Home / Romance / The Ruthless BILLIONAIRE / Chapter 5: THE PAST

Share

Chapter 5: THE PAST

Author: ladyaugust
last update Last Updated: 2024-12-25 16:03:18

     Tahimik ang buong opisina habang si Samantha ay pumasok sa silid ni Dylan. Tila ang bawat empleyado ay hindi makagalaw, nangingibabaw ang kaba at pagkagulat. Si Trixie, sa kabilang banda, ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. May halong kaba, inggit, at kuryosidad. Sino ba talaga si Samantha? At ano ang dahilan ng biglaang pagdating nito?

“Sir Dylan, your visitor is here,” mahinang sabi ni Trixie nang kumatok siya sa opisina.

Tumingin si Dylan mula sa kanyang laptop, halatang hindi handa sa sinuman. Ngunit nang makita niya si Samantha, biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Napalitan ang malamig niyang aura ng pagkagulat… at kaunting sakit.

“Samantha,” halos pabulong niyang sabi.

Ngumiti si Samantha, halatang kampante sa reaksyon ni Dylan. “Hello, Dylan. Long time no see.”

Hindi agad nakasagot si Dylan. Tumayo siya mula sa kanyang upuan, halatang nag-aalangan kung lalapit o mananatili sa puwesto niya. Si Trixie, na nasa pintuan pa rin, ay tila hindi rin malaman ang gagawin.

“Miss Trixie, you can leave us now,” magiliw na sabi ni Samantha.

Hindi maipaliwanag ni Trixie kung bakit, pero parang ayaw niyang iwan si Dylan sa mga sandaling iyon. Ngunit bilang empleyado, alam niyang wala siyang karapatang manatili.

“Opo, ma’am,” sagot niya, pilit na iniitago ang kung anumang nararamdaman niya. Lumabas siya ng opisina, pero bago siya tuluyang umalis, narinig niya ang mahinang pagsara ng pinto at ang pagtawag ni Samantha kay Dylan, gamit ang tono ng isang taong matagal nang kilala ang isa’t isa.

Sa labas, hindi mapakali si Trixie. Ano ba ang pakialam niya kung may dumating na ex si Dylan? Wala naman siyang karapatan. Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, hindi niya maiwasang maapektuhan.

Sa pantry, nadatnan niya si Lani at Lance. Parehong halatang updated na sa nangyayari.

“Trixie, sino ‘yung babae na ‘yun?” tanong ni Lani habang humihigop ng kape. “Ang classy niya! Parang artista!”

“Hmph. Let me guess,” singit ni Lance na may halong biro. “Bumalik ang multo ng nakaraan ni Kuya.”

“Multo?” tanong ni Trixie, na halos hindi maitago ang kuryosidad.

Tumawa si Lance. “Si Samantha. Siya ‘yung unang babae na minahal ni Kuya. Pero bigla na lang nawala. Ang alam ko, lumipat siya abroad. Malamang, heartbreak story ito.”

Nanlaki ang mata ni Trixie. “Talaga? Bakit siya umalis?”

“Hindi ko alam ang buong detalye, pero ang sigurado ko, iniwan niya si Kuya. At base sa pagkakakilala ko kay Dylan, hindi niya iyon madaling nakalimutan.”

Hindi na sumagot si Trixie. Tumigil siya sa pag-inom ng tsaa, at sa halip, nag-isip nang malalim.

Sa loob ng opisina ni Dylan, tila bumalik ang nakaraan sa pagitan nila ni Samantha. Tahimik na nag-usap ang dalawa, ngunit halata ang tensyon sa kanilang mga mata.

“Bakit ka bumalik?” tanong ni Dylan, diretso at walang paligoy-ligoy.

“I missed you, Dylan,” sagot ni Samantha, na parang napakagaan lang ng lahat. “At na-realize kong… I made a mistake. I never should’ve left you.”

Napatingin si Dylan sa babaeng minsan niyang minahal. Ang ganda pa rin nito, walang nagbago. Pero sa puso niya, may halong sakit at galit na hindi pa tuluyang nawala.

“Samantha, alam mo ba kung gaano kahirap ang iniwan mo ako nang walang paliwanag? You disappeared, just like that.”

“Alam ko. And I’m sorry, Dylan. Pero I had to leave dahil sa pamilya ko. Hindi ko kayang sabihin sa’yo noon.”

“Kung talagang mahal mo ako, you could’ve trusted me,” malamig na sagot ni Dylan.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Si Samantha, kahit nakangiti, halata ang lungkot sa mga mata.

“Maybe I was a coward,” sagot niya sa wakas. “But I’m here now, Dylan. I want to fix things. If you’ll let me.”

Samantala, sa labas, hindi mapakali si Trixie. Hindi niya mapigilan ang sarili at sinilip nang bahagya ang loob ng opisina mula sa salamin. Nakita niya ang seryosong usapan nina Dylan at Samantha, at hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang kirot sa kanyang dibdib.

“Trixie?” biglang tawag ni Lance mula sa likod niya. “Nangangarap ka ba diyan?”

“Ha? Hindi! May inaayos lang ako,” pilit niyang sagot, bagama’t halata ni Lance na hindi siya nagsasabi ng totoo.

“Relax lang. Kung ano man ang nangyayari sa loob, hayaan mo na. Wala ka namang dapat ipag-alala,” sabi ni Lance habang nakangiti. Pero kahit anong biro ang gawin nito, alam niyang malayo ang iniisip ni Trixie.

Matapos ang halos isang oras, lumabas na si Samantha mula sa opisina ni Dylan. Nakaayos ang buhok nito at tila may sinag ng tagumpay sa mukha. Tumigil siya saglit sa mesa ni Trixie.

“Thank you for letting me in, Trixie,” magiliw nitong sabi.

“Wala pong anuman, Ma’am,” sagot ni Trixie, pilit na nagpapaka-propesyonal.

Ngumiti si Samantha at may iniabot sa kanya. Isang card na may pangalan at numero. “If you ever need anything, just call me. I’m sure we’ll be seeing each other often.”

Hindi alam ni Trixie kung ano ang ibig sabihin nito, pero tinanggap niya ang card at muling ngumiti. Nang makalabas si Samantha, napabuntong-hininga siya.

“Trixie,” tawag ni Dylan mula sa loob ng opisina.

Tumayo si Trixie at agad na pumasok. Ang bigat ng aura ni Dylan, halatang may naiwan pang tensyon sa pag-uusap nila ni Samantha.

Yes, Sir?” tanong niya.

“Tapos na ba ang reports ko?” malamig na tanong nito, tila bumalik sa pagiging matigas at walang emosyon.

Opo, Sir. Nasa email na po ninyo.”

“Good. That’s all.”

Tumango si Trixie at paalis na sana nang muli siyang tawagin ni Dylan.

“Trixie,” anito, mas mahina ang boses.

“Yes, Sir?”

“Thank you. For being professional.”

Hindi alam ni Trixie kung paano sasagutin iyon. Pero sa kanyang puso, alam niyang may ibig sabihin ang pasasalamat ni Dylan na iyon.

Habang pauwi na si Trixie, paulit-ulit niyang iniisip ang mga nangyari. Sino ba siya para makialam sa buhay ni Dylan? Pero bakit ganoon na lang ang epekto nito sa kanya? Hindi niya maiwasang isipin ang mga salitang binitiwan ni Samantha at ang lungkot sa mga mata ni Dylan.

At sa gitna ng lahat ng ito, isang bagay ang sigurado: Hindi magiging madali ang mga susunod na araw para sa kanilang dalawa.

Related chapters

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 6: Mga Sulyap at Sekreto

    Matapos ang masalimuot na pagbisita ni Samantha sa opisina, hindi mapakali si Dylan. Bumalik siya sa kanyang upuan at tumitig sa bintana, tinatanaw ang mga gusali ng lungsod. Sa bawat tingin niya, tila bumabalik ang mga alaala—mga masayang araw nila ni Samantha at ang masakit na gabing iniwan siya nito.Hindi niya mapigilang muling isipin ang sinabi ni Samantha: "I want to fix things, Dylan." Ngunit paano mo nga ba aayusin ang isang bagay na basag na?Sa kabilang banda, si Trixie…Sa pantry, tila hindi pa rin makaget-over si Trixie sa presensya ni Samantha. Nasa harapan niya ang kanyang tasa ng tsaa, pero hindi niya ito naiinom. Nakatitig lang siya sa kawalan, pilit iniintindi ang nararamdaman."Hoy, Trixie!" sigaw ni Lani habang biglang umupo sa tabi niya. "Ano na naman iniisip mo? Si boss? Or ‘yung ex niya?"Napapitlag si Trixie. "H-ha? Wala! Hindi ako interesado!""Eh bakit parang wala ka sa sarili? Halata naman eh. Ang tanong, na-insecure ka ba kay Miss Samantha?" tanong ni Lani n

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 7: Lihim na Pusong Nagtatago

    Ang opisina ay abala muli sa normal na takbo nito kinabukasan, pero may kakaibang tensyon sa hangin na tila lahat ng empleyado ay nakikiramdam. Ang pagbisita ni Samantha ay tila nag-iwan ng marka, hindi lamang kay Dylan kundi pati na rin sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Trixie.Habang abala sa pag-aayos ng mga papeles sa desk niya, napansin ni Trixie ang paparating na anino ni Lance. May dala itong kape at ang trademark na ngiti nito."Good morning, beautiful secretary!" bati ni Lance habang inilalapag ang cup ng coffee sa mesa ni Trixie.Napailing si Trixie sa tawag nito, pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ang aga-aga, Lance. Hindi pa ako gising sa mga pambobola mo.""Para kang hindi sanay," biro ni Lance, sabay umupo sa gilid ng mesa niya. "Kumusta ka kagabi? Mukhang napagod ka sa drama sa opisina kahapon."Tumaas ang kilay ni Trixie. "Ikaw? Concerned? Akala ko kasi, mas enjoy ka lang mang-asar."Natawa si Lance. "Ouch. Ganyan ba talaga tingin mo sa akin, Trixie? Pe

    Last Updated : 2024-12-26
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 8: Ang Aninong Hindi Maalis

    Sa araw na ito, tahimik ang buong opisina, ngunit ang tensyon ay tila nananatiling nakabitin sa hangin. Nasa meeting room si Dylan kasama ang mga department heads ng kumpanya para talakayin ang isang bagong proyekto. Pero sa kabila ng mga presentasyon at mga ideya, ang kanyang utak ay wala roon. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang sinabi ni Samantha kagabi.Sa labas naman ng meeting room, abala si Trixie sa pag-aasikaso ng mga papeles na kailangan ni Dylan. Pero habang ginagawa niya ito, hindi niya maiwasang mapaisip sa naging pag-uusap nila ni Samantha. “I hope you take care of Dylan,” muling bumabalik sa isip niya ang mga salitang iyon, tila bumibigat ang kanyang pakiramdam.Pagkatapos ng meeting...Mabilis na lumabas si Dylan mula sa meeting room, deretso ang lakad pabalik ng opisina. Halatang hindi siya kuntento sa mga narinig niya. "Trixie," tawag niya habang papasok sa kanyang office.

    Last Updated : 2024-12-27
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 9: Lihim na Nakatatago

    Kinabukasan, maagang dumating si Dylan sa opisina. Nakapila ang maraming meeting, pero ang pinakamahalaga sa araw niya ay ang pag-uusap nila ni Samantha. Nasa conference room na siya, hinihintay ito. Tahimik niyang iniisip kung tama ba ang desisyon niyang harapin muli ang babaeng minsan nang sinaktan ang puso niya.Nang bumukas ang pinto, pumasok si Samantha na parang laging kontrolado ang paligid. Ang kanyang maayos na postura at matamis na ngiti ay tila hindi nagbago. Pero para kay Dylan, ang presensiya nito ay parang paalala ng lahat ng sakit na dinaanan niya noon."Thank you for meeting me, Dylan," panimula ni Samantha habang naupo sa harap niya."Make it quick. Marami akong trabaho," malamig na sagot ni Dylan.Napabuntong-hininga si Samantha. "I just wanted to say sorry… again. I know it’s been years, pero hindi ko kayang mag-move on nang hindi ko inaayos ang lahat sa atin."Napatingin si Dy

    Last Updated : 2024-12-27
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 10: Ang Pusong Natutong Tumibok

    Kinabukasan, masigla si Trixie habang naglalakad papasok sa opisina. May kakaiba siyang sigla kahit hindi niya lubos maintindihan kung saan ito nanggagaling. Maaga siyang pumasok upang maayos ang schedule ni Dylan, lalo na’t alam niyang medyo mabigat ang araw nito kahapon dahil kay Samantha. Pagdating niya sa desk, sinalubong siya ni Lance na tila may iniisip. "Good morning, Lance! Ang aga mo rin ah," masiglang bati ni Trixie habang inilalapag ang kanyang bag. "Good morning din," sagot ni Lance. "Trixie, may sasabihin sana ako sa’yo…" Bigla siyang napatingin kay Lance, kita ang pag-aalinlangan nito. "Ano yun? Mukha kang seryoso." Hindi pa man nakakasagot si Lance ay biglang dumating si Dylan mula sa elevator. Agad itong naglakad papasok ng opisina, pero huminto saglit sa desk ni Trixie. "Good morning," sabi ni Dylan, diretso kay Trixie. "Good morning din po, Sir," sagot ni Trixie

    Last Updated : 2024-12-28
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 11: Ang Mga Bagong Alon ng Pagkakataon

    Sa isang tahimik na restoran sa gitna ng lungsod, naganap ang isang eksenang hindi inasahan ni Trixie—ang makasama si Dylan para sa dinner. Kahit pa nasa harap nila ang masarap na pagkain, hindi pa rin niya mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng imbitasyon ni Dylan."Relax, Trixie," sabi ni Dylan habang naglalapag ng table napkin sa kanyang kandungan. "Hindi kita kakainin."Napangiti si Trixie, ngunit halatang hindi pa rin komportable. "Sorry, Sir. Hindi ko lang po kasi inasahan na mangyayari ito. Baka naman po may special occasion na hindi ko alam?"Umiling si Dylan. "Wala. Na-realize ko lang… you’ve been working hard, and you deserve a break."Hindi alam ni Trixie kung paano sasagutin iyon. Kakaibang Dylan ito—hindi ang cold at seryosong boss na kilala niya. "Salamat po," maikli niyang sagot, pilit pinipigil ang kaba.Habang kumakain, sinimulan ni Dylan ang usapan. "So, Trixie… bakit mo nga ba piniling magtrabaho sa kompanya ko?""Well…" Saglit na nag-isip si Trixie, saka ngu

    Last Updated : 2024-12-28
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 12: MGA ALON NG NAKARAAN

    Tahimik na bumalik si Dylan at Trixie sa opisina matapos ang hindi inaasahang paglabas. Habang naglalakad papasok sa elevator, naramdaman ni Trixie ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan o kung dapat pa niyang tanungin si Dylan kung bakit siya ang piniling kasama nito."Sir," sabay niyang sabi bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator, "Okay lang po ba kayo?"Tumingin si Dylan sa kanya, isang tingin na parang may gusto itong sabihin ngunit hindi kayang bigkasin. "I'm fine, Trixie," sagot niya sa mababang tono.Ngunit sa likod ng salitang iyon, alam ni Trixie na may malaking bagay na bumabagabag kay Dylan.Pagbalik nila sa desk, bumalik si Trixie sa trabaho. Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa pag-aayos ng mga papeles nang dumating si Samantha sa opisina. Halata ang determinasyon sa kilos nito, na para bang may mahalagang balak sabihin.

    Last Updated : 2024-12-29
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 13: Mga Pagbabago at Pag-aalinlangan

    Habang lumilipas ang mga araw, hindi maikakailang nag-iba ang ihip ng hangin sa opisina. Kahit ang mga empleyado ay napapansin ang pagbabago kay Dylan. Hindi na ito masyadong naninigaw o nagpapakita ng matinding galit. Bagama’t seryoso pa rin ito sa trabaho, mas tila approachable na siya. Lalo na tuwing kausap si Trixie, halatang may mas malalim na koneksyon ang dalawa na pilit nilang itinatago sa iba.“Alam mo, Trixie,” bulong ni Ria, isang kaopisina nila, habang nasa pantry. “Iba talaga ang aura ni Sir Dylan kapag nandiyan ka. Parang nagiging mas tao siya.”“Hala! Hindi naman,” tanggi ni Trixie habang pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang mukha.“Hmm… Sabagay, hindi naman imposible. Ikaw pa? Ang dami mong charm,” dagdag pa ni Ria na tila nang-aasar.Ngumiti na lang si Trixie, pero sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang mapaisip. Totoo nga kayang siya ang dahilan ng pagbabagong ito kay Dylan? O baka naman nagkataon lang?“Kuya,” bungad ni Lance habang pumasok sa opisina n

    Last Updated : 2025-01-01

Latest chapter

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 14: Ang Kirot ng Nakaraan

    Madilim na ang kalangitan nang umuwi si Dylan mula sa opisina. Sa buong biyahe pauwi, tila hindi siya mapakali. Puno ng emosyon ang kanyang isipan—galit, selos, at ang hindi maipaliwanag na takot. Ang tanong ni Lance ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan: "Ano bang plano mo kay Trixie?" Pagdating sa kanyang condo, dumiretso si Dylan sa mini bar na nasa tabi ng sala. Kumuha siya ng isang baso ng whisky at tinungga ito. Hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata dahil sa mga imahe ng nakaraan na biglang bumalik.FlashbackDalawang taon ang nakaraan, masaya at puno ng pagmamahal ang relasyon nina Dylan at Samantha. Isa siyang babaeng matapang, ambisyosa, at tila perpekto sa paningin ni Dylan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay unti-unting nasira nang maungkat ang tunay na intensyon ni Samantha. Ginamit lamang pala siya nito upang makuha ang koneksyon ng pamilya Montenegro sa mga investors para sa sariling negosyo nito.Nang malaman ni Dylan ang katotohanan, tila

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 13: Mga Pagbabago at Pag-aalinlangan

    Habang lumilipas ang mga araw, hindi maikakailang nag-iba ang ihip ng hangin sa opisina. Kahit ang mga empleyado ay napapansin ang pagbabago kay Dylan. Hindi na ito masyadong naninigaw o nagpapakita ng matinding galit. Bagama’t seryoso pa rin ito sa trabaho, mas tila approachable na siya. Lalo na tuwing kausap si Trixie, halatang may mas malalim na koneksyon ang dalawa na pilit nilang itinatago sa iba.“Alam mo, Trixie,” bulong ni Ria, isang kaopisina nila, habang nasa pantry. “Iba talaga ang aura ni Sir Dylan kapag nandiyan ka. Parang nagiging mas tao siya.”“Hala! Hindi naman,” tanggi ni Trixie habang pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang mukha.“Hmm… Sabagay, hindi naman imposible. Ikaw pa? Ang dami mong charm,” dagdag pa ni Ria na tila nang-aasar.Ngumiti na lang si Trixie, pero sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang mapaisip. Totoo nga kayang siya ang dahilan ng pagbabagong ito kay Dylan? O baka naman nagkataon lang?“Kuya,” bungad ni Lance habang pumasok sa opisina n

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 12: MGA ALON NG NAKARAAN

    Tahimik na bumalik si Dylan at Trixie sa opisina matapos ang hindi inaasahang paglabas. Habang naglalakad papasok sa elevator, naramdaman ni Trixie ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan o kung dapat pa niyang tanungin si Dylan kung bakit siya ang piniling kasama nito."Sir," sabay niyang sabi bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator, "Okay lang po ba kayo?"Tumingin si Dylan sa kanya, isang tingin na parang may gusto itong sabihin ngunit hindi kayang bigkasin. "I'm fine, Trixie," sagot niya sa mababang tono.Ngunit sa likod ng salitang iyon, alam ni Trixie na may malaking bagay na bumabagabag kay Dylan.Pagbalik nila sa desk, bumalik si Trixie sa trabaho. Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa pag-aayos ng mga papeles nang dumating si Samantha sa opisina. Halata ang determinasyon sa kilos nito, na para bang may mahalagang balak sabihin.

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 11: Ang Mga Bagong Alon ng Pagkakataon

    Sa isang tahimik na restoran sa gitna ng lungsod, naganap ang isang eksenang hindi inasahan ni Trixie—ang makasama si Dylan para sa dinner. Kahit pa nasa harap nila ang masarap na pagkain, hindi pa rin niya mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng imbitasyon ni Dylan."Relax, Trixie," sabi ni Dylan habang naglalapag ng table napkin sa kanyang kandungan. "Hindi kita kakainin."Napangiti si Trixie, ngunit halatang hindi pa rin komportable. "Sorry, Sir. Hindi ko lang po kasi inasahan na mangyayari ito. Baka naman po may special occasion na hindi ko alam?"Umiling si Dylan. "Wala. Na-realize ko lang… you’ve been working hard, and you deserve a break."Hindi alam ni Trixie kung paano sasagutin iyon. Kakaibang Dylan ito—hindi ang cold at seryosong boss na kilala niya. "Salamat po," maikli niyang sagot, pilit pinipigil ang kaba.Habang kumakain, sinimulan ni Dylan ang usapan. "So, Trixie… bakit mo nga ba piniling magtrabaho sa kompanya ko?""Well…" Saglit na nag-isip si Trixie, saka ngu

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 10: Ang Pusong Natutong Tumibok

    Kinabukasan, masigla si Trixie habang naglalakad papasok sa opisina. May kakaiba siyang sigla kahit hindi niya lubos maintindihan kung saan ito nanggagaling. Maaga siyang pumasok upang maayos ang schedule ni Dylan, lalo na’t alam niyang medyo mabigat ang araw nito kahapon dahil kay Samantha. Pagdating niya sa desk, sinalubong siya ni Lance na tila may iniisip. "Good morning, Lance! Ang aga mo rin ah," masiglang bati ni Trixie habang inilalapag ang kanyang bag. "Good morning din," sagot ni Lance. "Trixie, may sasabihin sana ako sa’yo…" Bigla siyang napatingin kay Lance, kita ang pag-aalinlangan nito. "Ano yun? Mukha kang seryoso." Hindi pa man nakakasagot si Lance ay biglang dumating si Dylan mula sa elevator. Agad itong naglakad papasok ng opisina, pero huminto saglit sa desk ni Trixie. "Good morning," sabi ni Dylan, diretso kay Trixie. "Good morning din po, Sir," sagot ni Trixie

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 9: Lihim na Nakatatago

    Kinabukasan, maagang dumating si Dylan sa opisina. Nakapila ang maraming meeting, pero ang pinakamahalaga sa araw niya ay ang pag-uusap nila ni Samantha. Nasa conference room na siya, hinihintay ito. Tahimik niyang iniisip kung tama ba ang desisyon niyang harapin muli ang babaeng minsan nang sinaktan ang puso niya.Nang bumukas ang pinto, pumasok si Samantha na parang laging kontrolado ang paligid. Ang kanyang maayos na postura at matamis na ngiti ay tila hindi nagbago. Pero para kay Dylan, ang presensiya nito ay parang paalala ng lahat ng sakit na dinaanan niya noon."Thank you for meeting me, Dylan," panimula ni Samantha habang naupo sa harap niya."Make it quick. Marami akong trabaho," malamig na sagot ni Dylan.Napabuntong-hininga si Samantha. "I just wanted to say sorry… again. I know it’s been years, pero hindi ko kayang mag-move on nang hindi ko inaayos ang lahat sa atin."Napatingin si Dy

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 8: Ang Aninong Hindi Maalis

    Sa araw na ito, tahimik ang buong opisina, ngunit ang tensyon ay tila nananatiling nakabitin sa hangin. Nasa meeting room si Dylan kasama ang mga department heads ng kumpanya para talakayin ang isang bagong proyekto. Pero sa kabila ng mga presentasyon at mga ideya, ang kanyang utak ay wala roon. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang sinabi ni Samantha kagabi.Sa labas naman ng meeting room, abala si Trixie sa pag-aasikaso ng mga papeles na kailangan ni Dylan. Pero habang ginagawa niya ito, hindi niya maiwasang mapaisip sa naging pag-uusap nila ni Samantha. “I hope you take care of Dylan,” muling bumabalik sa isip niya ang mga salitang iyon, tila bumibigat ang kanyang pakiramdam.Pagkatapos ng meeting...Mabilis na lumabas si Dylan mula sa meeting room, deretso ang lakad pabalik ng opisina. Halatang hindi siya kuntento sa mga narinig niya. "Trixie," tawag niya habang papasok sa kanyang office.

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 7: Lihim na Pusong Nagtatago

    Ang opisina ay abala muli sa normal na takbo nito kinabukasan, pero may kakaibang tensyon sa hangin na tila lahat ng empleyado ay nakikiramdam. Ang pagbisita ni Samantha ay tila nag-iwan ng marka, hindi lamang kay Dylan kundi pati na rin sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Trixie.Habang abala sa pag-aayos ng mga papeles sa desk niya, napansin ni Trixie ang paparating na anino ni Lance. May dala itong kape at ang trademark na ngiti nito."Good morning, beautiful secretary!" bati ni Lance habang inilalapag ang cup ng coffee sa mesa ni Trixie.Napailing si Trixie sa tawag nito, pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ang aga-aga, Lance. Hindi pa ako gising sa mga pambobola mo.""Para kang hindi sanay," biro ni Lance, sabay umupo sa gilid ng mesa niya. "Kumusta ka kagabi? Mukhang napagod ka sa drama sa opisina kahapon."Tumaas ang kilay ni Trixie. "Ikaw? Concerned? Akala ko kasi, mas enjoy ka lang mang-asar."Natawa si Lance. "Ouch. Ganyan ba talaga tingin mo sa akin, Trixie? Pe

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 6: Mga Sulyap at Sekreto

    Matapos ang masalimuot na pagbisita ni Samantha sa opisina, hindi mapakali si Dylan. Bumalik siya sa kanyang upuan at tumitig sa bintana, tinatanaw ang mga gusali ng lungsod. Sa bawat tingin niya, tila bumabalik ang mga alaala—mga masayang araw nila ni Samantha at ang masakit na gabing iniwan siya nito.Hindi niya mapigilang muling isipin ang sinabi ni Samantha: "I want to fix things, Dylan." Ngunit paano mo nga ba aayusin ang isang bagay na basag na?Sa kabilang banda, si Trixie…Sa pantry, tila hindi pa rin makaget-over si Trixie sa presensya ni Samantha. Nasa harapan niya ang kanyang tasa ng tsaa, pero hindi niya ito naiinom. Nakatitig lang siya sa kawalan, pilit iniintindi ang nararamdaman."Hoy, Trixie!" sigaw ni Lani habang biglang umupo sa tabi niya. "Ano na naman iniisip mo? Si boss? Or ‘yung ex niya?"Napapitlag si Trixie. "H-ha? Wala! Hindi ako interesado!""Eh bakit parang wala ka sa sarili? Halata naman eh. Ang tanong, na-insecure ka ba kay Miss Samantha?" tanong ni Lani n

DMCA.com Protection Status