kanyang bag. "Good morning din," sagot ni Lance. "Trixie, may sasabihin sana ako sa’yo…" Bigla siyang napatingin kay Lance, kita ang pag-aalinlangan nito. "Ano yun? Mukha kang seryoso." Hindi pa man nakakasagot si Lance ay biglang dumating si Dylan mula sa elevator. Agad itong naglakad papasok ng opisina, pero huminto saglit sa desk ni Trixie. "Good morning," sabi ni Dylan, diretso kay Trixie. "Good morning din po, Sir," sagot ni Trixie
Sa isang lungsod na hindi natutulog, kung saan ang ilaw ng mga skyscraper ay parang mga bituin sa lupa, doon matatagpuan ang pinakamalaking negosyo ng Montenegro Corporation. Sa pinakataas na palapag ng isang modernong gusali, nakaupo si Dylan Montenegro—ang CEO na kilala hindi lamang sa kanyang husay sa negosyo kundi pati na rin sa kanyang malamig na ugali."Sir, here’s the report for the third quarter." Ang nanginginig na boses ng kanyang assistant ay tumawag sa atensyon ni Dylan.Tumango lang siya at tinanggap ang dokumento, hindi man lang binigyan ng tingin ang kawawang empleyado. Sa mundo ni Dylan, walang puwang para sa emosyon. Ang lahat ay tungkol sa resulta. Sa bawat pagkakamali, may kabayarang kabawasan sa sahod o mas malala—termination.Ngunit sa likod ng kanyang matigas na anyo, may sugat na hindi na gumaling. Labing-dalawang taon na ang nakalipas mula nang masaktan siya ng babaeng minahal niya ng buo niyang pagkatao. Mula noon, isinumpa niyang hindi na siya magtiti...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments